webnovel

A Two Day Love Affair [Tagalog Novel] [Soon-to-be-Published under PHR]

After a failed relationship and a few returned manuscripts, the least on Fabielle's mind at the moment was falling in love with a total stranger. Ngunit nang isang gwapo at mabait na estrangherong nagngangalang Josh ang itambak ng tadhana sa kanya nang mapadpad siya sa kabundukan ng Sagada ay tila ba naglaho ang paniniwala niyang iyon. At sa tulad niyang naloko ng ilang taon ding naging kasintahan niya, she should be a lot more cautious when meeting people. Ngunit nang latagan siya ni Josh ng walang kaabog-abog na "I'm interested in you" nito ay mabilis na sumuko ang puso niya at natagpuan ang sariling nahuhulog ang loob rito kahit dadalawang araw lamang niyang nakasama ito. But it was too late when she realized that falling for the handsome stranger was a big mistake. Dahil nang matapos ang dalawang araw na pantasya niya kasama ito ay saka naman tumambad sa kanya ang katotohanan. They were not feeling the same way. He was in love with someone else. And all they could ever have together was that two-day love affair.

Eira_Alexis_Sotto · Urban
Not enough ratings
34 Chs

7

LITERAL na napanganga si Fabielle nang makita ang sinasabing bukana ng Lumiang cave kung saan umano sila papasok at tatawid patungo sa Sumaguing cave kung saan sa bukana naman niyon sila lalabas.

She was not afraid of heights. Or, at least, she had never been afraid of heights before. Noon pa man ay hilig na niyang sumakay sa mga thrill rides ng mga amusement parks at ni hindi siya tumitili kahit pa sige na ang sigaw ng mga nakakasama niya sa mga lugar na iyon.

Ngunit nang mga oras na iyon ay nagbago na ang pananaw niya. Dahil ang titigan pa lamang ang matarik na mga batong nasa harapan niya ay nakakapanginig na ng kalamnan niya. Oo, kaya niya iyong pababang daang tinahak nila ng mga kasama sa tour na iyon upang makarating sa bukanang iyon ngunit duda siyang kakayanin niyang bumaba sa hanay-hanay na batong pababa sa maliit na lagusan kung saan tanaw niya ang bahagyang malamlam na liwanag na nagmumula roon.

Kagat-labing inilibot niya ang tingin sa paligid. Sa isang parte ng lugar ay may patong-patong na wooden coffins kung saan nagpapakuha ng larawan ang ilang makakasama nila sa tour na iyon. Sa bandang ibaba naman ay may mangilan-ngilang binata na abala sa pagsisindi ng mga oil lamps na dala ng mga ito. Ito siguro ang mga tour guides na sasama sa kanila sa tour na iyon.

"Cool!" Agad na napalingon si Fabielle sa kanyang tabi kung saan naman bigla na lamang sumulpot si Paul. Nakapaskil na naman ang ngiti sa mga labi nito. "Nae-excite na akong pumasok. Ikaw ba?"

"Ha? Ah... eh..." paano ba niya sasabihing gusto na niyang tahaking pabalik ang dinaanan nila kanina at magpapahatid na lang sa inn? Mas gugustuhin niya pang magpahinga na lang kaysa ibuwis ang buhay niya sa pagsi-spelunking sa nakakatakot na kuwebang iyon.

Ni hindi na niya nagawa pang isatinig ang nais na sabihin nang isang binata ang lumapit sa kanila. Sa porma nito ay hindi maipagkakailang isa ito sa mga tour guide na naroon. Nagsimula itong magbigay ng impormasyon tungkol sa kuwebang papasukin. The guide even shared something about the sacred wooden coffins at the mouth of the cave. Interesting facts indeed only nothing really stucks on her mind. Paano ay busy ang mga braincells niya sa pagtatalo kung itutuloy pa ba ang pagpasok sa kuwebang iyon o uuwi na lang sa Maynila.

"Ma'am"

Waring naalimpungatang napakurap-kurap si Fabielle at saka lamang niya napansing nasa harapan na niya mismo ang tour guide. Nang lingunin niya ang paligid ay wala na ang iba pang kasama niyang nakikinig rito. Mali pala. Ang mga ito lamang ang nakikinig at lumilipad lamang ang isip niya. Ni hindi nga niya napansin na tapos na palang magpaliwanag ang tour guide nila.

"A-ano nga iyon?" alanganing tanong niya.

"Eh Ma'am, kailangan na ho nating pumasok sa kuweba." Magalang sa sagot ng guide.

"P-po?" Kumabog pang lalo ang dibdib niya.

"Fabielle! Halika na!" tawag sa kanya mula sa ibaba ng mga bato. It was Paul. And he had already climbed down. Ilang hakbang na lamang ang layo nito sa pinakaibaba kung saan naman naaaninag niya ang maliit na lagusang bahagyang naiilawan ng lampara ng mga guide na nauna nang pumasok roon. "Come on! It is not scary." Dugtong pa nito.

Ngali-ngaling hubarin niya ang trekking sandals na suot at ihagis sa lalaki kung hindi lamang niya napigilan ang sarili. Presko na nga ang lalaki ay wala pa yatang "Gentlemanly" features na napadpad sa katawan nito. Maano bang hintayin siya nito at alalayang pababa tutal naman ay kahapon pa itong nagpapa-cute sa kanya?

"Hihintayin na lang kita sa ibaba." Nakuha pang idugtong ng unggoy at nagpatuloy na sa pagbaba. Ngayon niya naisip kung bakit hindi siya natutuwa sa presensiya nito.

"S-seryoso bang kailangang bumaba, Kuya?" Tanong niya saka napakagat sa pang-ibabang labi. Pilit na kinakalkal sa isipan kung nakalagay ba sa mga travel blogs na nabasa niya na ganoon ang kailangang suungin kung magki-cave connection tour. Ang tanging bumabalik lamang sa balintataw niya ay iyong mga rock formations na kuha ng mga nakapunta na roon. Bakit hindi siya informed na ganoon ka-delikado ang daan makita lang ang mga iyon? "Pwede ho bang bumalik na lang ako at----"

"I'll help you get down." Wika ng pamilyar na tinig mula sa likod niya.

Josh! Tili ng isip niya. Oha! Wala pang 24 hours na nakilala niya ang lalaki ngunit naka-save na yata sa memorya niya ang baritonong boses nito. Lumapat ang isang kamay nito sa balikat niya.

"Mauna ka na, kuya. Susunod kami sa'yo." Wika muli ni Josh na sumulpot na sa tabi niya habang nakalapat pa rin ang palad sa kaliwang balikat niya. Tumango naman ang butihing guide saka nagsimula nang bumaba sa mga bato. Doon na siya binalingan ng tuluyan ng binata. "Let's go?"

Tanong nito sa kanya habang nakatingin ng direkta sa mukha niya. Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya. She was just thinking of this guy a few minutes ago at heto na naman ito at ginugulo ang nananahimik na tibok ng puso niya. But she was not complaining. She was anxious, in a nice sort of way. Kung posible man iyon.

Iniiwas niya ang tingin rito at muling itinuon ang tingin sa mga batong nasa harap. Masyadong matarik iyon sa pananaw niya. At hindi naman kahabaan ang mga biyas niya. Kakailanganin niyang tumalon upang makababa sa ilang batong bahagyang malalayo ang pagitan. Paano kung madulas siya? Kung mabagok siya at hindi na makauwi sa kanila?

"H-hindi ba delikado?" nagawa niyang itanong nang hindi pa rin nililingon ang lalaking katabi.

Sa halip na sumagot ay nagulat siya nang bigla itong tumalon pababa sa batong nasa mismong harapan niya nang walang kahirap-hirap. Nasa harap na niya ito ngayon at direktang nakatingin sa kanya. Muling nagrambulan ang nasa loob ng dibdib niya. Hindi na tuloy niya sigurado kung ang kabang nararamdaman ay dahil sa panganib na susuungin niya o sa gwapong lalaking bumabandera sa harap niya.

"I'll keep you safe." Seryosong sabi nito at inilahad ang kamay sa kanya. "I promise."

Hindi niya alam kung bakit ngunit parang nahihipnotismong inabot niya ang kanyang kamay rito. Pigil niya ang pagsinghap nang magdaiti ang mga palad nila. His hand was surprisingly warm. O baka nanlalamig lamang talaga ang kamay niya? Whatever it is, one thing was for sure, the warmth of his hand was comforting her. At nang sumilay ang isang magandang ngiti mula sa mga labi nito, pakiramdam niya ay lumipad na ang lahat ng mga alalahanin niya. Pakiramdam niya ay kaya niyang gawin ang kahit ano makita lamang niya ang ngiti nitong iyon. His smile was not even amused. More like reassuring. He was reassuring her that she was safe with him. At hindi niya alam kung anong gayuma ang meron sa ngiti nitong iyon ngunit parang naniwala na ang kamalayan niya na ligtas nga siya sa piling ng lalaki.

"Let's go?" muling tanong nito. Tahimik namang tumango siya. "Get down then." Udyok nito kapagdaka.

Sapat na ang mga salitang iyon para sundin niya ito. She jumped down on the rock he was standing on. Relief flooded her system when she made it without slipping.

"Good." Mukhang nasisiyahan namang sabi nito. "Let's keep going." Sabi nito at akmang tatalon na sa susunod na bato pababa nang higpitan niya ang hawak rito saka bahagyang higitin ito. Nagtatakang nilingon naman siya nito.

"Don't you dare leave me!" banta niya rito. "I will really kill you if you do."

Nagulat siya nang bigla itong tumawa. Akala niya ay sagad na ang epekto ng ngiti nito sa kanya. Napagtanto niyang hindi pa pala. Dahil nang tumawa ito ay panibagong lebel ng kaguluhan na naman ang idinulot niyon sa nananahimik na tibok ng puso niya. His laugh was like music to her ears.

"Don't worry," simula nito nang bahagyang mahimasmasan sa pagtawa bagaman nagsasayaw pa rin ang mga mata nito. Nagulat pa siya nang bahagya nitong itinaas ang magkahugpong nilang mga kamay sapat upang makita niya. "I will never let go of you no matter what happens."