webnovel

A Night with Stranger— Part 2

Part 2

Alas dos ng hapon na ako nagising at randam ko ang pananakit ng buo kong katawan. Umupo muna ako at tinitigan ang sarili sa salamin.

" Paano?"

Bigla nalang sumagi sa isip ko ang tanong na iyon.

Tumayo ako't dire-direstong naglakad palabas. Nakita ko si Mama na nanonood kaya naman umupo muli ako.

" Ma, " tawag ko kaya naman napalingon ito sa akin.

" Oh, bakit?" tanong nito.

" Ma, yung kaibigan ko kasi nabuntis. Ka-edad ko lang po 'yon. Sa tingin mo ano ang maari niyang gawin?" tanong ko.

" Dapat na sabihin niya na sa magulang niya. Okay naman na kasi nasa tamang edad na siya para sa ganun. Eh, papanagutan ba?" muli nitong tanong.

" Hindi," sambit ko.

" Aba! mahirap 'yon. Dapat sabihin na talaga nung babae na nabuntis siya at 'di pinanagutan. Para naman mapayuhan at matulungan ng magulang. Tsaka, 'di ba ngayon meron ng ginagawa para kapag napatunayan na 'yon yung ama eh magsusustento nalang. Kaya ikaw mag-iingat ka rin," saad ni Mama na may kasamang pagpapa-alala.

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nito. Alam ko na yung sinabi niya ay para sa sinasabi kong kaibigan pero sa katunayan ay palusot lang iyon. Gusto ko lang talagang magtanong. Alam ko na iba ang gagawin nila kung sakaling malaman nila na ako 'yon.

__________________

Nagdaan ang tatlong araw at masasabi ko na wala namang pagbabagong nagaganap sa akin.

" Thanks G!" saad ko habang nasa Cr ako at nag-aayos ng sarili.

Nilagyan ko ng lipstick ang labi ko at sinuklay ang buhok. Pagkatapos ay pinihit ko na ang pinto para lumabas.

" wahh! ampogi" rinig kong sabi ng isa sa mga katrabaho ko bago tumili.

Tinignan ko naman ang lokasyon ng lalaki at nakita ko na kahawig ito ng lalaking nakasama ko sa Bar.

" Tss! ba't pa kaya 'yon naisip ko? Hays " sambit ko bago umalis.

Hindi ako interesado sa kung sino man ang nakahumaling sa mga mata ng mga babaeng nakita ko kanina ang iniisip ko ay kung bakit pumasok na naman sa isip ko ang lalaking nakatabi ko sa Bar.

Pumunta nalang ako sa table ko at pumikit. Inaantok pa rin ako pero hindi ako pwedeng matulog. Kailangan ko nang ituloy ito, baka mapagalitan pa ako ng boss ko.

_________________

Nagdaan ang buwan at doon na ako nagtaka. Hindi kasi ako dinatnan at madalas na antukin. Naging sensitive na rin ako sa pang-amoy pati sa mga pagkain. Hindi na ako bumalik ng Bar para kilalanin ang lalaki.

After kong subukang gumamit ng pregnancy test ay doon ko nalaman na buntis ako. Naiyak pa ako ng malaman na buntis ako at hindi ko kilala ang ama ng dinadala ko.

Kinalaunan ay nakapagdesisyon kong sabihin na 'yon sa magulang ko. Noong una ay nagalit sila sa akin dahil sa nabuntis ako at hindi ko kilala ang ama nito.

Pinapunta rin nila ako sa bar kung saan ko nakilala ang lalaki upang sana'y malaman ko kaso wala rin naman akong nakuhang impormasyon. Nais sana ng magulang na magsustento ito.

After ng nangyari ay naisip ko na mas okay na umalis nalang ako sa bahay at pumunta sa ibang bansa kung nasaan ang lola ko, kung saan nakatira ang iba ko ring pinsan. Gusto ko na doon nalang palakihin ang anak ko. Kaya ko rin naman siya bigyan ng magandang buhay.

To be continued..