webnovel

15th Doors

"There will be killing till the score is paid."

―Homer

***

Father once told me to always check where my loyalties lie. Some people close to me will expect it, some will desire it, and some will abuse it. I seldom put my loyalty to someone, because in the past, it has been broken. Many times.

I was always reminded that my own mind can be fatal, that someone can use it against me. Someone will use the uncertainties and doubts. They will prey for it. That's is why I seldom tell my stories. So that nobody can use it against me.

Now that Maddie, Ryanne and Bella descended from the lower floors, everyone was questioning who's who? Who's telling the truth and who's not?

Six people were dead: Michonne, Haliya, Angelyn, Maxine, Syk and Thrina. But who killed them all?

Hindi kayang gawin ng iisang nilalang ang pagpatay sa anim. Let's say, Mildred and Zyril were on the 19th and 18th floor, if my suspicion is accurate, who killed Thrina and Syk on the 17th? Everyone was here when the massacre happened.

Gising na gising ang diwa ko at halos makatatlong tasa ako ng kape habang lumalangoy ang mga uuod kong kasama kanina. Wala ni isa saamin ang nawala sa 16th floor.

There can be two conclusions I can draw: the killer is still hiding or these three are the killers since they're the ones who appeared alive. Now the list of suspect grows. It got more complicated.

I wasn't expecting it.

Bella was revived. Hindi ito makausap ng maayos kahit na ilang oras na itong nagkamalay. Malalim na ang gabi. Pasado alas dose na sa relo. Tahimik namang nakaupo si Ryanne. Tuliro ito at hindi rin makausap. Samantalang si Maddie ay nasa tabi ni Larryson sa isang pahabang beach chair.

Malaya nang nakakapaglandian ang dalawa dahil patay na si Syk. Pinilig ni Maddie ang ulo sa dibdib ni Larryson. Sinisiko naman ako ni Rielle na nasa tabi ko habang pinagmamasdan ang dalawa.

"Tang-ina nila sis, magtutukaan yan mamaya pustahan tayo?" bulong ni Athena.

Narinig ko ang malakas na tawa nina Satana at Athena sa kabilang beach bed na tila gustong sumali sa chismisan.

"Rielle, pustahan. Mag-aanuhan 'yang mga 'yan mamaya pag tulog na tayo." Kontroladong sambit ni Satana. "Wait ka nga Athena, ilapit mo nga 'tong upuan natin kina Rielle para mas malakas ang signal ng radyo." Tumayo si Satana at gano'n din si Athena. nang banggitin nitong mas malakas ang signal ng radyo ay nangangahulugang para mas magkarinigan sila ng boses.

Nilapit nga nila ang upuan nila saamin. Napaikot na naman ng di oras ang mga mata ko.

"So, tama nga ang dahilan ng pagwawala ni Syk. Ikaw ba naman ang landiin ng isang gwapong taga HR, ay for sure bibigay ang Bataan!" Napahagikgik ang nurse sa aking likuran na marahil ay kaharap ang chismosa kong kaibigan na si Rielle na kanina'y may sinabing binabalak. Kaya naman hinahayaan ko lang itong makipagkwentuhan sa dalawa.

"Hindi na sila nahiya. May pamilya 'yon isa, tapos 'yong isa mahal na mahal ng lalaki. Nahu-hurt lang talaga ako para kay Syk." Ramdam ko ang gigil sa boses ni Satana. Naimagine ko ang pagkalukot ng mukha nito sa sobrang pagkadismaya.

"Nahuhurt ka para kay Syk o nasasaktan ka kasi naunahan ka ni Maddie sa hot na hot na si Larryson?"

"Excuse me. Hindi ah. Animal ka kung anu-anong naiisip mo! Bagay sa'yo maging nobelista eh, hindi nurse!" Singhal ng tila apektadong si Satana. Base sa boses nito, hindi ako kumbinsidong wala itong gusto kay Satana. There is something in her voice which made me feel that she's holding back from her real emotion -the truth.

Napansin din siguro iyon ng kaibigan kong si Rielle. Kaya naman may follow up question ito. "Bet mo si sir Larry, Satana?"

Tipid na tumili si Athena na tila kinikilig. "Aray!" sigaw nito na sa tingin ko'y siniko ng katabing si Satana o marahil ay kinurot.

"Bet mo?" pag-uulit ni Rielle.

"Sakto lang. Hindi naman masyado." Mahinang sagot ni Satana.

"Kitam!" Tila tagumpay na usal ni Athena. "De-deny pa eh!"

"Oo. Bakit parang may kinang sa mata ni Satana no'ng sinabi niyang sakto lang?" Pahayag ni Rielle na mistulang isang TV show host. She was digging deeper.

Humagikgik silang sabay ni Athena. Mga ugali ng mga babaeng kinikilig tuwing nakakakita ng mga crush nila. Kadiri. Ang cheap!

"Tang-ina kayong dalawa ah! Huwag akong gawan ng issue!" Napalakas na singhal ni Satana sa dalawa. Narinig ko ang paggalaw ng paanan ng upuan na parang tinabing. Nang lingunin ko'y nag-walk out na pala si Satana. Napikon marahil.

"Satana!" Tumayo naman si Athena. Hinabol nito ang paalis na si Satana. Mukhang malapit na ang loob ng isa't isa.

So, maayos ngang naisagawa ni Rielle ang plano. Nagamit namin ang talking ang rapport skills nito. Nang makaalis ang dalawa'y saka ko ito hinarap.

"So, what did you get?" I asked.

Rielle shook her shoulders na parang siya na ang pinakamagaling na detective sa buong MOS. Sumandal ito sa likod ko. Talikuran. We were both watching each other's back.

"Maddie and Larryson seem dubious. Base sa mga nasagap ko, parang matagal na palang magkarelasyon yang dalawa before Syk. Even before the got here at MOS."

"Then?" I asked.

"Everyone seem so normal. Except that Andreas and Simond were heard plotting a total bombardment of the building. Si Nicolla, bait-baitan kaya medyo nakakaduda din. Kid," she grunted in disgust, "hindi ko alam kung kailan siya mamamatay." She chuckled.

I sighed deeply. "Well, kung icoconsider natin ang pagseselos ni Satana kina Maddie at Larryson, at ang tukaang magaganap mamaya, baka malaman natin kung sino ang killer?" I said with sarcasm and in total dismay. The gossiping is doing nothing to solve the mystery.

Napabuga ako ng hangin at muling napaisip. Base sa kwento ng babae'y sina Larryson at Maddie ang napagdidiskitahan. Well, maliban sa tatlong galing sa 19th, 18th at 17th. May duda pa rin ako sa kanila.

Hanggang sa...

Sumagi sa isip ko ang reaksyon ni Satana kanina. Parang may mga sangang magkakarugtong na ngunit hindi pa ako sigurado kung dapat bang pagdugtungin dahil wala pa akong matibay na ebidensya at kung ano ang motibo. Hindi ko pa mapagtagpi-tagpi ang posibleng dahilan ng mga pangyayari, mula sa kamatayan ni Nyl, ni Kyziel at ni Emerald pero pakiramdam ko'y may duda na ako kung sino ang posibleng accomplice ng killer.

Lumalim ang gabi. Himalang nahimbing na ang karamihan saamin. Dala siguro ng sobrang pagod sa mga kaganapan. Dinadalaw na ako ng antok nang marinig ko ang hagikgikan nina Rielle at Athena sa tabi ko.

"Ano na?" mahinang bulong ni Athena ngunit dinig ko padin. Nakatago silang pareho sa makapal na kumot mula sa lounge and locker area ng 16th.

"P-pag ba nakapatong na?" Natatawang bulong ni Rielle.

"Nangyayari na ang milagro sa sansinukob! Oh my gosh! Multuhin sana sila ni Syk." Bulong ni Athena.

"Dinig mo 'yon? Umuungol na! Hala nakuh, si Satana baka mamatay na sa selos." Untag ni Rielle sa kinahihigaan.

"Tanga, tulog na 'yon sa sobrang kalasingan. Brokenhearted sa relasyong hindi naman siya kasali."

Hindi ko alam kung hanggang saan umabot ang panonood ng dalawang chismosa sa tabi ko. Hindi ko na nalabanan ang sobrang antok. Nilamon ako ng dilim at nahulog sa mahimbing na hele ng gabi.

***

Isang nakakabinging fire alarm ang gumising saakin. Saaming lahat. Mabilis akong napapabalikwas. Nagsisitakbuhan na ang ilan saamin.

"Jusko, hubad sila!" naituro ni Athena sina Maddie at Larryson na tila nagulat din dahil maliwanag na ang buong paligid.

Alas onse y media na ng umaga. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kaninang madaling araw pero parang ipinagpasalamat kong mahaba ang tulog ko. May lakas kami para labanan ang killer. Leche siya.

"Rielle, grab some food...and water!" Malakas kong untag.

Mabilis na kumaripas ng takbo sina Rielle at Athena patungong kusina. Napansin kong tumatakbo nang may hawak na isang plastic bag na puno ng bottled water sina Bella, Nicolla, Kid at Satana. Kasunod na lumabas sina Ryanne, Simond at Andreas.

Parang naramdaman ng lahat na kakailanganin nila ng pagkain. Dala siguro marahil ng labis na pagkagutom kahapon. Pero ano bang mangyayari at bakit bigla na lang may fire alarm?

Sinagot 'yon ng isang text sa cellphone ko. Malakas ang sinet na ringtone ni Rielle kaya halos lahat ng mga naroon ay natigilan sa pagtakbo at napukol ang atensyon saakin. Maski man ako ay nagulat.

Nanginginig kong binuksan ang cellphone.

The text says:

The dig is dark.

A burrow of ebony.

Like a road of flood.

A tube where you can't breath.

But it is of gold,

Like a channel of survival.

Napaisip ako. Lahat tumakbo palapit saakin.

"W-what does it say?" kabadong tanong ni Vlad na halos hindi pa nagawang ayusin ang buhok.

"Mina! Heto na tubig!" Sigaw ni Rielle na galing sa kusina kasama si Athena.

"The dig is dark. A burrow of ebony. Like a road of flood. A tube where you can't breath. But it is of gold, like a channel of survival. " I read.

"Nagtext na naman ang put-"

Naputol ang reklamo ni Andreas nang biglang may malakas na pagsabog sa kusina. Tumitiling lumabas mula roon si Maddie na may hawak na dalawang bottled water. Mabilis siyang sinaklolohan ni Larry na kakatapos lang magbihis.

"What's the answer?" Untag ng nagugulumihanang si Satana. "What's the answer Mina?"

Muli, may sumabog na naman. This time ay sa mismong elevator kasunog ng sa may fire exit. Wala kaming daraanan pababa ng 15th floor. Prinoseso ko ang mga salita sa text.

Dig. Burrow. Road. Tube. Channel.

All of these are relating to a...

Tunnel.

"Tunnel. K-kailangan nating maghanap ng tunnel pababa. M-mukhang susunugin ng mastermind and buong 16th floor. Wala na rin tayong lulusutang elevator o fire exit." Bulalas ko habang napahigpit ng hawak sa cellphone nang mapansin kong masama ang tingin dito ni Andreas.

"I saw something since yesterday. May isang malaking circular seal sa pool!" Natas exclaimed. For the second time, siya na naman ang nakadiskubre sa lagusan. I'd check on him later.

"So hihintayin nating matusta tayong lahat dito? Vlad, Andreas, Simond, Kid! Dive and remove the seal!" Makapangyarihang utos ni Satana. Pinanlakihan nito ng mata ang mga lalaki na napilitan namang lumusong sa pool para hanapin ang tunnel.

Andreas dove first. Kasunod ni Vlad at Kid. Panghuling lumusong sina Simond na tila duda sa plano. Sabay-sabay silang lumusong pailalim sa gitna ng nine-feet deep na nasa sentro ng swimming pool.

Kabado na ang lahat habang hinihintay na matanggal ang selyo. Sunod-sunod na din ang pagsabog sa 16th floor.

Pag-angat ng mga lalaki ay dala-dala na nila ang one meter in diameter na puting selyo ng pool na nagdudugtong sa tunnel at sa 15th.

Hinahabol ni Simond ang paghinga nito nang maupo sa gilid ng pool. " Dinig kong sigaw ni Simond na muli na namang lumusong patungo sa pool.

"Mina, let's go!" Nagmamadaling hinila ni Rielle ang braso ko. Wala akong nagawa. Nagpatangay ako. Gusto ko din namang mauna.

Basta ligtas kami ni Rielle wala na akong problema.

Binalot ko ng plastic ang phone ko saka ko ibinulsa. Lumusong ako sa malamig na swimming pool. Nauna nang lumangoy sina Andreas, Simond at Natas. Nasa likuran namin sina Ryanne at Bella. Mukhang silang dalawa na lang ang magkakampi dahil pinangilagan na sila ng karamihan.

Nag-ipon ako ng hangin sa aking baga. Rielle had no problem holding her breath. Nasa swimming team na ito simula pa noong high school.

I can swim. But swimming in an underwater tunnel is a different story.

"Hold the air in your lungs and only release them when necessary, okay?" Tila swimming coach kong sabi ng kaibigan kong si Rielle. Tumango ito para bigyan ako ng lakas ng loob. "You'll go first and I'll watch your back. I'll save you this time."

I trusted Rielle. She's family to me. Kaya napatango ako saka lumangoy pailalim. Naramdaman kong nag-init ang gilid ng mga mata ko paglusong. I dove lower. Nahirapan akong lumangoy pailalim dahil sa hanging nasa baga ko.

I tried harder. I struggled for seconds hanggang sa maramdaman kong may mga pares ng kamay na tumulak sa paa ko pailalim. It was Rielle.

Madali akong nakalusot ako sa bungad ng tunnel. Habang pailalim ng pailalim ako sa tunnel ay nauubos naman ang hangin sa aking baga. Nauntog ako ng ilang beses dahil may kadiliman ang malaking tubo. Habang lumalangoy ay ilang beses kong hiniling na sana'y nasa dulo na kami ng tunnel.

Ilang beses hanggang sa halos maubusan na ako ng hangin.

Mabuti na lang at mabilis lumangoy si Rielle. Nagawa ako nitong unahan at mahigpit na hinawakan ang braso ko. She was really a good swimmer. She saved me.

Ilang segundo bago ako managutan ng hininga, nakita ko ang liwanag na nagmumula sa 15th floor. As Rielle gathered her strength upwards, malakas ako nitong nahila mula sa tubig. Naubo ako at lumabas ang mga tubig na nainom ko.

Pakiramdam ko'y pinipiga ang dibdib ko. Nahirapan akong huminga. Hinagod ni Rielle ang likod ko hanggang sa mawala ang paninikip ng aking dibdib.

Isang malaking aquarium ang nilabasan namin. Isang malaking aquarium na unang beses kong nakita kahit na sobrang tagal ko na sa MOS. I have never been on this floor. Isa ito sa commercial spaces ng MOS tower.

"Nice save Rielle." Dinig kong sambit ni Andreas na nakaupo na sa gilid ng hagdan na nasa itaas ng aquarium. Nagawa pa ako nitong kindatan kahit na nanganganib na ang buhay naming lahat.

Hindi na kami umimik pa ni Rielle. Tahimik kaming naghintay sa taas kung saan lumalabas ang tubig mula sa 16th. Lumabas ang hirap na hirap sa paghingang si Ryanne kasunod ni Bella.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa pagkakaligtas nila. 'Di pa rin talaga matanggal ang pagdududa sa loob ko. But a part of me wants them safe.

Sunod-sunod na nagsilabasan ang mga empleyado pagkatapos ng ilang minuto. Kasunod nina Bella ay ang mainit sa mata naming lahat na sina Larryson at Maddie. Mukhang hindi nahirapan ang dalawa sa paglangoy sa tunnel.

Nicolla came in next, followed by Vlad, Kid and Satana. All equally exhausted. Walang gustong umimik.

Nasa hagdanan na ang lahat nang bigla kaming pinigil ni Rielle.

"Wait, w-where's the nurse? Nasaan si Athena?"

"Holly crap!" Napamura si Kid. " Nakita ko siyang lumusong kasabay namin!"

"Oh god! Athena!" Napatakip si Satana ng bibig. Marahil ay may kutob na ito sa posibleng nangyari sa babae.

Akmang babalikan ni Vlad ang babae nang pigilan ito ni Nicolla. "Hindi na ligtas Vlad. Maghintay muna tayo ng ilang minuto. S-she might make it."

Hindi umimik si Vlad. Marahil ay naisip din nito ang posibleng mangyari pagbalik niya sa tunnel. Ilang saglit lang habang ang lahat ay nasa lawa ng katahimikan ay malakas na napatili si Nicolla.

Nakatingin ito sa mismong aquarium kung saan kami lahat galing. Sa aquarium na 'yon ay nakalutang ang ulo at kamay ni Athena habang ang katawan nito'y paikot-ikot sa aquarium kasama ng mga isda.

Athena's dead. The nurse was dead.

My instinct was right. Athena isn't the killer.

###