ACE
"Mama, pupunta pala rito sila Clark mamaya. Mag-iinuman kami."
Napatingin ako kay Ben sa tabi ko.
"Anong oras?" tanong ni tita at naupo na matapos ilapag at inilutong almusal.
"Mga 9 PM po siguro."
"O sige. Basta huwag masyado maglalasing. At huwag masyado maingay para hindi maistorbo itong pinsan mo."
"Wala pong problema sa akin, tita," mabilis kong sabat. Minsan lang naman magsaya sat mag-imbita ng kaibigan si Ben. Sulitin na niya. Linggo naman bukas at wala silang pasok kaya okay lang na magwalwal sila mamayang gabi.
"Thanks, Ace." Nginitian ako ni Ben. Tangina. Napakagwapong nilalang talaga nito. Kung hindi ko lang pinsan ito, niyaya ko nang maging boyfriend ito. "Don't worry. Wala si Avi mamaya," bulong niya.
Hindi na ako sumagot. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain.
Nang matapos ay umakyat ako sa kwarto ko. Wala kaming appointment sa clinic ngayon dahil hindi ko naman daw kailangang magpunta, sabi na rin ng doctor ko.
Nag-toothbrush ako ako at pagkatapos ay sumalampak sa kama pagkatapos damputin ang cellphone ko. May message notification. Galing kay orgymaster. Si Jack. Na nakatira rin sa village namin.
"Hey," unang mensahe niya. "Hindi ka na ba pupunta?" tanong niya. 10:13PM pa kagabi ang message na iyon.
Si Jack din ang kinatagpo ko noong isang gabi sa park. Tsinupa ko siya sa CR ng clubhouse and for some reason, we kept in touch with each other. Hanggang sa yayain niya ako sa bahay nila kagabi for an orgy.
Of course, na-excite ako sa thought na maraming titi ang nandoon. Maraming choices. Maiibsan ang paghahangad ko pero nang papunta na ako, bigla kong naalala ang kababuyang ginawa ng aking ama. Parang bigla akong natakot dahil hindi ko naman kilala ang mga kasama roon.
Tumambay ako kagabi sa park habang nagdadalawang-isip hanggang sa may lumapit sa aking isang lalaki. Malaki ang katawan niya. Batak na batak. Kaya naman nang hawakan niya ako, napaiyak ako kasi pakiramdam ko, sasaktan niya ako. Na pagsasamantalahan niya ang pagiging mas malaki niya kaysa sa akin.
Pero niyakap niya ako. And I felt warmth. Tulad nang nararamdaman ko kapag nasa tabi ko si Ben. I felt safe. I felt at peace.
And for some reason, bigla ko na lang siyang hinalikan nang magpakilala siya sa akin. Mabilis naman akong tinablan ng hiya kaya nagmamadali akong umalis.
Kumusta na kaya siya? Makikita ko pa kaya siya ulit?
"Ace!"
Nabalik ako sa realidad sa malakas na pagtawag ng aking pinsan. Nakaupo na siya sa tabi ko.
"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya.
"O-Oo."
"Iyon na naman ba?"
"Hindi. May iniisip lang ako," sagot ko. "Bakit pala?"
"Wala naman. Na-miss lang kita," sagot niya.
Weird. Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang mga kilay ko. "Okay ka lang? Lagi naman tayong magkasama, ah?"
"Basta na-miss kita, eh. May magagawa ka ba?" sabi niya na parang bata.
"Para kang sira."
"Pwede ba kitang yakapin?" tanong niya pero bago pa ako makasagot, naipulupot na niya ang mga braso niya sa akin. Napapikit na lamang ako sa sarap na naidudulot niyon sa pakiramdam ko.
"Kung may problema ka, pwede ka namang magsabi sa akin. Ganti ko na rin sa lahat ng nagawa mo para sa akin," sabi ko matapos ang yakapan namin.
"Ang totoo niyan," nag-aalangang sabi niya. "Na-miss ko ---"
"Ben! Anak!"
Napalingon kaming dalawa sa malakas na pagtawag ni tita. Napabuntong-hininga pa si Ben bago siya tumayo at lumabas ng kwarto ko.
Ano kaya ang sasabihin niya? Ano ang na-miss niya?
Hindi bale na nga. Marami pang pagkakataon para malaman. Ibinalik ko ang atensyon ko sa cellphone ko at nag-type ng reply kay Jack. "Sorry. Something came up. Next time na lang."
---
"Sorry. May biglaan palang emergency sa bahay."
Hindi na niya ako hinintay na makapagsalita. Tumayo na siya kaagad at mabilis na umalis sa restaurant.
Gasgas na gasgas na rason na iyon. Bakit ba hindi na lang sabihin na ayaw mo talaga sa taong kaharap mo ngayon? Mas masakit kaya para sa taong maiiwan ang bigyan ng mga dahilan at palusot. Mas masakit para sa taong maiiwan na layasan siya ng taong katagpo.
Mapapatanong ka na lang sa sarili mo 'Hindi ba ako karapat-dapat?', 'Pangit ba ako?', 'Hindi ba ako kamahal-mahal?' at marami pang iba.
Nanlulumong tumayo ako sa kinauupuan ko at lumabas ng restaurant. Uuwi na naman ako sa bahay at magkukulong. Kahit ayaw ko pa. Ayokong makita ang aking ama.
Nagpasya akong magpunta ng mall at magpalipas ng oras. Minsan lang ako makalabas ng bahay kaya susulitin ko na. Minsan lang ako makatakas sa aking ama kaya pasasayahin ko na ang sarili ko.
Nagpunta ako ng arcade. Maraming tao. Pami-pamilya. Magkakaibigan. Samantalang heto ako, mag-isa. Iwinaksi ko ang isiping iyon.
Hindi. Mag-eenjoy ka ngayon. Kahit mag-isa ka lang!
Bumili ako ng token sa token booth at nagtungo sa basketball area kung saan walang naglalaro. Tumira ako ng bola. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Pasok lahat.
"Nice shot, pare!" Nilingon ko ang lalaking biglang lumapit sa tabi ko. Mas matangkad siya sa akin. Napakaganda ng aura niya. Napaka-cheerful. "Will nga pala," pagpapakilala niya at binigyan ako ng isang malapad na ngiti.
"Ace," tipid kong sagot at ibinalik ang atensyon sa pagsu-shoot ng bola sa ring.
"Mag-isa ka lang?" tanong niya.
Hindi na ako sumagot. Kahit maamo ang mukha niya, hindi pa rin ako pwedeng magpalinlang sa mga tao sa paligid. Baka mamaya ay budol-budol ito o kaya naman ay kinakaibigan lang ako nito para gawan ng masama kalaunan.
"Sorry," mahinang sabi niya. "Baka natatakot ka sa akin. I can't help but notice you kasi. I thought we had the same look. Mag-isa lang din kasi ako."
Napatigil ako sa pag-shoot. Nilingon ko ulit siya at nahuling nakatitig siya sa akin. Tama siya. Kahit na palakaibigan ang approach niya sa akin, bakas ang lungkot sa mga mata niya.
Pareho kami. Parehong-pareho.
Walang imik na iniabot sa kanya ang bolang hawak ko. Nagtatakang tumingin siya sa akin pero kalaunay kinuha rin iyon at ngumiti sa akin. Hindi ko mapigilan ang hindi mapangiti.
We played to our hearts' content.
---
Habang pinagmamasdan ko si Ben at ang mga kaibigan niya na masayang nag-iinuman sa sala, hindi ko maiwasang hindi mainggit. Napaka-solid ng samahan nila. Nagkakaintindihan sila.
May mga naging kaibigan ako sa school noong nasa Cavite pa ako pero simula nang magising ako at lumipat dito, wala na akong naging balita sa kanila. Kaibigan na hindi ko nagawang mapagsabihan ng pinagdadaanan ko noon.
Paano kaya kung naging matapang ako? Buhay sana ngayon si mama. Buhay sana ang mga kapatid ko.
Ang tanging napagsasabihan ko lamang ng mga problema ko noon ay si Will. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya at alam kong ganoon din siya sa akin. Nasasabi niya rin sa akin lahat ng problema niya.
Pero ngayon, wala na akong balita sa kanya. Kumusta na kaya siya? Sana magkita pa kami ulit.