36 Jealous Kyle

"In the middle of the night, in my dreams

You should see the things we do, baby, mmm

In the middle of the night, in my dreams

I know I'm gonna be with you

So I take my time

Are you ready for it?"

- Ready for it? Lyrics by Taylor Swift

KYLE

"Sh.t!" I cursed sabay hawak sa ulo ko. Akala ko sasabog na ang ulo ko sa sobrang sakit nito.

Kaya lang nagtataka ako kung bakit ganito kalakas ang epekto ng ininom ko ganoon the usual lang naman ang ininom ko..

Babangon na sana ako nang mapansin kong I'm fully naked. Napaisip ako bigla.

Did I have a one night stand with someone?!

"F*ck dude! Why can't you remember anything?!" I mumbled to myself. Sandali akong natigilian sa pagiisip ko nang bigla kong maalala ang imahe ng babaeng papalapit saakin kagabi..

Imahe? Babae? Sino naman kaya yun?

I decided to take a shower dahil lalo lang tumitindi ang sakit ng ulo ko sa tuwing sinusubukan kong alalahanin ang nangyari kagabi.

Saktong paglabas ko ng banyo ay siyang pagpasok naman ni Ally..

"Good morning babe!" She giggled and attempted to kiss me on my lips but I looked away kaya sa kaliwang pisngi ko dumampi ang kanyang labi.

"What are you doing here?" Cold kong tanong, "Well, I came here para sabay na tayong pumasok sa work and of course para sabay na tayong umattend ng party mamaya!" Excited niyang sabi saakin.

Natigilan ako sa sinabi niya. "Party?" Tanong ko habang naghahanap ng maisusuot.

"Duuh! Don't tell me hindi mo alam?" Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakataas ang kanyang kilay. "May party mamayang 6pm and we are invited.. Dahil hindi mo naman pala alam, for sure wala ka pang date kaya I volunteered myself na.. " Sabi niya at hinawakan ako sa braso.

Nagbihis na ako at mabilis na nag-ayos. "How many times do I have to tell you na hindi kita fiancè, Ally? And besides I'm still married to Elle." I plainly said habang sinusuot ang sapatos ko. Sumandal siya sa dingding.

"Understatement of the year from you, Kyle! Ang galing naman! Asawa mo si Elle? Sa nakikita ko hindi na kayo magkakabalikan pa." Proud niyang sabi. Hindi ko siya papatulan. Not now. Masakit ulo ko, baka hindi ko alam kung anong pwede kong gawin sa kanya.

Lumabas na ako ng unit ko at nagsimula nang maglakad papuntang parking lot.

"Wait! I didn't bring my car! Sasabay ako sayo diba?" Maarteng sabi niya saakin.

"Magtaxi ka na lang." Tsaka ako pumasok sa loob ng kotse ko at nagdrive na. Narinig ko pa siyang sumisigaw. Tsk. Eskandalosa talaga.

Mabilis akong nakarating sa company..

"What's going on?" Tanong ko sa mga empleyado kong panay ang tsismisan at mukhang excited pa.

"Ahh, about the party later po sir. Naghahanap po kasi kami ng pwede maisuot eh." Sabi ni Erika. One of my staffs here. Tinignan ko sila isa isa.

"Go back to work." Cold kong sabi sa kanila. Pumasok na ako sa office ko at napansin kong wala pa si Elle. Huh?

Biglang pumasok si Erika bitbit ang folders na pipirmahan ko. "Where's Elle?" Casual kong tanong. Sabay lapag ng folders sa mesa ko. Inisa-isa ko naman itong binuksan.

"Elle isn't at work today, Sir. Maghahanda daw po siya para sa party mamaya." Sabi niya. Tumango naman ako.

Well, everyone knew about the party, how come ako lang ang hindi nakakaalam? Tsk.

--

5:15pm.

Nandito na ako sa venue. Mabuti na lang talaga at nakagawa ako ng paraan para sa event na to. Nagtungo ako sa parang mesa nila pero walang upuan. Nakatayo ka lang at may mga waiter na nagkalat para alukin ka ng wine o ano pa.

Kumuha ako ng champagne nung dumaan ang waiter. Maya lang ay nagsidatingan na ang mga bigating bisita.

"Gosh ang ganda niya talaga! Pero sabi nila may asawa na daw yan eh! Sayang mas bagay pa naman silang dalawa ni Mr. Jimenez hays!" Rinig kong sabi ng babaeng nasa likod ko.

"Oo nga eh! Ang balita ko, CEO din ata ang asawa niya eh.. Pero may balitang medyo hindi ata sila ganoon kaayos di tulad nung dati." Sabi naman ng isa pang babae. Wala na sana akong planong marinig pa ang pinagtsitsismisan nilang dalawa pero napukaw ng atensyon ko ang sunod nilang sinabi.

"Ayan na siya! Ayan na si Elle Lavender! Ang ganda at ang sexy niya talaga!" Manghang sabi ng babae.

"You're right! And guess who's with her? It's Mr. Jimenez! Urgh, goals!!" Hinanap ng mga mata ko si Elle. At tama sila. Ang ganda niya.. Ngunit nagiba ang mood ko nang mapansin ko ang lalaking naka-angkla sa kanya.

"Babe! Gosh! I've been looking for you kanina pa! Mabuti naman at nakita na kita!" Ally said. Pero hindi ko siya kinausap. Nakatuon ang atensyon ko sa dalawang taong pinalilibutan ng mga medias..

"So who's with you now, Ms. Elle?" Tanong bigla ng media. Magsasalita pa sana si Elle nang inunahan ko na siya. "His husband.. Kyle Villafuente, Elle's Husband." Sabi ko sa media at biglang humarap sa lalaking ito.

"Who you?" Angas kong tanong sa kanya. Kalmadong sumagot siya saakin. "Jomari Jimenez. Nice to meet you." Sabi niya. Nakipaglabanan siya saakin ng tingin, nang bigla siyang hatakin ni Elle.

"Let's go." Sabay hila niya sa Jomaring to. I was about to pull Elle's hand nang bigla akong hatakin ni Ally. "Ano ba, Kyle! Don't make a scene here!" Ally warned.

Huminga ako nang malalim at bumalik sa mesang sinasandalan ko kanina habang nasa tabi ko si Ally.

Nagsimula na ang event at biglang nagpatugtog ng romantic song. Isa isang sumayaw ang mga may partners. Napansin kong nagpapacute si Ally saakin but I didn't bother to take a glance at her. Nakatuon lamang ang mga mata ko sa dalawang taong ngayon ay sumasayaw na..

She's wearing a high-slit gold na gown na pinaresan niya din ng gold high heels. Nakalugay lang ang kanyang buhok at ang tapang yet seductive ang make-up niya. In short, she can make men turn their heads for her without trying so much and it kills me.

Tila may kung anong nagliyab saakin at tila may sariling pagiisip ang mga mata ko and the next thing I knew, nakalapit na ako sa kanila.

"Can I get my girl now?" Diretsong tanong ko sa kanya. Hindi ko na hinintay pang sumagot sya at hinila ko sa kamay si Elle. "Ouch! Nasasaktan ako!" Reklamo niya.

"Teka lang, pare. Nasasaktan si Elle hindi mo ba nakikita ah?!" Biglang napantig ang tainga ko sa sinabi niya..

"Bakit pare sino ka ba ah?! Asawa ako ni Elle, eh ikaw?!" Matapang kong tanong sa kanya. Ngumisi siya nang nakakaloko dahilan para lalo akong mainis.

"Asawa? Elle didn't even mention about you. Sorry for not knowing your identity." Sarkastic niyang sabi saakin.

That's it.

Lumapit ako sa kanya at sinunggaban ng isang malakas na suntok.

"G*go ka pala eh! Asawa ko si Elle ikaw ang huwag pumapel dito dahil wala kang papel!" Galit kong sigaw sa kanya. Pansin kong napasigaw ang mga tao nang makita nilang sinuntok ko ang g*gong to.

"Are you sure? From what I see, hindi halata. How come you are Elle's husband when you're still entertaining fl*rts uh?" I saw him smirk. Susuntok pa sana ako nang biglang pumagitna si Elle.

"The both of you stop already! Hindi ba kayo nahihiya?! Pinagtitinginan na tayo!" Sabi ni Elle. "This is all your fault, Elle! Kung hindi dahil sayo hindi magkakaganito!" Sabi naman ni Ally na hindi ko napansing hawak na pala ang kaliwang braso ko. Ngunit hindi siya pinansin ni Elle.

"Ano bang problema mo, Kyle ah! Bakit ka nanununtok agad?!" Galit niyang tanong saakin. Hindi ko siya sinagot nakita kong parang pinapahid niya ng tissue ang parte ng mukha ng g*gong to.

Walang sali-salita ay hinila ko na siya palabas. "Aray! Ano ba!" Daing niya.

"Kyle where are you going?!" I heard Ally's voice.

"Ano ba!" Pagpupumiglas niya. Binitawan ko na siya. We are at the lawn of this hotel. Nakapamaywang ako at pilit na nirerelax ang sarili.

"Kyle, what was that?! What the heck is your problem?!" Seryosong tanong niya saakin. Tinignan ko siya. I can see the anger in her eyes..

"What?! Are you just going to stare me and not going to talk?!! I'll be leaving then." Sabi niya and she was about to walk away when I finally said something.

"I'm jealous.." Malambing kong sabi sa kanya. Kunot-noong lumingon siya saakin. "Huh? You're what?"

"I said, I'm jealous seeing you together.. I'm jealous hearing people say that you looked cute together and compared tome with that jerk.. Do you understand?" Sabay lapit ko sa kanya..

Seryoso siyang nakatingin saakin at hindi nagtagal ay parang natatawa ito. "You really love to make jokes, Kyle." Sabi niya.. "I'm not!" Dipensa ko, "I'm serious, Elle.." Hinawakan ko siya sa kanyang pisngi ngunit agad niyang tinabig ang mga kamay ko.

"I'm serious too.." Seryosong sabi niya. "You're jealous? With what? Dahil I'm with him ba? And you heard people saying that we're more compatible and you are being compared with him?" Bigla siyang natawa..

"From what I have remembered, it was you who broke your promises, Kyle.. Ikaw ang unang nagloko saating dalawa at hindi ako.." Parang kutsilyong tumutusok ang bawat bitaw niyang salita saakin.. Lumapit siya saakin with her firey eyes. And it scares me big time!

"How dare you say that to me when in fact, ikaw ang unang bumitaw sa lahat ng mga pangakong sinabi mo saakin?" I remained speechless dahil lahat ng mga sinasabi niya, totoo.. It's my fault kung bakit humantong sa ganito ngayon..

"Ikaw ang unang naghanap, Kyle.. Ikaw ang unang natukso sa tawag ng laman ng ibang malalandi at hindi ako. You don't know how much pain it caused me the moment I knew that you are having affair with someone and what hurt me the most, hinayaan mo lang na gawin nila saakin yun.." Hindi ko siya magawang tignan. Nahihiya ako at the same time at nagiguilty.

"Ikaw na sariling asawa ko.. So don't act as if you still care about me, Kyle.. Because you're not. You have never cared about me." And then she walked away..

Naiwan akong nakatunganga at nakababa ang mga braso dahil sa kahihiyan ngunit umiiral ang guilt at pain na nararamdaman ko..

One realization hit me.

I turned a sweet princess into a wicked witch.

And it's all because of me.

--

To be continued..

avataravatar
Next chapter