webnovel

a love that never fades(TAGALOG) (BL)

ALTNF 1 Ben Cariaga's POV "Ano na, asan ka na?" Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh. "Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!" Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga. Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal. "Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko. "Nandito ako, look!" Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas. "Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya. "Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!" Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam. "Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong." She chuckled, "Ok." At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga. Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata. "Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko. Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay. "Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya. I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh." "Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing. "Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami. Bago ang lahat. Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.

johndrewmac · Realistic
Not enough ratings
20 Chs

14

ALTNF

14

Nico Jay Natividad's POV

- 7:13 pm -

I barged into Ben's house. Madilim. Hindi bukas ang ilaw.

Sa totoo lang, medyo nagdududa ako na baka umalis siya. Na baka may pinuntahan lang siya.

Pero hindi. Magkasabay kami kagabing umuwi at hanggang ngayon, hindi ko talaga nakita na nagbukas ng bahay. Hindi rin naman siguro siya makakaalis ng hatinggabi. Alam kong hindi niya gagawin 'yun.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kanyang bahay ay hinanap ko kaagad ang switch ng ilaw ng bahay nila gamit ang camera flash ng phone ko. I turned it on nung makita ko ito. That's when I finally confirmed na hindi siya umalis dahil hindi nakalock ang kaniyang pinto.

Naglakad ako papasok sa loob. Sinubukan kong pumasok sa isang kwarto ngunit walang tao. Marahil hindi ito ang kanyang kwarto.

Sinubukan ko namang pumasok sa kasunod na kwarto. Bahagya itong nakaawang. Kaya siguro hindi ko agad ito napansin dahil nasa isle ito malapit sa sala.

Pagkapasok ko sa loob, hindi ko pa man nabubuksan ang ilaw ay napansin ko nang may nakahiga sa kama.

"Ben..?"

Dali-dali kong hinanap ang switch ng ilaw ng kanyang kwarto at binuksan ko kaagad ito. Halos manghina ako sa nakita ko.

It was Ben, lying in his bed. Nakamulat ang kanyang mga mata. Mayroong dugong tumutulo mula sa kanyang ilong papunta sa pisngi.

Halos mablangko ang utak ko sa nakita ko.

What is happening to him?

"Sino yan?" He asked, his voice weak.

I suddenly felt anxious and worried at the same time. Dali-dali akong lumapit sa kanya at tiningnan ko ang mga mata niya. Gamit ang aking panyo ay pinunasan ko ang dugong tumutulo mula sa kanyang ilong niya. Bahagya na itong namumuo sa kanyang pisngi.

"A-ako 'to, Ben. Kilala mo naman siguro ako, 'diba? Ano 'to, anong nangyayari sa'yo?" I asked him worriedly.

Hindi siya tumingin sa akin. Nakatulala lamang siya sa kisame ng kanyang kwarto.

"Sino ka...?" Mahina niyang tanong.

Lumapit pa ako sa kanya at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.

"Ben, tumingin ka sa akin." I asked him.

Iginawi ko ang mukha niya upang magpangita ang aming mga mata. Ngunit hindi talaga siya makatingin ng diretso sa akin. Nakatitig lang siya sa kisame.

"Hindi kita makita. W-wala akong makita." Sabi niya.

Parang bigla akong nanlumo sa narinig ko. I suddenly can't find words to say. Patuloy na nagpo-proseso sa utak ko ang sinabi nya.

"A-ano?"

"Hindi kita makita, sabihin mo sa akin kung sino ka." He said.

Saglit akong natigilan sa sinabi nya.

"Ben, si Nico to.. sabihin mo sa akin kung anong nangyari. Should I call an ambulance?" Tanong ko.

"W-wag, wag please." Sabi niya.

Napapikit ako. Then I sigh.

"K-kailan pa 'to? Kailan ka pa nagkakaganito?" I asked him.

Hindi siya agad nagsalita. Pumikit siya at saka bumuntong hininga.

"Sasabihin ko sa'yo."

~*~

"Kaya mo nasabing forbidden kang umiyak...because this happens to you." Sabi ko sa kanya habang sinusubuan siya ng niluto kong noodles na hinaluan ko ng kanin. I actually found this weird pero dahil suggestion niya, sinunod ko na lang.

Hanggang ngayon, hindi pa rin siya nakakakita. At sabi niya na ine-expect na raw niya na mangyayari ito.

He told me that yesterday, may napanaginipan daw siya. Isang panaginip na madalas niyang mapanaginipan. Kaya lang, sa kaso ngayon, wala ang kuya niya na magpapakalma sa kanya. That's why he ended up crying.

Then this happened. Hindi siya makakita. At nangyayari ito kapag umiiyak siya.

"Gaano katagal pa bago bumalik ang paningin mo?" Tanong ko sa kanya.

He shrugged, "Hindi ko alam. Siguro bukas, o sa isang araw. O sa isang linggo. Hindi ko alam."

"Ben,"

He heaved a deep sigh, "Hindi natin alam, Nico. Pero huwag kang masyado mag-alala. Sigurado ako na babalik rin 'to dahil ilang beses na itong nangyari sa akin. Ilang araw ang itinatagal. Kaya lang, sa ngayon, hindi ko na alam." Paliwanag niya.

Sa totoo lang, ayoko mang maawa sa kanya, pero iyon ang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung paano ko siya bibigyan ng mga salitang magpapagaan ng pakiramdam niya. Parang gusto ko na lang siyang yakapin ng mahigpit. Gusto ko na lang iparamdam sa kanya na nandito ako upang bantayan siya.

Pagkatapos niyang kumain ay inalalayan ko siya papunta sa cr. Maglilinis lang daw siya sabi niya. Kabisado naman daw niya ang cr kaya naman hindi ko na siya sinamahan sa loob.

Sayang.

He said he's been lying in his bed all the time. Hindi siya kumakain, hindi umiinom ng tubig. Neither did he feel like going to the comfort room.

Tinawagan ko na rin pala ang kanyang kuya at sinabi rito ang nangyari. Kay Ben ko mismo hiningi ang number at hindi na rin niya ako pinigilang sabihin sa kuya niya ang nangyari dahil kailangan niya ngayon ng makakasama. And the moment I told his brother about his condition, he decided kaagad na mag early leave sa outing nila. Siguro by tomorrow ay nandito na ang kuya niya.

Ilang saglit pa ay lumabas na si Ben ng cr at kaagad ko naman siyang inalalayan.

"Nico, umuwi ka na. Salamat sa pagpunta mo. Kung hindi mo siguro ako pinuntahan dito, namatay na ako sa gutom at uhaw. Salamat talaga."

"Hindi, Ben. I'll stay here until--"

"No, Nico. Umuwi ka na. Padating na raw naman si kuya bukas. Hihintayin ko na lang siya. Matutulog na ako, gusto ko na rin kasing magpahinga."

"Ben,"

"Magtiwala ka sakin, Nico. May favor din sana ako." He asked.

"Anything."

He sigh. "Wag na sanang makarating 'to kina mang Tako. Lalo kay kuya Jay. Ayokong malaman nila."

Bumuntong-hininga ako at nginitan ko siya kahit alam kong hindi niya ito nakikita.

"I won't tell them."

~*~

- 12:01 am -

"N-nilagnat lang siya, pero ok na siya ngayon. Parating bukas ang kuya niya para alagaan siya." Sabi ko kay kuya.

"Dumugo ang ilong niya dahil siguro sa uhaw, gutom at antok. But don't worry, ok na siya. I took care of him already." Dagdag ko pa.

He sigh in relief. Ramdam ko halos kung gaano siya nag-alala. Nakita ko kanina noong pagkarating.

I'm wondering, I think there's something about him. Ngunit sa ngayon, ayoko pang malaman ang bagay na iyon. Ayokong malaman ang bagay na wala pang kasiguraduhan -- kasiguraduhang maaaring magdulot ng sakit, marahil sa akin.

~*~

Jay Marco Natividad's POV.

"Hmm, I think I need to put more pasta here Marco, right? And a little bit more pepper. Alam mo na, taste twister." Sabi ni Haiah. She said she's into dressing dishes kaya naman ipinagluto ko siya ng pasta at sinabi niya na siya na raw ang magd-dress nito.

"At wait, muntikan ko nang makalimutan ang tarragon leaves. Konti lang, for mint purposes. And then," nilinis na niya 'yung gilid ng plato using a piece of tissue paper, "Perfect!" She said.

Sa totoo lang, kanina pa niya ginagawa yan sa harap ko pero wala sa kanya ang focus ko. Para akong nasa gitna ng alapaap sa sobrang dami ng iniisip.

"Marco?" She snapped in front of me na nagpabalik sa aking huwisyo.

Tumingin ako sa kanya, then I smiled. "Really? Wow, ang ganda. Mukhang masarap ah. Sige, kainin mo na." Sabi ko sa kanya.

Sinamaan naman niya ako ng tingin, "Siraulo ka ba? Nag-effort ako rito hindi para sa akin, kundi para sa'yo." then she made a face, "kung ayaw mo, edi wag! Fine, ako na kakain."

"No, no, Haiah. Ako na. Sorry, akala ko ginawa mo yan para sa'yo, para sa akin pala. Thank you for your effort." Sabi ko at tinikman ko na 'yung pinag-effortan niya.

"Woah, masarap siya." Sabi ko.

Medyo nasobrahan siya sa anghang. Tarragon mint, with pepper mint, with bayleaf, tapos may bellpepper pa. Naparami masyado 'yung pepper. Hindi ko rin alam kung para saan 'yung bayleaf. Nakakasuka na 'yung amoy niya dahil sa halu-halong mint.

"Talaga?" Sabi niya na ngiting ngiti.

I nodded, kahit na gusto ko nang uminom ng maraming tubig.

"Ok, since nakita ko naman na na-appreciate mo siya ng bongga, sige ibibigay ko na sa'yo lahat 'yan. Pwede mo na 'yang ubusin."

Agad naman akong napailing, "No, Haiah! You should try it, t--"

"And mamayang gabi, I'll do a lot of that again. Para makatikim tayong lahat!" She said cheerfully.

"Haiah, hindi mo ka--"

"We need to celebrate, Marco. Dahil mamayang gabi, may sasabihin ako sa'yong importante." Bahagya namang lumungkot ang itsura niya na medyo ikinataka ko. Muli rin naman siyang ngumiti kaagad.

"C'mon, ubusin mo na 'yan. Magpapakulo pa ako ng maraming pasta,"

"Wag na, Haiah. Ok na 'to. Ako na lang magluluto. Then tutulungan kita sa dressing mamaya." Sabi ko then I smiled at her. And so do her.

"Labas lang ako." Sabi ko at umalis muna ako sa kusina.

Lumabas ako ng bahay at mula rito sa bakuran namin ay sinilip ko ang bahay nina Ben. It's 12 noon, at nandoon si Nico para asikasuhin siya. Hindi pa kasi dumarating ang kuya niya, and I asked Nico to check on him. Pinagdala ko rin siya ng pasta na ako ang nagdress, without telling Haiah.

Kumusta na kaya siya? Mataas pa kaya ang lagnat niya? Sabi ko kay Nico painumin siya ng gamot. Nakainom na kaya siya? Pero dapat kumain muna siya bago uminom ng gamot.

I sigh. These past few days parang naninibago na rin ako sa sarili ko. Iniisip ko ang mga bagay na hindi ko naman dapat iniisip. Ginagawa ko ang hindi naman dapat. Naiinis ako kahit hindi naman dapat. Nalulungkot ako kahit hindi naman dapat. Hindi nga ba talaga dapat?

Mabuting tao si Ben. Alam ko 'yun. Alam na alam ko. Nakikita ko. Ang ikinaiinis ko lang naman sa kanya ay ang pagiging pasaway niya. Pero wala. Wala akong kahit anong sama ng loob sa kanya. Sa sarili ko, meron.

He's jolly and kind. And I somehow envy him for being like that. He's fragile, madaling masaktan. Kita ko eh. Kita ko sa personalidad niya. And now that he's sick, wala akong ibang maramdaman kundi guilt. Wala naman talaga siyang ginagawang hindi maganda yet ang sama ng pakikitungo ko sa kanya. Ako nga kaya? Ako nga talaga siguro ang masama.

I smiled sadly. I think I have to go easy on him from now on. Ayokong makasakit. Alam ko kasing nagtatago lang siya ng nararamdaman niya. Ngayon, parang may humihimok na rin sa akin to allow him to tell me about his pain, his past.

Bahala na. Bahala na.

I heaved a deep sigh at bumalik ako sa kusina para kunin ang naiwan kong phone. Pagkarating ko sa kusina ay kinuha ko sa lamesa ang phone ko. Napansin kong naroon din ang phone ni Haiah. Naiwan din niya.

Suddenly, her phone vibrates. May tumatawag sa kanya. Dahil sa curiousity ay kinuha ko ito at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Wala itong pangalan. Isa lamang itong heart icon.

I pressed the accept button at itinapat ko ito sa tenga ko. The rest is history.

This is way, way far from family vacation, Haiah.

---