webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 05

It's been a week, at palaging nakabuntot sakin yong pulis na 'yon. Except kapag nasa school ako, siguro work hours din niya iyon kaya wala siya. Hanggang ngayon, hindi ko parin matanggap na siya yung kinuha ni Daddy na magbabantay sa akin. Hindi lang siya pikunin, nakakairita pa. Pero I had a great time with him. He looks nice rin naman.

Nasa foodcourt kami ng Ayala Mall that time, ayoko sanang makasabay siya pero wala naman akong choice. Argh!

"Anong sayo?", tanong niya.

"Kahit ano.", walang ganang sagot ko.

Kumunot ang noo niya at napalinga-linga. He looked so serious. Nakaramdam tuloy ako ng kaba, nakakasense kaya siya ng danger kaya ganyan siya umasta.

"Omygod! Don't tell me may mga nakapaligid satin na bad guys? I'm gonna call my Dad.", natararantang saad ko.

Dumako sa akin ang tingin niya. He bit his lower lip to stop himself from laughing. Nagagawa pa niyang tumawa sa ganitong sitwasyon. Pero he looks hot ah. He is wearing grey shirt na tinernuhan niya ng black leather jacket and black ripped pants. Ghad!

"Hinahanap ko lang kung saan pwedeng bumili ng 'kahit ano' ", he said while mocking how I said those words.

I felt relief kahit pa nangingibabaw sa akin ang inis.

"Oh really? I thought I'm the one with the 'tatanga-tanga and mahina ang utak' here. Ikaw pala ", I burst into laughter.

He looked so pissed. Mas kumunot ang noo nito kesa kaninang naghahanap siya ng pagkaing 'kahit ano'. Tsk. So pathetic.

Napailing siya at nag-order nalang ng pagkain. He bought fries, burger and spaghetti. Buti naman hindi siya bumili ng rice dahil diet ako.

"Hindi mo na ba muna titikman tong pagkain ko?", pang-aasar ko sa kanya.

"Tsk. Akin na.", agad kong nilayo ang pagkain ko.

"I-I was just kidding.",

Tamihik kaming kumain at madalas ay napapasulyap ako sa kanya. Gusto kong magtanong tanong but I chose not to dahil baka isipin niya interesado ako sa kanya.

"Wanna ask something?", nagulat ako sa tanong niya. Mind reader ba siya?

"A-Ahmm, bakit ka pumayag sa gusto ni Dad? I mean, may trabaho ka naman. Why don't you just focus on your work. Kulang ba sweldo mo kaya naghanap ka ng part time job?", hindi ko alam kung hindi maganda ang dating sa kanya. I just wanna ask.

"He personally requested for it. Nung nalaman niya ang nangyari sayo, he asked me if pwedeng magrequest sa kapulisan ng magbabantay sayo. He told me it would be better kung gaya namin ang magbabantay sayo kesa sa mga ordinaryong bodyguard lang. And wala naman akong rason para tumanggi besides he's a senator.", pagpapaliwanag niya.

"Ha? Pwede pala yun.", hindi makapaniwaland saad ko. Akala ko kasi hindi pwedeng nagrerequest sa kanila maging bodyguard.

"Yes.", tipid na sagot niya. Bawing-bawi ah. Kanina andami niyang sinabi, ngayong antipid naman. Tsk!

Hindi na ako nagtanong dahil busy na siya sa pagkain kaya kumain nalang rin ako.

"Where's your mom?", tanong nito out-of-nowhere.

"Nasa Santiago, may seminar sila.",

Tumango na lamang ito. Bakit naman niya tinatanong si mama. Oh wait, naalala ko na familiar ang surname niya. San ko ba yun narinig?

"You seemed so preoccupied huh? Hindi mo naman siguro pinagplaplanuhan ang tumakas sakin diba?", tumaas ng bahagya ang kilay niya.

"What? N-No!", dipensa ko sa sarili ko.

"Then what's bothering you?", saad niya ngunit hindi siya nakatingin sa akin kundi sa pagkain niya.

"Parang familiar kasi yang apilyedo mo. Inaalala ko lang kung saan ko narinig o nakita.",

Natigilan siya sa sagot ko at tumingin sa akin. He stared at me for almost 5 mins nang walang sinasabing kahit ano. I did the same thing kaso hindi ko din natagalan kaya nag-iwas ako ng tingin.

"What?", tanong ko.

"Whatawat.",

Natawa siya sa sinabi. He looks good when he laugh. Dapat lagi nalang siyang tumatawa.

"So what should I call you?", tanong niya nanaman.

Well, my full name is Ash Jamila Gwynette, it's up to him to choose what he'll call me.

"You choose.", simpleng sagot ko sabay ubos sa fries ko.

"Ash would do.",

Hindi na ako sumagot.

After that, hinatid na niya ako pauwi at tinulungang bitbitin ang mga shopping bags ko.

Ang set up namin kapag school days, ihahatid niya ako sa umaga at susundin tuwing uwian. Hindi ko alam pero I have a feeling inside of me that wants to know him more.

It's already 10:46 pm pero hindi pa ako dinadalaw ng antok. Maaga pa ako bukas sa klase ko.

*sigh*

My phone rang. Si Josh. Ano namang kelangan nito? Gabing-gabi ah?

"What?", tanong ko nang masagot ang tawag.

"You sleepy? Andito ako sa labas ng bahay niyo.",

Kumunot ang noo ko anong gagawin niya sa labas ng bahay namin sa ganitong oras?

Lumabas ako hanggang sa terrace ng bahay namin and I saw him at the stairs. Nakaupo lang siya at nakayuko.

"Hey", tinapik ko ang likod niya at umupo sa tabi niya. Lumingon siya sa gawi ko and then I saw his eyes, namumula ito. Mukhang galing sa iyak. Nagsimula akong mag-alala para sa kanya. Hindi ko pa naman alam ang gagawin ko.

"W-What happened?",

Ngumiti siya ng pilit sa akin sabay iwas ng tingin at tumingala sa langit.

"Remember the day we met?",

Nagtaka ako ngunit tumango na lamang. How could I forget that day?

[F L A S H B A C K]

Birthday party ng kaibigan ni Dad kaya kailangan naming dumalo. Mom let me play with other kids kaya naman na enjoy ko din ang party.

Hanggang sa may tumulak sa akin kaya napaupo ako. Isang babae na kasingtangkad ko, at siguro kasing edad din. She's wearing a black dress partnered with white sandals and white headband.

"Hey. You don't belong here.", pagsusungit nito sa akin.

Hindi ako sanay makipag-away.

"Ang pangit mo. Wala kang kaibigan dito.", dagdag pa niya.

Pinagbabato niya ako ng crampled tissues sa mukha hanggang sa umiyak na ako.

"Xia, stop!", boses ng lalaking bata. Hindi ko siya maaninag dahil sa luha ko.

May humatak sa braso ko pataas at nang makatayo ako, hinila niya ako palayo roon  at dinala sa garden.

"Hey", yan ang unang sinabi niya sa akin.

I looked at him at nakita ko ang awa sa mga mata niya.

"Ganun talaga siya, lahat inaaway. Hayaan mo na.", tinapik niya ang likod ngunit mas lalo akong naiyak.

He told me comforting words hanggang sa tumahan ako.

"By the way, I'm Josh.", pagpapakilala niya.

"I-I'm Ash.", saad ko. Ngumiti ito sa akin.

[E N D OF F L A S H B A C K]