webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 10

Hindi ko maipagkakailang sa simpleng mensahe na iyon ay may kung anong lumilipad sa tyan ko. This guy is really something.

Jamilacson: Hindi ikaw! Kapal mo a.

CrosveltRomeo: Then who? I can be your Romeo.

Napangiti ako sa sinabi niya. Ngiting masaya, hindi yung pilit na ngiti.

Jamilacson: But I'm not Juliet.

CrosveltRomeo: It's okay. Just be my Ash.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Inangkin niya ako? Omygosh. Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Inantay kong bawiin niyo yon pero hindi niya ginawa. Hindi na ako nagreply dahil hindi ko rin lang alam ang sasabihin. Baka mamaya may masabi ako sabihin niyang easy-to-get.

Mas lalong hindi ako nakatulog sa nangyaring iyon kaya kinabukasan pahirapang gisingin ako.

"Ash! Wala ka bang pasok? Nasa baba na yung sundo mo.", sigaw ni Yaya sa labas ng kwarto ko.

Napadilat ako at lumingon sa may orasan. 6:48 na!

Dali-dali akong bumangon, naligo at nag-ayos. Hindi na rin ako kumain dahil sa pagmamadali. 8:30 ang unang klase ko ngayon at traffic panigurado. Ayoko ng nalalate sa klase.

Pagkababa ko sa may hagdan, natanaw ko na agad si Cros sa tapat ng terrace. Nakasandal siya sa harap ng Tesla niya at nakatungo. He looks hot in his Black leather Jacket, black pants and boots. Nakashades din siya.

Naramdaman niya ata ang paglapit ko kaya napatayos siya ng tayo at binuksan ang shotgun seat. Pumasok naman ako doon at inayos ang seatbelt.

Well, ganito ang set up namin every school days. Ihahatid ako sa umaga before going to work at kapag dismissal na namin sinusundo ako at ihahatid pauwi.

Naalala ko ang sinabi niya kagabi. 'My Ash'. Shit ang awkward neto!

"Good morning.", bati niya nang makasakay siya sa driver's seat.

"G-Good morning.",

Hangga't maaari ay ayoko siyang lingunin. Ayoko! Mmp!

"Nakatulog kaba ng maayos?", tanong niya.

Wth!

"Inaantok pa nga ako e. Tsaka masakit ang ulo ko, kulang sa tulog.",

Lumingon siya sa akin at kinapa ang leeg ko.

"Sabi ko masakit lang ulo ko. Hindi ko sinabing may sinat!", singhal ko sa kanya.

"Naninigurado lang.", depensa niya.

Nagsimula na siyang magmaneho palabas ng subdivision namin. Hindi ako naging komportable buong byahe dahil binabagabag ako ng sinabi niya. Nakakainis naman kasi siya e. Kung ano-ano sinabi, ayoko pa naman mag-assume.

"Ahm Ash, I think I can't pick you up later. May task kasing binigay sa akin kaya baka hindi ako umabot mamayang uwian niyo.",

Bigla akong nanlumo sa narinig. Nakakainis naman e. Magresign nalang kaya siya jan at si Daddy nalang magpapasahod sa kanya. Wait, nakapaselfish ko naman ata masyado.

"Sure. No problem.", ngumiti ako sa kanya para makumbinsi siya.

Nang maihatid niya ako, bumaba na ako kaagad na hindi na hinintay na pagbuksan niya. Wala ayoko lang. Hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Hindi na rin ako lumingon o nag goodbye man lang. Tss!

"Ashhhhh!",

Napalingon ako sa pinanggalingan ng sigaw at natanaw ko si Keanna sa dulo ng hallway. Kumakaway siya sa akin kaya binilisan ko ang lakad ko.

"Hey.", bati ko.

"Pasok ka sa room dali!",

Tinulak-tulak niya ako hanggang makarating sa room. Nagulat ako sa taong nakatayo ngayon sa harap ko. He's holding a red bouquet of roses.

Magsasalita sana siya ngunit agad ko na siyang niyakap. Gumanti naman siya sa yakap ko.

"Bat andito ka? Bawal outsider dito a.", saad ko nang makakalas sa yakap.

"Sinong outsider dito?", kunwari'y napalingon siya sa likod niya.

My eyes widened when I saw him wearing an ID same to mine. Omygod! Nagtransfer siya dito?

"Omygod! Bakit ka andito? Maayos ka naman sa Philbert a?", Tanong ko.

Fagestrom University ang school namin ni Keanna, habang si Josh ay sa Philbert University.

"Maayos nga, namimiss naman kita.", sabay pacute ang loko. Oo, si Josh ang andito ngayon.

"Miss tapos hindi ka tumatawag?", pagsusungit ko.

"So, you're waiting for me to call?",

Hindi ako nakasagot dahil nagtakbuhan na ang mga kablockmates namin papasok. Andyan na daw si Prof. Umupo na ako sa upuan ko near the window at nagulat ako nang si Josh ang umupo sa tabi ko.

"Wait, you're not supposed to be here. Dun ka sa likod.", bulong ko dahil terror ang prof namin sa first subject. Laging may regla.

"Nagpalipat ako para makasama ka lagi tapos pinagtutulakan moko palayo?", nagpout pa ang loko.

Tsk bahala siya jan. Nagsimula na kami sa klase. Dada ng dadaa ng prof namin kaso walang pumapasok sa isip ko dahil kalabit ng kalabit tong katabi ko. Anaknampucha!

"Ano?", inis na bulong ko.

"May naiintindihan ka ba? Ako wala e. ", bulong niya pabalik.

"Makinig ka nala--",

"Lacson and Silerio! Stand up!", sigaw ng matabang prof na to. Byuda na kasi kaya ganyan.

"Anong binubulong-bulong niyo dyan? Mind sharing it with the class!", taas kilay nitong sabi.

Yumuko na lamang ako dahil sa pagkapahiya. First time kong mapatayo sa klase, sa tabang prof pa. Nakakainis naman kasi tong katabi ko! Hagis ko kasi sa PU 'to.

"Ahm, tinatanong ko lang prof kung may naintindihin ba siya kasi ako wala.",

Napaayos ako ng tayo sabay lingon kay Josh na nasa tabi ko at taas-noong nakatingin kay Prof. Tumahimik ang lahat, wala ni isa sa amin ang may lakas ng loob na sagutin si Prof kaya naman masyado kaming nagulat sa nangyari.

"At saan ang hindi mo naintindihan, Mr. Silerio?", seryosong tanong ni Prof. Vulkanio kahit mahalatang naiinis na ito.

Hindi agad nakasagot si Josh at nakatingin lang sa harapan.

"Answer me!", sigaw ni Prof.

"Walang sagot sa tanong",  kumunot ang noo ko sa sagot ni Josh. Anong pinagsasabi neto.

"What?", inis na tanong ni Prof.

"Kung bakit ka mataba?",

Literal na napanganga ako sa sagot niya. What the heck!

"You two! Get out! NOW!", sigaw ni Taba.

Walang bahid na takot sa mukha ni Josh, kinuha nito ang bag niya at ang bag ko sabay hila sa akin palabas.

"Sakto gutom na ako.", sabi niya nang nasa hallway na kami. Wtf!

"Nandamay ka pang gago ka.", inis na singhal ko sa kanya.

Natawa naman siya. Sinundan ko lang siya hanggang sa mapagtanto kong palabas na kami sa main gate. San punta neto?

"Gusto mo ng ice cream?", tanong niya.

Lumiwanag ang mukha ko. Di baleng napalabas basta may ice cream hihi.

"Nagtanong pa. Tara na.",

Hindi na kami nag-abalang gamitin yung sasakyan niya dahil malapit lang naman. Hawak-hawak niya ang kamay ko habang ang bag ko ay nasa kanya. Mula nung nagconfess siya parang ang awkward na kapag magkasama kami.

"Anong sayo?", tanong niya nang mailapag ang bag namin sa table.

"Cookies and Cream.", I gigled.

Natawa naman siya. Pinanood ko siyang pumila sa counter. Hindi mahirap magustuhan si Josh, mabait siya, clingy type, gwapo, matangkad, maputi, makapal ang kilay, pati mukha makapal. He has this sense of humor kaya hindi siya boring kasama. Siya yung tipong ita-take ang risk para sa taong mahalaga sa kanya.

Pero hindi kasi kasing tapang niya, I can't risk our friendship. Ayokong sa huli pati pagkakaibigan namin masira. Ayoko ng ganoon. Ayokong mangyari yun.

"Cookies and cream for My Ash.", ngiting saad niya habang nilalapag ang ice cream sa harap ko.

'Just be my Ash'

Naalala ko ang sinabi ni Cros sa akin. Gusto ba niya ako? Bakit kasi hindi nalang niya sabihin? I feel the same way naman.

Wait what?! No no no! Hindi ko siya gusto. I don't even know the feeling of liking someone. How can I be so sure that I like him? Duh!

"Hey. Bothered by something? Or someone?", tanong ni Josh sabay pitik sa noo ko.

"Aray masakit a!", pinalo ko siya sa braso tutal magkaharap lang kami at maliit naman yung table. Kahit sampalin ko siya pwede.

"Wag mo naman siyang isipin kapag kasama mo ako.", ngumiti siya ngunit alam kong pilit lang iyon.

"Who?", kunwari'y hindi ko alam ang sinasabi niya. Nag-iwas ako ng tingin at itinuon na lamang sa pagkain ang atensyon.

"Sino nga ba?", kibit-balikat niyang sagot.