5 Chapter 4 : Dead

A Killer's Steps

Chapter 4 : Dead

YEHAN POV

"Ang saya naman at may bago sa grupo" kumento ni Jimboy saka siya nagtatatalon. Ok? Medyo bata

Napangiti nalang ako sa mga ikinikilos nila. Salamat at nandito sila, at may kaibigan ako

Sa gitna ng pag uusap nila, nakita kong may lumapit

Si Adrian kitang kita ko parin yung pagsunod nung babae sa kanya. Nakita ko naman si Adrian napasulyap siya sandali kay kina Wish, Yuju at Star.

"Uy mga bro! Nanjan na si coach. Practise na daw tayo" Lumungkot naman ang mga expresyon nila sa balita ni Adrian samantalang ako ay seryosong nakatingin sa babae na nakasunod kay Adrian

"Ah oo nga! Alis nadin ako! May Tennis practise pa ako e" paalam din ni Nisha saka siya umalis

Napansin kong napatingin naman si Adrian sa akin

"may problema ba sa akin miss?"

Nabalik ako sa huwisyo nang magsalita siya

"ah-eh wala" nauutal na sabi ko sabay yuko. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan? Natatakot?

"Sige na Sikreto ko alis na kami" Paalam ni Jhope saka niya hinalikan sa pisngi si Secret saka sila umalis ng mga kasama niya

Napatingin muli ako kay Adrian

Sana wala lang yun

***

"Bye" nakangiting sabi ko kina Star saka ako pumunta sa mansyon namin. Kumatok ako at punagbuksan naman ako nung head maid

"Good Afternoon ma'am" bati nito sabay yuko. Yumuko nalang ako pabalik

"Nanjan na po ba si Daddy? E si Big bro?" sunod sunod na tanong ko. Pero umiling lang sila

"Wala pa po sila" Yumuko namn ako saka ako pumasok at nagpunta sa kwarto ko. Umupo ako sa kama at tumalikod sa pinto saka ko tinanggal yung sintas ko ng sapatos sa kanang paa ko

Nagsapatos kasi ako nung nagvolleyball practise kami kanina

Nakarinig naman ako ng pagbukas at pagsarado ng pinto kasabay ang pagkita ko sa anino ni big bro sa pader na kaharap ko

"Nakakainis ka talaga big bro! Iwan ba naman ako sa tapat ng school mo? Di makatarungan yun!" Inis na sabi ko sa kanya sabay tanggal nung sapatos at medyas ko sa kanang paa at isinunod ko naman yung sintas ko sa kaliwang paa

Di naman siya sumagot. Aba! Ganun?

"Ano di ka sasagot? Ganyan ah! Isusumbong kita mamaya kay Daddy!" Iritang sabi ko sa kanya. Haist!

Natapos ko narin ang pag tanggal sa sapatos ko kaya inis na nilingon ko siya

"isusumbong talaga kit~" di ko natuloy ang sasabihin ko. Asan na siya?

Lumingon ako sa likuran ko nagbabakasakali kung nandoon pa yung anino pero wala

Baka naman pinagtitripan ako ni big bro

"Big bro naman! Labas kana! Isuusumbong talaga kita kay Daddy!" inis na sabi ko kasabay ang pagbukas ng pinto

"Lil sis! Im home! Sorry nga pala kanina ah? Late na talaga ako e! Nag overtime pa kami ngayon tsk" inis na sabi niya sabay tingin sa relo niya. Halata sa mukha niya ang pagkainis at pagod

"B-big bro" nanginginig na sabi ko sabay ang pagupo niya sa kama saka niya tinanggal yung sapatos niya. Imposible kasing maid yung pumasok dito kasi lahat ng maid bamin ay naka bistida at yung nakita ko kanina ay lalaki. Lalaking anino. Hindi rin pwede na mga body guards dahil di sila pinapapasok ng bahay

"Oh Yehan Anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo" natatawang sabi niya. multo nga ba?

"Big bro kararating mo lang?" Tanong ko. Gusto kong malaman. Ano ba kasing nangyayari!

"Oo Yehan! Sisihin yung teacher namin! Tsk" sabi niya na may lahong inis halatang di siya nagbibiro. Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Kung nagsasabi siya ng totoo? Sino yung pumasok sa kwarto ko? Kaninong anino ang nakita ko?

Anong ibig sabihin nito?

***

"Yerin!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Nasa tapat na kasi ako ng school namin at inihatid na ako ni big bro

"Hi!" masayang bati ko sa kanila. Oo tama magkakasama silang lahat. Sina Ate Wish, Umji, Secret, Star, at si Yuju na ngayon ay naka earset

"Aga niyo ngayon ah, bat sabay sabay kayo?" nakangiting sabi ko sa kanila

" ah ayun ba? Magkapit bahay lang kami ni Umji tapos nakasalubong lang namin yung tatlo" pagpapaliwanag ni Ate Wish kaya napatango nalang ako

Tinapik naman ni Secret si Yuju kaya napatingin siya saka sandaling tinanggal ang earset

"Earset is not allowed" sabi ni Star saka nila sabay na tinanggal ni Secret yung earset ni Yuju sa magkabilang tenga

Natawa naman kami sa reaction ni Yuju

"Tara pasok na tayo mga Ate" pag aanyaya ni baby Umji kaya napatango kami saka kami sabay sabay na pumasok

Pagpasok palang namin ay kitang kita na ang kumpulan sa harap ng library at amoy na amoy ang isang masangsang na amoy

"Ang Baho naman! Ano yun?" Arte ni Secret kaya sabay sabay namin naming tinakpan ang mga ilong namin..

"ano yung kumpulan doon? Tara puntahan natin" sabi ni Yuju kaya napatango kami saka lumapit ng nakatakip parin ang ilong

Napatakip ako ng bunganga sa nasaksihan ko, napasigaw naman si Ate Wish at Star, nasuka naman si Umji kaya Inalalayan nina Yuju at Secret

Nakita lang naman namin ang bangkay ni Adrian Opiana

Na bukas ang tiyan at lahos labas na lahat ng laman loob niya, Hawak niya ang puso niya, tanggal ang dalawang mata, nagkalat ang mga putol na daliri, at pati tenga niya

"anong nangyari sa kanya?"

"may galit siguro ang nakagawa niyan"

"Grabe walang awa"

"Nakakadiring tignan!!"

Sunod sunod na mga kumento ang naririnig ko maging ako ay di makapagsalita

Anong nangyari? Kahapon lang ay nakita ko siya pero ngayon ay wala na siya

Nakita ko namang lumapit yung mga basketball boys sina Kuya Eujin at malungkot na tinignan ang namatay nilang ka grupo

Napaurong naman lahat ng studyante sa pagdating ng ambulansya at mga pulis kasabay ang pagtataboy sa amin natulak naman ako nung nasa harap ko na tinulak ng pulis

Napaatras ako nang mabangga na nga niya ako pero napatid ako kamalas malasan ng naman

Hinihintay ko ang pagbagsak ko sa lupa pero isang kamay ang pumulupot sa katawan ko

Makikinang na mata, matangos na ilong at pinkish na mga labi

Sa madaling salita

Siya nanaman -_-

"Aray!" daing ko nang bitawan niya ako dahilan para mabagsak ako. Nyeta sinalo ka nga, binitawan naman

Inis akong tumayo

"Nakakainis ka talaga! Bakla!" inis na sigaw ko pero inirapan lang ako. Aba bakla nga. Lagi ko nalang siyang nakikita tsss

Pero anong ginagawa niya dito? Akala ko ba doon siya nagaaral sa school ni big bro?

***

"Ingat ka yerin ahh!" sigaw nila Ate Wish sakin kaya kumaway nalang ako pabalik. Sabi kasi nila sabay sabay na daw kami papasok at uuwi para daw safe kami

Pagpasok ko sa bahay ay naabutan ko sina bigbro at daddy na nasa sala at may pinaguusapan

"Daddy ok na po siya?" tanong ni big bro kay daddy. Lumapit naman ako sa kanila

"oo ok na siya. Nakapagtataka kasi nabuhay siya, pero mabuti na rin yun. Saka kahapon pa kaya siya nakalabas" sagot naman ni daddy sa tanong ni big bro

"Ano pong meron?" tanong ko sa kanila

"Si daddy kasi nakabunggo siya nung isang araw ng batang babae, mga kaedad mo" sabi ni big bro kaya napatango nalang ako

"Good thing buhay siya" nakangiti kong sabi

"Nga pala lil sis, nabalitaan ko yung nangyari sa school niyo kanina" napatigil ako sa sinabi ni big bro. Naalala ko nanaman yung mga nakita ko

"Mag iingat ka nalang anak ah? Maraming masasamang tao ang gumagala ngayon" napangiti ako sa sinabi ni daddy. Maswerte ako dahil nandito sila ngayon para gabayan ako

________________________________

Chapter 4 is done!

Vote. Comment

avataravatar
Next chapter