webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 07

Tapos na ang palabas at nakaramdam na kami ng gutom.

"San tayo kakain?",

"JOLLIBEE!", masayang saad nila.

Buti naman sabay na. Tss! Kaya naman don kami kumain. Nagorder nalang kami ng bucket kas mukhang gutom na gutom rin naman sila. Hindi na sila umiimik nang kumakain kami, mas okay na to kesa magbangayan sila nang magbangayan.

Kay Josh ako sumabay kaninang papunta kaya naman kay Cros nako nang pauwi. Oh fair na yon a.

Habang pauwi, nasa daan lang ang tingin ko. Humiwalay na si Josh dahil may family dinner daw.

"So he likes you huh?",

Nagulat ako sa tanong ni Cros kaya hindi ako agad nakasagot.

"I was there last night. Sa may guard house niyo. Aalis na dapat ako kaso nakita ko siya, akala ko magnanakaw or baka may gawin sayo kaya nag stay ako. I didn't mean to hear his confession.", he explained.

Tumango na lamang ako dahil hindi alam ang sasabihin. Narinig naman na niya bat pa siya magtatanong? Tsk!

"Do you like him?", nag-aalangang tanong niya. Kumunot ang noo ko at napalingon sa gawi niya.

"What?", tanong ko.

"Gusto mo ba sya?",

"Alam ko, naintindihan ko.", pagsusungit ko.

"Oh bat nagtatanong ka pa ng 'what' jan? Tsk!",

"I don't feel the same way as his. He is my bestfriend and I can't risk our friendship. It was built for years, almost a decade. Ayokong masira yon kapag naging kami tapos maghihiwalay din.", pagpapaliwanag ko.

Hindi na siya nagsalita. Maybe he got what I was trying to say.

"How to make you fall in love?", biglang tanong niya habang papasok sa subdivision.

"I don't know. Hindi ko pa nararanasan mainlove.", simpleng sagot ko.

"Why is that?", bakit ba curious siya ha? Chismoso pala to e.

"Because when you are in love, you are fragile. You might get broken in the process of loving someone and I'm afraid I might lose myself if that time comes.",

"So you are afraid to lose yourself?",

Tumango na lamang ako.

"You won't lose yourself, nasasaktan ka lang pero hindi mo nawala yung sarili mo. Nararamdaman mo lang yun kasi kelangan mo ulit mag-adjust at magbago. You won't lose yourself, you'll just change to become the better version of you. Lahat nagbabago after masaktan.", explain niya.

"Wow, you seemed to expert huh?",

"Not really. Those are just based on my own experiences.",

Nang makarating kami sa bahay. Nagpaalam na ako at nagpasalamat sa kanya para sa araw nato bago siya umalis.

Nang matapos akong maglinis nang katawan, nahiga na ako sa kama habang inaalala ang nangayri ngayong araw. Then I found myself smiling. Tsk nababaliw na ako.

Nawala ang ngiti sa labi ko nang maalala ko ang tanong ni Cros.

"How to make you fall in love?",

Bakit niya naman naitanong? Binalewala ko nalang iyon, baka gusto lang niyang malaman.

-------

Palabas na ako ng eskwelahan, maaga natapos ang klase ko dahil may emergency meeting daw sina Prof.

My phone beep.

From: Keannakyut

Hey! San kana? Tara gala muna tayo.

Ilang araw ko ring hindi nakakasama si Kea (Keya) dahil na rin agad akong sinusundo ni Cros.

To: Keannakyut

Yeah, sure. Andito ako sa Main Gate. Antayin na kita dito.

Nagpunta kami sa may Bonifacio para magfoodtrip. Maraming tinda dito tsaka sulit sa budget. May fries stall, shomai house, shawarma, sisig express at mga streetfoods.

Pumwesto kami sa may gilid malapit sa fan, mainit kasi dahil tirik na tirik pa ang araw.

"Ash.", tawag niya sakin para makuha ang atensyon ko.

"Yes?",

"May hindi ka ba sinasabi sakin?", pinanliitan niya ako ng mata. Tsk! Di niya bagay.

May lahing chinese si Keanna. Ano bang tawag pag half filipino tsaka half chinese? Uhm Filchese? Filnese? Chinino? Argh! Kaya medyo singkit yung mga mata niya. Mas maputi siya sakin at mas payat pero mas matangkad. Keanna Francheska Chen ang totoong pangalan niya. Kaya nga minsan tawag ko jan 'KFC'.

"Wala a. Bakit naman ako maglilihim sayo?", napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ano bang hindi ko nasasabi?

"Sus! Di lang kita nakakasama nitong mga nakaraang araw ganyan kana a.", kunwari'y nagtatampong saad niya.

"Tumigil ka nga. I'm not hiding anything from you okay?",

"Wala daw! Sino yong lalakeng naghahatid sundo sayo ha? Hindi naman nagparetoke si Josh diba?", pagsusungit niya.

Natigilan ako don. Sang lupalop nanaman ba niya nakuha yang issue na yan? Gosh! Bilis ng balita a.

"M-My bodyguard ", sagot ko.

Nanlaki ang mga mata niya sa sagot ko, mukhang hindi niya inaasahan.

"Wow! Just wow! Sabi nila pogi daw hindi ko pa nakikita e. Yung ganong kagwapo, bodyguard mo lang?! You're crazy. Pakilala mo naman ako sis parang di mo naman ako bespren niyan e. ",

"Well, pulis siya. Nirequest lang ni Daddy sa kanya na bantayan ako. Not really my bodyguard pero parang ganun na din.",

"Parequest din kaya ako kay Daddy. May taste si Tito Harold a.",

Harold is my Dad. Senator/ Engineer Harold Lacson.

Hindi na ako sumagot at naalala ang confession ni Josh sa akin.

"A-Ahm Kea, nagkagusto ka na ba sa bestfriend mo?",

Kumunot ang noo niya sa tanong ko.

"Oo. Noon. Pero bata pa ako non. Why? Omygod! Wag mo sabihing gusto mo si Josh.", napatakip pa siya sa bunganga dahil sa gulat.

"N-No, it's not like that! S-Sa ginagawa kong story kasi. You know naman wala akong alam sa ganyan.", pagpapaliwanag ko.

Mukhang nakumbinsi ko naman siya kaya I felt relief.

"Childhood bestfriend ko siya. Pero you know what? Naging sila nang ate ko. And until now sila parin. Almost 7 years na sila. Hindi ko alam kung alam niyang gusto ko siya. Pero antanga ko sa part na pinush ko pa siya sa ate ko. Sino ba ako para pigilan siya sa nararamdaman niya.",

Bakas ang sakit at panghihinayang sa boses niya. Kaya ayokong nagkakagusto e.

"Really?", wala akong masabi dahil nga wala akong alam sa ganyan.

"Yeah, pero masaya ako para sa kanila. He's a Lieutenant now. I wasn't there in every milestone he had, but I'm proud of him. So proud of him.", ngumiti siya ng bahagya habang sinasabi iyon at tila ba may inaalala kaya napangiti siya.

"Nasan na si ate Kendra ngayon? Wala na akong balita a.", tanong ko.

"Nasa Singapore siya kasama si Daddy dahil sa business.",

"E yung jowa niya?",

"I don't know. Hindi na kami nag-usap mula nang pumasok siya sa PNPA. Hindi na rin ako nag-abalang kausapin siya even through chats. Ayokong manggulo.",

Wow. Ngayon ko lang nakita ang ganyan side si Keanna. Siguro napakahirap para sa kanya ang nangyari.

Habang kumakain, my phone beep!

From: CrosDelaveda

Where are you? Kanina pa ang dismissal niyo.

Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Omygod I forgot! It's already 5:02 pm. Ambilis ng oras.

From: CrosDelaveda

Kanina pa daw kayo walang klase. Wag mong hintayin na mahanap kita kundi lagot ka sakin.

It gave me goosebumps. Omy! I should go home now!