webnovel

Marupok ako

MASAYANG nagtatawanan ang mga residents habang nagpupulong sa lounge area. Nakaupo si Nadia at Riko sa bean bags na nasa lapag habang nasa couch si Mother Theresa, Paps at si Joey na panay kain ng tsitsirya. Kasalukuyan silang naglalaro ng 'Jenga.' Mayroon itong fifty four pieces na wooden blocks. Pagpapatung-patungin ang mga ito hanggang sa makabuo ng tower. Huhugot ang bawat ng players ng tig-isang wooden block. Hindi dapat masisira ang tower. Ang magkamali ay may consequence na makakatikim ng isang pitik sa mukha mula sa bawat players na kasali.

Buong focus si Nadia habang maingat na hinuhugot ang isang block sa bandang gitna. Bawat mata ay nakaabang kung magkakamali siya.

"Oh, oh, konti pa, Nadia, oh, oh!" Tila batang nagchi-cheer si Riko sa kanyang tabi.

Pigil hininga na hinugot niya ang wooden block. Bahagyang gumalaw ang tower at lahat ay nakaabang kung tuluyan itong magigiba pero laking pasalamat ni Nadia na nanatili itong matatag.

"Yes!" Sabay silang sumigaw ni Riko at nag-high five.

"Ikaw naman, Paps!" Turo niya. Mula sa couch ay bumaba sa sahig si Paps. Kiniskis-kiskis ang dalawang palad at naghanap ng magandang pwesto.

"I won't lose with you girls," anito.

Samantala, kakalabas lang ni Jace ng mens bathroom at pabalik na sana siya sa lounge area nang 'di sinasadyang narinig niya ang nurse na si Micka habang may kausap ito sa cellphone. Nakatayo ito sa madilim na parte ng pasilyo.

"Yes, ma'am. Sinunod ko na po ang utos niyo. Nilagyan ko ng liquid ecstacy ang iniinom niyang juice. In a few hours eepekto na ang gamot."

Napakunot ang noo ni Jace. Umatras siya pabalik sa loob, nagtago saka pasimpleng sumilip.

Liquid ecstacy? Sino ang gusto nitong i-droga at bakit may ipinagbabawal na gamot itong hawak gayong nagta-trabaho ito sa loob ng rehabilitation? Paano 'yun nakalusot? Higit sa lahat, sino ang nag-u-utos dito?

Binaba ni Micka ang cellphone. Umikot ang ulo sa paligid upang siguraduhin na walang nakarinig sa kanya. Binulsa nito ang gadget at naglakad paalis. Nang tuluyang makalayo ay saka lang lumabas si Jace sa pinagtataguan at naniningkit ang mga mata na sinundan ito ng tingin. Something is fishy. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa narinig.

Bumalik na siya sa lounge area kung nasaan ang lahat. Matapos ang kalahating oras ay nag-ayaan ng matulog dahil pasado alas otso na ng gabi at 8:30pm ay curfew na nila upang magpahinga sa kani-kanilang dormitory.

"Good night, ladies, I enjoyed the game." Paalam ni Paps. Kasunod nito sa Joey na hanggang ngayon ay ngumunguya pa rin. Binatukan niya ito. "Bata, gabi na, kanina ka pa kumakain hindi ba nangangawit 'yang panga mo?"

Namimilog ang mata na tinignan siya ni Joey. "Hin. . . . . . . . . . . ."

"Oo na, oo na, wag ka na sumagot." Ginulo ni Paps ang buhok nito sabay inakbayan. "Oh, Jace, tara na!"

Lumingon si Jace. "Mauna na kayo, Paps." Kumibit balikat lang ito at naglakad paalis akay si Joey.

Sunud naman na nagpaalam si Mother Theresa. "Mauna na ako sa inyo."

"Good night po, Mother." Paalam ni Nadia habang nililigpit ang mga board games na nilaro nila. Hiniram lang nila ito sa library kaya ibabalik niya pa mga 'yon. May bantay naman 'dun na pwede niyang pag-iwanan. Nangako kasi siya kay Ate Susan—ang bantay sa library—na ibabalik niya rin agad pero dahil napasarap sila sa paglalaro kung kaya't hindi na nila namalayan ang oras.

"Uhm, Nadia. Di na kita masasamahan ibalik 'yan mga 'yan sa library kailangan ko na kasing magbanyo at tinatawag na ako ni Mother Earth!" hindi mapakaling sabi ni Riko habang hawak ang nanakit na tiyan.

Natawa si Nadia sa itsura nito na mukhang malapit nang bumigay. "Sige na, tumakbo ka na sa comfort room at dun mo na pasabugin ang bomba."

"Sige! Bye! Good night, Jace pakitulungan na lang si Nadia!" Tinapik nito ang balikat ng binata saka kumaripas ng takbo habang sapo-sapo ang pwetan.

Pinagpatuloy naman ni Nadia ang paglilipit. Tinulungan siya ni Jace na buhatin ang ibang box pero tumangi siya. "Kaya ko na ito. Matulog ka na."

Pero kinuha pa rin nito ang kahon ng dalawang board games. "Di ko naman kailangan ng permiso mo para dalhin ito sa library."

Pinagmasdan niya ito gamit ang seryosong mukha at hindi naman ito nagpatinag. Nagpabalik-balik ang tingin niya kay Jace at sa mga board games. Marami na din siyang bitbit at 'di niya kakayanin na dalhin lahat. Malayo-layo din ang library at aabutin pa siya ng siyam-siyam kung magpapabalik-balik siya.

Bumuntong hininga si Nadia. "Kay, fine." Saka naglakad paalis ng lounge.

Lihim na ngumisi naman si Jace. Sasamantalahin na 'din niya ang pagkakataon na silang dalawa lang upang makahingi ng sorry kay Nadia. Agad siyang humakbang upang sumunod. Natanaw niyang may tinapon ito na bottled juice sa basurahan. Napatingin siya dun nang madaan niya. Wala na 'yun laman. Paglingon niya sa unahan ay nakalayo na si Nadia kaya nagmadali na siyang naglakad upang makasabay sa dalaga.

Madilim na ang buong center dahil oras na ng pagtulog. May iilang mga bukas na ilaw sa hallway pero ang mga bintana ng bawat palapag ay madilim. Nakabibingi rin ang katahimikan habang malamig ang simoy ng hangin. Isa sa kinaganda ng Love and Hope ay itinayo ito sa mataas na area sa Tagaytay na napaliligiran ng bundok. Kung kaya naman relaxing para sa mga residents dahil malayo sila sa gulo at ingay ng siyudad at nakakatulong iyon sa therapy ng bawat isa.

Tahimik lang ang dalawa habang naglalakad. Humahanap lang ng magandang bwelo si Jace. Ilang sandali pa at tumikhim siya ng dalawang beses. "Nadia."

Pero hindi siya nito pinansin at diretso lang sa paglalakad. Hindi siya sumuko at humugot ulit ng hangin sa dibdib. "Nadia, gusto ko sanang mag-sorry sa nangyari last time."

Wala pa rin siyang nakuhang sagot dito. Bumagal ang paglalakad ni Nadia hanggang sa napansin niyang gumegewang na ito. Napakunot ang noo niya. Nalaglag ang mga dala nitong board games sa sahig at napahawak sa ulo sabay natumba. Buti na lang at mabilis ang reflexes niya kaya't agad niya itong nasalo sa bewang gamit ang isang braso.

"Hey, okay ka lang?"

Umungol si Nadia habang sapo-sapo ang ulo. "N-nahihilo a-ako."

Inalalayan niya itong makaupo sa pinakamalapit na bench sa gilid ng hallway. "Dito ka lang, kukuha ako ng tubig."

Iniwan niya si Nadia at nagmadaling nagpunta sa boys dormitory dahil sarado na ang dining area. Kumuha siya ng bottled water sa loob ng locker niya at tumakbo pabalik sa kinaroroonan nito. Naabutan niya itong nakahiga na sa bench habang natatakpan ng mahaba nitong buhok ang mukha.

"Nadia, drink this." Inalalayan niya itong umupo ng maayos at sinandal sa balikat niya. Para itong lantang gulay at panay ang pag-ungol nito. Binuksan niya ang bottled water. Kinuha ang mukha nito upang painumin. Ininom naman nito ang tubig at sa sobrang uhaw nito ay naubos agad nito ang laman.

"G-gusto ko pa, I'm so thirsty."

"Ha? Kulang pa?" Pumalatak si Jace. Dapat pala ay dinamihan na niya ang kuha ng tubig. Inalalayan niya ulit ito nang mapagmasdan niya ang mukha nito. Groggy na nakatingin lang sa kanya si Nadia pero may napansin siyang kakaiba sa mga mata nito.

Sinapo niya ang magkabilang pisngi ni Nadia at tinitigan mabuti ang mga mata. Her pupils are bigger. Agad siyang kinabahan. Hinawakan niya ang parehong kamay nito at sobrang lamig niyon.

"Anong nararamdaman mo ngayon?"

Panay ang galaw ng labi nito na tila nangigigil. Isang mannerism na alam na alam ni Jace kung anu ang ibig sabihin. "It's h-hot, nauuhaw ako."

Napamura siya. Naalala niya ang bottled juice na tinapon nito sa basurahan at ang narinig niya na pinaguusapan ni Micka sa telepono. All the signs are accurate. Nadia was drugged!

Pinulupot ni Nadia ang dalawang braso sa batok niya at siniksik ang sarili sa kanyang leeg. Panay ang pag-ungol nito. "Jace. . . I feel h-hot."

Napalunok ng madiin at mabagal si Jace dahil ramdam niya ang init ng hininga nito sa kanyang balat dahilan upang magsimula nang magwala ang mga raging cells niya sa katawan.

Liquid ecstacy is also known in the black market as 'sex drug' dahil tumataas ang sex drive ng kahit sinong nakakainum nito. Madalas itong ginagamit upang mas maging masarap ang pagtatalik or in most cases ay ginagamit din ito ng mga mapagsamantalang tao upang mang-biktima ng mga babae sa club that can lead to sexual harrasment or worst, r*pe. Kahit isang patak lang ng liquid ecstacy ay malakas na ang epekto.

"Nadia, you're not in a proper condition now." His voice sounded hoarse and pained because of their provacative and dangerous situation. Isa itong malaking red alert at nag-iingay na ang bumbero ni Raffy dahil nagtatawag ito ng aksyon.

"Uhhh, Jace. . ." umungol ulit ito at napamura siya ng malakas nang simulang halikan ni Nadia ang leeg niya. Napapikit at kagat labi si Jace habang hinuhugot niya ang lahat ng super powers na taglay para lang manatiling matino ang pag-iisip. He needs to battle his inner demon and refused the desirable sweet feast in front of him.

"Jace, kalma. . . kalma ka lang. . . Atapang atao ka, Jace." Tila baliw na kinausap na niya sa sarili. "Kalma ka lang… isa kang tunay na lalaki. Matibay at matatag. Subok at walang inuurangan, walang pinoprotektahan, prinsipyong totoo lang—HOLY SHIT, NADIA!"

Halos mapatalon siya nang pinasok ni Nadia ang kamay nito sa loob ng tshirt niya at hinaplos-haplos ang matigas niyang abs. Gumuguho na ang prinsipyo niya. Mabilis na gumising si Raffy boy at ramdam niya ang matinding paninikip ng pantalon. Oh boy, this not good.

Patuloy sa paglingkis si Nadia sa katawan niya na tila ahas na nanunuksong manuklaw. Dinikit ni Nadia ang bibig nito sa tenga niya at napakaseksing bumulong. "Jace, please, touch me…"

"Putangina, Nadia 'wag kang ganyan marupok ako."

Halos tawagin na niya ang lahat ng santo sa biblia at i-recite ang buong novena. Kailangan niya ng matibay na panglaban upang hindi tuluyang magiba ang kanyang prinsipyong matibay at matatag. He's maybe a playboy but he will never take advantage a woman's vulnerability.

Pero talagang mas malakas ang kapangyarihan ng tukso at sinusubok ang pananampalataya niya. Gumapang ang maliliit at nakakaliting halik ni Nadia sa kanyang panga at leeg habang bumaba naman ang palad nito papasok sa loob ng pantalon niya.

"Nadia please, please, wag Nadia. . ."

"Don't you find me attractive?" She seductively whispered in his ears while giving him butterfly kisses. Literal na tumitirik na ang mata niya at napapangiti sa ligaya.

Alam niyang wala lang ito sa katinuan ang at nasa ilalim ng impluwensya ng droga. Hindi nito alam kung anu ang sinasabi. Pero tao lang siya at may kahinaan. Perfect lang siya sa kagwapuhan at kaseksihan pero hindi siya perkpeto pagdating sa moralidad. Kaya't kung hindi pa ito titigil ay baka tuluyang masira ang prinsipyo niya bilang lalaki.

"Damn, baby, you're the most attractive woman I ever met. You have no idea how many nights I had dream to be inside you and fuck you with all my heart and soul. But, baby, wala ka sa sarili mo and I don't want to take advantage of you. I respect you."

She giggled like a little girl. "Baby, you just had turned me on with what you said." Bigla itong umupo sa ibabaw ng hita niya. Nanlaki ang mata ni Jace at halos lumuwa pa mga 'yon nang sinimulan nitong maghubad.

"Holy shit! Nadia, stop!" Pinigilan niya ito pero hindi ito nagpaawat at tuluyang natangal ang tshirt.

Nagtaas baba ang adams apple ni Jace nang tumambad sa harapan niya ang pinakamagandang biyaya ng langit. Mukhang may ginawa siguro siyang mabuti noong past life niya at umaapaw ang blessing niya ngayon.

Nadia was wearing a laced and baby pink bra. May maliit pa itong ribbon sa gitna. Her mountains shaped like a two beautiful and yummy peaches. Her skin was smooth and soft. Pakiramdam niya kinakausap siya ng dibdib ni Nadia at nanunukso na ingudngod na niya ang mukha sa pagitan ng mga ito.

Kinuha ni Nadia ang dalawang kamay niya at ginayak sa magkabila nitong dibdib pero ginamit ni Jace ang lahat ng super powers niya upang pigilan ang sarili. Isang pulgada na lang ang distansya ng dalawa niyang nakabukang palad upang mahawakan at nakakaakit, malambot at nakakapaglaway nitong beautiful yummy peaches. Every nerves in his body are itching to grab the mind blowing opportunity to have a taste of the sweetest heaven. Jesus Christ!

Pareho silang nagtatagisan ng lakas dahil pinipilit ni Nadia na hawakan niya ang beautiful yummy peaches nito. But no! He maybe likes her so much pero hindi sa ganitong paraan niya gustong maka-sexy time ang babae.

"Nadia, stop!" Patuloy silang nagtagisan ng lakas hanggang sa biglang dumulas ang kamay ni Nadia at napabitaw sa mga kamay niya. Nawalan ito ng balanse at nalaglag sa sahig.

"Nadia!" Nanlaki ang mata niya at agad nilapitan ang dalaga. Lumuhod siya sa tabi nito.

"Nadia? Nadia?" Marahang tinapik niya ito sa pisngi. Nakapikit na ang ito at nawalan ng malay. Inalalayan niya ito at sinandal sa dibdib. Doon lang siya nakahinga ng maluwag matapos ang nakakasira ng bait na pangyayari.

Napailing na lang siya at bumuntong hininga. Dinampot niya ang tshirt nito, binihisan, saka pinangko. Dinala niya ito sa females dormitory at hiniga sa kama nito. Kinumutan niya ito, inayos ang unan at nanatili sa gilid ng kama. Hindi muna siya umalis. Baka mamaya ay magising ulit ito at gumawa na naman ng milagro.

Tahimik niya lang na pinagmamasdan ang natutulog na mukha ni Nadia. Kung pagmamasdan ay para itong anghel na mabait. Ni wala sa itsura na kanina lang ay inakit siya nito na gumawa ng kasalanan.

Jace sighed heavily. He rested his cheeks on his palm while he was watching her sleep soundlessly like a baby. There's something about looking at her face that gave him a sort of peace that he wasn't able to experience for the past years. He can't fully comprehend yet, but Nadia appears like the only drug in this world he will never resist. He slowly smiled.

"Nadia, utang na loob. 'Wag na 'wag mo nang gagawin ulit 'yun dahil sa susunod papatulan na talaga kita," mahinang bulong niya.

Hehehe. Labyu, Jace! Na-enjoy niyo ba ang updates? :) Pa-vote po ng POWERSTONES at penge na rin ng REVIEW! Salamuch! :)

AnjGeecreators' thoughts
Next chapter