webnovel

40 days

They all says that after death you have 40 days to travel and enjoy the earth as a spirit. But for Yuan, she can't leave her love ones in an instance, so she tried figuring the things she must do to stay and live.

jedaii_calventas · Fantasy
Not enough ratings
15 Chs

Chapter 8

Chapter 8

Kay tagal kong hinimlay ang katawan kong pagod na pagod na. Ang raming pangyayari ang paulit ulit ko inisip, ng dahil sa naisin ko lang makita ang lalaking aking hinahangaan, nailukmog ako sa ganitong sitwasyon, hindi pa ako maaaring mamatay, paano na ang kapatid ko. Iniwan na nga kami ng aking mga magulang ay iiwanan ko pa siya?

Habang nakahiga sa kama ay nasilayan ko nanaman ang malakas na liwanag na tila ba ay kakainin na ako nito. Pumikit ako dahil hindi ko na kayang titigan ang napakaliwanag na bagay na papalapit sa akin.

Pagmulat ng mata ko, nasa isang pamilyar na lugar ako, nakakadinig ng nagwawalis na tao malapit sa akin, nasa bahay ako. Pamilyar ang laman ng bahay at lalo na ang mga gamit sa loob at ang litrato namin ni Forest.

Maya maya may nadinig akong umiiyak, si Forest

"ate, nasaan ka na ba? San ba kita pwedeng hanapin. Nandito lang kaming nagmamahal sa iyo." daing ng aking kapatid

Akma ko siyang lalapitan para sana sabihin sakanyang nandirito lang ako at tutulungan ko silang mahanap ang aking katawan ng biglang

May dumating na pangit

"Ep ep ep! Tandaan mo hindi ka nila makikita at wala kang pwedeng mahawakan na kahit anong bagay" bulyaw ng sidapa habang sinusubukan ko kalabitin si Forest

Patuloy pa din siyang lumuluha habang hawak ang aking litrato, habang tinitignan lang kami ng sidapa pabalik balik, alam kong naaawa na din ang sidapa kaya sinimulan ko na din lumuha

"wag mo akong inuumpisahan, dahil maging ako hindi ko alam sino kumuha ng katawan mo, kahit may super power ako kaya wag ka sa akin mag makaawa" bulyaw nito

"pangit" sambit ko dahil sa inis

Gustong gusto ko na bumalik sa mundo, sa totoong mundo, hindi sa ganitong paraan gusto ko pa mabuhay, ang rami ko pang pangarap. Pakonti konti ko na siyang naaabot pero bakit ang lala naman yata ng balik samin ng kapatid ko

"hoy ano nanaman binabala mo jan? gusto mo gumala?" sambit ng sidapa

Napatawa ako sa nadinig dahil buong buhay ko hindi ko naranasan ang sinambit ng sidapa sa kadahilanan na din na masyado ko nilugmok ang aking sarilii sap ag aaral at pagtulong sa aking ama

"tawa tawa ka jan, alam ko naman na hindi mo pa narasan ang binaggit ko, kaya habang wala ka pang plano, samahan mo ako" habang palabas siya ng pintuan

Wala akong naging choice kundi ang sumunod sa sidapa. Iniwan ko si Forest na yakap yakap ang aming litrato habang umiiyak. Awang aw ana ako sa aking kapatid ngunit wala akong magagawa dahil isa na lamang akong spiritu

"kita mo iyon? Nakikita mob a yun yuan?" kalabit sakin ng sidapa

"oo nakikita ko, ano ba kasi yan, kanina pa tayo dito" reklamo ko dahil kanina pa kami nakatayo sa isang pedestrian lane.

Mag rereklamo sana ulit ako sa sidapa na kasama ko ng Makita na ng mata ko ang nangyayari. Sa isang sasakyan may isang bata at ang nasa likod nito ay kagaya ng sidapa na aking kasama, gusto ko sumigaw o iligtas man lang ang bata, subalit naalala ko isa na nga lang pala akong espiritu

"alam ko binabalak mo, pero panoodin mo lang wala tayong magagawang paraan jan, siya ang nakatakda sa kaluluwa ng bata kailangan mo lang ipaubaya"

Maya maya ay sumabog ang sasakyan, kung nasaan ang bata, nagulat ang lahat maging ako. Awang awa ako sa nanay ng bata na naghihikaos papalapit sa sinasakyan ng anak.

Sa di kalayuan, ang kaluluwa ng bata ay kalong kalong ng sidapa papalayo sa sasakyan

"san niya iyon dadalin?" tanong ko sa aking katabi

"kakainin niya" sambit nito

Tinitigan ko ng masama ang pangit, ang tino kong nagtanong sasagutin ako ng kagaguhan

"charot! Syempre ipupunta niya muna sa dream land ng bata tapos patutulugin at pag gising nito kaharap na niya ang Bathala, gets mo?!" sambit siya

Tumango tango na lang ako na kunwari, wala na akong susunod na itatanong

"ano itsura ng bathala" dagdag ko

Tinignan ako ng sidapa sa mata at bigla na lang akong nawalan ng malay