webnovel

Chapter 26

WALA na akong pakiam kung ano man ang gawin ko. Hinayaan ko ang sarili ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Sa tinagal tagal namin ni Robi, nagkaroon na ako ng hinala, napaisip na baka nga pineperahan niya lang ako pero lahat 'yon binalewala ko. Nagtiwala pa rin ako sa kaniya.

Pero ngayon...

Sinampal ako ng katotohanan. Pera nalang ang dahilan kaya pala tumagal kami. Noong una, alam kong minahal niya ako. Ramdam ko 'yon pero hindi ko akalaing may expiration date iyon. Masyado akong naniwala sa happily ever after. Akala ko katulad ng ibang relasyon, aabot din kami hanggang huli.

Tama na ang kahibangan. Tama na ang katangahan. Tama na ang pagiging martyr ko. Tama na.

"Keeshia."

Muli kong sinakop ang labi ni Terrence. Pinipigilan niya ako pero hindi ako magpapatalo. Gusto kong angkinin niya ako. Gusto kong gawin niya ang gusto niya. Gusto kong sirain ang buhay ko ngayon. Gusto kong makalimot kahit sandali.

Locked Chapter

Support your favorite authors and translators in webnovel.com

Next chapter