webnovel

IMAHE NANG ISIPAN

Mga kathang pangyayari sa aking isipan, animoy totoong kaganapan.

Sa panaginip koy ika'y aking hinahawakan, pero iba yung nasa larawan

Nais ko sanang maliwanagan, kong gaano ka tunay itong nararadaman.

Subalit marami akong gustong malaman, ikaw na palaging nariyan.

Sinisipat kita't aking pinagtatanto, na sana ako taong sasalo.

Hindi ko alam kong saan patungo, kong sakaling ika'y lalayo.

Minabuti kong sayo mag biro, basta't sayo'y wag mag laro.

Sa ugali kong hindi basta bastang sumosuko, kahit na gaano ka labo.

Ipapakita kong kaya magtiis, huwag lang akong pumintis.

Kasama mo ako sa bawat hinagpis, gagawa tayo ng mga alaalang matamis.

Susoyuin ka kapag ika'y naiinis, hinding hindi ako magsasawa ng mabils.

Iisa lang naman ang aking ninanais, yung mahagkan kita nang labis.

Pariramdam nang meron kang niyayakap, kahit gaano pa man ka bigat ang kaharap.

Mananatiling nasa tabi mo gaano man ito kahirap, titignan nating dal'wa ang ganda ng alapaap.

Panahong kailangan mo ng kausap, katanungan mo sa iyong sariling hindi mahanap.

Gagabayan kita kahit gaano kailap, sabay nating aabutin bawat nating pangarap.

Saan ka man mag lakbay, asahan mong palagi akong nakabantay.

Palagi akong sayo'y maghihintay, kong dumating man sa puntong kelangan mo ng karamay.

Nandito lang ako palaging nakaantabay, hanggang dumating yong panahon tayong dalawa'y maging bagay.

Pipilitin kong sayo'y wag mahiwalay, tandaan mo palaging ako'y iyong kasabay.

Iisipin ko palagi walang iba sayong maaring pumalit, hindi ko rin naman gagawin na ika'y mapilit.

Maraming tumatakbo sa utak kong mga katanungan subalit,

ngunit hindi yon hadlang upang ika'y aking makamit.

Dahan dahan kong nauunawaan nang paulit ulit, hindi ko naman kayang sayo'y magalit.

Alam ko sa sarili ko gusto kitang sa akin ay mapalapit, kahit pa man ako'y nakapikit.

Makasama ka sa aking panalangin, alam mo man o hindi sayo ako'y may pagtingin.

Magmukha man akong mistulang hangin, ikaw at ikaw parin ang aking pipiliin.

Masunod ko lang kong ano yong sigaw nitong damdamin, princesa kita at ako yung alipin.

Tamis ng iyong ngiti na parang bituin, taglay mong kagandahan sa harap nang salamin.

Darating din itong aking hinihiling, sa paglipas nang panahon ikay aking makapiling.

Yung tayong dal'wa punong puno ng lambing, na masaya tayo kahit sa mumunting piging.

Wala tayong alaalang ililibing, hindi natin hahayaan sa isa't isa'y atensyo'y mabaling.

Na ikaw na mismo sa akin magsasabing, kasama mo ako amo man ating marating.

Gaano pa man kahirap maniwala, walang dahilan para ako'y magsamantala.

Iingatan kita tulad nang isang diwata, malaman mo lang ang tunay sadya.

Ako'y bigyan ng tiwala, pangakong hindi ko iyon iaaksaya.

Marahil ito'y iyong ipagtaka, subalit totoo lahat nang aking ipinapakita.

Ibubuhos ko nang musmos, ang sarili kong mga utos.

Malagutan man o ma kapos, huwag lang akong manglimos.

Sarili kong kakayahan hinding hindi basta mauubos, ikaw naman itong pinaglalaanan ko ng lubos.

Sisikapin ko na maging maayos, yung tayong dalawang magkasamang halos.

Hinding hindi kita pakakawalan, alam ko naman kong paano kita aalagaan.

Sa paraan na iyong magugustuhan, uunawain kita't pwede mo rin akong sandalan.

Kong sakaling ika'y luhaan, nandito lang ako papawiin ko lahat nang iyong kalungkutan.

Dadamayan ka sa panahong akala mong hindi ka nauunawaan.

Patuloy akong na sa tabi mo, at paulit ulit ko yong ipaparamdam sayo.

Kong gaano ka ka espesyal na tao, sa tulad ko.

Ganito lang talaga ako, gusto kong malaman mo yong totoo

Napakahalaga nang ikaw sa mundo ko, at yun ang pinangiingatan ko sa tanang buhay ko❤️