webnovel

A Heart's Grave

Elle Marie Gomez loves playing games, not the one's you think. While Riley Troy Montemayor is her partner in crime, the two made an agreement to pretend as a couple to make a girl Jealous and hopefully shoo her away, with all this time spent together and With Riley's confusing actions. Will the game be real? Or will it stay just a game until someone wins and someone loses.

TalaEstrella · Teen
Not enough ratings
25 Chs

Kabanata 6

Night Games

"Huy mamaya daw birthday ni Kara invited buong batch natin!" Nakatambay kami sa grounds may ilang oras pa kasi na natira after lunch. Si Kara isa sa mga kabatch namin na super well off ang family, wealthy, smart, religious and pretty maraming nagkakagusto don eh ang bait bait niya pa kaya likeable siya. "Saan daw gaganapin?" Magpapaalam pa kasi ako medyo biglaan din kasi saka baka pagalitan ako ni Mama pag inabot ng gabi.

Ako si Erin, Gale at Xiara lang ang nandito sa grounds si Matthew at Nathan kasama ibang friends namin sa classroom, buti talaga may free time kami nakakapagod din makinig maghapon. Hindi ko kasama si Riley nasa canteen bumibili lang. "Sa bahay lang nila sabay sabay nalang tayo pumunta mamaya" napangiwi nalang ako payagan kaya ako eh gagabihin yun sigurado di bale na pilitin ko nalang kesa mamiss ko sayang naman minsan lang.

"Papaalam muna ako alam niyo na gagabihin yun sigurado" napamura naman si Xiara strict kasi parents nito lahat naman kami pero only child lang kasi siya. "Shit oo nga pala ako din pero papayagan naman siguro ako" nagkuwentuhan lang kami sa mga aabangan namin mamaya at kung gaano kaganda ang bahay nila Kara "Tagal naman ni Riley sa canteen bibili lang yon diba?" tumango ako saka lumingon sa pwesto ng canteen medyo nagtatagal na nga siya doon.

"Si Riley na ba yun? ay bakit kasama si Yra?" nakita kong naglalakad palabas si Riley medyo nagmamadali ng nakita kong hinila ito ni Yra at kinausap napatayo na ako. Bakit ba magkasama sila? kanina pa ba sila magkasama? kaya ba nagtagal sa canteen si Riley? Naguusap sila pero tila ba hindi manlang naririnig ni Riley ang mga sinasabi nito panay ang pag iling ni Riley dito.

"Uy Riley!" Tinawag ito ni Gale napalingon ito sakin diretso lang ang tingin ko dito. Ewan ko ba pero masama ang loob ko sa nakikita ko talagang magkasama pa sila sa canteen kanina ha. Tumakbo palapit sa pwesto namin si Riley pero inirapan ko lang ito nakatingin naman samin si Yra na inirapan ko din, wala akong pake inis na inis ako ngayon hindi ko din alam nakakainis sila makita magkasama.

"Hala lagot ka! Galit si Elle" Natatawang nangaasar si Gale na sinabayan pa ni Xiara "Kanina pa kayo don no? kaya pala ang tagal mo" tuwang tuwa ang dalawa na pinipigilan na mang asar ni Erin sa mga kaibigan ko siya lang talaga ang may matinong pag iisip, nakatabi sakin si Riley pero pilit kong hindi siya tinitignan iniba ko ang usapan. "Mamaya chachat ko kayo pag papunta na ako sabay ako sainyo ahh" tumango si Erin "Sabay na tayo" sabi ni Riley pero inirapan ko lang ito at hindi pinansin

"Oo sige para hati hati nalang tayo sa pamasahe sana hindi masyadong gabihin" tumango ako at nag aya na umakyat talagang nanguna na maglakad silang tatlo at iniwan kami sa likod kumapit ako kay Erin pero bumulong ito sakin "Mag usap na kayo wag niyo ng patagalin ang away" naiwan akong kasabay maglakad si Riley

"Elle sorry na, pansinin mo na ako" ang lakas talaga ng loob niyang gumanito pagkatapos niyang kausapin si Yra, teka nga bakit ba galit ako? Hindi ko ito pinansin "Elle sabay na tayo mamaya papunta kila Kara ha? wag ka na magalit" hinarap ko ito namumula na naman ang tenga niya nahihiya siguro naririnig ko kasi ang tawa nila Gale pinaguusapan siguro kami.

"Anong pinagusapan niyo ni Yra?" tumango tango ito "Tinatanong niya padin kung sino katabi ko sa Bus kung pwede ay siya nalang" ang babaeng iyon talaga ilang beses bang dapat sabihan na hindi nga siya gustong matabi ni Riley! "Ano namang sinagot mo?" subukan lang ni Riley tatamaan talaga to sakin pag umoo siya may usapan na kami.

"Sabi ko hindi pwede kasi ikaw ang katabi ko" napatulala ako sa kanya. Kahit ilang beses na naming sinasabi iyon ng pabiro iba ang tunog nun pag seryoso na at siya pa ang nagsabi lumalam ang mata niya "Kaya wag ka na magalit, okay na ba tayo?" tumangon nalang akon at naglakad na nakasunod lang siya sakin hanggang sa makuha ko ang mga gamit ko sa locker.

Nang makapasok ng classroom ay kinamusta kami nila Erin "Ano bati na ba kayo?" tumango nalang kaming dalawa hindi ko din matiis ang isang to eh, ayoko mag away kami maghapon. "Una na ako Baby, mamayang uwian nalang" tumango ako hinaplos pa nito ang pisngi ko bago umalis. pag lingon ko ay nakatingin naman si Peter.

"Elle pinayagan ka na?" tapos na ang mga klase namin tapos nadin ako magpaalam sa mama ko na may birthday akong aattendan. Pumayag naman ito wag lang daw akong magpapagabi masyado. Nagkalat ang mga kabatch namin sa labas ang iba ay nauna na nandito kami sa tapat ng bahay nila Gale siya na lamang ang hinihintay.

Tahimik lang na ka tabi sakin si Rylie sanay naman an ako pero para kasing may iniisip siya. "Okay ka lang?" tumango ito at tinignan sila Erin at Nathan sa harap namin si Matthew at Xiara nagkukuwentuhan sa Gilid ko. "Bakit Riley inggit ka samin?" tumango nalang si Riley dito nanlaki tuloy ang mata ko dito napangiti naman samin si Erin pabiro kong kumapit sa braso niya inalis niya naman agad. "Bakit tulala yan kanina pa yan ahh" puna ni Gale na sawakas ay tapos na.

"Ganyan yan nung sinabi ni Peter kay Elle na pupunta din siya Birthday ni Kara" Natawa agad sina Xiara at Matthew lalo na si Gale "Bakit selos ka Riley?" tanong ni Erin umiling ito saka nag aya na umalis "Arte arte talaga ng jowa mo nayun" tinawanan ko nalang ito at sumakay na kami ng tricycle papunta kila Kara.

"Balita ko ang ganda ganda daw ng bahay nila Kara" Hirap na hirap kami magsiksikan sa tricycle eh dahil sa maarte si Erin at Nathan nagsolo sila ng sasakyan kasabay naman namin sila Xiara. Nang makarating kami ay nandun na nag ang iba at nagsisimula na ata ang party.

"Ang layo ng bahay namin pasensya na" binati naman namin si Kara after ng mga kantahan ay officially start na ng party Sweet sixteen niya kaya ang pinaka hard na na inumin ay wine at beer wine lang kinuha ko dahil ayoko ng beer I saw Riley looking at me disapprovingly hindi ko ito sinunod at uminom padin ng wine, naisip nila mag games after ay nanalo si Xiara. Sobrang saya ng mag nangyayare madami dami ding tao napansin kong mag susunset na pala. lumayo muna ako sa crowd at pumunta sa garden nila Kara kung saan kitang kita ang sunset.

"Ang ganda ba?" may tumabi sakin pagtingin ko ay si Peter pala "Oo ang ganda sayang sira phone ko gusto ko sanang picturan" inabot nito sakin ang phone niya "Gamitin mo, take the picture" ngumiti ako at kukuha na sana ng picture ng may humablot sa phone at binalik iyon kay Peter gulat akong napatingin kay Riley "My girlfriend can use my phone instead mas magada yung akin" napansin kong naiinis na naman ang tingin nila sa isat isa buti nalang at nag walk out si Peter kung hindi baka makasira pa kami ng birthday.

"Riley what was that about?" Sinoli ko ang phone niya sakanya nakatitig lang ito sakin namumula ang tenga niya sa galit seryosong seryoso ang tingin nito "You can go watch sunsets if you want pero kung may aayain kang sumama ako lang!" nagpapasalamat ako na malakas ang music Riley is not the type to be mad oo bastos ang bibig nito lalo na pag may napupuna pero hindi ito galitin na tipong sumisigaw.

Hinarap ko ito "Ano bang problema eh siya lang naman itong sumunod sakin pumunta ako dito magisa" I was gonna walk out ng hablutin niya ako at inilapit sakanya "Fine, let's not fight about this ang akin lang naman baka may makapansin na magkasama kayo alam ng lahat na tayo na at alam din nila kung gaano ka kagusto ni Peter" tumango nalang ako pero niyakap ako nito.

"Let's not fight nasasayang ang party" lumakad kami pabalik sa loob nakita kong nakikipag inuman na si Peter at masama ang tingin sa amin, everyone was having fun after some time napansin kong nagdidilim na talaga at mukhang gabi na pag check ko ng phone ay 7 pm na pala agad kong hinila si Erin at Gale na sumasayaw.

"7 pm na hanggang 6 lang ang paalam ko!" bulong ko sakanila nagulat naman sila at nagpanic nalaman din ng iba kung anong oras na kaya nag aya na ang lahat na umuwi Pagkatapos mag paalam kay Kara ay sinimulan na namin maglakad wala daw kasing Tricycle sa lugar na ito.

"Ang layo layo pamandin ng bahay ni Kara ano Elle di ka pa ba tinatawagan?" umiling ako at tinext si mama na baka malate ako dahil kakatapos lang ng party galit na itong nagreply sakin sabi ay bilisan ko daw. Mag mga sasakyan namang dumadaan pero siyang siya padin ang mga kasama namin ang iba ay nagkakantahan pa sa daan at nagkukulitan, sobrang saya ng gabing ito dahil minsan lang naman kami pumarty.

May mga sasakyang dumadaan naramdaman kong may humablot sa bewang ko palayo sa kalsada "Magingat ka naman sa daan Elle" bulong ni Riley tumango ako habang nakayuko nagulat ako sa ginawa niya madals kasi ako lang ang may pake sa aming dalawa. Nang may dumating na tricycle ay nagsakayan na kami. Papauwi na sana ng mg aya pang pumunta ng isang Cafe si Gale napa oo nalang din ako susulitin ko na ang gabing ito.