webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 08

"I just went out to eat! How many times do I have to tell you?",

Kanina pa ako sinesermonan netong pulis na 'to.

"At ilang beses ka ring mapapahamak bago ka madala? Alam mong hindi ka pwedeng lumalabas ng walang kasama dahil baka mapano ka.",

"So, you care for me huh?", mataray na tanong ko.

"Yes because it's my job.",

Hindi ko maipaliwanag ngunit nay kaunting kirot sa puso ko nang marinig na may pakealan lang siya sa akin dahil iyon ang trabaho niya.

"Right. It's your job ",

Naglakad na ako papasok sa bahay namin nang mabigat ang loob. Why am I feeling this way? Do I like him? Gosh ilang linggo palang ang nakalipas and hindi rin naman kami magkasama lagi.

Busy si Josh this past few days dahil sa pag-aaral. Naghahabol siya ng lessons dahil dalawang buwan siyang nawala nang hindi ko nalalaman ang rason

Si daddy, nag out-of-town with his friends, I guess. While mom is at Santiago parin for her seminar. I didn't know a seminar could last for almost 2 weeks. Argh!

Bumaba ako nang makaramdam nang gutom, nakalimutan kong hindi pala ako naghapunan kanina dahil sa pagtatalo namin ni Cros.

Nang makababa ako at paliko na papunta sa kitchen ay may namataan akong nakaupo sa may stairs ng terrace namin at nakasandal ito sa pader. Lumapit ako don at nagulat nang makitang si Cros iyon, tulog.

Hindi ko alam ang gagawin, kung gigisingin ko ba siya o hindi pero mukhang mangangakay siya bukas panigurado kung rito siya matutulog magdamag.

"Hey.", tinapik ko nang bahagyan ang balikat niya. Nagising naman siya agad at inayos ang upo.

"Ash, it's late. Why are you still outside?", tanong niya nang nakakunot ang noo.

"I should be the one asking you that.", taas kilay kong tanong.

Hindi siya sumagot bagkus ay tumitig sa akin. Don ko narealize, I was only wearing nighties. Gosh wala pa akong bra. Nanlaki ang mata ko at walang pasabing tumakbo pataas sa kwarto ko. Napansin kaya niya na walang bra? Well, I know di kalakihan pero.. Arggh!

Nagpalit ako ng pajama and shirt at nagbra na din ako. Gutom na gutom na ako. Bahala na.

Nakaupo na siya sa sala nang makababa ako kaya niyaya ko nalang siyang kumain kahit medyo naiilang pero mukhang natural naman siya umasta at walang bakit.

Tahimik kaming kumain, pasimple akong sumusulyap sakanya. Pati ba naman sa amoy niya, nadidistract ako. Dati, ayaw na ayaw ko sa panlalakeng pabango dahil masakit sa ilong. Pero yung amoy niya, parang pinapalutang ako sa ere.

"Hey are you okay?", tanong niya.

Nag-iwas ako ng tingin nang marealize na nakapikit ako habang nakangiti at ang kamay ay nakataas na tila ba lumilipad. Gosh nakakahiya!

"Yah, stretching kasi yon.",

"Stretching habang kumakain?", nabalot ng curiosity ang mukha niya.

"W-Well, yes. Para m-magisingbyung nerves mo. T-Tsaka para hindi ka mangalay.", kunwari'y paliwanag ko at mukhang nakumbinsi ko naman siya.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang may tumawag sa akin mula sa sala. Omygosh, si Mommy!

Nagtatakbo ako papunta roon sa sala at tama ako, si mommy nga.

"Mom!", yumakap ako sa kanya nang tuluyan na akong makalapit.

"Ash, my daugther. I missed you.", sabay ganti sa yakap ko.

Naramdaman ko siyang kumakalas sa yakap kaya kumalas na din ako. At nang matingnan ko siya ay ganun na lang ang nakita akong gulat sa mga mata niya habang nakatingin sa likuran ko. Napalingon ako don at nakita si Cros na nakatayo hindi kalayuan sa amin.

"Good evening, Ma'am", bati niya kay Mommy.

Naglakad si mommy papunta sa gawi niya.

"Ang laki mo na Cros. Congratulations pala. I'm so proud of you.",

Wait? What?

Lumingon sa gawi ko si Mommy at ngumiti ng walang kasing tamis.

"Siya yung tinutukoy ko sayong Lieutenant. Siya yung sinabing kong papa--",

"Mom!",

Pagpigil ko sa sasabihin niya. Nakakahiya. Natawa naman si Mommy sa inasta ko.

Kaya pala pamilyar na ang pangalan niya noon pa. May parte sa akin na masaya dahil nakilala ko na siya pero mas lamang gulat dahil hindi ko inaasahang siya iyon. Tadhana ba 'to?

Inaya kami ni Mommy na kumain dahil may iniuwi siya at hindi na kami nakatanggi.

"So, kayo na? 2 weeks lang akong nawala. Did I miss something?", walang pag-aalinlangan tanong ni Mommy.

Literal na napanganga ako sa tanong niya.

"What? Mom, no. It's not what you think.",

Kumunot ang noo ni Mommy at nagpapalit-palit ang tingin sakin at kay Cros. Hindi nagsalita si Cros bagkus ay patuloy siya sa pagkain. Tsk!

"D-Dad hired him to be my... Ahmm.. my bodyguard?", patanong kong saad dahil hindi ko alam ang itatawag sa kanya.

"O-oh. Sorry, I just thought... Nevermind. Let's eat.", saad ni mommy.

I can sense a hint of disappointment in her eyes. I just shrugged it off.

That same night, umuwi si Daddy matapos malaman na nakauwi na si Mommy.

12:34 am.

Umaga na pero hindi parin ako makatulog. Bumaba ako at nagtungo sa terrace at umupo sa stairs non.

I miss Josh. Madalas ay nagtetext ito at kinakamusta ako. Naiintindihan ko naman na kelangan niyang magcope up sa studies niya. Gustuhin ko mang tawagan siya para may makausap ako ngunit pinapangunahan ako ng hiya. Siguro'y nagpapahinga na iyon. Hays.

"Ash?",

Napalingon ako sa likod ko at nagulat kaya napatayo ako. It's Cros. Still wearing his black shirt paired with brown leather jacket and pants.

"H-Hey. Bakit hindi ka pa umuuwi?", tanong ko.

"Uuwi na sana. Kinausap ako ng daddy mo.",

Tumango na lamang ako at naupo uli sabay tingala sa mga bituin sa kalangitan. Napakaganda.

Naramdaman ko ang pag-upo niya sa tabi ko.

"You okay?", tanong niya.

"Yeah. I'm good.", ngumiti ako ng bahagya ng hindi parin tumitingin sa kanya.

"You're good but you are not happy.", may bahid ng sarcasm sa boses nito.

"There's no reason for me to be happy.", ngumiti ako ng mapait sabay tingin sa kanya.

"Wow. You have almost everything. Maswerte ka nga dahil maganda ang buhay mo.",

"No, I'm not. Mas maswerte yung mga taong nagagawa nila yung gusto nila. You know mt Dad, he's so strict. I know I need to obey him, pero I have my own life, my own decisions and I know my limitations. He just won't let me feel free and it's killing me.", nagbaba ako ng tingin matapos ko sabihin iyon. Napailing na lamang ako nang marealize na bakit ko nga ba sinasabi to sa kanya? Like he can do anything about it.

"He only wants the best for you, Ash.",

"I know! Pero minsan nakakasakal na. My friends right now are having fun in the middle of the night while I'm here, sitting all alone, listening to boring songs, lying on the bed, staring at the ceiling. Gusto ko namang maranasang gawin yung gusto ko, Cros. Hindi na ako bata.",

Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang inis ko. Marahil naiinggit lang ako sa iba. Gusto ko ring maranasan iyon.

"You want to go out?", tanong niya.

Napatitig ako sa kanya sa hindi malamang rason. Is he asking me for a date in the middle of the night?

"What?", takang tanong ko.

"Takas tayo?",

"Wait, hindi ka pa ba uuwi?", tanong ko.

"Wala naman akong uuwian. Kahit late akong umuwi, wala namang mag-aalala.", nagbaba siya ng tingin.

"Ahm, hindu ba magagalit si Daddy? Baka hanapin niya ako.", nagdadalawang-isip na saad ko.

"Sandali lang tayo. Ibabalik kita ng alas tres nang madaling araw.",

Nabalot ng saya ang buong sistema ko. Totoo ba to? Dahan-dahan akong bumalik sa kwarto ko para magpalit ng damit. Nagsuot lamang ako ng black shirt at pants and white sneakers. Nagdala na rin ako ng jacket dahil malamig.

"So san tayo pupunta?", tanong ko nang nasa daan na kami.

"Somewhere.",

"Somewhere down the road!", kanta ko. Sa sobrang saya ko nababaliw na ako. Eto ang unang beses na lalabas ako nang gabi nang hindi kasama sina Daddy. Etoa ng unang gabi na pakiramdam ko malaya ako.

"Saan nga?", natatawang tanong ko.

"I know a place here. Hindi tayo sa club pupunta. I want to show you the world pero imposibleng maipakita ko iyon sayo sa loob ng dalawang oras.", napahalaklak siya sa sinabi.

"So, I will just show you a part of it.", nakangiting saad niya habang nasa daan ang tingin.