webnovel

Chapter 2

PANAGINIP

by : Arrette

Kani-kanina lang nakita kita

Ang mga mapupungay mong mga mata

Ang iyong matangos na ilong

Ang iyong mapupulang labi na may kasama pang matamis na ngiti.

Mahigpit tayong nagyakap

Na parang wala ng bukas

Naghawak kamay upang hindi magkahiwalay

Umakbay ka sa akin na para bang ayaw mo ng pakawalan

Pero bakit parang may kulang?

Nagkwentuhan, nagbiruan, nagtawanan

Ang saya-saya lang

Na sana wala ng katapusan

Pero ng ako'y pumikit at sa muling pagdilat

Ako'y nagtaka, bakit wala ka na?

Naunang sumabak sa race track si Logan. Gusto mang lapitan ni James si Billie ay hindi niya magawa dahil nasa gitna nila Oliver at Elijah ang dalaga na akala mo mga guardia civil.

"Ano'ng nangyari five years ago, Dre?" Nagulat si James sa tanong ni Bo at isang malalim na buntong hininga ang isinagot niya sa kaibigan. Para naman tuksong bumalik sa alaala ni James ang mga nangyari noon.

Flashback...

"Woohoo! Inuman na mamaya!" Sabay-sabay na sigaw ng magbabarkadang Logan, Oliver, Elijah, James, Bo, Arlo, at Aidan matapos ang back to back championship nila sa off road racing. 1st place si Logan, 2nd place naman si James. Nang matapos ang awarding ay dumiretso agad sila sa bahay nila Logan.

"Oh, bakit bukas lahat ng ilaw?" Takang tanong ni Oliver ng makarating sila. "Baka umuwi sila Angela at Lyza." Sagot naman ni Elijah. "Tara-tara ng malaman natin ang sagot." Aya ni Logan.

Puro Manila Central University graduates ang magpipinsan. Bachelor of Science in Business Administration sila Logan, Oliver, at Elijah. Sa school nila nakilala sila James, Bo, Arlo, at Aidan. Dahil pare-parehong mahihilig sa sasakyan ay madali nilang nakasundo ang bawat isa. Bachelor of Science in Accountancy graduate naman si Angela at Bachelor of Science in Information Technology si Lyza. Si Billie lang ang naiba sa kanila na Bachelor of Science in Dentistry ang kinuha. Naunang maka-graduate ang mga lalaki dahil ahead sila ng dalawang taon sa mga babae. Sumunod sila Angela at Lyza at huli si Billie dahil six years ang Dentistry. Minsan lang umuwi si Billie sa matandang mansion kaya hindi alam ng mga lalaking pinsan na umuwi siya ngayon dahil sem-break niya. Kahit graduate na sila Angela at Lyza ay sinasamahan pa din nila si Billie sa condo dahil yun ang gusto ni Logan. Kumukuha lang sila ng experience sa mga trabaho nila dahil kapag natapos na ni Billie ang masteral niya ay sa company na nilang magpipinsan papasok sila Angela at Lyza samantalang may pwesto na sa building ng Pascual Motors ang gagawin clinic ni Billie.

"Surprise!" Sigaw ni Angela at Lyza. Kunyaring nagulat-gulatan ang mga lalaki na ikinainis ng dalawang dalaga. "Kailan pa kayo dumating?" Tanong ni Logan na dumiretso sa kitchen para kumuha ng beer sa ref. "Kanina lang." Sagot ni Angela na tumingin sa ilalim ng mesa na malapit sa ref. Pagkasarado ni Logan ng pinto ng ref ay bigla na lang siyang nagtatalon ng may malamig na humawak sa kanyang binti. "Pu____-ina!?" Sabi ni Logan sabay takbo sa living room. Nagtawanan sila Angela at Lyza sa takot na rumihistro sa mukha ni Logan. Kumunot naman ang noo nila Oliver, Elijah, James, Bo, Arlo, at Aidan sa ginawa ni Logan.

"Surprise!" Nakatawang sabi ni Billie na bumungad sa pinto ng kusina. "Billie!?" Sabay na sigaw nila Oliver at Elijah at patakbong nilapitan ang pinsan at pagkatapos ay niyakap ng mahigpit. Para namang namaligno si James ng makita si Billie. "Dre, laway mo." Bulong sa kanya ni Bo. "Nasa langit na ba ako, Dre?" Nakatulalang tanong ni James. "Hindi ka tatanggapin sa langit, Dre." Nakangising sabi ni Aidan. "Oo nga, sa dami ng kalokohan na ginawa mo dito, nasa pintuan ka pa lang, sisipain ka na agad ni San Pedro palabas". Nakangising sabi ni Arlo. "Don't dare na isama ang pinsan ko sa listahan ng babae mo, James!" Seryosong sabi ni Logan ng makitang titig na titig si James sa magandang pinsan. "Nahanap ko na yata ang soulmate ko, Dre." Sabi ni James pero isang malakas na batok ang natanggap niya mula kay Logan. "Soulmate mo mukha mo." Sabi ni Logan at inambahan niya ng suntok ang binata pero nakalayo na ito para lapitan ang dalaga.

"Hep! Hep! Hep!" Pigil ni Oliver sa mukha ni James. "Off-limits 'yan, Dre." Sabi ni Elijah sabay hila sa binata na nakapulupot ang kamay sa leeg nito. "Hi!" Sabi ni Bo pero bago pa man maiabot ang kamay kay Billie ay nahila na siya sa kwelyo ni Logan. Hindi na din nagawang makalapit nila Arlo at Aidan sa dalaga dahil hinarang na sila nila Angela ay Lyza. Natatawa na lamang si Billie sa mga pinsan. Kahit hindi naglalayo ang mga edad nila ay tinuturing siyang bunso ng mga ito dahil bunso ang Daddy niya sa anim na magkakapatid. Panganay ang ama ni Logan, sinundan ng mga ama nila Oliver at Elijah, sumunod ang mga ama nila Angela at Lyza. Puro sila nag-iisang anak kaya halos magkakapatid na din ang turing nila sa isa't isa.

Lumapit si Billie kay Logan at niyakap ito. "Ikaw talaga kahit kailan puro ka talaga kalokohan." Sabi nito na kinutusan ang pinsan. "Aray ha?" Sabi ni Billie sabay himas sa noo nito na nasaktan ng konti dahil sa ginawa ng pinsan. "Dre, baka naman pwede mo na kaming ipakilala sa kanya." Sabi ni Bo na may ubod tamis na ngiti sa mukha. "Ano pa nga bang magagawa ko? Basta kung ano ang bilin ko sa inyo tungkol kay Angela at Lyza ay ganoon din sa kanya." Sabi ni Logan sabay hawak sa ulo ni Billie at ginulo ang buhok nito. Tumango agad si Bo, Arlo, at Aidan pero walang reaksyon si James. "Ano'ng nangyari doon sa isa?" Tanong ni Billie na nakatingin kay James. "Huwag mo na lang intindihin, kulang-kulang kasi 'yan." Nakangising sabi ni Logan.

"Billie, this Bo, si Aidan, Arlo, at si James." Sabi ni Logan. Excited namang nakipagkamay sila Bo, Arlo, at Aidan sa dalaga. Yayakapin pa sana nila ang dalaga pero nahila na sila nila Oliver at Elijah. Natatawa naman sila Angela at Lyza dahil ganoon din ang reaksyon ng mga ito sa kanila noong ipakilala sila nila Logan sa mga ito. Pero alam nilang tinamaan si James sa pinsan dahil hindi na nito inalis ang mga mata sa kanya. "He's really creepy." Natawa si Logan sa sinabi ni Billie tungkol kay James. "He's harmless." Sabi ni Logan sabay sipa sa binti ni James. "Tinatakot mo 'tong pinsan ko." Sabi ni Logan at para naman bumalik sa sarili si James. "Sorry, akala ko kasi ay isa kang anghel na bumaba mula sa langit para kunin na ang aking kaluluwa." Sabi ni James na ikinaikot na mata ng mga lalaki. Pareho namang napa-eeewww sila Angela at Lyza.

"Hanggang kailan ka dito?" Tanong ni Logan sa pinsang katabi. "1 week lang. Kailangan kong maghanda sa finals ko." Sabi ni Billie at tumango-tango si Logan. "Wala pa bang umaaligid-aligid sa'yo doon?" Tanong ni Logan na ikinaikot ng mata ng dalaga. "As if namang hindi mo alam ang nangyayari sa loob ng uni? Tiyak naman na nakapag-report na sa'yo ang mga minions mo." Natawa si Logan sa tawag ni Billie sa mga ka-brad niya sa frat nila.

Nagpatuloy ang kanilang celebration pero matapos makaubos ng isang case ng beer ay nagpaalam na sila Bo, Arlo, at Aidan. Nauna ng matulog ang tatlong dalaga matapos ang dalawang bote ng beer. "James, hindi ka pa uuwi?" Tanong ni Bo. "Susunod ako, kausapin ko lang si Logan." Tumaas ang kilay ni Logan sa nadinig mula sa kaibigan. Ngumisi naman sila Oliver at Elijah dahil mukhang alam na nila ang magiging topic ng dalawa.

"No!" Seryosong sabi ni Logan. "Wala pa nga akong sinasabi "NO" na agad." Sabi ni James. "Mula first year college magkakasama na tayo James kaya kabisado ko na ang hilatya ng pagmumukha mo." Sabi ni Logan na ikinatawa nila Oliver at Elijah. "Kailangan talaga nandito kayong dalawa? Sabi ko si Logan lang ang kakausapin ko ah." Angil ni James. "Aba siyempre, pinsan din namin ang pinag-uusapan dito." Sabi ni Oliver. "Hindi lang si Logan ang dapat mong kausapin. Kailangan ka ding dumaan sa amin." Sabi naman ni Elijah. Nataranta si James ng tumayo si Logan.

"Dre, seryoso ako." Sabi ni James. "Seryoso din ako James." Sagot naman ni Logan. "Kami na lang ang kausapin mo, madali lang kaming kausap." Sabi ni Oliver. "Oo nga, ang lagay eh..." Umikot ang mata ni James ng makita ang kamay ni Elijah na nakalahad sa harap niya. "Umuwi ka na at matulog, bukas lang ay wala na 'yan. Sa dami ng nakapilang babae sa'yo ay hindi ka mawawalan ng pagrarausan ng kati mo." Sabi ni Logan na tinuloy ang pag-alis sa living room. "Iba 'to, Dre. Love at first sight 'to." Tumaas ang kilay ni Logan sa sinabi ni James, natawa naman ng malakas sila Oliver at Elijah. "Umuwi ka na James!" Seryosong sabi ni Logan at alam ni James na dapat ay tumigil na siya sa kakakulit dito dahil tiyak na tatamaan siya pag hindi siya tumigil. "What about my Agera?" Biglang natigil si Logan sa pag-akyat nito sa hagdan. Natulala naman sila Oliver at Elijah. "Seryoso nga s'ya." Sabi ni Elijah at tumango si Oliver. "Wala pa ding magbabago sa sagot ko James. Ayokong masaktan ang pinsan ko ng dahil sa'yo at ayoko ding masira ang pagkakaibigan natin ng dahil lang sa kalokohan mo." Sabi ni Logan at tuloy-tuloy na siyang pumasok sa sariling kwarto. Bagsak ang balikat ni James na lumabas ng mansion ng mga Pascual pero bago siya makasakay sa kanyang sasakyan ay tinawag siya ni Oliver.

"Kung talagang seryoso ka kay Billie then, prove it to us but I'm warning you, no monkey business, James." Sabi ni Oliver sabay sarado ng pinto.

"I will..." Bulong ni James na may masayang ngiti sa gwapong nitong mukha.

Thank you po sa mga views. Welcome din po ang mga comments n'yo. Please do make your reviews. Please vote. Salamat po. Enjoy reading!

arrettecreators' thoughts