webnovel

3:02 Times Up

"Sweet Lips but im not your first kiss.It's 3:02 Time's Up lets BREAK UP." The Cover Photo is not mine... Source:Pinterest

sweet_KupKaKes · Teen
Not enough ratings
62 Chs

4

Trinity

Elaine

Nagsuot ako ng yellow na long sleeve at pinartner ko yun ng blue na palda na hanggang tuhod.Tulog pa ang dalawa gumising ako ng maaga syempre para maghanap ng school ko.Ewan ko kay ivy at kay Riri kung saan sila

Narinig kung tumayo si Riri sa kama niya at tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.Nakakaasiwa yun ah!

"Saan ka pupunta El?"tanong niya at hinawakan ang balikat ko nagulat naman ako sa ginawa niya

"Ah,maghahanap ako ng papasikang school bakit?ikaw ba may nahanap ka na?"tanong ko sa kanya at tiningnan niya ang kalendaryo niya at napatakbo siya sa c.r at sa tingin ko naliligo ito

"El!pakuha ng tuwalya!Panty at Bra ko!"nagulat ako sa sinabi niya grabe ibang klase tatakbo tapos walang dala ay nako!

Inabot ko sa kanya ang pinapakuha niya at matapos nun ay ginising ko si Ivy at tumayo na siya at pumunta na rin ng c.r kahit na mukhang tulog pa ang diwa nito

"Ahh!El pumunta tayo ng DellaSalle kasi duon ko unang gusto sumubok eh nasabi ko na rin kasi kay mama!"tumango ako sa sinabi niya why not naman kasi eh inayos ko ang buhok ko at inayos ang mga dadalhin ko

Handa na ako para sa pag-alis samantalang si Ivy ang bagal kumilos pag to hay nako!

"Okay ba El?"tanong saakin ni Riri tiningnan ko siya at tumango ako ang ganda nga ng suot niya eh.Cute niyang tingnan stripe na yellow tapos palda pa niya puti ganda ng terno

Ang pinagtataka ko lang pare-parehas kaming naka yellow hahaha!May kumatok sa pintuan kay nagpresenta na ako na ang magbukas ng pinto.Sa pagbukas ko ng pinto sumalubong saakin si Rosie na naka yellow din ay dyosko anong meron?

Outfit ng isa outfit ng iba?

Pumasok na siya syempre pinapasok ko at lahat kami nagsama-sama sa gitna at lahat kami tiningnan ang isa't isa napatampal na lang kami pare-parehas yellow

"Anong meron mga besh?Bat yellow lahat?Yellow day na pala ngayon?"nagtawanan kaming lahat hahaha ang saya ng ganito girls day aniya ng iba

Si Ivy naman ay naka off-shoulder.

Habang si Rosie naman ay naka t-shirt ng yellow at naka pants

Vaigan

"Ano pare?"tanong saakin ni Lary na childhood friend ko

"Bakit?"tanong ko sa kanya habang nakatutok pa rin ang aking mga mata sa bolang dapat kong tamaan

"Si Trinity kasi lumipad na ng U.S."napatingin ako sa sinabi niya at mabilis na umalis papunta ng Airport kailangan kong sunduin ang babaeng mahal ko

Nadinig ko ang pagsigaw ni Lary pero mas pinagtuunan ko ng pansin ang sasakyan ko.At nang makasakay ako ay siyang pagharurot ko sa sasakyan.Alam kong nakasunod saakin si Lary

Kailangan kong sundan si Trinity ayokong mawala siya saakin dahil lang sa magulang niya.Ang mas pinagtataka ko kung bakit di niya ako sinabihan okay pa kami kahapon ah?

Bakit ngayon!?

May muntik na ako makabangga pero mas priority ko si Trinity kaysa sa ganyan

Rosie

Habang naglalakad kami ay naramdaman ko na nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito nagpahuli sa paglalakad

Lary is calling....

Bat naman napatawag ito.Agad kong sinagot ang tawag niya

"Hello?"tanong ko at ilang segundong walang sumasagot kaya tiningnan ko ang screen at di pa naman naka-end call ah?

"Hello rosie!Si trinity ba tumawag sayo?"tanong niya saakin

"Hindi bakit?"tanong ko pabalik at sumakay na kami ng jeep papunta sa Paco, at bababa sa Estradacorner Leon Guinto Sr.

"Tawagan mo si Trinity!Ngayon na si Vaigan papuntang airport ngayon para sundan si Trinity."nanlaki ang mata ko inend ko agad ang call niya saakin at denial ang number ni trinity

"Hello trin!nasan ka?"naririnig ko ang ingay ng tao sa background niya

"Hi sis..nasa airport na why?"tanong niya at narinig ko ang oagtatanong ni tito kung sino ang kausap niya

"Ano kasi si Vaigan nalaman na niya na aalis ka."ilang segundo rin siyang natahimik sa kabilang linya

"Sana makaabot pa siya...para makapag paalam lang ako."

Vaigan

Nakarating na ako sa Airport at hinahanap ko si Trinity at mukhang siya na yung nasa terminal.Tumayo na sila mukhang sila na ang papasok sa plane.Sumigaw ako wala akong pake kung pagtinginan man ako ng ibang tao

"Trinity!"

"Trinity!"

"Trinity!"

Lumingon siya saakin at gulat ang emosyon ng kanyang mga mata at nakita ko rin ang papa niya na nilalayo na si Trinity saakin.Nang makaabot ako sa hantungan ay nakiusap pa ako sa papa niya

Umiiyak na ako di ko na alam ang gagawin ko!Wala akong magawa kundi tingnan na lang ang babaeng mahal ko na lumalayo saakin

"Trinity!"

Riri

"Oyy!"untag ko kay rosie mukhang tulala eh

"Ah?bakit?"ngumiti lamang ako sa kanya at umiling

Bumaba na kami at naglakad kunti na lang at malapit na kami sa DellaSalle.Nagkukwentuhan lang kami dito pero na pahinto kami dahil si rosie naiwan sa likod

"Oyy rosie!"sigaw ni ivy sa kanya at bumalik sa huwisyo si Rosie at kahat kami nakataas ang kilay na parang bang naghihintay ng isasagot niya

"Ahh may problema kasi eh."sagot niya at napasimangot siya nagkatinginan naman kami ano ba yun?pakiramdam ko napaka-bigat namanata nun

"Share mo naman oh!"sambit ni Elaine at binigyan siya ng tubig galing sa kanyang bag laging handa talaga si elaine hahaha

"Yung friend ko kasi umalis na ng Pilipinas lilipad na siya ngayon papuntang U.S di ako nakapag-paalam."malungkot na sabi nito at pinunasan ang kanyang luha at ngumiti saamin hinawakan ko ang kanyang kamay at tumingin siya saakin

"Andito pa naman kami eh!Kami ang magiging sandalan mo ngayon!"sumang-ayon ang iba saakin at niyakap namin siya gruop hug!

"Thanks guys ah!Napagaan niyo yung loob ko kahit papaano."ngumiti kami sa kanya at ngumiti rin siya saamin sa mha gantong pangyayare dapat nagdadamayan ang magkakaibigan sila lang ang masasandalan mo kapag wala ang mga magulang mo

"Tara na nga!"at umalis na kami

THIRD

Kasalukuyang umiinom si Vaigan sa isang Bar kasama ang kanyang mga tropa maraming nasa isipan niya.Kung paano siya magsisimula na di kasama ang kanyang babaeng mahal.

"Oh pare!"sabay na abot ng isang beer sa kanya na kasabay nun ay ang paglagok niya dito

"Kawawa ka naman pare!Sana tinali mo na lang para di na makaalis!"nagtawanan ang lahat ng kaibigan niya at tumayo siya at kinuwelyuhan nito ang lalake

"Ang ibig mo bang sabihin ay gawin kong aso ang girlfriend ko para di na siya umalis ganon ba?!"nagpipigil na siya na suntukin ito dahil nasa katinuan pa naman siya at ayaw niyang gumawa ng gulo

"Oo,bakit?"mas napuno na ito sa pagsagot sa kanya kaya naman sinuntok na niya ito at nagkaroon ng gulo sa loob ng bar

Inawat naman sila ng bouncer duon at lumabas si Vaigan para magsindi ng sigarilyo.Nang masinidhan na niya ito ay dinanito napaigilan na umiyak napasipa na lamang siya sa isang bato.

"Trinity!"sigaw nito at tinapon ang kanyang sigarilyo at sinuntok ang isang puno di nito alintana ang sakit ilang minuto rin itong di tumigil

Pangungulila,Sakit,at Galit ang nararamdaman niya sa kasalukuyan.Pangungulila dahil wala ng gagawa ng kanyang breakfast kapag pareho silang nasa condo niya.Titig sa kanya sa pagtulog.Yayakap sa likod at hahalik sa kanyang leeg na parang ngayon lang nagkita at ang babaeng di magsasawang sabihin ang i love you sa kanya.

Sakit dahil sa pag-iwan sa kanya ng walang paalam.Di niya mawari kung bakit ganun na lang ang kinahantungan ng kanilang relasyon na parang opos ng sigarilyo na basta na lang itinatapon pag ubos na

At Galit sa kanyang sarili dahil na rin di niya naipaglaban ang kanilang relasyon sa kanyang mga magulang.Di niya alam kung bakit ayaw sa kanya ng magulang ni Trinity kahit na mayaman at mabuti naman ang pamilya nito.Galit rin sa babaeng mahal niya dahil di man lang ito nagpaalam sa kanya

Maraming tumatakbo sa kanyang isipan.Napagpasyahan niyang umuwi na lang sa kangang condo at duon uminom walang makakahadlang sa kanya ruon.Dumaan siya sa isang store at bumili ng ilang beer.

Pagkarating niya sa kanyang condo ay agad siyang umupo sa kanyang sofa at walang ano anong nilagokan kaagad ang beer.Gusto lamang nito na makalimot sa lahat ng problema nito

Napatingin na lang ito sa kanyang kisame at nag-iisip ng mga bagay na sana ginawa nilang dalawa noong hindi pa nilalayo sa kanya ang kanyang babaeng mahal.At biglang niyang naalala ang lahat mula umpisa ang mga bagay na nakakapag pasaya sa kanilang dalawa,mga bagay na sabay nilang ginagawa lahat-lahat.

"BAKIT!?BAKIT MO KO INIWAN!"