webnovel

A Heart to Keep

Magkaiba ang background nina Candice at Victor kaya hindi maganda ang unang impression nila sa isat isa. Pero habang tumatagal ang kanilang pagkakakila ay unti unti ring lumalalim ang kanilang friendship and eventually ay nagkahulugan na sila ng loob.

amore_05 · Teen
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 1

"Senyorita kailangan nyo na pong bumaba baka maticketan na ako." Pakiusap kay Candice ng kanyang driver. Ilang minuto na kasi silang nakaparada sa isang no parking zone.

"One minute." Sagot niya dito.Huminga muna siya ng malalim para ihanda ang sarili.

Pagkatapos ay tumingin uli siya sa direksyon ng bagong eskuwelahang papasukan niya, ang Jose Gregorio Community College. Pangalan pa lang gusto na niyang maiyak.

She was kicked out from her previous school dahil nahulihan siya ng kodigo. Walang binigay na tulong ang kanyang lolo. At ngayon nga ay pinarusahan pa siya by enrolling her to this God forsaken place. Isa lang naman ang kondisyon nito para maalis ang parusa sa kanya. Kailangan niyang ipasa ang lahat ng kinuhang subject.

Madali lang naman ang kondisyon kung tutuusin. Ang mahirap ay siya na apo ng isang business tycoon na si Don Teodoro Benitez of Monarch Industry ay mag-aaral sa isang pipitsuging community college. Pinagmasdan niya uli ang malaking karatula kung saan nakasulat ang pangalan ng eskuwelahan. Luma na nun at kailangan na ng bagong pintura. Kung yung simpleng karatula hindi mapinturahan ano pa kaya ang itsura nito sa loob? Well she has no choice but to find out.

Pagkatapos niyang ayusin ang sarili ay tuluyan na siyang bumaba sa kotse. Malakas na ingay agad ang sumalubong sa kanya. Mukhang may protestang nangyayari sa harapan ng eskuwelahan. Pero wala naman siyang nakikitang pagkabahala sa mga mukha ng ilang kasabayan niyang estudyante. It's a normal everyday thing to them. At kailangang masanay na siya so she walked on.

Nasa harap na siya ng gate nang may lumapit sa kanyang isang estudyante at binigyan siya ng flyers. Ni hindi niya tiningnan yung nagbigay. Hindi rin niya binasa ang nasa papel at balewalang nilukot yon. She couldn't care less sa kung ano man ang pinaglalaban nito dahil may sarili siyang problema na dapat isipin.

Nang itatapon na niya ang papel sa basurahan ay may pumigil sa kanya. "Miss kung ayaw mo kaming suportahan huwag ka namang mambastos ng harapan." lalaki ang nagsalita. Hinawakan pa nito ang kamay niya at kinuha mula sa kanya ang papel.

"Dont touch me." Naglabas siya ng hand sanitizer at ginamit yon.

"Akala mo naman kung sinung prinsesa. Baka makarma ka sa ginagawa mo." Sagot nito sa kanya.

"Whoever you are I don't care about your opinion." pagsusungit niya dito at pagkatapos nun ay tinalikuran na rin niya ito. Pero hindi pa man siya nakakalayo ay may tumama sa kanya. "Oh my God!!" Hindi siya nasaktan pero nabasa siya. May nambato sa kanya ng tubig!

Pinagtawanan pa siya ng ilang estudyante.

Tumingin siya sa paligid para hanapin ang walanghiyang salarin. Nahagip ng mga mata niya ang isang lalaking may hawak ng plastic na may lamang tubig. Nakatalikod ito sa kanya pero sigurado siyang ito yung lalaking nakasagutan niya kanina. Nilapitan niya ito at kinalabit. Hinarap naman siya nito.

"Bakit??" Takang tanong nito. Pero imbis na sagutin ay isang malakas na sampal ang binigay niya dito. Dahil sa pagkabigla ay sandali itong hindi nakakilos. Pati yung ibang estudyante ay nagulat sa ginawa niya.

Tinaasan pa niya ito ng kilay at inirapan pagkatapos ay naglakad siya palayo. Nang mahimasmasan ang lalaki ay tsaka ito humabol sa kanya.

"Sandali nga anong problema mo?" galit na tanong nito. Nang hindi niya ito pinansin ay humarang ito sa daraanan niya. Para tuloy silang nagpapatintero.

"Umalis ka sa harapan ko baka gusto mong tamaan ka uli sa akin." Banta niya dito.

"Sandali naguguluhan ako may atraso ba ako sayo? Sigurado naman akong hindi kita naging ex-girlfriend." Tanong pa rin nito.

"As if naman papatol ako sa isang hampaslupang katulad mo. Sinampal kita dahil binasa mo ako. Bastos."

"Wala akong ginagawa sayo. Ikaw itong nananakit ng walang dahilan at di lang yon sobrang matapobre mo pa."

"Hindi ako matapobre sinasabi ko la ng ang totoo na mahirap ka. At tsaka nakita kita may dala kang tubig na nasa plastic. At binantaan mo ako kanina na makakarma ako."

"Hindi ka lang pala matapobre at bayolente, mapagbintang ka pa. Bakit nakita mo bang tinapunan kita ng tubig? May tubig akong dala dahil nauuhaw ako. At kaya ka siguro binato ng tubig eh dahil umaalingasaw ang sama ng ugali mo."

"How dare you insult me?"

"Nagsasabi lang ako ng totoo." pangaggaya pa nito sa kanya.

Gusto sana niya uli itong sampalin pero kita na niya ang galit sa mukha nito. Baka gantihan na siya nito pag nagkataon.

"You dont know who I am. Kaya kang ipatanggal ng lolo ko sa school na ito." pagbabanta niya uli dito.

"Di gawin mo kung kaya mo miss prinsesa ng kayabangan."

"Kaya ko talaga kaya huwag mo akong kakalabanin."

"Natatakot na nga ako mahal na Prinsesa." Sakastikong sagot nito sa kanya. Na lalo naman niyang kinainis.

"Huwag mo nga akong tinatawag na prinsesa. Wala kang karapatan."

Tumawa ito ng malakas. "Oo nga naman baka akalain ng mga tao eh pinupuri kita. Kampon ng kadiliman na lang ang itatawag ko sayo mas bagay." Pang-aasar pa rin nito.

"Ganito ba talaga ang mga estudyante dito mga bastos at barbaro?"

"Depende sa kilos mo. Pasalamat ka at ako ang nasampal mo dahil sorry lang ang hihingin ko sayo."

"Paano kung ayokong magsorry?" pinamaywangan pa niya ito.

Tiningnan siya nito na parang hindi makapaniwala pero ilang sandali pa ay ngumiti ito na parang nakakaloko.

"Sa tingin ko may malalim na dahilan kung bakit ang isang konyong katulad mo eh magtyatyagang mag-aral dito. Huhulaan ko, isa kang malaking sakit ng ulo. Paano kaya kung magreklamo ako sa dean na sinampal ako ng bagong estudyante ng walang dahilan. Ano kaya ang mangyayari?" nanunukat na tanong nito.

Kinabahan siya sa sinabi nito. Binantaan na siya ng kanyang lolo na bibigyan siya ng mas malalang parusa kapag nalaman nito na gumawa na naman siyang kalokohan.

"It's my word against yours. Walang maniniwala sayo." Kunyari ay lakas loob niyang sabi dito.

"Bakit hindi natin subukan?" paghahamon nito. Akmang pupunta na ito sa opisina ng dean nang pigilan niya ito.

"Okay fine para wala na lang gulo." huminga pa siya ng malalim bago nagsalita uli. "I-im sorry." Pilit na pilit ang paghingi niya ng tawad dito.

"Hindi ko marinig ang hina." inilagay pa nito ang kamay sa likod ng tenga at medyo inilapit pa nito ang mukha sa kanya. Urging her to speak louder.

"I'm sorry." mas malakas niyang ulit.

"Mukhang nakainom ka ng suka. Bukal na bukal sa loob mo ah." Sarkastikong sagot nito.

"Pero dahil hindi naman ako nagtatanim ng sama ng loob tatanggapin ko na ang sorry mo."

"Salamat." Pinipigilan lang niya ang sariling pagtaasan ito ng boses. "Talagang kapag minamalas nga naman." Bulong niya sa sarili.

Nabasa na siya ng tubig na hindi niya alam kung saang estero nanggaling. Napilitan pa siyang magsorry sa isang hindi niya kalevel. Kaya bago pa niya bawiin ang paghingi ng tawad ay tinalikuran na lamang niya ito at mabilis na naglakad palayo.

"O pare kumusta na yang pagmumukha mo?" Natatawang kantyaw kay Victor ng kaibigang si Luke.

"Ikaw talaga ilang araw na ang nakakaraan hanggang ngayon pinagtatawanan mo pa rin ako." iiling-iling na sagot niya dito.

"Ang sarap mo kasing asarin eh. Di ba sinabi ko na sayo mukhang masungit kaya huwag mong lapitan. Malakas ang loob mo. Ayan nasampal ka tuloy."

"Nadala lang yun ng init ng ulo dahil nga sa nangyari sa kanya."

"Ay pinagtatanggol, malala na yan. Hindi lang yata ang pisngi mo ang tinamaan pati puso mo. Ano yon Love at first slap?" pang-aasar na naman nito.

"Puro ka talaga kalokohan. Tantanan mo ako." Sagot niya dito.

"Uy Victor hindi kita tatantanan. First Year highschool palang magkasama na tayo. Alam ko kung interesado ka sa babae."

"Bakit ako lang ba? Eh lahat naman tayo napanganga nung makita siya. Mukha siyang naligaw na…"

"Ano?" nakangising tanong nito nang hindi niya maituloy ang sasabihin.

Gusto niyang sabihin na mukha itong naligaw na anghel. Isang aparisyon na nagkatawang tao. Ang kulay gatas nitong balat. Ang mahaba at medyo kulot nitong buhok na halos kulay mais na. Ang mapupungay nitong mga mata. At kahit nakasimangot ito at iritable ay hindi maitatago nun ang natural nitong ganda. At tama si Luke interesado siya dito.

He did his research at nalaman niyang Maria Candice Benitez ang pangalan nito. At kung tama ang hula niya ang pamilya nito ang nag mamay-ari ng Monarch Industry. Tama naman pala nung sinabi nitong kaya siya nitong ipatanggal sa Jose Gregorio. Monarch ang sponsor ng kanyang scholarship grant.

"Uy hindi ka na nagsalita dyan."

"Ano pa bang gusto mong sabihin ko. Hindi kami magkalevel nun. Kaya puwede huwag mo na akong asarin. Prinsesa yon isa lamang akong karaniwang tao."

And speaking of karaniwang tao at kalevel mo parating na si Jessie. Iiwan muna kita para masolo ka ng babaeng obsessed sayo."

Bago pa man siya makahirit ay nagmamadali na itong umalis. Siya namang lapit sa kanya ni Jessie. Kasama niya ito sa Student Council.

Lately ay nagpapakita ito ng interes sa kanya at medyo nagiging makulit na rin ito. Ayaw niyang umasa ito sa wala kaya medyo umiiwas siya pero dahil kaibigan pa rin ang turing niya dito kinakausap pa rin niya ito.

"Kumusta ka na Victor. Okay ka na ba?" tanong nito.

"Okay lang ako Jess. Walang masamang nangyari sa akin buo pa ang mukha ko." Sagot niya dito. Kung si Luke walang habas ang pang aasar sa kanya ito naman kung makapangamusta akala mo eh na-admit siya sa E.R.

"Buti naman at maayos ka kung hindi lagot sa akin ang babaeng yon. Ang lakas ng loob niyang saktan ka."

"Tapos na yon. At kung tutuusin dapat nga humingi ka nang tawad sa kanya. Ikaw yung responsible sa pambabasa sa kanya. Napahiya yung tao."

"Deserve niya yon. Ang yabang akala mo kung sino. Eh mas maputi lang naman siya sa akin. Sinaktan ka pa niya." dahilan nito.

"Nagkapatawaran na kami. Wala na sa akin yon. Kaya sana lang huwag mo nang uulitin yung ginawa mo. Hindi magandang maging bully."

"Basta huwag lang siyang haharang sa daan ko."

Umiling na lamang siya sa asta nito. "Sige kailangan ko nang umalis. Kita na lang tayo mamaya sa student council meeting." Paalam niya dito.

"Sabay na ako sayo parehas naman tayo ng building." Habol nito. May duda siya dun dahil wala naman itong klase sa pupuntahan niya pero hinayaan na lamang niya itong sumama.

Nakailang check na sa cellphone si Candice pero wala pa ring nagtetext sa mga so-called friend niya. Sa umpisa lang concern ang mga ito pero nung malaman na she lost all her privileges nawala rin ang mga ito na parang bula. Ang mas nakakainis pa kahit isang Linggo na siya sa Jose Gregorio ay wala pa rin siyang kaibigan o kahit kausap man lang. Madalas ay pinagtititinginan siya ng mga estudyante pero walang lumalapit sa kanya. Na para bang may nag-utos sa mga ito na iwasan siya. Ngayon lang talaga niya naramdaman maging total outsider.

Kesa maghintay sa wala ay napagpasyahan na lang niyang pumunta ng canteen at bumili ng maiinom. Walang gana niyang inuubos ang kanyang soda nang makita niyang pumasok ang isang lalaki. Nakilala niya agad ito. Ang antipatikong nakasagutan niya. Dahil maliit lang naman ang Gregorio ay nalaman niyang Victor ang pangalan nito. He's the current student council president. Madalas niya itong marinig na napag-uusapan ng mga estudyante.

Habang bumibili ito ng makakain ay lihim niya itong pinag-aralan. Simple lang itong pumorma. Isang lumang maong pants at white t-shirt ang suot nito. Pati ang sapatos nito ay ripped-off lang ng isang sikat na brand.

Mas maganda pang manamit ang mga katulong nila sa bahay tuwing day-off. Pero may itsura naman ito. Medyo maitim ito sa karaniwan, matangos ang ilong, may kakapalan ang kilay at mahahaba ang mga pilikmata. Napansin nya yon nung nagkasukatan sila ng tingin. Matangkad din ito at maganda ang posture. He has this air of confidence about him. Pero hindi niya ito type. Ang gusto niyang lalaki eh mapuputi at makikinis ang balat. Ang lalaking ito yung matatawag na rugged. Yung tipong sanay sa manual labor at bilad lagi sa araw, a mere peasant.

Pero bakit ba niya lihim itong pinag-aaralan? He's nothing to her. Para maialis ang atensyon dito ay kinuha niya ang kanyang libro sa bag. Pero ilang sandali pa ay lihim na naman niya itong tiningnan. Naghahanap na ito ng mapupuwestuhan. Napansin niyang ang tanging puwesto na bakante ay ang table opposite her at tila nag alangan pa itong kunin yon. Pero dahil mukhang wala na itong choice ay umupo na rin ito.

Kahit magkatapat sila ay hindi pa rin ito tumitingin sa kanya. Imposible namang hindi siya nito napansin. Halata tuloy ang ginagawa nitong pag-iwas.

Hindi niya alam kung dahil bored lang siya pero imbis na magpanggap na hindi rin ito nakikita ay tinitigan pa niya ito. "Tingnan natin kung hindi ka maconscious." bulong niya sa sarili.

Smiling cheekily she openly studied his movement. Kulang na lang ay kumuha siya ng camera at picturan ito. But to her dismay mukhang paninindigan nito ang di pagpansin sa kanya. Nakafocus lang ito sa pagkain at di tumitingin sa direksyon niya.

She rolled her eyes in disappointment but when she's about to give up he raised his head and stared back at her. And he mouthed

"Anong trip mo?" Tinigil nito ang pagkain. Sandali itong nagbaba ng tingin, hinagod ang may kahabaan nitong buhok at pagkatapos ay bumuntunghininga ng malalim.

There was a confused look on his face. Na parang may gusto itong gawin pero pinipigilan ang sarili. Naiinis na ba ito sa kanya? But he appears more frustrated with himself than annoyed at her. And the way he unconsciously stroke his hair all the way down to his nape looks kinda sexy.

"Ano ba ang iniisip mo Candice? This man ain't sexy. He's not even your type. Antipatiko siya and you just want to annoy him." Sermon niya sa sarili.

But she can't stop looking at him. At ganun na din ito sa kanya. And so, their staring contest begin. Bumalik ito sa pagkain pero hindi na talaga nito inalis ang tingin sa kanya. At siyempre hindi naman siya papatalo.

Nangalumbaba pa siya para iparating dito na wala siyang balak umatras kahit wala naman talaga siyang ipinaglalaban.

Nang matapos itong kumain ay kinuha nito ang isang basong tubig at uminom. His gaze still not wandering away from her. Mabagal ang ginagawa nitong pag-inom. Na tila ninanamnam nito ang bawat patak ng tubig. Hindi mapigilang dumako ang mga mata niya sa adam's apple nito habang nilalagok ang tubig. She momentarily lost her concentration and blinked. Natalo siya.

Damn it! She cursed silently. Ito naman ay itinaas pa ang isang kamay while uttering "Yes" and smiled in triumph.

Huminto yata sandali ang tibok ng puso niya sa ginawa nitong pagngiti. One minute he looks sexy now he looks adorable. Ano bang nangyayari sa kanya? Why does she find this man attractive all of a sudden? Todo na nga yata ang boredom niya.

Ilang saglit pa silang nagtinginan na tila nagtitimbangan kung anong susunod nilang gagawin. Lalapitan ba siya nito? Pero bago pa man ito makaalis sa puwesto ay may tumapik sa balikat nito and a group of students started talking to him. They are inviting him sa ibang table. May humila pa sa braso nito kaya napilitan na itong sumama. Unlike her maraming gustong kumausap dito. Kung siya ay isang pariah ito naman ay parang rockstar kung ituring.

When a group of women openly flirted with him dun na siya nagdecide na umalis. Bago siya lumabas ay sandali pa siyang tumingin sa direksyon nito. There's this hope na sana lumingon din ito sa kanya pero hindi nito ginawa. She left feeling disappointed. Kulang na nga yata siya sa ganda.

"Hindi na yun babalik pare. Kita mong lumabas na eh." Bulong ni Luke kay Victor.

"Ano bang pinagsasabi mo dyan?"

Maang-maangan na tanong ni Victor sa kaibigan.

"Kunyari ayaw pang lumingon pero yang mga mata mo parang gusto nang humiwalay dyan sa mukha mo. Akala ko ba wala kang balak na pormahan yung tao?" Bulong nito.

"Wala nga."

"Eh bakit palihim mong sinusundan ng tingin?"

"Eh bakit para kang pulis makapagtanong? Magshift ka na lang kaya sa criminology."

"Nag-aalala lang ako sayo. Alam ko nung una binibiro pa kita sa kanya pero iba ang babaeng yon. Ang tawag nila sa mga ganyang babae high maintenance. Kumbaga kailangan reyna ang turing mo sa kanila."

"Di ba ganun naman talaga dapat ituring ang mga babae lalo na at may gusto ka." sagot niya dito.

"Oo pero yun ay kung hari din ang turing niya sayo. Paano kung alipin?"

"Puro ka paalala eh ikaw tong padalos-dalos pagdating sa babae." Balik niya dito.

"Sa ating dalawa ikaw itong malalim magmahal. Di bat ang tagal mong makaget over sa ex mong mahilig sa wig, yung si Alice."

"Kay Alice ko nalaman na hindi pa ako handa makipagrelasyon. Yun lang yon."

"Eh si Lanie yung crush mo. Wala akong natatandaang ibang babae na nagustuhan mo bukod sa kanya nung highschool."

"Kung di ko alam yang pagiging palikero mo iisipin ko may gusto ka sa akin."

"Ngayon mo lang narealized na type kita?"

Nakangising sagot nito sabay amba ng halik.

"Sira ulo ka talaga." Nasabi na lamang niya dito sabay tulak. Tumawa lang ito ng malakas.

Kahit madalas ay nauuwi sa alaskahan ang usapan nilang magkaibigan alam niyang tama si Luke. Iba si Candice sa kanila. Kaya ilag dito ang karamihan. Ang totoo ilang araw niya itong iniiwasang makasalubong o makita man lang. Pero bigo siya. Katulad ng hindi nya ito kayang iwasang hindi isipin. Katulad ng pagsuko niya sa mga titig nito. Katulad ng pagdadalawang isip niya kung lalapit ba siya o lalayo. Dapat nga yata talaga siyang mag-ingat. Mahirap nang mahulog sa isang Candice Benitez.