webnovel

A Heart Of Stone

A girl with a heart of stone.

istoryanialili · Teen
Not enough ratings
12 Chs

Three

Same electricity

It was a sunny morning here in Paris. I was at my work room when I saw my kuya's name flashed on the screen of my phone.

"Hi, big bro.." bati ko nang sagutin ang facetime.

I think it's already four in the afternoon sa Pinas while dito ay umaga pa lang.

"Hey, how are you? How was your first week?" tanong ni kuya sa akin habang nakangiti.

Mukhang kakaligo niya lang. Nag basketball siguro sila ulit. It's weekend, though.

"It was fine, kuya.. marami na agad pinapagawa."

Inayos ko ang phone ko sa table kung saan ako nag dedesign ngayon para hindi ko na siya hawakan at makaguhit ako ng maayos.

"Sabihin mo lang kapag gusto mo ng umuwi." aniya kaya napabaling ako sa screen ng phone ko at tinignan si kuya.

"I can do this, kuya. Wala ka bang bilib sa akin?"

Bumalik ako sa ginagawa ko. Sa dalawang buwan ko na rito sa Paris ay ito lang minsan ang ginagawa ko kapag may mga bago akong ideas. Actually, sa first week ko dito sa Paris ay kasama ko pa sila mom, dad at kuya.

Nag-leave muna sila sa work for two weeks para masamahan ako at para makapag travel din around Europe. We went to Barcelona, Spain and it was so enjoyable. I loved the place so much. We went to Italy too. I so love Europe!

"I believe in you, of course! It's just that.."

Someone cut him off and by the tone of his voice, deep and husky, I already know who's talking.

"Is that your sister?" aniya.

Inabala ko lamang ang sarili ko sa ginagawa.

"Yes, Dim. By the way, Tashy.. nandito mga kaibigan ko. Katatapos lang namin mag laro ng basketball.."

Tumango lamang ako nang hindi siya tinitignan sa screen. I don't want to ruin my day. May pasok pa ako mamayang hapon.

"Lara's here too.." ani kuya kaya napabaling ako sa screen.

Agad kong nakita ang damuhong manyakis na nasa likod ni kuya at matamang nakatitig sa akin. Kumunot ang noo ko at bumaling na lamang kay kuya.

"Lara? Anong ginagawa niya riyan?"

It's been days since we last talked. Dahil na rin busy ako at busy din naman siya sa school niya sa Pinas.

"He's with Haze. Nanood siya ng game namin."

Tumango ako at bumalik na ulit sa aking ginagawa. Dahil para akong gustong tunawin ng damuhong manyakis sa mga titig niya. Kaya kong makipag tagisan ng titigan sa kaniya ang kaso kaharap ko si kuya. Tss.

"Kuya, I have to go. I need to get ready for school."

Nilikom ko na ang aking sketchbook at ang mga pencil na ginamit ko at inilagay ito sa lagayan.

"Oh, alright. Drive safe? Okay?" aniya kaya tumango ako habang inaayos ang table ko.

"No boys! Alright?"

Napatingin agad ako sa kaniya at sinimangutan siya. Napatingin naman ako sa nasa likod niya na ngayon ay nakangisi na. Umirap ako sa kawalan bago sagutin si kuya.

"Yeah! Yeah! Got to go! Bye!"

Agad ko ng pinatay ang tawag at lumabas na ng work room ko. Araw araw niyang sinasabi sa akin iyon. Kainis!

Diretso ako sa kusina at naabutan ko ang dalawa kong katulong na nagluluto.

"Atasha, naihanda ko na ang damit na susuotin mo para ngayong araw. Kakain ka ba muna o maliligo?" ani Yaya Didith.

Siya at si Yaya Brenda ang ipinasama ni Daddy sa akin. Matagal na silang naninilbihan sa amin. Katunayan nga silang dalawa ang yaya ko mula pagkabata kaya sila din talaga ang pinasama ni daddy. Hindi niya pinasama si Mang Rene dahil ani daddy kaya ko naman raw mag-drive. At mas okay sa akin iyon dahil noon ko pa gustong mag-drive!

"Uh, maliligo na muna ako yaya.." sagot ko rito pagkatapos kong uminom ng tubig.

Lumabas na ako ng kusina at dumiretso na ng kwarto ko. Dad bought this condo and it's quite big. It has four rooms including my work room kung saan doon ako nagdedesign at nagtatahi. Apat ang rooms para kapag bumibisita sila dito ay may room sila ni mommy at si kuya. Though, my room is not as big as my room in Manila but it's fine.

Malawak rin ang living room nito pati ang dining area. May veranda ito na naka konekta sa living room tanaw ang skyscrapers ng Paris pati na rin ang Eiffel Tower. Masarap tumambay roon kapag gabi dahil sa city lights. I always loved the city.

"Atasha.. nakahanda na ang pagkain mo.."

Natigil lang ako sa pagmumuni nang kumatok si Yaya Didith sa aking kwarto.

"Okay, yaya. Susunod ako.."

Tinapos ko ang huling section ng mahaba kong buhok na aking kinulot. Messy and soft waves lang para kunwari ay natural ang waves ng buhok ko. I also applied a very light and natural looking make-up.

Nang matapos ako ay pumunta na akong kusina para kumain. At pagkatapos ay tumulak na ako papuntang university na mahigit twenty minutes ang byahe.

Ganoon lamang naging takbo ng mga sumunod na araw ko. Mabilis naman ako naka-adjust sa bago kong school. May mga naging ka-close ako. Syempre hindi mawawala iyong may poporma pero wala akong time at wala akong matipuhan sa kanila. I'm hard to please, I know.

*

"Tash! What's up? Hindi ka na ba uuwi?" reklamo ni Lara.

Tipid lang akong ngumiti at tinignan siya sa screen ng aking laptop.

"I don't know, Lara. Hindi ko pa sure. I'm so busy right now.."

Agad kong ibinalik ang tingin ko sa ginuguhit kong bagong design ng gown.

"God! Tash! It has been three freaking years! Kahit holidays hindi ka umuwi!"

Yes. It has been almost three years since I came here. Simula nang dumating ako dito ay hindi pa ulit ako nakakauwi ng Pinas. Kahit pasko at bagong taon ay hindi ako nakauwi. Dito raw kasi gusto nila kuya na i-celebrate iyon. Hindi ko alam kung gusto lang talaga ni kuya na huwag akong umuwi dahil isang beses bigla na lang niyang sinabi na huwag na daw akong umuwi. That I should live here for good kasi mukha raw mas okay ako dito. Hindi na raw ako party girl at wala na daw akong masyadong lalaki. Tss..

"Tashiana! Kanina pa nag sasalita iyang kaibigan mo pero ikaw tulala." ani Frank at nag-snap pa sa harap ng mukha ko.

Inirapan ko agad siya at bumaling kay Lara na nakasimangot. "Hi, Lara!"

"Hi, Frank!" nagbatian muna sila bago bumaling ulit sa akin si Lara.

Itong si Frank naman ay umupo sa tabi ko at tinignan ang mga designs ko. Nasa living room kami ngayon. Si Frank ay Pinoy na nakilala ko dito sa Paris last year. Sa isang shop ng isang sikat na clothing line kami nagkita. Narinig niya akong nagtagalog kaya agad niya akong in-approach. He's a chef. May-ari siya ng isang five star restaurant.

"Lara, almost three years lang naman hindi isang dekada. You're over reacting.."

Inirapan ko siya at nagpatuloy sa ginagawa kong bagong design.

"Frank, please. Paki-pilit naman iyang si Tash! She needs to be back here in Manila soon!"

Para siyang batang nagta-tantrums. Hindi ko na lang pinansin pero bigla akong siniko ni Frank at nginuso ang screen. "What?"

Tinuro niya na ang screen gamit ang kaniyang kamay kaya tinignan ko kung anong meron doon.

"Hi, Atasha." ani Haze na ngayon ay katabi ni Lara.

Nanliit ang mata ko sa kamay niyang naka-akbay sa balikat ni Lara. I know something's already going on between the two but I just can't accept it. Tss.

"Anong ginagawa niyan diyan?" mataray kong tanong kay Lara na ngayon ay pulang pula.

Para ring mapupunit ang kaniyang labi sa sobrang ngiti.

"I'm going to tell you something!" aniya at humagikgik.

Nagtinginan muna sila ni Haze at nag ngumiti sa isa't isa. Gross.

"Make sure it's something important."

Binalik ko na ulit ang tingin ko sa aking sketchbook.

"We're official!" ani Lara na hindi ko pa rin tinitignan.

"Official naman talaga kayo. Official na naka-arrange sa isa't isa." sagot ko na hindi pa rin bumabaling ng tingin sa kay Lara.

"I mean.. official! As in, official boyfriend and girlfriend! No more pretentions! We're official for real!" maligayang maligaya ang tono ni Lara.

Tinignan ko na ang screen at nakita ko si Lara na nakaturo sa kaniyang ring finger na may nanginginang na sing sing doon.

Umiling ako at hindi makapaniwala, "You've gotta be kidding me.."

Hindi napawi ang ngiti ni Lara habang pinapakita pa rin sa akin ng singsing niya.

"I'm not kidding you!"

Umiiling pa rin ako. "Have you really lost your fucking mind, Lara?"

Humingang malalim si Lara bago nag salita. "He's changed, Tash.."

Aniya at nag tinginan ulit sila ni Haze. Pwede bang sumuka muna?

"Don't make me laugh." sagot ko at umiiling pa rin.

"Tashiana, can't you just be happy for her? For them?"

Sinamaan ko ng tingin si Frank pero nagkibit balikat lang siya at saka bumaling sa kaniyang phone.

"Are you really serious? Nagpabola ka sa lalaking yan? Nagpadala ka talaga sa mga flowery words niya? God.."

Hindi talaga ako makapaniwala na matapos ang lahat ay ganito lang din pala ang mangyayari. Once a jerk, always a jerk. Nakakainis. Minsan na nga siyang niloko pero go pa rin siya? Anong katangahan yon?

"Ikaw lang naman ang hindi nagpabola sa akin.." ani Haze na agad kong tinaasan ng kilay.

Tumawa si Lara na kala mong wala lang sa kaniya. Ugh! See? See that attitude? Sa harap talaga ni Lara sasabihin iyon?

"Shut up, jerk."

Tumigil si Lara sa pag tawa at sinamaan ako ng tingin. "Tash.. I believe that he already changed. He loves me.."

Para na akong masusuka sa nakikita ko sa aking screen dahil nakahilig na ngayon ang ulo ni Lara sa balikat ni Haze habang itong si Haze ay naka akbay pa rin sa kay Lara.

"Wala naman akong magagawa e. Huwag na huwag ko lang malalaman na pinaiyak mo ang kaibigan ko, Haze. Kasi hindi ako magdadalawang isip na ilayo siya sa 'yo."

Tumango si Haze sa sinabi ko at tumingin kay Lara. I hate to tell this but I can see sincerity in his eyes. And Lara? By the looks of it.. she's really happy. So who am I to take that happiness away from her?

"I promise you. I will never ever hurt her again."

I really can't believe I am hearing these words from him. "Just do it. Tss."

Parang kamatis naman sa pula si Lara na nakatingin kay Haze ngayon. Really? Gusto ko na talaga sumuka kanina pa.

"Tash, may isa pa nga pala kaming gustong sabihin."

Umayos na sa kaniyang pagkaka upo si Lara at hinarap ako. Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi pa pala tapos ang mga announcements niya.

"What is it this time?" mataray kong tanong at sumandal sa backrest ng sofa habang nakahalukipkip.

Nagtinginan muna sila ni Haze bago mag salita si Lara. "We're getting married next month!"

I knew it! Hindi ako gumalaw or what. Tinitigan ko lang si Lara na tuwang tuwa at si Haze na nakatitig lang kay Lara.

"Aren't you going to congratulate your bestfriend?" tanong ni Frank sa akin.

Tinignan ko lang siya at inirapan.

"I'm happy for you but I'm not happy for who you are going to marry.."

Bumaling ako kay Haze na nakangisi lang sa akin.

"Anyway, wala naman akong magagawa e. Mukhang nakapag plano na nga kayo bago niyo sabihin sa akin e?"

Dahan dahang tumango si Lara. Sinasabi ko na. Oh well..

"Kaya nga kailangan mo ng umuwi dito. You're my maid of honor! Hindi pupwedeng wala ka."

Tumango ako dahil wala naman na akong magagawa. "I'll be very busy pero isisingit ko sa schedule ko.."

Pumalakpak si Lara sa naging sagot ko. I sighed. Hindi pwedeng wala ako doon. Kaibigan ko iyong ikakasal. Pwede ding pumunta ako doon para tumutol? Right? Great idea, Atasha!

"Haze, Lara.."

May biglang mag salita sa background nila kaya napalingon sila sa kung sino man ang nasa likod ng kanilang laptop.

"Nandiyan na pala kayo. Parating na daw iyong designer." ani Haze at tumayo.

Biglang sumulpot sa screen si kuya at kasunod niya ay si Dimitry. Kumunot ang noo ko ng makita siya. Bumaling agad sa screen si kuya at si Dimitry.

"Kausap niyo pala si Atasha.."

Tinignan ko lang sila. Si Dimitry ay nakatitig lamang sa akin. Bigla akong siniko ni Frank at lumapit sa akin para bumulong. "Who's that guy?"

Kilala niya si kuya kaya hula ko ay si Dimitry ang tinatanong niya kung sino. Inirapan ko nalang siya.

"I know what you're thinking.."

Tinaasan niya lang ako ng at nakipag titigan sa akin. Umiling lang ako at agad bumaling sa screen kung nasaan silang apat. Nakatitig lang samin.

"Atasha! Ano 'yan?" galit na tanong ni kuya habang nakapameywang sa likod ng sofa kung saan nakaupo sina Lara at Haze. Sa tabi niya ay ang damuhong manyakis na nakatingin lang din.

His deep set eyes were cold.. or is it just me?

"What kuya?"

Tinignan niya si Frank at bumalik din sa akin ang tingin. I get it. Hindi niya pa nakikilala si Frank. While Frank already knew my kuya. Nakita na niya sa picture ito. Sa isang taon na magkakilala kami ni Frank ay ngayon lang naman kasi sila tumawag na nandito si Frank.

"Who's that?" nakataas ang kilay niyang nakatingin kay Frank.

Si Frank naman ay bumulong ulit pero hindi na lumapit sa akin. Sapat lang para marinig ko pero hindi nila maririnig. "Possessive big brother.."

Aniya at ngumisi. Lalong nalukot ang mukha ni kuya.

"This is Frank. Frank that's Kuya Andres."

Tumango si Frank at pabirong nag saludo kay kuya at bumati pero hindi siya pinansin ni kuya. Nang nakitang hindi siya pinansin ng kuya ko ay sumandal na lamang ulit siya sa tabi ko at umiling.

"And the other guy?" ani Frank at tinaasan ako ng kilay.

Inirapan ko siya at bumaling sa kay Dimitry na ganoon pa rin ang tingin sa akin.

"Uh, Frank.. this is Dimitry."

Si Lara na ang sumagot para sa akin. Nakita ko namang nag igting ang panga ni Dimitry. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Nice to meet you.. guys." ani Frank sa tabi ko at kinindatan ako.

I know what he's thinking!

"Atasha. Mag-uusap tayo mamaya." ani kuya sa isang malamig na tono saka umalis doon.

Umiling na lamang ako sa kaniyang reaksyon. As usual. Pagagalitan at pangangaralan lang ako non.

Natapos na rin naman ang tawag na iyon kaya biglang parang tangang tawa ng tawa si Frank sa tabi ko.

"Your kuya is kind of possessive. I like it." aniya at parang tangang ngiti ng ngiti.

"But, that Dimitry guy?"

Umiiling siya habang may naglalarong nakakalokong ngiti sa mga labi.

"He's God's gift to humans. Oh, scratch that! He is a God himself!"

Sinasabi ko na nga ba! Frank or should I say Franky is a gay. Well, he's a pamin, actually. Paminta. Pa-men. Hindi siya totally naga-out. Dito lang siya malayang nakakapag out. Dahil sa Pinas, walang may alam na pusong babae siya. His Daddy is a retired general kaya takot mag-out.

"You have a very bad taste, Franky.."

Tinaasan niya ako ng kilay at humalukipkip sa harap ko.

"What's the score between you two? Huh?" aniya sa isang maarteng tono.

Ganiyan siya kapag kami lang dalawa. Lumalambot. Umaarte. Lumalandi!

"Score? zero, negative one hundred.." simple kong sagot.

Bigla niyang tinusok ang tagiliran ko kaya naman sinimangutan ko siya.

"Are you sure? coz he's been looking at you the whole time. Intense.. intense stares, Tashiana.. I wonder why? Hmm.."

Umarte siyang parang nag iisip. Ano bang iniisip ng isang ito? Sa amin? Score between me and that guy? Oh goodness. Nakakasukang isipin na magkakaroon ng score between sa aming dalawa.

"Kapag sinabi kong wala, wala! Okay? And stop with the 'tashiana' thing! It's annoying!"

Nagkibit balikat lamang siya at tumayo. "Tashiana is mad again so.. I'm out! Bye!"

Inirapan ko na lang siya ng naglakad na palabas ng condo ko.

Noong gabing iyon ay agad ding tumawag si kuya. Hindi ko alam kung natulog ba siya at nagising ng maaga o hindi pa siya natutulog dahil alas singko sa Pinas nang tumawag siya.

"He's just a friend."

Iyon lamang ang isinagot ko sa kaniya dahil nga dito lang naman sa abroad nag-out si Franky ay hindi ko na sinabi kay kuya na bakla talaga siya. Ayaw niya talagang makarating sa daddy niya dahil panigurado daw ay itatakwil siya at tatanggalan ng mana.

Hindi bumenta kay kuya ang sinabi ko kaya araw araw nanaman siyang tumatawag at nakikipag facetime sa akin. Inaabangan kung bigla nalang susulpot ulit si Franky.

"Bakit kasi hindi ka pa umuwi ngayon. Tapos na ang mga abay na mag pasukat." ani Lara isang araw nang tumawag siya.

"I can't, Lara. Wala ako sa kabilang kanto para makauwi agad diyan ng ganoong kadali. Madami akong clients ngayon kaya madami akong tinatapos na gowns. Ako na lang ang gagawa ng gown ko. Just tell me the theme.."

Super busy ako ngayong mga nag daang araw dahil nga malapit na ang deadlines ng mga pinagawang gowns sa akin ng aking mga clients.

"Fine. It's a beach wedding, actually. I want a nude color for my abays. And I think nude colors suits you! So, yeah.. that's it. It's kind of a bohemian themed wedding."

I see. Siguro mamaya kapag natapos ko na ang gown na pinapadesign ng isa sa mga naging professor ko sa university ko dito ay mag-start na akong mag-sketch ng design ng aking gagamiting gown para sa kasal ni Lara.

"Send me the designs para maibagay ko ang design ng gown ko. I don't want to look out of place on your wedding day." maarte kong sambit.

"Okay, I will. I'll contact the designer and I will send it to you right away. I need to go, Tash. Bye! See you!"

Busy na siguro si Lara dahil two weeks na lamang ay wedding day na niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ikakasal na siya.

"Tashiana! Get dress already!" ani Franky na kapapasok lang ng condo ko. Pusturang pustura si bakla!

Umupo siya sa tabi ko at kinuha ang pencil at aking sketchbook.

"Give me that, Franky!"

Sinubukan ko itong abutin pero matangkad si Franky kumpara sa akin. 5'11 yata ang isang 'to.

"You need a break, okay? Kaya you go to your room. Take a quick bath. I'll find you a dress. We will enjoy this night! You need this so much! Sobrang busy mo lately! Kaya, go!"

Tinulak niya na ako papasok ng aking banyo kaya wala na akong magawa kundi maligo. Kahapon kasi ay nagyaya siya na mag-bar daw kami ngayong gabi. Hindi ako pumayag dahil nga tatapusin ko pa ung pinapa design na gown sa akin ng dati kong professor.

I'm grateful that after graduating two months ago ay marami agad akong clients courtesy of my professor dahil lagi ako nire-recommend sa mga amigas niya.

"Santisima! Tashiana! You.. are.. smoking.. hot!" ani Frank sabay palo sa aking pwet.

Sinamaan ko siya ng tingin. Kung hindi lang nag-out sa akin 'to aakalain ko talagang tumatsansing lang siya sa akin.

"Kaingit!" aniya at inirapan ako.

I'm wearing a maroon body hugging satin cross front dress. Mas nadepina ang aking kurba dahil dito. Ang kulay nitong maroon ay mas lalong nagpatingkad sa aking kulay na katulad ng kay mommy. Ang buhok ko ay kinulot ni Franky ng soft waves lamang at hinayaan ko iyong nakalugay.

Ngumisi ako bago siya hilahin palabas ng kwarto ko. "Tss. Let's go!"

Bago kami mag punta ng bar ay kumain muna kami ng dinner ni Franky sa kaniyang restaurant. In all fairness, masasarap talaga ang mga pagkaing sineserve nila dito.

"Why don't you bring this to the Philippines? I mean.. magpagawa ka ng branch doon nitong restaurant mo. I'm sure marami kang makukuhang customers."

Napaisip si Franky sa sinabi ko. It's a good investment. Knowing Filipinos, mahilig tayo sa mga foreign cuisines like western cuisines, asian cuisines and a lot more. Actually, lahat ng cuisines ay sineserve nila dito. And halos lahat ay sariling recipe ni Franky. He's that good!

"I'll think about that. Thanks for the idea, Tashiana!"

Inirapan ko siya nang marinig ko nanaman ang Tashiana. Ang pangit pangit pakinggan.

Ilang saglit pa kaming nag kwentuhan doon bago kami nag pasyang mag punta na ng bar.

"Cheers!"

Kaming dalawa lang ni Franky ang mag kasama. Usually, we party with my college friends and sometimes with his friends and sometimes with both.

"Tashiana, I'm waiting for you to spread some hotness and sexiness to the dance floor! Finish that drink fast!"

Nakakailang baso na kami ng whiskey at mukhang tinatamaan na kami pareho ni Franky.

"Let's take a picture first!" aniya kaya lumapit ako sa kaniya.

Hawak hawak ang baso ay lumapit ako kay Franky para sa picture. Magka harap kami at sobrang lapit sa isa't isa. Sanay na kaming dalawa. Siya lang minsan ay naiirita kapag nafi-feel ang boobs ko. Naiinis raw siya dahil wala siyang ganoon. Baklang 'to!

"One more! Fierce look, Tashiana! Fierce!" aniya

Kahit hindi niya sabihin ay iyon talaga ang pose ko.

"Ano? Ibubugaw mo nanaman ako sa mga lalaki mo?"

Hinampas ko ang braso niya habang tumatawa siya. Lagi siyang ganiyan. Bugaw. Ayoko naman ng mga pinipili niyang lalaki. "No! Okay?"

Tumatawa pa rin siyang tinulak ako sa dance floor. Hindi ko na agad siya mahagilap ng makarating ako ng dance floor. Boy hunting nanaman si mama!

"Alone?" ani ng isang French model sa akin.

Lagi ko siya nakikita dito sa bar na ito. Lagi ko din siyang nahuhuling nakatingin. Ngayon lang niya ako nilapitan.

"No. I'm with my boyfriend." maarte kong sambit sa kaniya saka siya nilayasan.

I don't know but hindi talaga ako naa-attract sa kaniya o sa kahit sinong French or foreigner na lumalapit sa akin. Kung lasing na talaga ako at lumapit siya akin, baka in-entertain ko pa siya. But, hindi pa ako ganoong kalasing.

"Who? Franky? Don't make me laugh. You're just avoiding me.." aniya nang sinundan ako sa gitna ng dance floor.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.

"He's a gay."

Bigla akong sumimangot at inirapan siya. He knew!

"So what?"

Tinalukaran ko siya at nag sayaw na lamang. Pero bigla siyang pumunta sa harapan ko. Iritable ko siyang tinapunan ng tingin.

"I've been crushing on you since the first time I saw you here.." aniya sa isang sweet na boses.

Gwapo siya. Matipuno. Matangkad. Thick brows. Deepset eyes. Kulay green nga ang mga mata niya e. Pouty lips. Angled jaw. His hair is kinda messy. But still.. hindi ko siya bet!

"Oh really?"

Tumalikod ulit ako pero ganoon lang ulit ang ginawa. He blocked my view. Annoying.

"I'm Sean, and you are Atasha? Right?" aniya at ngumiti. Neat teeth.

Humalukipkip ako sa harpa niya at tinignan siya.

"Franky, right? He told you?" tinaasan ko siya ng kilay.

Dahan dahan siyang tumango habang nakangiti pa rin.

"Baklang iyon talaga. Binubugaw talaga ako." bulong ko sa sarili ko na mukhang narinig niya dahil biglang kumunot ang noo niya.

"What did you say?" tanong niya na hindi ko pinansin.

Nilagpasan ko na lamang siya. Babalik na lang ako sa upuan dahil nawala na ako sa mood sa pangungulit nitong model na ito.

"Two drinks, please." aniya sa bartender nang maka upo kami sa bar counter.

Sumunod talaga siya. Kaasar. Nakita ko naman ang baklang sayaw ng sayaw sa dance floor. Nang nahagip niya ako ng tingin ay nag ngising aso na lamang siya at tinalukaran ako. Umirap ako sa hangin.

"Here.."

Inabot ko ang baso na may laman yatang margarita. Hindi ko ininom iyon. Tumitig lang ako sa dance floor habang hawak hawak ang baso at nilalaro laro ang nguso nito.

"Thanks." saad ko ng hindi siya sinusulyapan.

Kita ko naman sa gilid ng mata ko na nakatitig lamang siya sa akin.

"I don't know why I get so attracted to you.." aniya at mahinang tumawa.

Sexy laugh. But, still? Nah.

"There's something in you that attracts men.. I've seen guys drool over you.."

"I know, right." maarte kong sagot at uminom ng kaunti sa hawak na margarita.

Tumawa ulit siya. "Maybe, that's it? Your confidence is just so endearing.."

Ngumisi ako. Too much flowery words.

"I am too complicated to handle, Sean." sagot ko at sumimsim muli sa alak na hawak.

Nakita kong tumango si Sean sa gilid ko.

"I know. By just looking at you? I already know you are so hard to please, complicated, and you're quite intimidating. That's why it took me so long to approach you.."

Umiling ako at tinignan na siya. Naka ngiti lamang siya habang nakatingin din sa akin.

"Don't worry. I won't ask you out this fast. I just wanna get to know you.." aniya at ngumiti.

Tss. I won't say yes, either. Akala naman nito papayag akong makipag date sa kaniya pag tumagal?

"Wow! Wow! Seems you two are enjoying each other's company.." ani Franky sa isang maarteng tono.

Umupo siya sa stool na katabi ko at um-order ng whiskey sa bartender.

"I don't think she's enjoying my company, Franky. But, I enjoy her company so much. It feels so good to be beside a gorgeous lady.." ani Sean.

Kumindat siya sa akin at ngumiti kaya naman itong baklang nasa tabi ko ay napatawa.

"I'm sleepy. Franky, let's go." inubos ko na ang margarita at saka tumayo na.

Inayos ko muna ang dress ko bago binalingan si Franky na nakaupo pa rin.

"Uh, Tashiana.. I'm still enjoying the party! You can go home by yourself, right?"

Umalis na agad si Franky pagkatapos akong ibeso. Alam ko kung anong gustong mangyari ng baklang 'to. Kainis. Hindi ko dala ang audi ko dahil sumabay lang ako sa sasakyan niya. Ugh!

"I can drive you home."

Nakatayo na rin si Sean sa aking tabi. Tinignan ko lamang siya at nauna ng mag lakad.

"So.. I'll take that as a yes.."

Kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong ngiting ngiti na siya ngayon dahil sa tono ng boses niya. Tss. I know Franky planned all of this to happen. Patay talaga sa akin ang baklang iyon!

Agad may nag park na black ferrari sa labas ng bar at agad may bumabang valet dito at inabot kay Sean ang susi.

Pinag buksan niya ako ng pinto kaya pumasok na ako doon sa two seater niyang black Ferrari.

"Are you living with your family? or.. alone?"

Tss. Boys. I know what they want. I know where all this is going. This guy is too good to be true. He enjoyed my company? When I wasn't talking the whole time? He likes me for being complicated and hard to please? Oh please.

I'm not Atasha for nothing. No one can fool me. No one can please me with their flowery words. Boys like Sean will soon show their true sides the moment they got what they want. The moment you satisfied their needs. They are all like that. Jerks and fuckers.

"Just drop me here." sagot ko ng malalayo na kami sa bar.

Tinigil naman niya agad ang sasakyan at itinabi ito.

"Huh? But—.."

I cut him off. I know what he want. I'll give it to him para tumigil na siya.

"Atasha?"

Lumapit ako sa kaniya at agad siyang hinalikan. Noong una natigilan siya ngunit hindi nag tagal ay sumagot na siya sa mga halik ko.

The kiss was hot and steamy. Habang tumatagal ay lumalalim ito ng lumalalim. Ang mga kamay ko ay nakahawak sa batok niya samantalang ang mga kamay niya ay marahang hinahaplos ang beywang ko at hinapit ito upang mas mapalapit sa kaniya.

Ilang saglit lang ay naiupo na niya ako sa kaniyang mga binti. Ang mga halik niya ay bumababa na sa aking leeg habang ang kamay niya na nasa beywang ko kanina ay ngayon ay dahan dahang tumataas sa aking dibdib. Nang marating niya iyon ay agad niyang hinaplos ng marahan.

See? Ito ang gusto nila.

Bumalik ang mga labi niya sa akin. This time, his kisses were hungry, aggressive and full of lust. His one hand is caressing my left boob and the other is on my thighs right now, gently caressing it. I know where this is heading.. I can feel his huge bulge already growing in between my thighs..

"Ohhh.. Atasha.." he moaned in between our kisses.

I can't help but smirk. This is what they want. Hindi na bago sa akin ito. I've kissed a lot of guys. We made out. But, don't get me wrong, I'm still a virgin. I know how to play this game. And I make sure that I'm always the winner. I'm Atasha Lionelle Dela Cuevas. I always win.

Nang maramdaman ko nang tinatanggal niya ang strap ng dress ko ay alam ko na ang kasunod nito. Agad akong lumayo at bumalik sa upuan ko. Gulat na gulat siya sa ginawa ko.

"A-atasha?" gulat na gulat siyang tumingin sa akin.

Inayos ko ang strap ng dress ko at ang bahagya nang nakataas na skirt ng dress ko. Binalingan ko ng tingin ang kaniya na parang gustong gusto na kumawala sa pants niya.

"It's nice meeting you, Sean. Thanks for the ride! Got to go!"

Lumabas na ako ng kaniyang sasakyan at agad pumara ng cab. Iniwan siya doong gulat at mukhang bitin na bitin. Tss. That was hot. That kiss was pretty intense but still.. not enough for me.. not enough to turn me on.. not enough to please me.. not enough to get me..

Hindi ko alam pero sa dami ng nahalikan ko ay parang may kulang. May hinahanap hanap ako sa mga halik na iyon. I'm looking for that same intensity.. same electricity..

Those kisses may be hot but I never felt the same electricity I felt before. It was hot but plain. It was hot but dry. Ni hindi ako kinilabutan or what. Ni wala akong naramdaman kahit makamundong pagnanasa yata hindi ko naramdaman. Boring. Tss.

*

"What the fuck, Tashiana! What did you do that night when Sean drive you home? He's hysterical when he came back!" singhal ni Franky isang araw ng magkita kami sa kaniyang restaurant.

Ang tagal tagal na noon. Halos dalawang linggo na yata ang nakalipas. Ngayon ay pumunta lamang ako dito sa kaniyang restaurant to meet some clients and para na rin mag paalam sa kaniya. Bukas na kasi ako aalis pabalik ng Pinas.

"Oh please, Franky. Forget about that. Goodness."

Tumayo na ako at naglakad na palabas.

"Anyway, I have to go. I have to pack my things for tomorrow." bineso ko siya saka dire-diretsong lumabas ng restaurant.

Nakasunod naman siya sa akin palabas. "Grabe! Si Sean na iyon oh? Pinakawalan mo pa! And girl! Nagwala talaga siya matapos niyang mag lasing!"

Umirap ako at saka siya hinarap. "So what? I don't care, Franky."

Tinaasan niya lang ako ng kilay at siya na ang nagbukas ng pintuan ko.

"God! Tashiana! Grasya na iyong lumalapit!"

"Franky, stop. Okay? I need to go. Bye! Take care!"

Sumakay na agad ako sa aking sasakyan at agad pinaandar ito palayo doon. I don't want to hear his rants. Ano naman kung si Sean iyon? Hindi siya kawalan.

Nagwala siya? Tss. Wala ng bago doon. Ganoon sila kapag alam nilang talo sila. Ganoon sila kapag alam nilang naisahan sila. Ganoon sila pag hindi nakuha ang gusto nila. Ganoon sila kapag nabibitin sila. Ganoon sila kapag natapakan mo ang ego nila.

Oh well.. I don't care.. dapat lang iyon sa kanila. Kailangan nilang malaman na hindi lahat ng babae maloloko nila. Hindi lahat ng babae makukuha nila. Hindi lahat ng babae madadala nila sa mga matatamis nilang salita. Hindi lahat ng babae tanga.