•~•
Reign's POV
Habang nasa bahay naririnig ko ang pag-hikbi ni mommy, habang si daddy naman laging tulala, 'kung ganon... Hindi lang nila pinapahalata sa ibang lugar ang sakit na naramdaman nila'.
Ang buong akala ko pa naman ay wala lang para sa kanila ang nangyare sa kakambal ko.
Hindi na rin ako magtataka kung bakit sila ganyan... Sa pamilya namin sa side ni daddy, si chesca palang ang kauna-unahang babae sa angkan nila, puro lalake kasi ang mga kapatid ni dad pati ang grandad namin, kaya laking gulat nila ng ipinanganak ni mommy si chesca.
"Umiiyak ka na naman?", Napatingin ako sa gilid ko, si kuya lang pala, napapunas naman tuloy ako ng luha ko, "hindi ahh, napuwing lang naman ako", natawa naman si kuya at ginulo ang buhok ko.
"Sa tingin mo ba, matutuwa si chesca pagnalaman nyang umiiyak ka ng dahil sa kanya?", napayuko ako sa sinabi ni kuya saka umiling.
"Okay lang umiyak, huwag lang madalas, sige ka papanget ka nyan", 'nang-asar pa', bigla nya naman ginulo ulit yung buhok ko, saka ako nginitian.
"Kung ano man ang dahilan kung bakit hindi pa nila tayo pinababalik sa hospital ay hayaan na muna natin sila mom at dad na umasikaso sa kanya", sabi naman sakin ni kuya.
"Alam ko naman kuya pero, alam mo din na ayokong nalalayo kay kambal diba? Alam kong maayos na sya, pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mag-alala hangga't hindi mismo nakikita ng sariling mga mata ko ang lagay nya ngayon", napakagat naman ako ng labi ko at umiwas ng tingin kay kuya.
Hinawakan naman ako ni kuya sa magkabilang-balikat ko, "magiging maayos sya, magkakasama ulit kayong dalawa, nagpapahinga lang sya sa hospital, kaya ikaw mag-aral ka, dahil pagbalik nya, tuturuan mo sya sa mga na-miss nyang lessons, yon lang ang magagawa mo para sa kanya", tumango naman ako na ikinangiti nya.
"Tara na, baka malate pa tayo, terror pa naman ang teacher nyo dba?", natawa naman ako, "kilala mo pala yon", natawa naman din si kuya.
"Syempre, sya lang naman ang teacher na nagti-tiis sa kung anong ugali ng bawat estudyanteng hinahawakan nya", 'ahhh kaya pala ganon nalang kung umasta yon sa klase'.
•~•
Miyuki's POV
"D*mn!", Pagdilat ko... Grabe ang sakit ng katawan ko!.
Pinilit ko namang makabangon, hanggang sa may tumulong sa akin na makaupo sa higaan.
Pagtingin ko kung sino parang nawalan na naman ako ng gana.
"Good thing you're awake now, young lady", 'tsk! Ano pa nga bang bago?', Tuwing na-oospital ako lagi, puro butler lang ang una kong nakikita sa paggising ko.
"Alam mo naman ulit ang isasagot ko sa ganyan butler dba?", Napailing naman sya, "young lady, huwag nyo na pong pahirapan ang sarili nyo, may inaasikaso lang po talaga sina Master Ahron at Lady Calla, kaya po wala sila sa pinas", sabi nya na ikina-ngiwi ko.
"Kahit ganto na lagi ang lagay ng anak nya? Kahit laging nao-hospital? Hindi pa din sila uuwi para sa anak nila?", Natahimik naman si butler.
'May balak pa kaya silang umuwi at kamustahin man lang ako dito sa pinas?', napa-iling nalang ako sa naiisip ko, 'asa kapa yuki, hindi sila uuwi para sayo'.
Kahit nga sariling butler namin, hindi masagot ang simpleng tanong ko, ako pa kaya na sasagot sa mga katanungang nabubuo sa isip ko?.
Napabuntong hininga naman ako, "may gusto po ba kayo young lady? Ipagbibili ko po kayo ng kahit ano", umiling naman ako sa kanya, "wala akong gana, tsaka kahit hindi ako kumain, may dextrose naman ako", natahimik na naman sya ulit.
"Madidischarge na ba ako ngayon?", Nakita ko naman syang yumuko at umiling, 'masyado na bang masama ang lagay ko kumpara dati?'.
'Parang normal na naman ang itsura ko ah, bakit hindi pa ako i-discharge?'.
"Kailangan mo pa raw pong magstay ng oneweek dito, young lady kazumi", 'one week sa gantong lagay?', maghihilom na din naman tong mga gasgas ko sa katawan kahit nasa bahay ako.
"Maghihilom na din naman to kapag nasa bahay ako ah?', umiling naman sya, "Hindi po talaga pwede young lady, utos po ng doctor", napabuga nalang ako ng hangin
"Ilang beses ko na ba sinabe sa inyo na tawagin nyo ko sa pangalan ko wag sa apelyido ko", nanatili naman syang tahimik, napatingin naman ako sa apat na sulok na kwartong to.
'Nakaka-suffocate naman dito', kung ako lang masusunod, umuwi nalang ako.
"Gusto kong lumabas",wala sa sariling sabi ko... Inalalayan nya naman ako na maka-upo sa wheelchair, napadaing naman ako, saka ko lang napansin na may benda pala ako sa binti.
"May benda pala ako sa binti", tumango naman sya, "ilang linggo nalang po young lady, at pwede na pong tanggalin yan", tumango naman ako
"May bali ba ang paa ko o binti ko?", Umiling naman sya, "may mga pasa lang po at mga sugat-sugat, young lady", hindi na ako umimik pa.
"Kaya naman pala pinag-istay pa ako ng doctor, pero lalo lang tataas ang bayarin kapag nagtagal pa ako dito", natawa naman si butler, "mayaman naman po kayo young lady, kaya pong bayaran nila Master Ahron at Lady Calla ang bayarin sa hospital", sabi nya.
Napatango naman ako, "Kaya nga nilang bayaran, pero anak nila hindi man lang nila mapuntahan", hindi na naman tuloy sya naka-imik sa sinabi ko.
Lintik talaga yung lumusob samin, 'anong akala nya sakin mamamatay lang sa ganon?!', 'Mga peste!'.
Tinutulak naman ni butler yung wheelchair ko, habang palingon-lingon lang ako sa paligid, "kailan uuwi sila mom at dad", biglang tanong ko sa kanya, "wala po silang sinabi, young lady", napabuga naman ako ng hangin.
"Sana hindi nalang sila bumalik", hindi naman sya nagsalita sa sinabi ko, pagka-dating namin sa parang garden ng hospital, para akong nakahinga ng maluwag.
"Iwan mo muna ako", nagbow sya at umalis, dinama ko naman ung sariwang hangin dito, 'hindi naman siguro nakaka-bored dito kahit magstay ako ng isang linggo'.
"Hi", napatingin naman ako sa dalawang taong nasa harap ko, they look familiar, 'saan ko nga ba sila ulit nakita?'.
"Ikaw yung nasa detention diba nung first day of school sa C.A", sabi nitong may kulay gray na mata, tumango lang ako, 'detention... Paano nya nalaman yon?'.
"Akalain mo, pare-parehas tayong nagkita ulit pero sa hospital naman", sabi nitong red eyed na babae.
Nagtaka naman ako sa mga sinasabi nila, saka lang pumasok sa isip ko kung sino sila, 'nabagok ba yung ulo ko kaya ganto?'.
'Hayaan na nga', bale sila pala yung mga maiingay sa detention room kahapon, pero anong ginagawa nila dito at bakit may mga benda din sila sa katawan?.
"Nga pala ako si Micah Kim", pagpapakilala nya sakin, tinanggap ko naman yung kamay nya, sunod namang nagpakilala tong isa.
"Ako naman si Yunna Park", 'normal bang magkaroon ng ganyang kulay ng mata, ang weird', 'weird din naman ang kulay ng mga mata ko', 'pero mas weird talaga yung sa kanya'.
"Ang weird ng mata nya no", sabi naman ni micah, tumango ako, "weird din naman yung sakin, pero may kung anong explanation sila dito kung bakit kulay violet", tumango naman sya.
"Oo nga, mas ganyang case kung bakit violet ang mata, pero yung kulay pula?", tumango naman ako, pero tong si yunna natawa lang samin.
"Natapunan kasi ako ng kung anong liquid chemical sa laboratory namin kaya naging ganyan yung epekto sa mata ko, nga pala anong name mo?", sabi nya, 'Ah kaya pala naging ganon ang mata nya'.
"Miyuki kazumi", tinignan nila ako sa mata, "alam kong weird nga ang kulay ng mata ko", ngumiti lang sila, "weird din naman ang kay micah ah", umiling naman sya, "normal to normal", sabi nya na ikinatawa namin ni yunna.
Bigla naman kaming natahimik at bigla silang nagkatinginan na para bang nauusap sila gamit yung isip nila, 'possible kaya yon?'.
"Friends?", nashock akong bigla sa sinabi nila, for the first time may nag-alok sa akin n-na makipag-kaibigan... 'Kasi yung mga ibang tao natatakot sa kulay ng mata ko'.
Ngumiti ako at tinanggap ung alok nila, 'bakit ko naman tatanggihan ang bagay na to'.
"Bestfriends", parang nagningning naman yung mga mata nila.
•~•
Pabalik na kaming tatlo sa kanya-kanya naming room, may nadaanan kaming isang kwarto na may isang pasyente na halos buong katawan ay naka-benda.
She looks familiar... Parang sya ata yung nasa cafeteria kahapon yung kung makatitig sakin wagas at sya rin yung kasama nung gwapo na nalate ng pasok sa room.
"Kilala mo?", tanong ni yunna, umiling ako, 'namumukhaan ko sya pero hindi ko naman alam pangalan nyan'.
"Hindi ko sya kilala, pero ang alam ko, isa sya sa mga kaklase natin, yun ang alam ko ah", nalaman ko rin kanina na magkakaklase pala kaming tatlo at iisang tao lang yung nagpapunta sa amin sa detention.
'Yung matandang hukluban talaga na yon, kahit anong barumbado mo sa klase nya, hindi man lang sya natitinag'.
Tinignan naman nila yung babae mula sa bintana, 'nakakaawa naman ang itsura nya', kung ako siguro nandyan sa kalagayan nya baka umuwi na sila mom and dad, 'kung uuwi nga ba'.
"Kawawa naman sya... Ano kaya nangyare sa kanya?", tanong naman ni micah, nagkibit-balikat naman ako, at muling tumingin sa babae
Siguro tinadhana talaga kaming apat na makilala ang isa't-isa, una sa campus ngayon naman sa hospital.
Sumilip-silip naman kung saan si yunna, "Ano kayang name nya?", lumingon-lingon naman ako sa paligid, baka sakaling makakita ako ng pangalan ng pasyente.
"Malay ko", sagot naman ni micah, may bigla namang sumulpot na doctor sa gilid, kaya napa-ayos naman kami.
"Doc. Pwede po bang magtanong, ano pong pangalan nya?", kumunot naman ang noo nung doctor kay micah, at inisa-isa kaming tinignan.
'May mali ba sa itsura namin, mukha naman kaming pasyente ah?', napa-irap nalang ako, 'obvious nga naka-benda kami eh'.
"Kayo yung mga batang nadisgrasya din kahapon diba?", Tanong nya na ikinatango namin, ngumiti naman sya sa amin.
"Sya si Chesca Chavez, nadisgrasya din sya kahapon... Pwede ko bang matanong kung anong kailangan nyo sa kanya?", nagkatinginan naman kaming tatlo.
Pansin ko naman na parang wala akong nakikitang guardian man lang na nagbabantay sa kanya.
"Sabi kasi ni kazumi, kaklase daw namin sya", saad ni micah, para namang nakahinga ng maluwag yung doctor na ikinataka ko.
"Ah ganun ba, akala ko kung ano, mahigpit kasing pinagbabawal na may lumapit na kung sino sa kwartong ito, para ma-siguro ang kaligtasan nya, pero mukha naman kayong mababait, kaya pwede nyo syang tignan, pero bawal kayong pumasok sa loob", tumango naman kaming tatlo, saka nagpaalam yung doctor samin na may aasikasuhin pa sya.
Tumingin muli ako doon sa babae, 'Mahigpit na pinagbabawal na may lumapit sa kanya? Gaano ba sya kaimportante at ganon nalang nasabi ng doctor samin'.
"Ansama talaga ng lagay nya", wala sa sariling sabi ni yunna, 'ano kaya nangyare sa kanya, imposible namang disgrasya lang to'.
Tinignan ko naman maigi yung benda, may kalumaan na ang benda nya sa mukha, pero bago naman yung mga nasa katawan nya.
Kung ganon... Tinatakpan lang nila ang mukha nya, ang katawan nya lang ang nadisgrasya, 'napaka-importante nya talaga kung ganon, pati mukha na nya tinakpan kahit wala namang kung anong sira'.
"Huy kazumi, ba't natulala ka dyan?", tanong nya sakin, nginitian ko naman sya, "wala naman".
"Nga pala, pwede bang maupo muna tayo nakakangalay na kasi eh", palibhasa may bali sa binti si micah, inilapit naman nila ako sa kanila, 'diba nga nakawheel chair lang ako'.
"Nga pala, bakit kayo andito sa hospital, anong nangyare sa inyo?", Nag-iwas sila ng tingin, 'may problema ba sa tanong ko?'.
"Hindi dapat tayo magsinungaling, Diba magka-kaibigan na tayo", napayuko naman sila ngayon, 'mukhang may mali nga'.
"Mukhang may tinatago kayo no?", Halata naman sa itsura nila na kinabahan sila sa tanong ko.
"Please lang huwag mo kong kamuhian", sabay nilang sabi, napataas naman yung kilay ko, "kamuhian? Grabe ba ang ginawa nyong dalawa?", Napakamot naman sila sa ulo nila, natatawa lang ako kasi sabay na sabay pa sila.
"Hindi naman sa grabe, ano kasi...", "ano nga micah? ikaw yunna?", "Ah ano kasi...", napakunot ako ng noo sa dalawang to.
'Ayaw pang magsalita, kahit naman hindi nila sabihin, malalaman at malalaman ko pa rin naman', napapikit naman sila, "magsasalita na ba kayo?".
"Isa akong gangster", sabay ulit nilang sabi, nagulat pa nga sila sa isa't-isa eh, 'wait tama ba ang narinig ko? Gangster sila?'.
"Ganster ka rin?", tanong nya kay micah, "wow what a coincidence gangster din ako", nagulat din sila sa sinabe ko, bigla naman silang napaatras.
"Bakit kayo napaatras dyan?", Nagkatinginan naman silang dalawa, "hay nako kayong dalawa talaga", tinuro ko naman silang dalawa.
"Chillax, hindi tayo makakalaban oh, puro tayo mga disable ngayon", napakamot naman sila sa ulo nila at tumabi na ulit sa akin.
'Mga baliw din pala tong mga to eh'.
"So meaning kaya tayo andito kasi, dahil sa laban?", umiling ako kay micah, "eh ba't ikaw? Nakipaglaban ka ba?", Umiling naman sya, "edi hindi".
"Actually hindi mukhang laban yun, I mean yung nangyare sa akin, bale wala akong laban ng araw na yun nang may umatake nalang sa base ko", mukha naman silang nagulat.
"Tuluyan kaming bumagsak dahil doon, at sa pagkaka-alam ko, ako nalang ang natitira sa grupo ko", pagkasabi ko non, tinignan ko ang reaksyon nila, mukha namang silang napa-isip.
"Ako din, ganun din ang nangyare sa akin", sabi ni yunna, tumango din naman si micah.
Imposible namang sabay-sabay kaming nilabanan at patumbahin, pero hindi rin eh..., may iba't-ibang grupo kayang nagplano nito?.
"Eh yang babae kaya, halatang binugbog sya masyado, gangster din kaya sya?, kung gangster din sya, ano kayang rank nya?, tsaka hindi sya mukhang familiar sakin", sabi ni micah.
Napatingin ako kay chesca, hindi sya mukhang familiar kung ihahawig ko dun sa mga rank leaders sa U.G.
At ito namang dalawang to, medyo may pagkakahawig sila sa rank 3 & 4, kung hindi ako nagkakamali.
Muli ko namang tinignan si chesca sa kwarto na yon, 'ang sabi ng doctor, pare-parehas kaming nadisgrasya, at katulad din sya, may alam kaya yung doctor na yon?'.
Kung ganon, maaaring gangster nga sya, at gaya ng sabi ng doctor kanina, pare-parehas ang nangyare samin, yun nga lang, mas malala ang natamo nya.
Nakita ko namang gumalaw yung daliri nya, "gumalaw yung daliri nya", wala sa sariling sabi ko kaya napatingin din sila sa kanya, maging kami ay nagulat ng dumilat sya...
"Hala dumilat!", 'obvious naman yunna sinabi pa', nailawan naman ang kulay ng mata nya, nang makita ko kung anong kulay non, nagsitaasan ang mga balahibo ko.
Lumapit namang ng kaunti yung dalawa sa kanya, 'hindi ba sila kinikilabutan?!'.
Pero totoo ba tong nakikita ko?, dark blue ang kulay ng mga mata nya, napaatras sila ni micah ng tumingin sya sa gawi namin, biglang bumilis ang heartbeat nya kaya tumawag agad si yunna ng doctor.
"Hala ang ingay siguro natin kaya sya nagising", wala sa sariling sabi nitong katabi ko, "hindi ka nya maririnig mula dito", sakto namang dumating na si yunna kasama yung doctor kanina.
So sya lang ang tanging doctor ang nag-aasikaso sa kanya, kahit mga nurse ay wala syang kasama.
Nakita namin kung papaano sya i-check ng doctor, nang bigla lang itong pumikit ulit, nakita din naman ang paghinga ng malalim ng doctor.
Pagkalabas ng doctor nginitian nya kami, "andito pa din pala kayo? Hindi ba muna kayo magpapahinga sa mga kwarto nyo?", umiling naman kami.
"Ahh doc ano pong nangyare sa kanya?", Tinignan naman ako ng doctor.
"Wala naman... Actually she's fine, unconcious pa rin sya hanggang ngayon kahit naidilat nya ang mga mata nya", nagpaalam na din naman sya agad sa amin.
"Grabe no? Naidilat nya na yung mata nya pero hindi pa rin pala sya gising?", sabi ni yunna, bigla namang umiling si micah, "may nakita ako kanina, napansin kong bumilis yung tibok ng puso nya nung tumingin banda sa atin", napalaki naman ang mata ko.
"Oo nga no... Tsaka nai-galaw nya ang ulo nya, it means nagsisinungaling lang yung doctor satin", napatingin naman sila sakin, "kung unconscious yon, diretso lang ang tingin non at bukas lang ang mata", tumango naman sila.
"Pero bumaling ang tingin nya sa atin, kaya nga tayo nagulat diba?, at pumikit sya naman sya matapos syang i-check ng doctor", dugtong nya, napapitik naman sa ere si yunna.
"May ginawa yung doctor para makatulog ulit sya, hindi man natin kita dito pero mukhang nakakabit na yon sa kanya", napatango naman kami.
"Possible yon, pero bakit nya papatulugin kung nagising na nga?", Bigla naman silang napaisip, "hmm baka kasi magwawala sya kapag nagising?", 'pwede din micah'.
"Pwede din naman na hindi pa sya tuluyang magaling, kaya pinatulog ulit sya", "kung ano man yon, sa ikakabuti naman nya siguro yon", tumango naman sila sa sinabi ko.
Sakto namang may sumundo sa amin, natawa nalang kami sa sumundo kay yunna, mas bata pa kasi sa kanya yung sundo nya.
Nagpaalam na muna kami sa isa't-isa, at nagset ng oras kung kailan ulit magkikita sa garden.
Tinignan kong muli si chesca bago ako bumalik sa kwarto, napalunok naman ako ng maalala ko ang nakita ko kanina at ang nalalaman ko sa mga matang yon.
Pagbalik ko sa kwarto, inisip ko naman yung bagay na yon, hindi kasi ako makakatulog ng maayos kung wala pa din kahit maliit na porsyentong lead sa gusto kong malaman na bagay.
Kung gangster nga sya, isa lang ang kilala kong gangster na may ganung kulay ng mata, pero napaka imposible namang matalo sya tapos magiging ganyan ang lagay nya, lalo na kung lumaban pa naman yun sa U.G ay iisa lang sya at walang kasama sa stadium.
'Kung sya nga yun?', 'Sino ang nakatalo sa kanya?'.
Alam ko na kung bakit kailangang magsinungaling ng doctor, kasi nga napaka-importante nya nga para sa kanila.
Ang hindi ko lang maintindihan ay kung papaano at sino ang nakapagpadala sa kanya sa ganyang sitwasyon.
•~•