webnovel

Stares That Makes Me Curious

Pagkatapos ko kumain ay pumunta muna akong sala para magpahinga. Manonood na lang muna ako ng tv habang nagpapa baba ng kinain. Habang nanonood ng Tale of the Nine Tailed na kdrama sa tv ay talagang nakakakilig! Gusto kong tumili ang gwapo ni Lee Dong Wook search niyo pa sa google mwehehehe!

Habang para akong engot na naka ngiti sa tv na may kagat kagat na kumot bigla nalang may nanghila ng kumot. Sisigawan ko na sana kasi ang buong akala ko eh si kuya siya naman ang mahilig manghila ng kumot pero... si mama pala hehehehe.

"Ano? sisigaw ka? Ano ba yan kagat kagat mo pa yang kumot dyan para kang engot kakangiti sa tv oo alam kong gwapo yang si Lee Dong Wook pero wag mo na asahan na magugustuhan ka niyan sikat yan" mahabang sabi ni mama na nakapagpatulala sakin. Seryoso ba siya? bawal ba kiligin huhu.

Lumabas na lang ako at pumunta ng pool side para naman makaligo hehehe gusto ko lang maligo eh. Naka white shirt naman ako tapos short okay na to. Pumunta muna akong nag shower tsaka lumusong sa tubig hindi masyadong malamig dito ngayon ah. Palangoy langoy lang ako at bigla akong nauhaw sakto malapit lang dito garden kitang kita nga eh andun naman sila kuya may tubig naman siguro sila don? Nung umahon ako nakalimutan ko magdala ng twalya ko basang basa ako para akong basang pato ano ba yan!

Nung pagdating ko doon ay kukuha na sana ako ng tubig kaso bigla silang natahimik lahat? Anyare sa mga to? Nung tignan ko silang lahat ay bat ang daming lalaki dito? akala ko sila kuya lang eh. Wala namang mali sa suot ko kasi di naman ako naka two piece pero titig na titig sila sakin may dugo ba sa mukha ko? Nang yumuko ako para tignan ang tinitignan nila at sabay balik ko ng tingin sakanila ay titig pa din. Kaya pala titig kasi bakat yung hinaharap ko naka bra naman ako hehehe. Uminom na lang ako ng tubig at tumalikod na sakanila kaso may biglang nangtakip ng likuran ko at nung tignan ko ay si seph pala.

"Sa susunod na magpapaka basa ka at magpapakita sa mga bisita siguraduhin mong may pang takip ka sa katawan mo masyadong naeexpose" sabi niya pero iniintindi ko muna bakit kailangan niyang sabihin sakin yon? Concern ba siya? Yiieeee concern daw! Feeler ka self? Hindi na lang ako umimik at umikot sa may likuran para hindi basa kapag sa harap ako pumasok.