webnovel

A Night of Pleasure

PenNameError · Urban
Not enough ratings
2 Chs

Chapter Two

Naalipungatan si Alexis mula sa pagkakatulog dahil sa malalakas na katok sa kaniyang pintuan.

Shit! Ang aga-aga may nambubulabog sa tulog niya. Sino na naman ba iyan?

Naiiyamot na bumangon siya mula sa pagkakahiga nang magpatuloy ang pagkatok sa pinto ng kwarto niya.

"Ano ba? Ang aga-aga nambubulabog kayo ng tulog! Shit! Ang sakit ng ulo ko!" reklamo niya sabay hilot sa sintido na pumipintig sa sakit.

"Yan! Yan ang napapala mo sa pag-inom na yan." bulyaw sa kaniya ng Daddy niya na siya pa lang kumakatok sa pintuan niya.

"Daddy." tawag niya sa ama at apologetic na tumingin dito saka pasimpleng inayos ang magulong buhok.

"Fix yourself and see me in the dining room." Yun lang at iniwan na siya ng ama.

Dali-daling pumasok siya sa banyo para maligo at mag-ayos. Pagkatapos ay bumaba na siya at dumiretso sa dining room.

"Good morning Dad, morning Tita Jas." bati niya sa mag asawang nakaupo na sa hapagkainan. Binigyan niya ng halik ang bawat isa sa pisngi at pagkatapos ay naupo narin sa upuang nakalaan para sa kaniya.

Nakaupo ang ama niya sa pinakadulo ng upuan katabi nito sa kanang bahagi ang asawa nitong si Jasmin. Siya naman ay nasa pang apat na upuan sa kaliwa. Dati ay lagi siyang nakaupo sa kaliwang bahagi ng upuan malapit sa kaniyang ama ngunit ngayon ay nag-iba na siya ng upuan. Nagsimula lang ang lahat ng iyon dahil sa konting hindi nila pagkakasundo ng ama mula ng maging asawa nito si Tita Jasmin.

"Kumain kana para mainom mo itong gamot."

Gulat na napalingon siya kay Jace na siyang naglagay ng dalawang piraso ng Advil at isang baso ng tubig sa kaniyang tabi. Nakaupo na ito sa kaniyang harapan kahanay ang ina nito.

Walang mababakas na emosyon sa mga mata nito at hindi kakikitaan ng concerned ang mukha. Hindi niya tuloy mahulaan kung ano ba ang iniisip nito at nakuha pa siyang bigyan ng gamot. Napapailing sa isip na nagsimula siyang kumain.

Mabilis na tinapos niya ang pagkain at ininom ang gamot saka siya tumayo.

"Gotta go Dad. I have some important work to do in my shop, bye." paalam niya sa ama at tumayo na dala-dala ang shoulder bag.

Nang makalabas siya ng bahay ay napangisi siya. Ang totoo ay nagsinungaling lang siya sa ama na may importante siyang gagawin sa flower shop niya. Kaya mabilis siyang natapos kumain ay dahil umiiwas siya sa mga taong nanduon. Lalong lalo na kay Jace.

Ewan ba niya bakit naiinis siya sa pakikialam nito sa kaniya. Wala naman itong masamang ginagawa sa kaniya. Siguro ay dahil ayaw niya lang sa ideyang hindi siya maalala ng lalaki.

Kahit siya man ay mas gugustuhing hindi rin ito maalala o makilala. Gabi-gabi ay lagi siyang dinadalaw ng panaginip tungkol sa nangyari isang buwan ang nakalilipas.

At nakakadiring tanggapin na sa huli ay magiging kapatid niya ang lalaki. Kung pwede lang ibalik ang panahon ginawa na niya. Maling-mali ang nangyari sa pagitan nila.

Iyon ang lihim na hindi dapat malaman ng lahat, lalong-lalo na ng kaniyang ama.

Kaya hanggat maaari ay susuwayin niya muna ang ama. Itakwil man siya nito bilang anak. Pero hinding-hindi siya makakapayag na pumirma ito sa adoption paper bilang ganap na ama ni Jace.