4 Chapter 3 : New Friends

A Killer's Step

Chaptet 3 : New Friends

YEHAN POV

"Lil sis. Ready ka na ba?" sabi sakin ni big bro pero umiling lang ako saka tuloy parin sa pagiyak

1 linggo na ang lumipas nang namatay si Rica. Di parin ako makapaniwala. Di ko kakayanin na wala siya sa buhay ko. Tinuring ko siyang ina at ate e. Bakit kasi ang aga niyang nawala?

"lil sis. Tama na, nakahanda na sa Van ang mga gamit natin." sabi ni big bro sa akin. Aalis na kasi kami sa lugar na to. Sabi kasi ni Daddy para daw madali kong makalimutan ang mga trahedyang nangyari sa amin sa lugar na ito. Ang pagmatay ni Ate Jasmin at ni Rica

"Pero big bro *sob* ayokong umalis dito *sob* ayokong iwan si Rica" umiiyak na sabi ko habang yakap ko yung litrato namin ni Rica. Narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya saka siya lumapit sa akin

"lil sis. Napagusapan na natin ang tungkol dito diba? Kailangan na nating umalis. Halika na" wala na akong nagawa nang inilahad na ni big bro ang kamay niya sa akin. Umiiyak kong tinanggap yun saka ako tumayo

Tahimik lang ako habang umaandar ang Van. Nakatingin lang ako sa labas

Hanggang sa di ko namalayan ay makatulog na pala ako

*Beep *Beep

Nagising ako nang makarinig ako ng mga busina. Nasa Lungsod na ata kami e

Mapatingin ako sa bintana. At tama ako nasa lungsod na nga kami. Kitang kita dito ang mga nagtataasang building at kita ko rin ang mga Buildings. Tama nasa Manila kami ngayon. Dito na ata kami titira Nandito rin kasi yung trabaho ni Daddy e which is May-ari ng Isang Company

Maya maya pa ay nakarating na kami sa Bahay este Mansyon to be exact. Maya maya pa ay biglang bumukas ang gate kaya ipinasok na ni Daddy ang Van. Pagpasok palang nagkalat na ang mga maids at bodyguard na nakapalibot sa amin.

Hanggang sa bumaba na si Daddy

"Good Morning po Mr. Apilada" Sabi nung head maid. Bumaba na rin si big bro pero inalalayan muna niya akong makababa. Ganyan po ka sweet si big bro. Kaya mainggit kayo

"Good morning din po Mr. Cjay and Miss Yehan" tumango nalang kami ni Big bro . Bubuhatin ko na sana yung maleta ko nang inunahan ako nung guard

***

"lil sis! Lil sis! Ano ba! Lil sisssss!" nalaglag ako sa kama ko nang nakarinig ako malakas na sigaw

"Big bro naman e! Inaantok pa ako!" reklamo ko sabay talukbong sa kumot ko. Ikaw ba naman ang sigawan sa tenga mismo hays! Inaantok pa talaga ako! To naman kasing si Big bro e! Ang aga agang mambulabog!

"ano ba!" Daing ko nang hilain na nga niya ang kumot ko. Dapat hinigpitan ko kapit ko doon -_-

"inaantok ka diyan. Late ka na oh!" tamad kong tinignan yung Alarm ko

"big bro naman e! 8:00am ang klase ko! 6:00am pala oh!" sabi ko sabay kamot sa ulo ko. Ang aga aga niyang manggising. Kainis naman oh!

"ikaw oo, Pero ako maaga ako ngayon! 7:00am klase ko. Kailangan mo nang sumabay sa akin or else maglakad ka papunta sa new school mo" sabi niya sabay ngisi. Big bro naman e!

"Augh! Oo na!" gigil na sabi ko sabay sabunot sa sarili ko saka ako sumeretso sa Cr para maligo

Bago kasi ang school ko ngayon. Alangang doon ako papasok sa dati e sobrang layo nun. Hayst!

"ok narin" Sabi ko sa sarili ko habang tingin sa salamin. Tinitignan ko kasi kung ok yung uniform namin. At itinali ko paitaas yung buhok ko gaya ng nakasanayan ko

Tamad kong kinuha yung bag ko saka ako lumabas ng kwarto at pumunta sa garahe at sumakay sa kotse para makapunta sa school

*******

"Dito na ako. lagot! 6:58 na! Maglakad ka nalang Yehan! Terror ang teacher namin e! Sige naa! Malapit naman na school mo e" mag rereact pa sana ako nang bigla nalang niya akong pinalabas sa kotse niya saka niya iyon ipinasok sa school nila

"Augh! I hate you big bro! Lagot ka sakin mamaya!" sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang ako ng loko. Kita ko kasi siya e sa side mirror

Magkaiba kasi ang school ko sa kanya. 5 minutes walk lang naman kung tutuosin. Pero nakakatamad maglakad!

Padabog akong tumalikod at maglalakad na sana palayo nang.

"ouch!" daing ko nang nabunggo ako

"I'm sorry miss" Napaangat ako ng ulo sa kanya

Teka

Siya nanaman?

"o-ok lang" nauural na sabi ko. Pero bat ba ako nauutal? May nagawa ba akong mali sa kanya?

*dug dug dug

Ayan nanaman ang misteryosong Kalabog

"ikaw nanaman miss? Sa susunod tignan mo ang dinadaanan mo ok?" sabi niya sabay irap. aba! Ang taray ng lalaking to tusukin ko kaya yang mata niya. Umalis naman siya. At isa pa! Binungo lang naman niya ako. Grrrr! Nakakainis siya! Madapa ka sana!

"aray!" natawa namana ko nang madapa mga siya. Hahahhah agad naman siyang tumayo saka ako tinignan ng masama. Pero teka

"Uy! Dyan ka nag aaral?!" pahabol na sigaw ko sa kanya. Tinaas lang naman niya ang kanang kamay niya na parang nagsasabi ng oo

"ibig sabihin. Magka school mate sila ni big bro" sabi ko sa sarili ko sabay alis sa lugar na yun

***

Pagkaarating ko sa Classroom namin, umupo ako sa pinaka dulo. May mga studyante naman na. Kanina pa nga sila tingin ng tingin sa akin e. Ganun ba pag new student ka?

Di ko nalang sila pinansin at isinandal ko yung ulo ko sa bintana at minamasdan yung mga nasa labas

Habang tinitignan ko yung mga Naglalakad na studyante sa baba ay may napansin akong kakaiba

Parang may studyante sa tabi ng puno na duguan

Nanlaki ang mata ko habang tinititigan ko yung batang babaeng duguan

Paanong! Anong nangyayari? Bakit ganun? Bakit nakikita ko siya?

Kitang kita ko rin kung gaano kasakit ang titig niya sa isang lalaking nakasandal sa puno kung saan siya naroon. Tila ba ay gusto niya tong patayin

Napatayo ako sa takot at tinitigan ko parin siya. Nagulat nalang ako nang tinignan niya ako. Napa atras nalang ako kasabay ang pagtapik ng tao sa balikat ko

"ahh!" tili ko dahil sa gulat

"Sorry Ok ka lang?" sabi ng babae sa akin. Medyo mataba pisngi niya pero bumagay sa tangos ng ilong niya, maiksi ang buhok at ang cute niya!

Napaupo nalang ako sa upuan ko saka ako naghabol ng hininga

"Huy ok ka lang?" tanong niya muli kaya napatango nalang ako. Tumingin ulit ako sa bintana

Salamat naman at wala na yung babae

Tumingin din naman yung babae sa tinitignan ko

"Si Adrian Opiana? Crush mo siya no? Siguro kaya ka ganyan siguro kasi nakita ka niyang nakatingin sa kanya" tinitigan ko naman siya ng matalim

"Hindi ba? Salamat naman kung ganun" sabi niya na ikinalito ko

"B-bakit?" ewan ko pero na curious ako. Baka may kinalaman to sa nakita ko

"1 Taon na kasi ang nakalipas nang biglang nawa yung Ex niya na si Emzie Frezo sabi niya ay nasa ibang bansa na. Pero ang usap usapan, kaya daw aiya nawala dahil pinatay daw niya" napatingin ako sa babaeng kausap ko ngayon

Kung ganun. Ang babaeng yun ay ai Emzie Frezo?

"sabi nila. Kaya daw Pinatay ni Adrian si Emzie dahil nakita daw niyang may kahalikan tong lalaki. Malandi rin kasi yun si Emzie e" napatingin naman ako sa kanya. Bakit kaya ang dami niyang alam?

"ah baka sabihin mo tsismosa ako ha? Nalaman ko lang naman sa tabi tabi e." Napabuntong hinibga nalang ako

"Anyway! Ako nga pala si Star Gutierrez Pero You can call me Star!" hyper na sabi niya saka niya inilahad yung kamay niya

"ako si Yehan Rinee Apilada. Pero tawagin mo nalang akong Yerin" nakangiti kong sabi sa kanya

Ngumiti lang siya saka siya unupo sa tabi ko. Atlis kahit isa ay may kaibigan ako

Maya maya pa dumating na ang teacher namin

Teacher Jessa Castro. Yun ang nakalahay sa ID niya

"Good morning class" bati niya saka siya napatingin sa akin

"I think we have a new student" sabi niya saka niya inilahad ang kamay niya na parang gusto akong papuntahin sa harapan para makipagkilala

"Hi. My Name is Yehan Rinee Apilada or you can call me Yerin" sabi ko sa kanilang lahat saka ako nag bow

Pumalakpak lang naman ang mga kaklase ko

Umupo naman ako sa upuan ko. Dinaldal naman ako ni Star

"Ok ka lang sa school? Alam mo na ba ang pasikot sikot?" tanong niya napangiti naman ako sa sinabi niya

"wala pa e. Di ko alam" lumapad naman ang ngiti niya

"kung ganun ako na ang maglilibot sayo" nakangiting sabi niya saka kami bumalik para makinig sa teacher

***

"Ayan! Alam mo na lahat ha? Ngayon naman....." sabi niya ano maya ang gusto niyang sabihin? Tapos na kasi naming libutin ang buong campus. Wala kasi kaming klase nung second subject e. Meeting ata ng mga teachers

"Bakit? May itatanong ka?" sabi ko sa kanya nakangiti lang naman siya

"ano nga palang sports ang gusto mo? I mean anong sports club ang sasalihan mo?" napangiti naman ako sa sinabi niya. Alam niya talaga na may gusto rin ako sa sports huh?

"Volleyball e" nanlaki ang mata niya sa sinabi ko saka siya nagtatalon talon

"Yey! Kung ganun sa team nalang namin ka sumali!" sabi niya kaya lalo akong napangiti. Atlis kasama ko siya. Para di ako ma OP na wala man lang akong ka kwentuhan

"Namin?" tanong ko. Ibig sabihin may grupo siya?

"oo e. Li-lima palang kami e kaya naghahanap pa kami ng 1 pang miyembro. Ang luckily kasi sasama ka!" nakangiting sabi niya kaya tumango nalang ako sa kanya saka naman niya ako hinila papunta sa Oval

***

"Ate Wish!" sigaw niya kaya napalingon sa amin dito yung magandang babae na inuupuan yung bola ng volleyball

grabe di kaya puputok yun? Umalis naman yung babae at kinuha yung bola saka siya Lumapit sa amin. Grabe ang tangkad pala niya shaks

"Oh Star!" natigil si ate Wish(?) nang makita niya ako "Sino siya?" tanong niya kaya inilahad ko agad yung kamay ko

"Ako nga po pala si Yehan Rinee Apilada or Yerin" Nakangiting wika ko sa kanya. Ngumiti naman siya saka niya tinanggap yung kamay ko

"Ako si Wish Hinaa Rodriquez or Wish nalang para mas maganda" sabi niya.

"Nga pala ate. Siya ang kukumpleto sa team natin. Sasali daw aiya sa volleyball team natin!" exite na sabi ni Star kaya lalong ngumiti si Wish

"Talaga! Yes! Sa wakas! Makukumpleto narin sa wakas ang team natin! Welcome to the Team Yerin" sabi niya saka niya ako niyakap. Phew mukha naman siyang mabait

"Asan nga po pala Si Umji?" Tanong ni Star

"Ah di pa ata dumadating si Bunso e. Baka naligaw nanaman siya. Baka imbis na oval e playground ang napuntahan niya" nagtawanan naman siya. Nakitawa nalang ako kahit di ko gets heheheh

"oh ayan na pala si Bunso e!" sigaw ni Star kaya napatingin si Ate Wish sa nakapayong at halatang bagong dating nga lang

"Hello mga Ate!" sabi niya. Nakita naman niya ako kaya nagbow siya sa amin

"Nga pala Bunso. Si Yehan Rinee Apilada or Yerin Ang kukumpleto sa team natin" nakangiting sabi ni Ate Wish kaya napangiti si Bunso saka agad niyang kinuha yung kamay ko

"Hi Ate! Ako nga pala si Summer Jiyah Reyes or Umji nalang hehehe" sabi niya habang hawak yung kamay ko at kanina pa niya shini shake hands. so 'Summer' don kinuha ang 'Um' at 'Jiyah' ay kinuha ang 'Ji'

"Asan po si Ate Secret? Ibabalik ko kasi tung payong niya e. Saka para maipakilala narin siya" paghahanap ni Umji. Secret? Nilibot naman namin ang mata namin para hanapin daw si Secret.

"ah ayun!" sabi ni Star nakita ko nama ang isang babaeng nakahiga sa Damuhan at nagpipicture gamit ang kanyang polaroid

"Secret" sigaw ni Wish unnie kaya napatingin dito si Secret saka siya tumakbo palapit

"Hi Ate! Umji payong ko!" sigaw niya kaya binigay naman agad yun ni Umji. Wow Maton ang isang to ah

"Si Yehan Rinee Apilada pala. Ang kukumpleto sa Team" pagpapakilala sakin ni Star

"Hi Ate Yehan! Ako nga pala ai Secret Lalas" sabi niya

"Tawagin mo nalang akong Yerin" sabi ko. Nagulat naman ako nang picturan niya ako

"hehe welcome to the group!" sabi niya. Ang ganda naman niya

"Si Yuju?" Tanong ni Star kaya tinuto ni Secret yung babaeng nakadapa sa isang bench

Nilapitan naman namin siya

"Ate Yuju! Smile!" sigaw ni Secret kaya napatingin sa amin si Yuju. Tumingin siya sa camera saka siya ngumiti

"Hi!" sabi niya nang makatayo siya. Ang ganda naman niya

"Hi! Ako nga pala si Yehhan Rinee Or Yerin" Pagpapakilala ko sa kanya sabay shake hands

"Hi din! Miyu Justin Garcia nga pala or Yuju!" nakangiting sabi niya.

"si Yerin mga pala ang kukumpleto sa grupo natin!" -Wish

"talaga Ate!? Yey! Sa wakas kumpleto narin tayo!" nakangiting sigaw niya kaya nagsitawaNan nalang kami

"Nababaliw ka nanaman sugar! Baba ka diyan!"

"Hahaha hayaan mo siya bro!"

"Ang Astig nga e!"

Napatingin kami sa likuran namin. Andun ang mga basketball boys. Isang lalaki naman ang natuonan ko ng pansin. Yung lalaking nakaupo sa ring at nilalaro yung bola niya

"Ah Si Sugar Anthony Concepcion nga pala. Ang Captain ng Team Blue Eagle" sabi ni Umji

"Tara lapit tayo sa kanila!" exited na sabi ni Star kaya hinawakan ko siya

"Wag na nakakahiya e" Sabi ko. Totoo naman kasi e. Nahihiya ako

"Nako! Ka barkada namin ang mga yan kaya wag ka nang mahiya" sabi ni Yuju saka nila ako hinila

"Hey Boys!" Sigaw ni Star sa kanila. Tumakbo naman yung isang lalaki dito na medyo may malaking ilong

"Star! Sabi na nga ba miss mo ako e! Ikaw ha?!" Sabi niya sabay tusok sa pisngi ni Star. Eh?

"Yan nga pala si Kyle Alexix Llego(lyego), ang manliligaw ni ate star" Pabulong na sabi ni Yuju

"Tumigil ka Kyle! Di kita pinuntahan dito noh!" sigaw ni Star kaya kitang napa pout si Kyle daw

"Sekreto ko!" Sabi naman nung matangkad din na lalaki at lumapit kay Secret

"Yan naman si John Hope Cruz or Jhope yung Boyfriend ni Secret" pabulong na sabi nanaman ni Yuju

"Hi Din Hopie" sagot ni SinB saka niya nginitian si Jhope

"kayo lang ba?" tanong ni Yuju kaya napangisi si Jhope

"Hinahanap mo lang si Jimboy e. JIMBOY!" Sigaw ni Kyle. Napatawa naman sila nang humarap din yung lalaking naka Jersey at may hawak na bola

"ayan si Jimboy Dique. Crush ni Yuju" natatawang sabi ni Star kaya doon lang ako natawa. Kaya pala ah

Lumapit naman dito si Jimboy kaya lalong namula si Yuju. Hahha ang cute naman siyang namula

"Hey Guys!" sigaw ni Jimboy at nakipag fist bro kay Jhope

"Kuya Eujin" Sigaw ni Umji kaya napatingin ako sa tinatawag nila

Ang gwapo naman niya shaks. Napatingin naman siya dito

"Guys!" sigaw niya saka aiya tumakbo palapit dito saka niya inakbayan si Ate Wish. Eh?

"Hin Wish! Musta? Di moko tinetext ah" naka pout na sabi niya. Pilit namang tinanggal ni Wish yung kamay ni Eujin yung kamay niya sa lumayo sa kanya

"At siya si Eujin Carl Joaquin ang manliligaw ni Ate Wish" sabi ni Star at halatang kinikilig. Ay sayang nililigawan niya si Ate hehehe. Bagay naman sila e

"asan nga pala si Nisha?" tanong ni Wish. Nisha?

"Si Nisha Joaquin nga pala yung kapatid niyang babae na Nag tetennis" bulong naman ni Umji.

Nakita ko namang napatingin dito yung magandang babae na kamukhang kamukha ni Eujin saka siya lumapit

"Hi Kuya! Hello po!" sabi niya sabay bow

" Si Rheymond at Sugar nalang ang kulang" sabi ni Star kaya napatango silang lahat maliban sa akin. Yung sugar ba ay yung kaninang naka upo sa ring

"ah sila Rheymond ba kamo? Ayun oh! Magkausap sila nina Kuya Sugar" sabi ni Nisha kaya napatingin kami aa tinuturo niya. Napatingin naman dito yung matangkad na lalaki na kausap nung naka upo kanina sa ring. Kailan pa siya nakababa?

Tumakbo naman sila dito

"Hi guys!" sabi niya

"Ano nga palang meron at nagtipon tipon ang buong barkada dito?" Tanong ni Kyle kaya nanguna nanaman si Ate Wish

"Nga pala guys! May bago tayong ka grupo! Ang kukumpleto sa Blue Eagles Volleyball Team!" sabi ni Ate Wish saka siya napatingin sa akin

" Hey Guys! Ako nga pala ai Yehan Rinee Apilada or call me Yerin" nakangiting sabi ko.

Nagsitinginan naman sila

May mali ba sa akin? Ayaw ba nila akong ka grupo?

"welcome to the Group!" sabay sabay na sabi nila. Kasabay ang pagsabog ng confetti

Mapatingin ako at si Star pala

Rica? Pwede na ba akong makipagkaibigan sa iba?

___________________________

Chapter 3 is done! Please Vote and Comment!

Dedicated to : Shin04Jagiyafor my covers and banner

avataravatar
Next chapter