webnovel

a love that never fades(TAGALOG) (BL)

ALTNF 1 Ben Cariaga's POV "Ano na, asan ka na?" Sabi ko dahil hindi ko na talaga siya makita. Asan na ba siya? Masyado nang mataas ang narating niya! Mamaya mahulog to eh. "Wait, teka lang babi! Ang kati ng likod ko. Jan ka lang!" Sigaw niya mula sa itaas ng puno. Sa totoo lang, kanina pa ako nangangalay dito. Paano ba naman, kanina ko pa bitbit ang pagkalaki-laking bayong na 'to na naglalaman ng mangga. Yep, nasa mango-hunting kami ngayon ni Kristal. "Ano na bes? Nakakangalay na! Asan ka ba? You are nowhere to be found!" Sigaw ko. "Nandito ako, look!" Hinanap ko siya sa itaas pero hindi ko talaga siya makita. Masyado kasing maraming sanga ang nakaharang. Maya-maya ay may ginalaw-galaw siyang mga sanga at hinanap ko iyon. Nang makita ko ito ay ako ang nalula sa sobrang taas. "Hala Kristal! Gagi ka ba? Ang taas mo masyado! Bumaba ka na dyan, bago ka pa mahulog at masisi pa ako ng masungit mong mudrakels dahil ako ang nagpaakyat sa'yo dyan!" Sigaw ko sa kanya. "Babi, magtiwala ka sa akin. Kaya ko 'to. Ang dami kaya dito. Ready mo na yang bayong, dali!" Sabi niya. I frowned. Ano ba 'yan, bigat na bigat na nga ako dito tas biglang change location. Huhu. Hinanda ko na ang dala-dala kong bayong. Tama siya, ang dami ngang bunga ng mangga sa pwesto niya. Kumpul-kumpol at malalaki na. Sana lang hindi pa hinog ang mga 'yam. "Kris, ang dami masyado. Bawasan mo. Baka sa ulo ko tumama 'yan imbes na shumoot sa bayong." She chuckled, "Ok." At hinulog na niya isa-isa yung mga mangga. Marami-rami rin kaming nakuha. No, marami talaga kaming nakuha. Samantalang kami lang din naman ni Kristal ang mangangain nito. You know, summer. Ang sarap ng may mangangata. "Marami rin tayong nakuha. Tirahan natin si kuya Japs ng lima." Sabi ko. Bumaba na si Kristal sa ng puno nang walang kahirap-hirap. Taong unggoy 'yan eh. Kayang umakyat ng puno kahit gaano kataas ng effortless. Kahit maliit na babae yan si Kristal wag mong mamaliitin yan. Maraming 'yang kayang gawin sa buhay. "Tatlo lang? Gawin mo nang sampu." Sabi niya. I gave her a meaningful look, "Ok, ok, fine, fine. Crush mo eh." "Huh? C-crush ka diyan, wala akong crush no." She said, blushing. "Asus, oke, sabi mo eh." Sabi ko naman. Nagligpit na kami ng mga pinanguha namin at umuwi na rin kami. Bago ang lahat. Ben Cariaga ang pangalan ko. Si Kristal naman itong kasama ko. Kristal used to call me "Babi" dahil, wala lang. Trip lang daw niya. Kami 'yung tipong unexpected best friends kasi pagkalipat na pagkalipat nila dito, inapproach niya kaagad ako. Then ayun, instant BFFs. Minsan tinanong niya ako if I'm a gay. Napansin niya daw sa behaviour ko at way ko ng pagsasalita.

johndrewmac · Realistic
Not enough ratings
20 Chs

10

ALTNF

10

Jay Marco Natividad's POV

"Dedicated ka."

Sabi ko kay Ben. Nandito siya ngayon sa aming terrace, sitting pretty sa palagi kong pinupwestuhan kapag bored ako. Mula rito ay kita ang bintana ng kanyang kwarto sa katapat.

He has a playful smile written in his lips.

"Dedicated? Ahmm," he paused, "saan?" Pa-inosente niyang tanong.

Punung-puno na talaga ako sa batang 'to eh. Konti na lang, naku. Sinasabi ko sa inyo. Mare-rape ko 'to.

"Ewan ko sa'yo. Kapag gusto mo, wala na talagang makakapigil sa'yo eh, no?" Sabi ko. Sumandal ako sa pintuan ng terrace.

I saw his lips curved shyly, "sorry if I went too far. Ewan ko ba, ang hirap mag-adjust. Don't worry, ngayon lang 'to. Patambay lang. Alam ko naman na iritado ka sa akin kasi maingay ako. Hehe," sabi nya.

Napangiti ako ng sarkastiko. Ngayon lang. Ngayon lang 'to? Samantalang halos araw-araw siyang pumupunta rito para manggulo ng buhay ng may buhay. Istorbo. Kung sa tingin niya nakakatuwa pa 'tong mga pinaggagagawa niya, pwes hindi.

"Galing ka rito kahapon." Sabi ko.

"Ha?"

"Bakit, sasabihin mong hindi?" I asked.

Napaisip siya saglit at tumingin sa akin, "Hindi pa naman talaga ah?" Sabi nya.

"What?"

"Dito sa kwarto mo. Hanggang sala lang ako ng bahay nyo. Gusto ko rito sa terrace ng kwarto mo para refreshing. Ilang beses na kasi kitang nakitang nakatambay dito. Pag sinisilip kita mula sa bintana ko. Nakikita mo 'yun?" Sabi niya at tinuro niya ang aming tapat.

"Bintana 'yan ng kwarto ko." Sabi pa niya ng ngiting-ngiti.

"Pake ko?" Sabi ko.

He just made a face. Napailing na lang ako.

"Ganito ka ba talaga ka-interesado sa akin? You're crossing the line. Sabihin mo nga sa akin, crush mo ba ako?" Iritado kong tanong sa kanya.

Ngunit malayo sa inaasahan ko ang ekspresyong nakita ko sa mukha niya.

"Yiiieee, pano mo nalaman?" He said while smiling brightly.

At talagang inamin niya? Anak naman ng pating oh. Masyadong tapat ang batang 'to.

"Get out of my sight. Hangga't may pasensya pa ako."

"Kuya Jay, pwede namang sa halip na mairita ka, ay magtiwala ka na lang sa akin. Ano ba naman 'yung magkwento ka sa akin ng kahit ano, 'diba? I'm not asking for any personal matters." Sabi niya.

I sigh, "Wala akong iku-kwento sa'yo."

"Kahit?"

"Kahit." Sabi ko.

"Kahit marami?" napatingin siya sa paligid at bumuntong-hininga siya. "Oo nga pala. Magkaiba tayong tao. Ayaw mo ng kwento kahit marami kang kwento. Samantalang ako, kahit wala akong kwento marami akong nasasabi. You know what, kuya Jay, it's ok to get out of your comfort zone. Look," sabi niya, at itinuro niya ang tapat namin.

Maganda ang tanawin mula rito sa terrace. Kita ang mga bundok, mga puno, at mula dito rin ay halos matanaw mo na ang asul na kulay ng dagat. Masyado itong breathtaking para pagmasdan. Masyadong maganda. Probinsyang probinsya ang dating.

"Masyadong maikli ang buhay natin para kimkimin ang lahat ng problema. Kung sana kagaya tayo ng mga puno, ng mga ibon na malaya... We can keep our thoughts to ourself. Kasi malaya naman tayo eh." Sabi niya.

"Mas maikli ang buhay ng ibon kesa sa tao." Sabi ko naman.

Napatingin siya sa akin at sinamaan niya ako ng tingin.

"H-ha? Sabi ko nga. Hay nako, panira ka talaga ng mood!" Sabi naman niya na medyo inis na.

Hindi ko napigilan. Napangiti ako.

Somehow, naiintindihan ko ang sinabi niya. Nasa akin talaga ang problema. Masyado akong naa-anxious kaagad kapag magsasabi ako ng kwento sa iba. Ang ending, nananahimik lang ako.

Madalas ding walang kumakausap sa akin noong pumapasok pa ako sa eskuwelahan. Marahil alam nilang hindi ako interesadong makipag-usap sa kanila. Tanging si Drew lang ang medyo nakakausap ko noon.

"Tinatamad akong mag-kwento." Sabi ko.

"Oh. See? Tinatamad ka. Wag ganun, kuya Jay. Ok lang kung kahit ngayon hindi ka tamarin. Nandito lang ako."

"Alam ko. Wala lang talaga akong gana magkwento. Lalo na sa kagaya mo."

"Kagaya ko? Na ano?"

"Na pasmado ang bibig." Sabi ko pa.

Pinanliitan naman niya ako ng mata, "Akala mo lang 'yun, kuya Jay. May deep side pa rin ako." Sabi niya.

I just sigh in defeat.

Kumuha ako ng isang upuan na may sandalan sa loob ng kwarto at umupo ako sa may gilid ni Ben. Saglit muna kaming natahimik. Walang nagsalita sa amin.

Pinagmamasdan lang namin ang tanawin na nasa harapan.

Hanggang sa ako na rin mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Siyam na taon ako nang maulila kami ni Nico sa mga magulang namin. Namatay sila sa sunog. Nagka-trauma kami ni Nico sa nangyari, lalo ako dahil ako ang may kasalanan ng lahat. Then, kinupkop kami ni Nico ng aming tita. We grew unhappy. Oo, nakapag-aral kami. Puro bugbog at mura nga lang ang madalas naming matanggap mula sa kanya. Sinisisi niya kasi kami sa pagkamatay ng mga magulang namin. Simula noon, sinabi ko sa sarili ko na maka-graduate lang ako ng senior high lalayasan ko ang lugar na yon--"

"Kaya napunta kayo dito?" Pagsingit niya.

I nodded as a response.

Tumingin siya sa akin at napatitig. Hindi ko alam pero parang ayokong umiwas sa titig niya. Masyado itong malalim. Bukod pa roon ay kita ko ang konsensya sa mga mata niya.

Isa sa mga dahilan kung bakit ayokong magkwento.

Maya-maya ay bigla siyang napapikit.

"Parang gusto ko biglang magsorry, kuya Jay." Sabi niya.

"Sabi ko I'm not asking for personal matters. Hindi ko kasalanan na bigla mong nai-kwento sa akin 'yan, pero gusto ko pa ring magsorry."

Napangiti ako ng mapait sa sinabi niya, "Ikaw eh. Pinilit mo ako. Wala naman akong ibang kwento. Kundi iyon lang. Oh ano, masaya ka na?" Pang-aasar ko pa sa kanya.

"T-teka, galit ka ba kuya Jay? Sorry na.." sabi niya. At mukhang sincere naman siya sa pagsosorry dahil sa mga mata niyang hindi makatingin ng diretso sa akin.

"Memories. There's nothing for you to be sorry. Nandito na kami ni Nico para sa panibagong simula. Pinipilit ko nang hindi mabagabag sa nangyari noon. Ikaw lang talaga 'tong makulit at pilit nagpapakuwento."

Tumingin siya sa akin. Ito na naman siya sa pagtitig niya na hindi ko matakasan.

"Pero bilib ako sa'yo,." Sabi niya.

Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at nag-salute siya sa akin, habang nakangiti ng matamis.

"I genuinely commend you, Mr. Jay Marco Natividad sa katapangang ipinamalas mo." Sabi niya.

I raised an eyebrow, "H-ha?"

"You're such a good bro. Ang swerte ni Nico na nagkaroon siya ng kuya na kagaya mo. Para siyang ako na nagkaroon ng masipag na kuya. Hindi lang sarili mong kapakanan ang inisip mo, kundi pati ang kinabukasan nyong dalawa. I commend you for your commendable braveness!" Sabi niya.

Out of nowhere, napangiti ako bigla. Pero hindi ko ipinahalata sa kanya.

"That's the least thing that I can do for him as a brother." Sabi ko.

Tiningnan ko siya at napansin ko ang manghang-mangha niyang itsura.

"Uy, napangiti uli kita!" Masiglang niyang sabi.

"So?"

"Big deal kasi sa akin na mapangiti ka." Sabi naman niya.

I stared at him, few seconds...at tuluyan na nga akong napangiti ng malawak.

Damn, Ben.

~*~

--- KORNING FLASHBACK MGA PRE --

I shutted my door close.

Sa sobrang pikon ko ay halos malaglag pa ang flower vase na nakapatong sa durabox.

Nakakainis. Nayayamot na ako sa batang 'yon talaga. Gusto kong tulugan ang inis na nararamdaman ko.

Ako kasi talaga iyong tipo ng tao na ayaw maistorbo. Gusto kong mapag-isa, focus sa ginagawa, at ayoko nang may mangbubulabog sa akin. Kaya madalas kaming nag-aaway ni Nico. Syempre, ako naman 'tong asar talo. Parehas na parehas sila nung batang 'yon.

Inilibot ko na lang ang tingin ko sa paligid ng aking kwarto. Sa pagmamasid-masid ko ay dinako na namang muli ng mga mata ko ang bagay na nasa ilalim ng durabox.

Sa totoo lang, matagal ko nang nakikita yang bagay na yan dyan pero hindi ko ginagalaw. Unang-una wala naman akong pake. Pero dahil bored ako ngayon, ay sinubukan ko itong kuhain.

Pagkakuha ko ay bumalik na ako sa pagkakahiga at bi-nrowse ko ito. Isa itong magazine.

Sa una, akala ko isa lamang itong normal na anime magazine. Unang-una dahil pamilyar ang karakter na nakita ko. But as I continue browsing and browsing each page, hindi lang pala ito basta normal na anime magazine.

It's a hentai magazine.

Fuck.

Bakit may ganito sa kwarto ko? Ilang linggo na ako dito pero ngayon ko lang ito naisipang kunin. At hindi ko akalain na isa itong ganito.

Wala masyadong mga article. Puro imahe lang at headline. Tiningnan ko ang mga imahe. Alam kong picture lang 'tong mga 'to pero ang lakas makadala.

Naramdaman kong unti-unti nang tumitigas ang alaga ko. Normal lang naman 'to kapag nakakakita ako ng mga ganitong bagay. Bakit, lalake ako eh ano ba.

Hinimas ko ang bumubukol sa crotch ko. Iba ang sarap na naramdaman ko. Alam ko kung bakit. May katagalan na rin kasi simula noong huling ano ko.

Hinimas-himas ko lang ang aking bukol hanggang sa halos hindi na kayanin ng suot kong short ang kamandag na gustong kumawala rito.

Unti-unti kong ipinasok ang aking kamay sa loob ng shorts ko. Ilalabas ko na sana ang aking alaga nang bigla namang bumukas ang pinto ng kwarto ko na siyang ikinagulat ko.

Agad akong napaayos ng higa at itinago ang magazine na hawak-hawak ko.

"Ay sorry, napatulak."

Then there. Nakita ko ang taong kinaiinisan ko kanina pa.

Tangina. Tangina talaga.

Espirito ng pasensya, sapian mo ako. Ngayon na. Damihan mo.

"The fuck?!" Mura ko the moment na makita ko ang not-so-guilty niyang itsura.

Gago talaga. Sa mga ganitong pagkakataon ako sobrang nabubwisit kapag naiistorbo ako. Tangina. Ang sarap na eh.

I glared at him. Ngumiti lang siya. 'Yung pang-asar na ngiti.

Bumuntong hininga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko.

"N-nakita mo?" I asked, at umiwas saka ako umiwas ng tingin.

"Oo, kitang kita ko. Kanina pa ako nakasilip sa kwarto mo, eh. Hehe," sabi niya then he chuckled.

"Puta." Bulong ko sa sarili ko.

"Ok lang yan, kuya Jay. Naiintindihan kita. Ano ka ba, gawain din ng kuya ko 'yan. Kaya lang hindi siya old style eh. Porn videos talaga pinapanood niya at dina-download pa niya. Alam mo na, maalam kasi si kuya sa mga technology technology na yan e. Ikaw, magazine talaga?" Tanong niya.

Napapikit ako. Tangina, gusto kong manuntok. Pero alam kong ako pa mapapasama pag ginawa ko 'yon. Nakakainis. Nakakainis talaga.

Tumayo ako at tinitigan ko siya sa mata niya. I pointed my index finger at him. "Ikaw, wag na wag mo 'tong--"

"Oo naman kuya Jay. Atin-atin lang 'to. Hindi ko to sasabihin kina Mang Tako promise." Sabi niya at ngumiti siya.

I sigh.

"Ok. Makakaalis ka na." Sabi ko.

Ngumiti uli siya, "Wag muna, dito muna ako sa kwarto mo. Please? Patambay muna. Kwentuhan tayo. Ayoko pang umuwi, ka-bored kasi sa bahay."

Napapikit ako. Ito na naman siya. Parang kanina pa niya 'to nasabi ah?

"Mukha bang tambayan ang kwarto ko? Hindi ko kasalanan kung bakit bored ka. Umuwi ka na."

"Ay... ganun?" He said then he made a sad face.

"Sige, uuwi na ako. Balik na lang ako mamaya pag nandyan na sina Mang Tako. May sasabihin pa kasi ako sa kanila eh," sabi niya at bumuntong-hininga pa siya. Umaarte siyang parang lungkot na lungkot.

Ipinikit ko ang mata ko. Hindi lang pala siya basta -basta pakialamero. Blackmailer na rin siya.

I know it's obvious but I still asked him.

"What do you want?"

"Kuya Jay naman, kanina ko pa sinasabi. Hindi ako stranger, ok?" Sabi niya.

Naglakad pa siya sa loob ng kwarto ko at dumiretso siya palabas ng terrace. Yamot akong sinundan siya.

Umupo siya doon sa favorite spot ko.

"Look. There's no sense if--"

"Then let me just stay here." Sabi niya.

Napahinga ako ng malalim.

"Akala ko sa passion lang 'to nararamdaman. Pati rin pala sa pang-iistorbo." Sabi ko.

He looked at me, confused. "Ha?"

"Dedicated ka."

-- END NG NAPAKAKORNI AT LAME NA FLASHBACK --

---

Mga labs, ito muna for now. Hindi ko po natapos yung update sa TBP. Bukas po sigurado na. Thank youu! 🥰