webnovel

A Certified Casanova

"I've always wanted to be a Casanova. I think it's very tasteful." He saw you. He met you. He liked you. He wanted you. He chased you. He got you. He had you. And in the end, he left you. Terrence Palermo's favorite toy---a woman's heart. He can get any girl he wants. Of course, he's fucking handsome, hot and rich. Kailanman ay hindi siya nagseryoso sa babae dahil ang tingin niya sa mga ito ay parausan lang. Why? Because he hates them to the extent that breaking their hearts makes him happy. May pag-asa pa kayang magbago ang isang certified Casanova?

pinkyjhewelii · Urban
Not enough ratings
35 Chs

Chapter 16

NAALIMPUNGATAN ako nang makarinig ako ng kalampagan mula sa kusina. Oo, alam kong sa kusina iyon dahil nakakarinig ako ng tunog ng mga kaserola at kawali. Ano bang nangyayari?

Bumangon ako saka lumabas ng kwarto ko. Ang sarap pa sana ng tulog ko.

Nang makalabas ako ay dumiretso ako sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Hindi maaari!

"Terrence, anong ginawa mo?!"

"Fuck, Keeshia. I was cooking when..."

"Ano? Bakit nasa sahig na ang mga kawali? Tapos hinayaan mo pang nakabukas ang kalan. Jusko, susunugin mo ba ang apartment ko?!"

Umiling siya saka itinaas ang dalawang kamay niya na parang sumusuko.

"Believe me, I was just trying to cook for us. Pero biglang may lumipad sa akin. Damn it. I almost had a heart attack. Kaya nabitawan ko ang kawali. Tangina."

"Lumipad na ano?"

Nagkalat pa sa sahig iyong itlog na prito pati mantika. Ang kalat!

"Ipis." Nahihiya niyang sagot. "You know, ugh, fuck! I'm not into that fucking insect."

Seryoso?! Takot si Terrence sa ipis?!

Bigla nalang akong natawa. Ipis lang pala katapat ng lalaking 'to e.

"Hey, don't laugh at me if you don't want me to fuck you."

Sinamaan ko siya ng tingin. Takot na nga, nakuha pa ring maging bastos! "Bunganga mo, Terrence! Ayusin at linisin mo lahat ng kalat mo na 'yan! Bibili nalang ako sa labas mg pagkain."

"Fuck. Mas masarap pa rin ang itlog ko, Keeshia."

Lalo ko siyang sinamaan ng tingin.

"What? Pritong itlog, right. Nagluto ako pero natapon. Are you thinking of something?" May pang aasar sa boses niya.

Bastos talaga! Argh! Goodluck nalang talaga sa akin. Tatagal ba ako na kasama siya dito sa apartment ko?

Nagmartsa ako palabas ng apartment. Buti pang bumili nalang muna ako sa karenderya ng pagkain namin. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sa pagtitipid na gagawin niya. Isa pa, kailangan ko pala siyang yayaing mag-grocery. Kailangan naming mamili ng mga pagkain para sa apartment. Dahil dalawa na kami, mas sisipagin siguro akong magluto. Kung sabagay, mas matipid iyon kesa bili lang ng bili ng pagkain sa labas.

"Aling Duterta, isang order po ng adobong manok at isang order ng bicol express."

"Sige, ineng."

Nang maiabot sa akin ang binili kong ulam ay bumalik din naman agad ako sa apartment ko. Mabuti na lamang at nakasaing si Terrence sa rice cooker. Iyon lang yata talaga ang alam niya e. Kahit alam kong madalas siyang magluto, ayon sa kaniya, e tingin ko ay hindi siya seryoso sa ginagawa niya.

Pumasok ako sa apartment ko. Malinis na ang sahig sa kusina at nasa sink na ang kawaling ginamit ni Terrence.

"You should thank me dahil nagsaing na ako sa rice cooker." Sabi niya habang nagsasandok ng kanin sa platter.

May silbi din naman pala siya.

"Salamat ha? Parang utang na loob ko pa? Iyong itlog na pinrito mo, sayang 'yon! Hindi mo ba alam na mahal na ang mga bilihin ngayon?"

"Then ask me if you need eggs. I have two." Kumindat pa siya sa akin.

"Bastos ka talaga."

"At least hindi iyong dalawang word na pinagbawal mo sa akin ang binabanggit ko."

In all fairness, mukha namang mapapasunod ko siya sa rules na idinikit ko sa pinto ng kwarto niya. Para sa kaniya rin naman ang pagdidisiplina ko sa kanya.

Nang mailagay ko sa mangkok ang binili kong ulam ay umupo na ako sa dining chair. Ganoon din si Terrence pagkatapos ilapag ang dalawang plato.

"Pagtiyagaan mo 'yang ulam. Hindi 'yan kasing bongga ng pagkain niyo sa mansyon. Karenderya lang 'yan. Pero kung ayaw mo, pwede ka na namang umuwi."

"Masyado kang maraming sinasabi, Keeshia. Hmm, it taste good. Seriously. I love this. Adobo. Like how I love pussy."

Napakabastos talaga niya. Wala na siyang pag-asa. Pero at least, nagustuhan naman pala niya ang binili kong ulam kahit galing lang 'yon sa karenderya. Baka mahampas ko lang siya ng sandok sa ulo kapag nag-choosy pa siya. Meron kasing ibang mayayaman na para bang allergic sa mga pagkain sa labas.

"Labas tayo mamaya after kumain." Sabi ko.

Nanlaki ang mga mata niya. "Fuck it, are you asking me on a date?"

"Asa ka." Sabi ko. "Kailangan nating mag-grocery ng mga stock ng pagkain dito sa apartment."

"Oh. Alright. Well, may sweldo na." Aniya pa.

Meron kaming ATM para sa sweldo. Meron na pala siya. Siguro ay pinaayos na agad iyon ni Mrs. Hestia bago nagsimula sa cafe de lucio si Terrence.

"I should go to bar tonight and fuck some girls."

Pinandilatan ko siya ng mata. "Hindi."

"Tangina, nagseselos ka agad?"

"Lakas mo umasa e 'no? I mean, hindi ka pwedeng gunastos ng gunastos lalo na sa bar."

"And why? That's my money. Pinaghirapan ko 'yon, Keeshia!"

"Oo nga. Pinaghirapan mo kaya dapat iniisip mo na hindi iyon basta basta nilulustay lalo na sa mga bagay na hindi naman mahalaga."

Sumubo siya ng pagkain bago nagsalita.

"Then anong gagawin ko sa sweldo ko? Wala pa akong anak na kailangan ng gatas at pampers. Fucking shit, Keeshia. Don't tell me, you wanted me to save up for our future? Gusto mong asawahin na kita? Sex muna."

Tinutukan ko siya ng tinidor. "Pwede ba, 'yang kabastusan mo! Puro fuck ka na naman diyan!"

Nagpout siya. At nakakainis dahil bakit ang cute niya s apart na 'yon?!

"Marami kang paglalaanan ng sweldo mo. Unang una, kailangan mong i-budget 'yan. Kinsenas ang sweldo natin. At ngayon, syempre ilikista mo muna lahat ng kailangan mong paglaanan ng pera tulad ng rent dito sa apartment, bill ng kuryente at tubig, groceries, iyong allowance mo tulad ng pamasahe mo sa jeep kapag papasok sa work."

"I have my car, Keeshia. Pwede tayong mag-sex do'n if you want para may thrill."

"Bibig mo!" Sigaw ko. Akala ko naman talagang mapapanindigan na niya na hindi niya mababanggit ang mga word na ganyan. "Kailangan mong matutong sumakay ng jeep o tricycle. Kailangan mong mauuong magbyahe. Hindi mo gagamitin ang kotse mo laya mamaya pala, iparada mo muna sa mansyon niyo."

"What? No. I can't do that. I need my car!"

"Paano ka magtitipid?! Syempre kailangan mo ng gas!"

"I have a credit card for my gas."

"Alam ba ni Mrs. Palermo 'yan?"

"It's from my father."

Huminga ako ng malalim. "Pero Terrence, kailangan mo pa ring matututo---"

"Alright. Kapag papasok sa trabaho, then fine. I'll commute. But my car will stay here in case I need it for other purposes."

Sige na nga. Mukhang hindi ko siya mapapalayo aa kotse niya. "Okay sige."

"Then, what more should I do with my money? Grocery? Like food?"

Tumango ako. "Pati mga pang personal hygiene mo syempre. Like sabon mo, deodorants and everything." Sabi ko.

"Fine. But the foods, let me pay for it."

"Hindi. Hati tayo. Fifty percent."

"Keeshia, babe. Let me. Ako ang lalaki. Ako ang haligi ng tahanan." Tumawa siya.

"Feeler ka talaga!" Singhal ko. "Basta iyon! Tuturuan kita kung paano iba-budget ang nagiging sweldo mo. Saka ang pinakamahalaga, every sweldo, may itatago kang amount para in case na kailangan mo ng pera, may makukuha ka."

"My family are rich. Marami silang pera. Hindi ko kailangang mag-ipon."

"Terrence."

"Fine, fine."

"Tapos ka na ba?" Tanong ko kahit alam kong tapos na naman siyang kumain. Simot na simot pa ang plato niya.

Tumango siya saka uminom ng tubig.

"Tara na sa grocery." Sabi ko.

"Alright. Magdadamit lang ako." Sabi niya.

Nagpalit din ako ng simpleng shirt sa kwarto ko. Nagshort lang ako ng maong saka kinuha ang wallet at phone ko.

Paglabas ko ng kwarto ko ay nasa salas na si Terrence. Bakit ganoon, kahit simpleng white shirt lang ang suot niya, ang hot at gwapo pa rin niyang tingnan? May mga ganoon siguro talaga na lalaki. Swerte ng girlfriend niya in all fairness. But anyway, hindi ko dapat siya masyadong pinupuri.

"Titig na titig ka sa akin, Keeshia. Wet ka na ba?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Tara na nga."

Lumabas na kami ng apartment saka bumaba ng building. Diretso kami sa kotse niya dahil kailangan nga naming magsasakyan muna ngayon dahil marami kaming pamimilihin. Dati kasi ay ako lang ang nasa apartment pero ngayon na may Terrence na, doble stocks na ang kailangan ko.

Nagdrive na si Terrence nang tumunog ang phone niya.

Hindi akk nakatingin sa kaniya pero 'yong tainga ko, on set.

"Honey please. Don't fucking do that."

Honey honey. Akala mo naman talaga. Ano sila bubuyog?

"But... damn it."

LQ ba sila?

"Honey..."

Bakit kailangang ganoon ang tono niya ng pananalita? Parang worried na worried siya sa babae na 'yon. I mean sa girlfriend niya. Pero ano nalang pala ang sasabihin nun kapag nalaman niyang nakatira na sa apartment ang boyfriend niya at may kasamang babae?

"No." Huminga ng malalim si Terrence. "I pity you. That's all."

Kapag talaga mayayaman, hilig nilang mag-usap ng english. Pansin ko lang.

"Fuck it, you're not doing that. We're fucking done."

Ibinaba ni Terrence ang ohone niya at mukhang nabadtrip siya. Ano kayang pinag awayan nila? Ayoko naman kasing magtanong. Baka mag-assume pa siya na curious ako kasi gusto ko siya.

"Fuck."

Pasimple ko siyang tiningnan. Kainis! Gusto ko siyan tanungin.

"Ah... ano, Terrence nag away yata kayo ng girlfriend mo? Puntahan mo kaya? Ako na ang bahalang mag grocery." Sabi ko. Pero ang totoo niyan, curious lang ako.

"No."

"E mukhang nag-away yata kayo e. Kaya ko namang---"

"And she's not my girlfriend."

Napatingin ako sa mukha niya. Seryoso? Paanong hindi niya girlfriend? May tawagan pa nga sila. Honey pa nga e, hindi naman katamisan.

"O, talaga?"

"Yeah, why did you ask? Nagseselos ka ba? Sex na tayo para pwede ka nang magselos."

Ilang beses ko kaya siya sasamaan ng tingin? Bukambibig talaga niya e.

"Alam mo dapat every sinasabi mo 'yang word na 'yan, pipitikin kita sa noo e."

"Iyong jumbo hotdog ko kaya ang pitikin mo, Keeshia? Tigas 'yan."

Ang bastos talaga! Bwisit! "Ewan ko sa 'yo. Pero seryoso nga. Mukhang nag aaway kayo ng honey mo."

Hindi siya sumagot kaya muli akong tumingin sa kaniya. Nakangiti siya.

"Yeah, honey." Aniya. "She's honey."

"Your honey." Sabi ko pa.

E bakit parang ang bitter ko? Hala siya. Wala akong gusto kay terrence saka ano naman ngayon kung may honey na siya. Maigi nga 'yon para hindi niya ako pine-perwisyo.

Tumawa si Terrence kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Ano? Anong nakakatawa?"

"You're fucking jealous."

"Asa."

"Really, huh?"

"Asa ka talaga. Mahal ko ang boyriend ko."

"Ex boyfriend na pineperahan ka lang."

Mas sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mong pagsalitaan ng ganyan si Robi."

"Then what? Don't tell me he's an ideal boyfriend? Come on, Keeshia. We both know that I am the one who's a fucking ideal man."

"Oo nalang, Terrence."

"What? Tell me, Keeshia. Don't fucking deny the fact that you love it when I sucked your boobs."

Bigla akong napalunok. "Anong connect?!"

"I'm good at everything. I'm an ideal boyfriend. Hindi mo na dapat ako pinapalampas pa."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Mahal ko si Robi."

"Pero hindi ka mahal."

"Mahal niya ako!"

"Paano mo nasabi? Humihingi palagi ng pera sa 'yo na para kang sugar mommy niya? Hindi ka man lang inaalagaan? Hindi ka pinapahalagahan? At higit sa lahat sinasaktan ka lang at palagi kang pinapaiyak. Is that your definition of an ideal boyfriend, Keeshia? Then, tanga ka nga talaga."

Masakit masapul ng katotohanan. Gusto ko siyang sigawan pero sa kaloob looban ko, alam kong tama siya.

Hindi naman kasi ganoon dati si Robi. Nagbago lang talaga siya at sa tingin ko ay nasa akin ang problema kung bakit nagkaganoon siya.

"What now, Keeshia? Natahimik ka?" Tanong niya habang nakatutok pa rin ang tingin sa daan.

Huminga ako ng malalim. "Nagkulang lang siguro ako..."

"No. Hindi lang talaga siya nakuntento, Keeshia." Aniya saka itinigil ang sasakyan.

Narito na pala kami sa parking lot ng supermarket.

"Naiintindihan ko naman siya e. Hindi ko maibigay iyong gusto niya. Kaya sigiro hinahanap niya sa ibang babae."

"Tanga ka talaga, Keeshia. Kung mahal ka talaga niya, maiintindihan ka niya. Hindi siya maghahangad ng sobra mula sa iyo at higit sa lahat dapat kaya niyang hintayin kung kailan ka handang ibigay ang bagay na gusto niya. He's a fucking gay. Kung gago at malandi ako, mas malala pa siya. You know why? Dahil kahit gago at malandi ako, wala akong nilolokong babae dahil single ako. Pero siya? He's fucking taken. At hindi ko alam kung paano niya nasisikmurang gaguhin ka. Pero higit sa lahat, hindi ko alam kung paano mo nasisikmurang ginagago ka."

Napalunok ako. Sapul na sapul kasi iyong sinabi niya. Parang ang harsh niya pero tama naman siya e.

"Ganoon talaga..." iyon lang ang nasabi ko. "Mahal ko e. Kaya kahit alam kong niloloko na ako, sige pa rin ako."

"Keeshia, always remember. Hindi ka niya paulit ulit na lolokohin kung hindi ka nagpapaloko. Mahal mo? Then fuck your heart. Utak ang gamitin mo."

Bakit ba kung magsalita 'tong si Terrence ay aprang napakarami na niyang karanasan sa love? Nakakapanibago lang. He's a casanova. Puronkalokohan at kabastusan nga ang alam niya pero aaminin ko, lahat ng sinabi niya, may laman. Tama. Sapul.

"He's not the only guy in the world. You deserve someone better. Iyong hindi ka sasaktan, lolokohin at paiiyakin." Sabi niya. "We're here."

Nauna na siyang bumaba ng kotse. Ilang minuto na nga yata kaming nakatigil lang sa may parking lot e. Masyadong naging malalim ang pag-uusap namin.

Pero naa-appreciate ko siya. Dahil ipinapaintindi niya sa akin ang kamalian ko at ang pagpapakatanga ko kay Robi.

Bunaba na rin ako saka sumunod sa kaniya papasok ng supermarket.

"Hoy, Terrence! Sige na, puntahan mo na iyong girlfriend mo."

"I told you, she's not my girlfriend." Aniya saka kumuha ng malaking cart.

Sumabay ako sa paglalakad niya habang nagtitingin tingin.

"Ex mo na?" Tanong ko. Bakit ba ang daldal ko? Ano ba kasing paki ko sa honey niya na iyon 'di ba?

"Part of my past." Simpleng sagot niya.

"Pero may emdearment pa rin kayo kahit past mo na?" Daldal ko talaga.

Ngumiti siya. "It's her name. Not an endearment." Aniya saka pumili ng mga gulay.

"Name? Ibig sabihin..."

"Yeah. She's Honey. That's her fucking name. Honey Lau."

Nakagat ko ang ibabang labi ko. Gosh! Nakakahiya. Akala ko endearment nila! Hindi ko man lang naisip na pangalan pala iyon no'ng babae na iyon. So ex pala siya ni Terrence?

"Mukhang kailangan mo siyang puntahan e? Narinig ko lang kasi na kausap mo siya na..." Gusto ko lang talaga siyang usisain. Kumuha ako ng tig iisang balot ng calamansi, sili, kamatis, sibuyas at bawang.

"She's trying to get me back." Sagot niya saka kumuha ng talong. "Look at this. Malaki pa ang titi ko dito."

Nanlaki ang mga mata ko. "Terrence! Ano ka ba!"

Tunawa siya "Nagsasabi lang ako ng totoo, Keeshia. Fuck."

Inagaw ko ang hawak niyang talong saka inilagay sa cart. Kumuha na rin ako ng pipino. Masarap kaya ang tortang talong.

"Pwede ba, pati ba naman sa public? Ano nalang sasabihin ng mga makakarinig sa 'yo?"

"Malilibugan sila sa akin, Keeshia. I'm willing to finger them here." Tumawa pa siya.

Lalong nanlaki ang mga mata ko. "Ang dirty mo! Hay naku! Nakakahiya!"

Tinawanan niya lang ako hanggang mapatigil ako nang makasalubong ko ang kaibigan ko.

"Hoy, Keeshia, narito ka pala?"

"Darlin!"

"Hey, you're Keeshia's friend?" Tanong ni Terrence kay Darlin.

Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi ni Darlin. Ang landi!

"Oo! Matalik na kaibigan! Actually, ako iyong tumulong kay Keeshia na ihanda ang surprise niya sa iyo noong birthday mo."

"Oh really? Nice to meet you. I'm Terrence." Sabi niya saka inilahad ang kamay niya.

Ito namang si Darlin parang sinisilihan ang pwet sa kilig. Hay naku, kilalang kilala ko na siya. Nagpipigil 'yan ng kilig at alam kong ready na ang pang international na hampas niyan.

"Nice to meet you! I'm Darlin!"

"Can I ask you something?" Tanong ni Terrence.

Lahat nalang talaga ng babae! Pati ba naman kaibigan ko, trip niya?

"Ano 'yon?" Ngiting ngiti naman si Darlin.

Sabunutan ko siya mamaya. Nakakahiya! Halatang halata kaya na kinikilig siya!

"What if you hear me moan here, malilibugan ka ba at ready ka bang magpapa-finger sa akin?"

Literal na natakpan ko ang bibig ni Terrence saka siya hinampas sa braso.

"Ah! Fuck, Keeshia. I was just asking her!"

"Palabiro talaga 'tong loko na 'to!" Fake akong tunawa kay Darlin. "Alam mo, marami pa kaming bibilhin e. Mauna na kami sa 'yo!"

Hila hila ko si Terrence habang tulak niya pa rin ang cart.

"Wait!" Sigaw ni Darlin.

Pinandilatan ko siya ng mata.

"She can't refuse me. Accept it, Keeshia. Malakas ang kamandag ko." Bulong ni Terrence sa akin.

"I'm single!"

Nasapo ko ang noo ko dahil sa sinabi ni Darlin. Jusko, ang kaibigan ko! Patawarin!

"Oo sige na mamimili pa kami!" Sabi ko nalang at mas hinila palayo so Terrence.

Nanganganib ang kaibigan ko sa kaniya!

"See? Damn it. Baka kapag niyaya kong magsex 'yang kaibigan mo, baka hindi 'yan makatanggi."

Muli ko siyang hinampas. "Ang bastos mo talaga! Nakakahiya! Sa kaibigan ko pa talaga!"

"What? Gusto mo threesome tayo?"

"Nakakadiri ka talaga! Argh!" Sigaw ko sa kanya saka inapakan ang paa niya.

"Aw---fuck, tangina."

Kinikilabutan talaga ako sa bunganga ng lalaki na 'yan. Hindi ko an siya kinakaya! Kailangan ko yata siyang ipakausap sa simbahan. May pag asa pa kaya siyang magbago? Grabe! Saan ba siya pinaglihi?!

"Keeshia, huwag mo akong iwan!"

"Ewan ko sa 'yo. Nakakadiri ka."

"Masarap ako."

"Huwag mo akong kausapin."

"Oh fuck, Keeshia! I love your fucking pussy! Ohhhh!"

Halos magpapadyak ako sa harap ni Terrence na tawang tawa ngayon.

"Nakakatawa ba 'yon?" Masungit na sabi ko.

"What?"

"Hindi na ako natutuwa sa 'yo, Terrence. Sinasabi ko sa 'yo, malapit na malapit na akong sumuko sa 'yo. Diring diri na ako sa 'yo." Sabi ko saka siya tinalikuran.

Bahala na siya sa buhay niya. Nakaka stress na siya!

"Sorry."

Napatigil ako at napatingin sa kaniya. Ay wow, nagsorry siya?

Hindi ako sumagot. Nagpatuloy ako sa pagtingin tingin ng mga tinda dito.

"Keeshia, sorry na."

"Hindi mo kailangang magsorry. Ikaw 'yan e. Ganyan ka na talaga. Wala ka nang pag-asang magbago." Sabi ko lang habang kumukuha ng ilang de lata.

"Keeshia."

"Bilisan na natin. Gusto ko ng umuwi dahil ayoko ng makasama ka ng matagal dito. Nakakahiya."

Hindi siya sumagot bagkus ay hinila niya ako sa braso ko saka bigla akong niyakap.

"I was too much. Sorry."

Kumunot ang noo ko. "Bitawa---"

"If I change... may pag asa bang mahalin mo ako tulad ng pagmamahal mo sa ex mong mukhang aso?"

Napalunok ako. Mabilis akong bunitaw sa kaniya. "Puro ka kalokohan."

Lumipat ako sa kabilang estante ng groceries. Ano bang sinasabi niya?!

"I'm serious. Mamahalin mo ba ako kapag nagbago ako?"

"Hindi ka na magbabago. Ikaw 'yan, Terrence. Ikaw 'yan."

Hinila niya ako saka ako hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko. Nasa supermarket kami!

"Look at me, Keeshia. Huwag..." seryoso ang mga mata niya. "Huwag kang mandidiri sa akin. I can change, you know." Sabi niya saka inagaw ang cart sa akin.

Nauna na siya saka kumuha ng ilang pagkain.

Tulala naman ako. Napapatingin tuloy ang ibang tao dito. Paano ba naman, hinalikan niya ako!

At iyong sinabi niya...

Seryoso ba siya? Bakit may bahagi sa puso ko na parang umaasa sa sinabi niya? He can change? Hanggang salita lang ba 'yon, o gagawin talaga niya?

Sorry for the rated 18 content. Lol. Enjoy reading! xoxo

pinkyjheweliicreators' thoughts