webnovel

Chapter 5: "Iliotrópio at Prásinos" (Part II)

Dumako tayo sa isla namang kinatatyuan nina Zeline, Manuel, at Rey, ang demon.

{[ZELINE's POV]}

"Handa ka na, Manuel?" Tango ang sumbat niya at ibinaling ang tingin sa kalaban.

"Ano pang tinatayo ninyo d'yan? Kilitiin ninyo naman ako sa mga ilalabas ninyong mahika!"

"Ang lakas mong mang-inis... Hintayin mo at matitikman mo ang tinatago naming mga alas! Wala ka pang nakikita sa kapangyarihan namin kaya 'wag kang masyadong MAANGAS!"

"Maangas? Nagsasabi lang ako ng KATOTOHANAN!"

"Puro ka salita. Gawin mo ang sinasabi mo nang mapatunayan!"

Tumigil na nga siya sa kakadaldal at inunat ang kamay pakanan na animo'y may kinukuha... Sinunggaban ang hangin nang pagkahigpit na kanya ring ginawa sa kanyang kaliwa.

"Lirus Sapharaem!" He uttered.

Isa rin pala siyang aura-user... sa bagay, mataas na rin ang kanyang level at siguro kanya na rin itong na-master.

"Teridio!" At lumabas sa kanyang likod ang itim na pakpak at mayroon ding kaunting slime sa ibang parte nito.

"P-pero T-teridio?! Ibig sabihin ba nito, lahat ng mga dryder demons ay kaya nang gumamit ng third category magic?!"

"Hindi ka nagkamali sa iyong sinabi prinsesa. May nabasa ako tungkol sa kanila at nakalagay pa roon na ang mga dryder demons ay natural na ang third category magic sa kanila at ang iba ay may kakayahan pang gumamit ng fourth," paliwanag pa ni Manuel.

Napalaki na lang ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko lubos akalain sapakat ang mga anghel na Jr. Inquiriors ay katapat lang nila padating sa lebel ng kapangyarihhan. Kaya pala kahit mga level 25 lang ang mga kalaban ni Carl kanina ay nakagamit pa rin ang mage ng isang third category magic. Mas malinaw na sa akin ang lahat kailangan lang ng tamang pang-aasar at magagaspang na salita para sa kanya!

"Oh, anong magagawa ng ganyang hitsura mo, bakang nanggaling sa kanal? Lumaki ka nang ilang pulgada pero hindi ko masasabing malakas ka! Ipakita mo sa'kin!" malakas ko pang singhal.

"P-pero?! Madam, i-iba na po siya ngayon... mas malayong mas malakas kaysa sa dati!" binulong ni Manuel..

"Ngayon, panoorin mo kung paano ko siya tututustahin. Una, kailangan ko nang tulong mo. Madali lang, kailangan mo lang kunin ang antensyon niya at sa ilang segundo'y mag-aapoy talaga siya, walang duda."

"P-pero... sige, may tiwala ako sa 'yo. Tustahin mo siya sa nag-iinit mong apoy!" aniya.

Pagkasabi niya'y agad siyang tumakbo at inikutan ang aming kalaban.

At ngayon naman, sisimulan ko na ang pagtusta sa kalaban!

"Hoy pangit!" bilang panimula.

"Heh! Sinong pangit?"

"Nagtanong ka pa?!"

"Tumahimi ka diyan!" sigaw niya sabay turo sa akin.

Nakuha nga ni Manuel ang atensyon niya at sinigawan ito, "Ikaw namang ulyanin kang parang lamok na umiikot-ikot! Napakaingay at sakit mo sa mata!"

"Huwag ka nang tumayo lang d'yan prinsesa... Gawin mo na po!" sigaw ni Manuel nang makarating na siya sa likuran nito.

"Hindi 'yan uubra sa'kin!" Nang masabi niya ito'y agad niyang ihinarang ang kanyang pakpak dahil inakala niya sigurong aatakihin ko na siya. Pero... hindi... kasi... ito na ang hinihintay ko!

"Ayh?! Anong ginagawa ng isang malaking baka at hinaharang ang kanyang pakpak? Natatakot ka ba sa lalapag sa katawan mo?! Hindi ba kaya ng katawan mo ang sangkarampot na enerhiyang ibibigay ko? Nakakaa-awa ka naman..."

"Ngayon na prinsesa!" ang sigaw niyang muli.

"Ginagawa ko na chef, 'wag kang mag-alala..." sabi ko nga na nagpasalubong sa kilay niya.

"Ano pang hinhintay mo?!" Ang sigaw naman ng baka.

"Hindi 'yon maaari... kung may nakaharang na pakpak sa likuran, pa'no kita matatamaan nang direkta? Diba't nakakahiya rin kung dedepensahan mo pa ang aking maliit na atake?"

"Huwag mo akong ikutin prinsesa. Ang mga pinagsasabi mo d'yan ay wala ring silbi!"

"Walang silbi?"

"Kung may bibilugin ka man ay 'wag ako! Hindi tayo magkasing lebel ng talino!"

"Oo, kasi nakaangat ako. Malamang isa akong prinsesa habang ikaw isalang utusan ng kanyag pinagsisilbihan. Nakakaawa..."

"HMMMM! TUMAHIMIK KA!" Nag-aapoy na nga siya... sa galit.

Humarap na siya sa akin at sineniysan ko na si Manuel para umatake. Tumango naman siya at hinawakan ang isa sa mga butcher niya at hinahandang muli ang atake.

"Patahimikin mo ako kung kaya mo... Time to show some magic!"

Ang hajiae(magic) na iyon ay... "Kaeli... Foliur... Igris!"(wind, leaf, fire) At namuo na nga ang tatlong tinawag kong elemento, at nakagawa ng alimpuyo gamit ang tatlong eleserta(element).

"Dolosd!"

"Salubungin mo lang ang aking kapangyarihan!"

"Walang mas titigas pa sa akin!" kanya namang sigaw.

Habang si chef naman ay handa na rin sa kanyang paglusob.

Naka-aura rin siya... pero hindi ako pamilyar sa kulay na yellow. Pero hayaan mo na muna ang importante ay mapagbagsak na muna namin siya.

"RAYAGH!" aking hudyat.

Napapikit na lang ako nang matamaan nang aking hajiae ang bakan 'yon. Hindi ko na alam pa kung anong nangyari sa dalawa, dahil matapos nang pagtama at masakitsa tengang pagsabog ay nag-iwan nang makapal na usok at alikabok na nakakahatsing pa.

Sa makapal na usok na ito'y isinisigaw ko ang pangalan ni Manuel... Katahimikan ang naiwan sa lugar na aming kinatatayuan. Mabuti na lang at matibay ang ginawa ni Carl.

"Manuel! Nasaan ka?" Tanging ang sigaw ko na lang ang bumubuwag sa kataimikan at ang mga batong maririnig mong lumalagitik.

"Mahal na prinsesa! Ayos lang po ako!" Nag-silakbo ako nang matanggal ang ibang alikabok sa posisyon ko. Ipinayagpag ang aking pakpak at unti-unti ko na silang nakikita. Nagulat na lang ako nang may papunta nang anino sa akin at hindi ko na mailipat pa ang direksyon at matakasan pa ang...

"UGH!" Nag-iinit at matalim niyang sungay ang isinaksak niya sa aking tiyan nang sobrang bilis at hindi na nakapag-react pa!

He flung me out of the circle thinking how is he still alive after the spells that I have used. I was almost unconscious that time, the force that I recieved almost destroyed my metal armour. Buti na lang at may nakasalo sa akin at hindi ko na alam kung sino pa, kung hindi, nahulog na ako sa humigit kumulang isang daang metrong taas, at hinding hindi ko rin kakakyanin ang lumipad.

"ATE!" Ang huling narinig ko bago nawalan nang malay.

-End of Zeline's POV-