webnovel

A Lieutenant's Promise

Djanina_Writes · Teen
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 04

He's so annoying. I hate him! Nagtanong-tanong lamang sila sa nangyari at pinauwi na rin ako. Buti naman, ayokong makita yung pagmumukha nung pulis na yon.

Nang makarating sa bahay, natanaw ko ang Mercedes Benz sa may garahe, andito si Daddy? Ow by the way, politician rin si Dad aside from being an Engineer. He's a Senator to be exact.

Pagkapasok ko sa bahay namin ay nakita ko siyang nakaupo sa may couch sa sala at may kausap sa telepono. I headed towarda him to give him a kiss on the cheeks pero sumenyas siya na mag-antay.

Nang maibaba niya ang tawag ay humarap siya sa akin.

"I heard what happened. Are you okay?", nag-aalalang tanong niya.

Hindi na ako magtataka, madami siyang sources.

"Yeah, I'm fine Dad. I'm just tired.", I smiled weakly.

I heard him sigh. Like somethings bothering him.

"Hindi malayong maulit ang nangyari. And I want to protect you at all cost. Ikaw ang pinupuntirya dahil ikaw ang tagapagmana ko.",

"So you mean may kinalaman sa politics ang nangyari?",

Bakit naman ako idadawit jan? Hindi naman ako tatakbo sa politika at wala akong balak. Duh.

"Maybe. Pero kelangan nating mag-ingat lalo ka na. I already hired someone to look for you.",

"What?! Dad, I can handle myself. Hindi ko kailangan ng bodyguard o kung ano pang tawag jan.", singhal ko.

"It's for your safety, Gwynette! And you can't do anything about it.", he said with full authority. Wala akong magagawa kundi sundin ang utos niya.

Nagtungo na ako sa taas para magpahinga. Napakastressful ng araw na ito. Then I oozed to sleep.

Nagising ako sa pagtama ng sinag ng araw sa mukha ko. Napamulat ako at bumangon. It's still 6:48 in the morning. Saturday naman kaya kahit anong oras pwede akong magising. Nag-inat inat ako hanggang sa makaramdam ng gutom. Nagsuklay, naghilamos at nagsipilyo muna ako bago bumaba.

Sa may hagdan, nakakarinig ako ng tawa ni Daddy. Sino namang kausap niya?

Nang makababa ako, nakita ko sa couch at kausap ang isang lalake. Nakatalikod sa akin ang lalake kaya naman hindi ko makita ang mukha nito.

"Good morning Dad", bati ko sa ama ko.

"Good morning! Buti gising ka na. I like you to meet someone.",

Napalingon ako sa kausap niya at halos lumabas ang puso ko sa bilis ng tibok nito. Hindi sa kilig kundi sa pagkamuhi.

"Dad! Napakaraming iba jan bakit siya pa? Hindi mo ba alam kahapon sinabi niya ako ng tatanga-tanga at mahina ang utak? Dad naman. He's so annoying. I hate him.", halos magmakaawa na ako sa ama ko. Please no!

"Iha, I trust him. Besides, mabait naman siya.", nakangiting saad ni Daddy.

Oh God, please tell me I'm just dreaming.

"Good morning, Ms. Ash", bati ni Mamang Pulis sa akin!

Oo siya nga, yung pikuning pulis kahapon! What the heck!

"Don't call me Ash. We're not close!", pagsusungit ko sa kanya.

"Jamila?",

"No.",

"Gwynette?",

"No",

"Ms. Sungit?",

"What?!", halos kaladkarin ko siya sa kinauupuan niya.

Where did he got all the guts to tell that? Gosh, why is he so annoying. Daddy is just smiling at us, parang nag e-enjoy pa siyang makita kaming ganon.

"By the way, I'm Crosvelt Delaveda.", pagpapakilala nito sa sarili.

The hell I care.

"I'm.... Not interested", saad ko sabay talikod sa kanila at nagsimulang maglakad papunta sa kusina.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang maalalaa ng nangyari kanina sa sala. Tch!

"Sino ba siya sa akala niya? Gwapo ba siya para umasta ng ganon? Sino ba siya sa akala niya?", gigil kong hinawakan ang kutsara at tinidor ko sa inis.

"Oo, gwapo siya.",

Nag-init nanaman ang ulo ko sa narinig. Yung boses na yon, buset na boses.

Lumingon ako at tinignan siya sa may bungad ng kusina namin. Nakangiti siya ng mapang-asar.

"Ano nanaman ba? Hanggang dito susundan mo ako?",

"Well, kelangan kong siguraduhin ang safety mo. Baka nga may lason yang pagkain mo ngayon e, patikim muna.", saad niya sabay abot ng kutsara at sumubo ng kanin at bacon.

Hindi ko nakagalaw sa bilis ng pangyayari at sa gulat. Wtf! I was just sitting there with eyes wide open while watching him chew the food. I mean, my food!

Pati pagnguya, napakagwapo nakakainis!

"Ahm mukhang wala namang lason. Sige kain kana.", saad niya sabay talikod at lumabas na.

BUSETTT!