10 Chapter 9 : Spirit Of The Glass

A Killer's Steps

Chapter 9 : Spirit Of The Glass

YEHAN POV

"Yehan halika na nandyan na mga kaklase mo" isang butil ang tumulo mula sa aking kanang mata. Di ko parin mawala sa isip na wala na talaga si Secret. Nasanay Akong nandyan siya

Wala akong nagawa kundi umiyak. Wala akong magawa kundi maghinagpis.

Di ko parin kasi ma tanggap na wala na siya e.

Agad kong pinunasan lahat ng luha ko saka ko huminga ng malalim. Wala naman akong mapapala kung ii iyak ko lang to. Isipin ko nalang na nasa magandang paraiso na si Secret.

"Yerin tara na?" sabi ni Star saka ngumiti. Yung Malungkot

Tumango ako pabalik saka ako pumasok sa Van na exclusively para sa aming magkakaibigan lang. Nasabi ko na ba sa inyo na lagi kaming magakakasabay umuwi at pumasok na magkakaibigan?

Pagkapasok na pagkapasok ko sa van ay damang dama ko yng awkwardness . Walang ingay. Di kagaya noon na sobrang ingay sa Van dahil kay Jhope

"Asan nga pala si Jhope at Rheymond?" tanong ko sa kanila. Oo sila lang yung wala

"Nauna nang pumasok si Jhope sila sa School. Baka di pa siya ready na harapin tayo." bumuntong hininga naman ako sa sinabi ni Kyle. Di ko siya masisisi. Nasabi ko na ba sa inyo na pinsan ni kyle si Jhope? Oo tama. Magkatapid kasi ang nanay nila e

"E si Rheymond?" tanong ko rin pabalik

"Ewan. Pumunta kami sa bahay nila pero wala siya dun. Sabi ng mga maids di pa daw siya umuuwi magmula kagabi" sagot naman ni Jimboy. Kaya umiwas nalang ako ng tingin saka ko binaling yun sa bintana

Busy ako sa pagtingin sa kapaligiran nang biglang tumunog yung phone ko

From : Unknown

Mini mini My Nemo

Pwet ng kabayo kamukha mo

Kaibigan mo bay binantayan mo?

Dahil baka nawala na ito

Kumunot ang noo ko aaka ko pinatay ying cellphone ko. Tsk! Hanggang kailan ba mangungulit ang taong to? Pangalawa na to! Tsk

Bumuntong hininga ako saka muli akong tumingin sa bintana. Nasa pangalawa sa huli kasi ako ng van nasa likoran ko si Theo, nasa bintana kami pareho katabi naman niya sina , sugar, umji, kyle at star na pare parehong tulog. Driver ay si Kuya Eujin at nasa passenger naman si Ate Wish. Katabi ko si Nisha sa kabilang side naman si Yuju at Jimboy.

So ang gising lang ay ako, Theo at yung dalawa sa driver at passenger sit

"Ayos ka lang?" Napalingon ako sa likuran ko nakatingin sa akin si Theo. Ngumiti ako mg plain sabay sabi ng

"Oo salamat" ngumiti naman siya pabalik. Simpleng ngiti pero ang pogi.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa school. Naunang bumaba yung dalawa sa harap. Sunod si nisha, jimboy, yuju at ako. Saka yung mga nasa likuran at huling bumaba si theo. Parang walang nangyari ang peg namin ngayon. Malungkot nga lang dahil kulang kami.

"Sa Dance Room tayo" Sabi ni kyle na ikina kunot ng noo namin. Bakit dun?

"Bakit dun?" tanong ni Yuju kay kyle

"Maaga pa nung pumasok siya. Malamang dun yun dederetso" sabi niulya kaya tumango nalang kami saka namin siya sinundan patungo sa dance room

Malapit palang kami ay dinig na dinig ko ang malakas na tunog na nanggagaling sa Dance Room. Nakakabingi! Yung tipong kahit sumigaw ka di ka madidinig

Agad namang binuksan ni kyle yung pinto at unang pumasok. Sumunod din kami kaya lang

Nakita naming nakaupo na si kyle sa lapag at nagpipigil na ng iyak

Agad naman namin siyang nilapitan

Hininaan naman ni Sugar yung tugtog

"Ayos ka lang ba?" tanong ni niya. Pero may tinuro si kyle sa harapan na sobrang nagpawindang sa amin

Si Jhope

Nakasabit na siya. Nakabikti to be exact

Nagkalat ang dugo kung saan. Di namin namalayan na puro dugo na pala yung tinatapakan namin dahil sa umaagos na dugo mula sa paa at kamay niya na gawa nung bubug na nakita namin sa lapag

Pero bakit?

Napaluhod ako sa nasaksihan ko

Una si Secret tapos ngayon si Jhope?

Wala kaming madinig kundi mga hikbi. Napuno ng katahimikan ang dance room. At puro hikbi lang namin ang nangingibabaw

Hangang sa may pumasok

"Hey guys! Nandito lang pala kay~" di natuloy ni Rheymond yung sasabihin niya nang makita niya si Jhope na nakabikti. Sabay sabay kaming napatingin sa kanya.

Yung kaninang umiiyak na Kyle ay agad na tumayo at inumbagan ng suntok si Rheymond

"Hoy ikaw! Nasaan ka?! Nasaan ka nung kailangan ka?! Pinatay mo ba siya?! Kaya ka ba di umuwi para planuhin ang pagpatay sa kanya?!" gulat na gulat kami sa eksenang bumabalot sa dance room. Dumadami na ang mga taong nakikiosyoso. Tumawag narin kami ng pulis para sa bangkay ni Jhope

"A-anong pinagsasabi mo?" sabi ni Rheymond

"ikaw diba? Ikaw ang pumatay kay John. Bakit?" Nagulat nalang kami nang pumagitna si Sugar sa kanila

"Itigil niyo na to!. Isa pa Kyle anong pinagsasabi mo dyan? Kung si Rhey ang pumatay ano namang dahilan?! Saka umayos ka! Mas matanda parin si Rhey sayo" mahabang lintaya ni Sugar. Napaupo naman sa lapag si Kyle at inalalayan naman siya ni Star.

May nakita naman ako sa sulok agad king nilapitan yun. Nakakita ako ng box. Dadamputin ko na sana yun nang may ibang taong dumampot

Theodore

"Ang box na to" mahinang sambit ko

"Spirit of the glass?" mahinang tanong din ni theo. sandali akong napatingin sa kanya

"Bat nadito to?" mahinang bulong ko. Wala kasi ang iba busy sila sa pag comfort kay Kyle

"Di ko alam" sabi niya

"Sa tingin mo ba may kinalaman to sa nangyayari sa atin?" sabi ko napatingin naman siya sa akin saka nagkibit balikat

Agad naman niyang kinuha ang bag niya ang isinilid doon yung Box

"Anong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya. Bat niya tinatago?

"itatago ko muna to. Di pwedeng malaman nila to" seryosong sabi niya na ikina kunot ng noo ko

"pero bakit? Di ba dapat nilang malaman yan?" tanong ko pero umiling siya

"sa tingin mo ba maniniwala sila? Iisipin lang nilang nababaliw tayo" sabi niya. Tama siya. Di sila naniniwala sa mga sumpa.

"Anong balak mo?" tanong ko pero nagkibit balikat siya

"bahala na. Tara" sabi niya at kuha nung kamay ko. Nakaramdam ako ng kuryente na dumadaloy mula kamay hanggang buong katawan ko. Di ko alam pero may kakaiba akong naramdaman. Parang hindi ito yung unang pagkakataon na hinawakan niya yung kamay ko. Pero sa pag kaka alam ko ngayon palang

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang pulis at ambulansya. Although patay na siya.

Ang school naman ay back to normal parang walang nangyari. At practise namin ngayon sa volleyball

"Kulang na tayo sa team" nalulungkot na sabi ni umji kaya sabay say kaming napatango at yuko

"Guys wag na kayong malungkot" napa angat kami ng ulo nang may nagsalita

"Nisha? Anong ginagawa mo dito? Diba may tennis practise ka?" tanong Yuju pero ngumiti lang si Nisha

"Oo pero umalis na ako sa team" sabi niya na nagpagulat sa amin

"pero bakit?" tanong ni Star. Nginitian naman siya ni Nisha

"Para makasama ako sa team niyo" Napangiti kami saka sabay sabay naming niyakap si Nisha

"Thank you nisha" sambit namin kaya napatango lang siya. Naiyak naman ako at si Umji

"Uy drama nanaman. Wala na bang katapusan? Mag practise na tayo" sabi ni Ate Wish kaya napatango kami saka kami pumwesto sa lugar namin. Nakakalungkot dahil papalitan na ni nisha yung lugar dapat ni Secret pero wala kaming magagawa

"Ok Nisha. Ready?" tanong ng leader namin na si Ate Wish. Tumango siya saka niya yung sinerve. Agad namang nasalo Yun ni umji salitan kami sa court

Maya maya pa ay nakaramdam aki ng matinding hilo

"G-Guys" mahinang sambit ko pero nadinig ata nila kaya sila napalingon sila sakin

"Na-nahihi-hilo a-ako~" di ko na natuloy yung sasabihin ko nang tuluyan na akong bumagsak at nawalan ng malay

____________________

Wahhh! Si John Hope naman ang namatay T.T

avataravatar
Next chapter