webnovel

Accidentally fall inlove with my enemy

Heysel_Estoquia · Teen
Not enough ratings
8 Chs

Prologue

SPAIN'S POINT OF VIEW

[knock-knock]

"SPAIN!!!"

Nagising ako at napabalikwas ng bangon dahil sa sunod-sunod na katok at sa napakalakas na sigaw ni ate Louisse.

"Hoy!Bata ka!Gumising ka na dyan at tanghali na!"

"Gising na 'ko"pabalik kong sigaw sa kanya

"Ayusin mo na ang sarili mo at bumaba ka na dahil may bisita ka"

Nagmadali akong pumasok sa banyo at naligo.Pagkatapos ay nagbihis ako at pumunta na sa baba.

"Oh my god!Sabrina!!!"tumakbo siya papalapit sakin at shaka ako yinakap.

"Anong ginagawa mo dito?"takang tanong ko

"Wow!Yan talaga ang sasabihin mo sakin?"nagkibit-balikat siya at tinaasan ako ng kilay."Aren't you going to say hi to me?"

"Okay.Hi Kaycee!"

"Good!Well actually,nandito ako dahil gusto kitang makita!"

"Tss.Hindi 'yan ang ipinunta mo dito"

"Okay fine!Samahan mo ko mag-aral"

"Ano!?Ayoko!"

"Samahan mo na 'ko...please..."pagmamakaawa niya

Pilitin mo muna ako

"Ayoko nga!Mag-aral ka mag-isa mo"

Tinalikuran ko siya at pumunta sa kusina.Ramdam kong naka-sunod siya sakin.

"Sabrina...please...samahan mo na 'ko!Ako na ang bahala sa lahat,promise"

"Sige"

"Really!?As in payag ka na?"

"Oo nga"

"Talaga!?"

"Sige,wag nalang"

"Hoy eto naman,kino-confirmed ko lang.Tatawagan ko na si Mommy "

"Oh,kumain muna kayo!"sabi ni ate louisse habang naglalagay ng pagkain sa table.

"Ate louisse,alam niyo po ba yung Santillan International School?"pagtatanong ni kaycee.

"Konti lang ang alam ko eh.Peroyung paaralan na 'yon ay isa sa mga sikat na paaralan dito.At syempre dahil Santillan ang pangalan ng school na 'yon,Santillan din ang may-ari non.Sikat ang Santillan dahil sa mga business nila at halos lahat ay successful"

"Wow!Ang yaman nila!"namamanghang sabi ni Kaycee

"Bakit mo pala natanong 'yan?"

"Doon po kasi kami mag-aaral ni Sabrina"

"Si Spain mag-aaral!?"lumingon sa gawi ko si ate Louisse at halatang nagulat siya.

"Opo!Nag-pasama ako!"

"Mabuti naman at naisipan mong isama 'to"turo niya sakin."Eh hindi 'to lumalabas ng kwarto kapag hindi mo tinatawag"

Pagkatapos naming kumain ay nag-paalam na si Kaycee upang umuwi at ako naman ay umakyat sa taas at nag-tungo sa kwarto.

***

"Spain!"

"Mmm?"

"Buksan mo ang pinto.May nagpadala sayo"

"Ano 'yan?"

"Hindi ko alam!Buksan mo ang pinto!"sigaw niya

Agad kong binuksan ang pinto at nagdere-deretso ng pasok si Ate Louisse.

"Ang bigat!Grabe!"reklamo niya."Sige iwan na kita,marami pa akong gagawin"

Kanino naman kaya galing 'to?

Wala akong natatandaan na nag-padeliver ako.

Binuksan ko ka-agad ang box at sandamakmak na uniform ang bumugad sakin.May nakita akong sobre at binuksan ito.

Hey Sabrina!

Eto yung uniform natin.Dinamihan ko na incase may mang-yari.Sunduin kita sa Monday,sabay tayong pumasok.

Miss you!

-kaycee cute

Pinasadahan ko ng tingin ang uniform namin.Ang blusa nito ay pinagsamang asul at puti.Hindi mahaba ang manggas at talagang maganda ito.Ang palda naman nito ay asul lamang ang kulay,medyo mahaba ito at hanggang tuhod ito.