webnovel

A Bride's Revenge

"Marriage is the process by which two people make their relationship public, official, and permanent. It is the joining of two people in a bond that putatively lasts until death, obviously neither someone can break it. " "Marriage is about understanding, accepting who and what that person really is, and loving him/her WHOLEHEARTEDLY." "Marriage is one of the seven (7) sacraments of the church and so it is a sacred one." "Marriage involves love and battles.. Battles to fight and conserve the sacredness of marriage." That's what I believed when I'm still searching for someone to be my husband and hopefully, to spend the rest of my life with. Apparently, I got married. At first, I thought it'll lasts. But along the way, something came up or should I say, 'Someone came up to ruin what's mine.' And suddenly, what I believed in, turned into drastically nightmare. That 'someone' ruined not only my marriage, but also my life. And I will never let myself spend every single day knowing that they're happy while I'm miserable, broken and ruined. Enjoy now, spend your time with each other, because one day, I'll be back. and I'll make sure that you will suffer-- the both of you. That you will ask for forgiveness, for repentance. And repent that you ever exist in this world.. You will experience how bad A BRIDE'S REVENGE is..

Bluesundae20 · Fantasy
Not enough ratings
59 Chs

Unknown

"Tattoo your name across my heart

So it will remain

Not even death can make us part

What kind of dream is this?"

-Sweet Dreams by Beyoncè

NARRATOR

Taimtim na nakikinig si Elisa sa mga isinasalaysay ni Kyle.. Habang si Kyle naman ay napangiti nang mapakla habang inaalala ang mga nagdaan sa kanyang buhay.

"You've lost your life? Why? Pwede ko bang malaman kung bakit?" Curious na tanong ni Elisa kay Kyle. Tumingin naman siya dito at muling tumingin sa kawalan.

"Can we just stay like this for a while? I mean, I found comfort in your strangeness hindi ko alam kung bakit.." Mahinang sabi ni Kyle kay Elisa. Naguguluhan man ay napatango na lamang siya sa winika ng binata.

Walang sinuman sa kanila ang nagsasalita. Parang nagkikibuan lang. Tanging huni ng mga ibon at paggaspas lamang ng mga puno sa paligid nila ang maririnig.

Lumipas ang ilang minuto, biglang nagsalita si Kyle.

"I found someone before. She lightened up my world and has became my world.. She loved me so dearly that she experienced so hard things because of me.. And because of that, my life became so miserable now." Bumuntong hininga si Kyle sa winika niya.

"Pasensya na kung yan lamang ang masasabi ko sa ngayon. Hindi ka pa ba uuwi? Baka hinahanap ka na sa bahay niyo." Pag-iiba ni Kyle ng usapan. Nakuha naman agad ito ni Elisa na marahil ay ayaw nga talagang pag-usapan ng binata ang tunay na nangyari sa kanyang buhay.

"Hindi tsaka alam naman nila na ngayon lang ako ulit lumabas ng bahay. Alam ko na!" Biglang tumayo si Elisa na ipinagtaka ni Kyle.

"Tara sumama ka saakin! Dadalhin kita sa favorite place ko dito!" Excited na sabi ni Elisa sa kanya..

"Saan naman yun?" Tanong naman ni Kyle.

"Basta. Akong bahala sayo. " Sabi niya at ngumiti sa binata. "Hindi ka naman masamang tao diba?" Literal na tumawa si Elisa sa tinanong ng binata.

"Ano ka ba, hindi no! Tsaka I never done any crime in my life no!" Hindi alam ni Kyle kung anong irereact niya sa sinabi ng dalaga. Ngunit baka siguro ay nagsasabi lamang siya ng totoo, tsaka mukha namang mabait si Elisa eh..

"Sige. Wala naman akong ginagawa eh" Sabi niya.

"Yehey.. So tara na?" Tumango lamang siya.

Nag-umpisa na silang maglakad at napansin niya na medyo may pagka-madaldal si Elisa.

"May business trip kasi sila Dad and Mom kaya naiwan ako dito kasama ng mga maids.." Paninimula niya.

"Only child lang ako and dahil siguro doon, hindi ako masyadong nakikipagsocialize sa ibang tao. Factor din doon yung ayaw akong palabasin ng bahay nila Mom." Naimtim na nakikinig si Kyle sa winiwika ng dalaga.

"Isn't that boring? I mean, yung hindi ka nakikipagsocialize with other people?" Sabi ni Kyle.

"Don't get me wrong, I'm just curious. But if you don't want to answer, it's okay. I understand---" Hindi niya na natapos na magsalita pa dahil sa biglang pagsingit ni Elisa.

"No, it's okay. To tell you the truth? Siguro nakasanayan ko na siya kaya ganoon.. And lumalabas naman ako if kailangan talaga and importante." Mahina niyang sabi lalo na sa bandang patapos ng salita niya.

"Ahh mabuti naman kung ganoon. Teka, malayo pa ba yung favorite place na sinasabi mo?" Tanong bigla ni Kyle nang mapansin parang kanina pa ata sila naglalakad eh halos puno naman ang nakikita niya.

"Hindi, malapit na tayo." Sabi na lang ni Elisa. Nagtataka man ay hindi na umimik si Kyle. Makaraan ang ilan pang hakbang,

"Nandito na tayo." Literal na napatingin sa paligid niya si Kyle at halos na mabigla siya sa kanyang makikita.

"Bakit dito mo ako dinala?!" Halos mainis siya sa kanyang nakikita. Ikinabigla naman ito ni Elisa marahil ay dahil sa biglang pagtaas ng boses ni Kyle.

"I'm sorry. Hindi ko alam na ayaw mo pala dito. I'm trying to lighten up your mood, pinalala ko pa ata. I'm sorry umalis na lang tayo" Malungkot na sabi ni Elisa. Bumuntong hininga naman si Kyle.

'Hindi naman niya alam talaga kung anong nangyari. Hindi niya naman kasalanan and besides, she's just trying to help.' Sabi ng utak ni Kyle.

"Fine. It's okay. Nabigla lang ako, sorry for acting that way." Sabi ni Kyle.

"Sure ka? Okay lang saakin kung hindi ka comfortable. " Sabi muli ni Elisa. Ngumiti si Kyle at umiling. "It's fine with me. Tara na?" Yaya niya dito.

Tumango naman si Elisa at umupo sa may swings.

Dinala ni Elisa si Kyle sa may playground.

"Bakit hindi ko ata nakikita itong playground na to?" Takang tanong ni Kyle. "Oo, tagong playground kasi to eh.. Tsaka ito yung favorite place ko kasi I found comfort and it reminds me of how simple life was. I mean, you go out and play and make friends.. And at the end of the day, it's the memories that lasts.." Makabuluhang sabi ni Elisa.

"Pero iba ang epekto ng playground saakin eh.." Nagtatakang tinignan siya ni Elisa. "Huh?"

Narinig niyang muling bumuntong hininga si Kyle at pumikit.

"Playground means everything to me. And the way I see it now, it made me feel more dying because of so much regrets and pain.." Sabi ni Kyle at napansin ni Elisa ang paggaralgal ng kanyang boses at ang pagtulo ng kanyang luha.

Itutuloy...