"Everyone's Cry"
Sa isang tahimik na lugar, kung saan ang sariwang hanging may kasama pang matatamis na halimuyak ng bulaklak, sa mga kalmadong baybayin, matatarik at bato-batong bulubundukin, ang iba't ibang nilalang ay nabubuhay nang payapa sa isang malawak na hugis-pakpak na arkipelago — ang Scharthyle.
Mayroong mga kyut na dwarves at dwarfies, mga anghel, foxmen, mga higanteng bato o golem, mga higante, mga fairy at little fairy, pati na ang mga centaurs, at mga fishmen sa karagatan.
Payapang araw ang nabulabog sa mga lugar sa Scharthyle. Ang mga mamamayan ay nagsitakbuhan sa mga matibay na tanggulan sa nagsilabasan na mga mananakop — ang mga demonyo, nagsilabasan sa iba't ibang lagusang ginawa mismo sa Scharthyle.
"Hinding-hindi na mauulit ang nangyari noon. Ito na ang huli ninyong pagppakita! ! RAAGH!" Ang nakataas-sandata pa nilang sigaw.
Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!
Like it ? Add to library!
Have some idea about my story? Comment it and let me know.