webnovel

A princess Heart

Your life is your story and the adventure ahead of you is the journey to fulfill your own purpose and potential, Sometimes you will never know the value of a moment until it becomes a memory . So pay attention to the things you are naturally drawn to they are often connected to your path, passion, and purpose in life, Have the courage to follow them.

Emily_Lelis · Urban
Not enough ratings
32 Chs

Chapter Four

Nalulungkot si Eli dahil pauwi na sila ng Pilipinas baka hindi na niya makita pa si Aubrey.

"Rey saan ba kayo sa Pilipinas?, anong probinsiya kayo?

"Nasa Metro Manila lang kami ,"

"Eh, bakit parang hindi mo ako kilala?, hindi ka ba nanonood ng pelikula sa mga sinehan? O kaya sa TV hindi ka ba nanonood ng TV?"

"Hindi ako nanonood ng TV dahil wala naman kaming TV,"

"Sabi kasi ni Nanay hindi naman daw importante ang mga iyan , mag focus daw ako sa pag aaral kaya yun ang ginagawa ko lang sa bahay ay mag aral at lagi lang ako sa gym namin para mag practice ng martial arts , iyon na ang libangan ko,"

"Paano na tayo magkikita?"

"Bakit pa naman tayo magkikita?"

Pagbaba nila ng airport ay nayakap niya bigla si Rey parang ayaw na niya itong pakawalan, umiyak na siya ng maramdaman ni Rey na umiiyak ito ay napaluha na din si Rey kaya pareho na silang umiiyak inilayo ng bahagya ni Eli si Rey at ikinulong niya sa dalawa niyang palad ang mukha nito saka hinalikan ng bahagya sa labi, kinabig niya ito uli at niyakap ito ng buong higpit . Hindi nila namalayan na marami ng reporters ang nakapaligid sa kanila , agad niyang kinabit si Rey palabas ng aiport at itinawag ito ng taxi, pagkasakay ni Rey ay siya naman ang tumawag ng taxi at malungkot na sumakay na din dito.

"Hahanapin na lang kita , Rey mahal kita ,"

"Rey , Rey gising na narito na ang nanay mo , magmadali ka an dami niyang pasalubong sayo,

Masayang gising sa kanya ni Manang Lagring Ito ang nagbabantay sa kanya habang wala ang kanyang ina.

Rey tawag sa kanya ng ina, halika anak tingnan mo itong mga pasalubong ko sayo, ito ang pangarap mong adidas rubber shoes at ito bag prada yan anak magpapasukan na di ba? O di may gagamitin ka ng bag sa school ang iba ay mga blouse mo at yon sa isang box limang pants mo yon, Ate Lagring, yong isang box sa inyo din yon ni Rose mayroon din diyan na sapatos at pantalon si Lando at may mga damit din diyan si kulit ibig sabihin yong anak ni Rose na makulit ay naku ate tingnan mo ang pasalubong ko sayo magagandang dusters yan made in Singapore lahat yan kaya magaganda ang texture ng mga tela ,

"Hay naku Irene nag abala ka pa ganun pa man salamat ha!,"

Ate maliit na bagay lang po yan, sa pagbabantay mo sa anak ko kulang pa nga iyan , kumusta nga pala kayo dito?, maayos lang kami,

"Nay, nasabi na po ba sa inyo ni sir Scott na pumunta ako sa base noong nakaraang Linggo?

"Oo sinabi niya sa akin , yong Navy nga pala anak iniuwi na ng mga magulang niya sobrang depress na kasi nun tutal psychiatrist daw ang kapatid doon na lang daw gagamutin yun sa kanila sa Philadelphia pinirmahan ko na ang deseased order niya ibig sabihin inurong ko na ang demanda mo sa kanya ,

"Nay, natatakot ako dun, baka puntahan ako nun dito ? Paano na yan,"

"Anak huwag kang mag alala hindi alam ni Harry kung saan tayo nakatira , Alam mo nak naaawa nga ako sa kanya kasi nag mahal lang naman siya, mahal na mahal ka niya anak ang bata pa niya para maging ganun 19 years old lang siya at bagong pasok siya sa Navy kaya naawa ako sa kanya kung iisipin kasi ang anak ko ang dahilan kung bakit siya humantong sa masalimoot na sitwasyon niya ngayon , yan na nga ang sinasabi ko sayo anak na kung mapupuwede umiwas ka sa mga tao napakaganda mo kasi anak, , ano kaya kung mag madre ka na lang , sa kumbento kasi lahat babae lang ang naroon,"

Nay ayoko pong mag madre gusto ko po ang normal na buhay iiwas na lang po ako sa kanila at kaya ko po ang sarili ko Nay, huwag silang magkakamali lagot silang lahat sa akin,

"Anak bukas punta tayo ng mall bibili tayo kahit maliit lang na TV naaawa kasi ako kay ate Lagring wala man lang kasi siyang libangan pag naririto siya sa bahay ,

"Irene mukha yatang marami kang pera ngayon,"

"Yong assignment kasi namin ay may reward pala ang makahuli sa taong yon kaming tatlo nina colonel Roberts at colonel Berg ang nakahuli kaya pinag hati hati namin ang pera kaya nagkaroon ng dagdag ang perang dala ko ngayon,"

Nasa mall sila ng nanay niya natanaw niya sa unahan nila si Eli pero nag alangan siya kasi desente ang pananamit nito naka coat and tie at naka amerikana at may anim na lalaking desente din ang pananamit ang naka buntot dito at mukha itong ka galang galang parang ito ang CEO ng mall kasi bawat daanan nito na mga empleyado ay sumasaludo dito naka salubong na niya ito pero wala man lang na palatandaan kung nakilala siya nito kasi blanko ang mukha nito.

"Hindi naman yata si Eli kamukha lang niya siguro , naisip niya ."

Kaya dere deretso na sila ng Nanay niya, pumasok sila sa isang appliance store at pumili na nga sila ng TV,

"Nay ito po ang maganda kasi maganda ang kulay niya, anak yong maganda ang brand ang piliin mo kasi matagal ang serbisyo niyon sayo."

Nasa counter na sila para magbayad ng bigla siyang I page ng paging counter.

"Paging Aubrey Crisologo please come to CEO office ,"

Tatlong beses itong nag page pero hindi niya pinansin ito .

Rey ikaw yata ang tinatawagan sa paging counter,"

"Paano akong tatawagan diyan Nay, wala naman akong ka kilala dito ni hindi nga ako lumalabas tulad nito , baka kapangalan ko lang po yan, hayaan na lang natin Nay, tapos na silang mag shopping at palabas na sila ng mall ng tawagin siya ng isang tao."

"Miss Crisologo kung puwede daw po kayong maka usap ng CEO ,"

"Sorry po hindi ko po siya kilala at nagmamadali po kami ." tayo na po Nay,

"Miss Crisologo please po," kahit daw po number ninyo kung puwedeng mahingi ,"

"Sir sorry po wala po akong cellphone at nakaka abala na po kayo," dali dali na niyang kinabit ang Nanay niya at tumawag kaagad ng taxi at nakalayo na sila,

Naka uwi na sila ng bahay at inayos na nila ang papatongan ng TV ng biglang inatake ng antok ang nanay niya, napahikab na ito,"

Anak ayusin mo na ang tutulogan natin ,inaantok na kasi ako

Nanood na ng TV si nanay Lagring sila ng nanay niya ay pareho ng natulog katabi ni Rey ang nanay niya sa higaan parang ayaw na niyang mawalay dito miss na miss na kasi niya ito .

Nasa hapag kainan na sila at nag aalmusal,

"Anak pagtapos mong kumain ay maligo ka na dalian mo lang at may pupuntahan tayo,"

"Sige po Nay , saan po tayo pupunta?

"Bibisitahin ko ang isang kaibigan ,"

Nakaabot sila ng Mental Hospital ay hapon na mabuti na lang at inabutan nila ang taong sasadyain ng nanay niya doon naririnig niya ang usapan ng mga ito, dahil katabi lang niya ito sa upuan,

"Dra. nakapunta na po ba siya mula ng dumalaw ako dito noong nakaraang anim na buwan?"

"Kahapon ay galing lang siya dito, sinabihan ko nga siya na hinahanap mo nga siya, ito nga pala ang address niya at may picture din siyang iniwan ibigay ko daw ito sayo pag pumumta ka daw dito, humihingi din siya ng picture daw ninyong dalawa ni Rey,"

"Ay wala po akong dalang picture ngayon ,"

"Rey may picture ka bang dala? Kahit yong sa ID picture mo anak iiwan kasi natin yan dito kasi humihingi daw ng picture natin ang kaibigan ko pagbalik nun dito ay kukunin na niya yan,"

"Meron po ako pero yung passport ID ko po ito, ito po ang latest picture ko,"

Puwede na yan para makilala ka niya kung sakaling magkita kayo, at ito nga palang picture niya anak ikaw na ang magtago, kilalanin mo siyang mabuti kasi puwede kang humingi ng tulong diyan kahit na ano ay hindi ka matatanggihan niyan at sabihin mo lang na anak kita para makilala ka na niya,"

Hinatid niya at ng kanyang nanay Lagring ang nanay niya sa airport pabalik na kasi ito ng San Diego California ,"

Pasukan na forth year High School na si Rey kaklase niya ang dalawa niyang kaibigan na sina Marisse at Roxy nasa privte School sila masaya siya dahil mabait ang mga ito sa kanya , mayayaman ang mga ito, siya ay naka pasok lang dito dahil sa kanyang scholarship at varsity player din siya ng table tennis kaya halos ang tuition niya ay 25% na lang sa kabooan. Masasaya silang tatlo, si Marisse ay boyfriend ni Junas at si Roxy ay boyfriend ng isa ring varsity' basketball player ng school nila, pag may laro ang mga ito ay lagi silang nanonood ,lagi lang siyang chaperone ng mga kaibigan niya, siya lang kasi ang wala pang boyfriend sa kanilang tatlo, dahil ayaw ng mga ito na makipag boyfriend si Rey dahil bata pa daw ito maaga kasi itong nag grade one kaya16 pa lang siya, sina Marisse at Roxy ay 17 na pero mahal na din siya ng dalawang lalaking mga boyfriend ng mga kaibigan niya dahil ang turing sa kanya ng mga ito ay parang tunay na kapatid lang siya baby sister nila ito , kaya walang nakalalapit na mga manliligaw ni Rey dahil hinahararang kaagad ito ng dalawang lalaking sina Junas at Ferdie, Si Junas ay second year college na sa kursong Architecture at si Ferdie ay second year college din sa kursong engineering , kung si Rey naman ang may laro ay nanonood din silang apat, ang dalawa niyang kaibigan ay hindi mahilig sa sports kaya lagi lang itong mga taga panood.

"Bakit na naman kayo pumasok sa gulo ," paninirmon ni Roxy kay Ferdie,

Nasa canteen sila noon , si Junas ang sumagot

Kasi yong isang player ay gustontg ligawan si Rey eh kilalang playboy ang tarantadong yon, tapos sila naman ang naunang manuntok sumakit nga ang tiyan ko dahil sa suntok ng ungas na yon ,

"Yon naman pala eh, dapat pa nga ay bigyan natin ng premyo ang dalawang ito eh! sabay batok ni Marisse sa kasintahang si Junas ,

"Ano ba! bakit nambabatok ka? "Kainis naman,

"Di ba sabi namin sa inyo ay umiwas kayo sa gulo, tulad nung isang taon pati si Rey ay nasabak sa suntukan ninyong dalawa, sermon ni Marisse kay Junas,"

"Sila naman talaga ang nauna sa gulo eh ,"

"Sige na sige na , uwian na anong balak nyo?"

"Ako uuwi na pero bago yon ay dadaan ako sa radio room may trabaho ako doon may bawas na din yon sa tuition fee ko ,"

"Manonood kami ng sine may bagong pelikula si Elijah ngyon ay 2nd week screening na tumabo daw ng husto ang pelikula nila , kaya nga mayaman na yan si Elijah sa murang gulang pa lamang niya , idol ni Junas yang si Elijah kaya walang pina lalampas na pelikula ni Elijah yang si Junas. Kuwento sa kanya ni Marisse.

"Sige na umalis na kayo , si Ferdie at Roxy nga pala nasaan na sila?,"

"Nauna na sila sa sinehan, hihintayin na lang daw kami, Rey pag labas mo ay ang kotse ko na lang ang maghahatid sayo ipahiihintay kita sa driver ko ,"

"Huwag na Nas mag bu bus na lang ako,"

"Rey huwag matigas ang ulo, baka kung mapano ka pa dyan sa daan sisihin ko pa ang sarili ko,"

Ang ginawa ni Rey ay inakbayan nito si Junas muntik na silang sumonsob sa daan ,napatawa na lang si Marisse at naki sali na rin ito sa asaran ng dalawa kaya sabay sabay silang natumba , ang sumunod ay umaatikabong tawanan ng tatlo ganun sila lagi lalong magulo kung nandito pa ang dalawa,

"O sige na maiinip na yung dalawa ,"

Masayang tinanaw na lang ni Rey ang paalis na mga kaibigan . Mahal niya ang mga ito at ganun din ang mga ito sa kanya .

"Next week ay intrams na natin, ikaw Rey aside of being a varsity in Lawn tennis do you want to participate in other games this coming intramurals ?,"

"Siguro sir puwede din ako sa bowling or basketball and volleyball maybe o kahit ano na lang sir , kung saan ang may kulang na member puwede akong sumali sa kanila,"

"And siguro may mga programs na gaganapin dito sa atin at may mga artistang magtatanghal din dito, manood kayo ha!"

"Okey po sir,

"Si Elijah Ponce po ba sir ay magtatanghal din sa intrams?" tanong ng isa niyang kaklase,

"Hindi ako sigurado, pero yan ang ping usapan namin kanina, dahil nga sa sikat na sikat siya ay matutuwa ang mga estudyante kung pupunta siya para mag perform dito,"

Dumating na ang intrams , hindi naglaro sa Lawn tennis si Rey dahil nag complain ang kalaban niya , kaya naka puwesto si Rey sa table of the board of judges siya pa ang naging commentator kaya umalingawngaw sa ere ang napaka gandang boses ng commentator, biglang napa lingon ang lahat sa dereksiyon ni Rey , nakita ni Junas si Rey kaya tinabihan niya ito sa mesa,

"Rey bakit ikaw ang nandiyan? Pabulong na tanong dito ni Junas $ up. K

"Bakit ano ba ang masama?'

"Maraming makakakita sayo dito problema na naman namin yan ,"

"Nakaka hiya kasi kay sir ako ang kinuha niya dito Sige hintayin mo na lang ako sandali lang ito."

Kaya ng matapos ang laro ay sabay na silang umalis ni Junas naka akbay pa ito sa kanya habang palapit sila sa nakaupong si Marisse sa isang bench sa flourish garden ng school,

Hindi niya namalayan na sinusundan pala sila ni Eli dahil nanood ito ng laro sa Lawn tennis at nakita niya si Rey, hihintayin niya sana ito kaso naunahan na ito ni Junas

"Ano hindi pa ba tayo uuwi?"

"Mamaya na Rey manood muna tayo ng performance ni Elijah pagkatapos ay umuwi na tayo hindi ka ba papasok sa radio room ngayon nagsara na ng radio room si Angel manonood daw din ng performance ni Elijah."

"Mauna na kaya akong umuwi may exam tayo bukas Marisse gagawa ako ng outlines for review,"

"Hush!!,, Ikaw Rey kahit hindi ka mag aral alam kong mape perfect mo pa rin ang exam natin burkas , paminsan minsan naman Rey ay maglibang ka naman, maawa ka sa sarili mo puro aral ka na lang ,"