webnovel

Kabanata 8

Kabanata 8

Fun

Mas pinili kong umakyat sa kuwarto at magpahinga kahit hindi ako pagod. For some reason, I felt like I wouldn't last an hour hanging around with them anymore. Not after what I saw.

"Bakit nagpaulan ka kasi?"

I looked up and met Kuya's curious eyes. Mayroong pag-aalala roon na minsan ko lang makita. Madalas ay noong mga bata pa kami.

Nanginginig akong nagkibit balikat.

Hindi ko tuloy alam kung dapat ba akong matawa dahil mukhang hindi na bagay iyon sa kanya ngayong medyo nag-iba ang itsura mula noong huli siyang makita. He grew stubble and definitely changed his haircut from brush cut to high taper fade. Ang pangangatawan ay medyo lumaki rin kahit maliit lang naman ang ibinago noon kumpara last time.

His appearance perfectly suits his brooding, grim expression, nevertheless. Kung wala nga akong ideya tungkol sa kanya o sa pagkatao niya, iisipin kong suplado rin siya katulad ni… ni Nate.

"I saw them." I said softly.

"I know. They're probably hanging out. Hindi ko alam, baka they're into it."

Nag-iwas ako ng paningin. I feltl so sad it ruined the vibe. Sa isip ay gusto kong bigyan ng interpretation ang nakita. Marami akong naiisip pero alinman sa mga iyon ay walang magpapaliwanag kung bakit sila ganoon noong makita ko.

Because it's goddamn clear that they're making out! At the secluded part of the front yard! While it's fucking raining!

Kahit anong gawin kong pangungumbinsi sa sarili na baka may rason siya, at maaaring reasonable iyon, ay hindi ko mapilit ang sariling huwag mag-isip ng mga ganoon. I can't help it.

"Si Tita Rosamund ba ang naghatid sa 'yo?"  Si Kuya ulit.

Inabala ko ang sarili sa pagbukas ng backpack at paglabas ng ilang mga naimpakeng gamit doon. I sorted out my clothes on the bed as I put out my phone charger, earbuds, and sunscreen.

"Are they dating?"

Naramdaman kong sumulyap si Kuya sa akin pero hindi ko sinalubong ang mga mata niya.

Gusto kong itanong mismo iyon kay Nate. Malaman ang sagot mismo sa kanya. But I know I can't do that yet. At kung sakaling makakaya man, paniguradong lilihis muli ang topic at hindi ko na iyon mababalikan sa takot na malaman ang iba pang detalye.

I was mad and a bit… scared to find out.

"No, as far as I can tell. But who knows? Baka hindi lang nila sinasabi dahil strikto at mausisa si Erwan. O baka may iba pang dahilan bukod doon. It's seriously not our problems."

It is, though. He is my problem. I have to deal with him because I simply cannot ignore him, along with what I saw earlier.

"Magpahinga ka muna. Bumaba ka na lang kapag ayos na ang pakiramdam mo. We'll have a house party later, pupunta ang ilan sa mga bagong kaibigan ko. You have to be there too!" Kuya said.

Pagod akong tumango bago humiga sa kama.

Dilat ang mga mata ko noong isara niya ang pinto at medyo kumulimlim sa loob. Rinig pa rin mula rito ang patuloy na buhos ng ulan kahit nakasarado ang bintana, ngunit hindi ko ramdam ang lakas noon. Di hamak na mas maingay pa yata ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko na kahit ang pagbagsak noon sa labas ay hindi ko alintana.

Kinuha ko ang phone para mag type ng message doon. I informed Mama as well as my friends about my safe travel. Sinabi ko rin kay Mama na nakarating kami rito safe and sound, at umaaasang makakapag usap sila ni Tito Lucio.

Hindi ko sinabi kay Colleen ang naabutan. Sa hindi matukoy na dahilan, mas gusto kong ikubli muna sa sarili iyon hangga't hindi pa kami nakakapag usap ulit ni Nate. Panigurado kasing papanigan agad ako noon at hindi na muna maiisip ang side ni Nate.

Not that I am saying she's like that, pero malaki ang posibilidad na ganoon nga ang mangyari. Isa pa, gusto ko ring marinig muna ang paliwanag ni Nate, kung mayroon man. God knows how much I wanted to believe him.

Patuloy ang buhos ng ulan kasabay ng pagdaan ng maraming isipin sa utak ko. Inabot yata ako ng ilang oras na nakahiga roon, gising ang diwa, at nilalamon ng kagustuhang malaman ang sagot. I went downstairs after I took a half-bath.

Buti hindi ako sinipon kahit nalipasan ng ilang sandali bago nakaligo. Hindi rin naman kasi masyadong nabasa ang likod o ulo ko, at saka natuyo na rin iyon kahit papaano ng towel kanina.

Naabutan ko sina Ares at Erwan sa living area na naglalaro ng video game. Hindi ko alam ang tawag doon pero mukhang intense at competitive sila. Mayroong isang babae roon na kasama yata ni Erwan.

Medyo nagtaka nga lang ako dahil hindi iyon ang natatandaan kong nakakasama niya dati.

"Kumusta, bro?"

"Quite well, thanks Ares. Who's winning?"

"Ako syempre!" Singit ni Erwan.

Inirapan siya noong katabing babae saka marahang bumaling sa akin. Nag iba ang expression nito noong makitang nakatingin ako.

"Hi, I'm Dani," Nakangiting sabi ng babae.

I smiled and then slowly nodded. "Andre."

"Taga Maynila ka?"

"Oo, umuuwi lang dito tuwing bakasyon. Medyo late lang ngayon dahil sa graduation namin two weeks ago."

Nilingon ko ang front door noong bumukas iyon at pumasok ang ilang kalalakihan. May iilang babae rin silang kasama pero mas kakaunti kumpara sa mga lalaki. Huling pumasok si Kuya na lumawak ang ngiti noong mahanap ang mga mata ko.

"Wow, ibig sabihin magkokolehiyo ka na sa susunod na taon? Saang university ka naman mag-aaral?" Namamanghang tanong ni Dani sa gitna ng pagsuyod ko sa mga bagong nagdatingan.

I looked back at her. "Hindi pa sigurado pero magsusubok akong mag apply sa lahat ng paaralan na malapit lang sa amin. Para marami ring option."

Tumango siya at uminom sa grape juice na nakapatong sa mesa. Ngumiti ulit ako noong makita iyon dahil mukhang pareho kami ng paborito.

"Ikaw, saan ka nag-aaral?" Tanong ko.

She cleared her throat before she smiled. "Diyan malapit sa bayan, hindi ganoon kalayo rito. Kumpara sa inyo, paniguradong maliit lang iyon at 'di hamak na limitado sa kagamitan."

"I'm not quite familiar with that part of this town but I think it's not too bad. Baka nga mas masarap pang mag-aral doon kaysa sa Maynila, bukod syempre sa mismong edukasyon na mayroon sa siyudad."

"I agree… Pero gusto ko pa ring maranasan kahit ganoon."

I nodded. Hindi na ako nagsalita dahil nagsimula ng umingay ang sala. Sinulyapan ko ulit ang grupo ng mga barkada ni Kuya at napansing wala ni isa sa mga iyon ang kilala ko.

Iyon nga siguro ang nasabi niya kaninang mga bagong kaibigan.

"Saglit lang…" Paalam ko kay Dani saka tumayo.

Nilibot ko ang paningin sa hindi matataong sulok ng living area, umaasang makikita roon si Nate, ngunit hindi ko siya nakita. Narito pa kaya si Remi?

Are they hanging around somewhere?

"Andre!" It was Eloise's voice.

Paglingon ko ay halos ilang talampakan na lang ang layo namin sa isa't isa. Malapad ang ngiti niya noong makalapit pa lalo. Hinihingal at medyo natatawa siguro sa sarili, hindi agad siya nakapagsalita.

"What are you doing here?" Natatawa na ring tanong ko.

"I was invited!"

My lips parted. Napatango ako kalaunan noong matanto na nagkaayos na sila ni Kuya. O baka noon pang nakabalik ako ng Manila iyon nangyari. I'm sure it would happen, anyway, so hindi na ako masyadong nagulat.

Medyo natuwa lang na hindi niya na kailangang mawala sa mga ganitong party na kami lang halos ang nagkakausap.

"That means you and Kuya Alaric are good now, then?"

"I guess so… But it's purely because I'm helping him with something."

Kumunot ang noo ko at pinagtaasan siya ng isang kilay. Umaasa akong makukuha niya ang ibig kong sabihin at dapat magpatuloy siya pero mukhang hindi niya iyon inintindi. Sa halip ay hinatak niya ako papunta sa french door palabas sa poolside.

Umihip ang malamig na hangin noong makalabas kami. Nanginig ako roon dahil bukod sa manipis ang suot na beige linen t-shirt at black drawstring shorts ay talagang may halong ginaw talaga iyon. Huminto ako saglit dahil sa bandang ito na lang bahagyang maliwanag.

"What is it, Eloise?"

"I think Alaric still likes Brie." Bungad niya matapos lumingon lingon sa paligid.

My eyes narrowed. Gusto kong paniwalaan ang sinabi niya ngunit hindi ko pa tuluyang napapansin iyon kay Kuya. Last year noong huli kaming magkausap.

He thought no one could see right through him but I did. Pero matagal na iyon st nasisiguri kong marami na ang nagbago sa nakalipas na isang taon. O baka hindi ganoon karami pero nasisiguro kong kahit papaano, nabago pati ang pakiramdam niya.

Maliban na lang kung gusto nga talaga niya ng ganoon si Brie. Which is quite hard to believe. Nasisiguro ko rin kasing marami siyang naka fling at nakausap nitong nagdaang mga buwan kaya imposibleng si Brie pa rin ang nagugustuhan niya.

"Paano mo nasabi?"

"Napansin ko lang. Sinabi ko hindi ko ito babanggitin kapag nakauwi ka kasi wala pa akong ebidensiya pero hindi ko mapigilan."

"Baka guni-guni mo lang 'yan."

"No… I swear! Halatado kaya!"

Tumango tango ako, sinusubukan na magmukhang interesado sa topic kahit medyo hindi naman. Siguro dahil okupado lang ni Nate ang isip ko kahit naintriga noong una sa chismis niya.

"Tingnan mo, one week or two, tiyak mapapansin mo rin 'yan."

"How is Brie, by the way?"

"She's, uh, all right? Tingin ko mas okay ngayon kaysa dati. Mama stopped forcing her about marriage but…" She trailed off.

"But what?"

Bumuntong hininga siya. "I think she's still proceeding with the idea of marrying off her daugher to someone."

Kumunot ang noo ko bago maintindihan iyon. "Then you should do what Brie did too."

"I can't do that!"

"Bakit hindi? For sure madali lang naman makaisip ng paraan kung sakali. O kung mas gusto mo idiretso, kausapin mo si Tita Kristen. Pakikinggan ka naman siguro noon."

Tumango siya kahit nakabusangot pa rin ang mukha. Naupo siya sa sun lounger kaya naupo na rin ako sa katabi niya. Natahimik siya saglit bago nakapagsalita ulit.

"Pero paano kung tanggapin ko?"

I looked at her intently. Seryoso siya at mukhang malalim ang pag-iisip.

"I mean, nobody truly likes me, or even admires me that much. Kung papayag ako sa gusto ni Mama, baka iyon pa ang mag work para sa akin. Brie clearly doesn't fit with that kind of story because apparently, someone likes her, unlike me." She explained.

Hindi ko alam kung anong sasabihin. Malungkot ako syempre na marinig iyon sa kaibigan. At nasisiguro kong mas malungkot at nasasaktan siya sa ganoong klase ng pananaw sa sarili.

I took a deep breath. "That's probably the sickest thing I heard in my entire life."

"But it's true, though."

"It's not! Noong last summer nga, alam mo bang narinig ko sa mga barkada ni Kuya na may gusto sa 'yo si Hector?"

Nanliit ang mga mata niya bago tuluyang manlaki sa sinabi ko. Wala akong planong sabihin iyon kanina dahil una, hindi ako sure kung ganoon pa rin ba ang pakiramdam ni Hector sa kanya, at pangalawa, ayokong magbigay ng false hope lalo sa kanya.

Kaso dahil ganito siya kalugmok at mas gugustuhin kong mabawasan iyon kahit papaano, sinabi ko na lang. Wala naman sigurong mawawala kung sakali.

"A-And that's probably the sickest prank I've heard my entire life-"

"It's not a prank! Narinig ko mismo habang naroon ako. Sa akin pa nga kinuwento ni Ares!"

"Then why are you telling me this?"

Natigilan ako. Dahil ayokong malungkot siya?

"I don't know. Pero huwag kang umasa, baka hindi ka na gusto noon ngayon."

"I'm not! Nabigla lang ako. So totoo nga?"

"Oo…"

Umawang ang mga labi niya at saglit na natahimik. Mukhang may binalikan yatang interaksyon nila ni Hector at maaaring nag iisip na kung paanong hindi niya nahalata. O baka hindi naman at iba lang ang iniisip niya.

"Um, do you know anything about Remi… and Nate?"

Matagal bago siya lumingon sa akin.

"They're hanging around. Iyon lang ang napansin ko, since hindi ko naman obviously pwedeng tanungin kay Remi mismo."

"Matagal na?"

Nag-isip siya ng mabilis sabay iling.

"Tingin ko may ibang gusto na si Hector. Mayroon siyang madalas na kasama na kaklase niya yata last month e."

Tinitigan ko lang siya kahit ang isip ay lumipad na sa paggugunita sa huling usapan namin ni Nate. Bago ako noon malasing isang gabi bago ang graduation party. When Colleen and I got drunk from club hopping.

Simple lang iyon at maiksi. But we're good. Walang anumang bakas na napipilitan na lang makipag usap sa akin. At kung totoo ngang napililitan siya kahit hindi iyon halata, sana hindi na lang niya ako kinausap. Mas madali iyon kaysa itago na interesado pa siyang kausapin ako.

Unless he slowly got bored and when Remi started hanging around, they just immediately got closer. Baka nga ganoon.

Pumasok kami ulit sa loob makaraan ang halos kalahating ora na naroon sa poolside. Marami sa mga bisita ni Kuya ang medyo lasing na at maiingay sa kuwentuhan, habang kami ay hindi pa at wala pang naiinom.

"Wait, Hector is there…" Eloise whispered.

Hindi ko siya inintindi kahit bahagyang nasaktan sa paghawak niya sa braso ko. Natawa ako noong puwersahan niya akong itulak palayo sa gawi nila.

"Paano ako makakakuha ng beer?"

"Ikaw na lang ang kumuha, hihintayin kita rito."

I chuckled at her reaction. Sinamaan niya ako ng tingin na nagmukha pang malamlam sa paningin dahil sa kahihiyan.

"Dapat hindi ko na lang talaga sinabi sa 'yo…"

"Huwah kang maingay!"

I shrugged my shoulders off. Nagpatuloy akong lumakad papunta sa grupo at muling bumati. Kuya was laughing that's why he didn't notice me. Kinuha kong pagkakataon iyon para hindi na masabit at muling makapuslit pabalik kay Eloise.

But then I saw Nate among the crowd at the side of Kuya's. Mukhang may kausap siya sa ilang nandoon at nagtatawanan pa. Malabong makita niya ako maliban kung lilingunin talaga ang direksyon ko.

Remi was not there, though. Sa tingin ko nga wala siya rito at nakauwi na mula kanina. That's weird. Kasi kung ako ang nasa posisyon niya, mananatili pa ako rito hangga't hindi pa nasisigurong wala akong babanggitin sa Kuya niya.

Maybe she's that confident, huh, that I won't tell a goddamn soul. Diyan siya nagkakamali.

"Hey," isang lalaki ang hindi ko napansing lumapit sa akin habang nakatanaw roon.

Nataranta ako at inisip na baka narinig iyon ni Nate at humarap pa rito! Buti hindi at mukhang natakpan ng malalakas na tawanan ang boses ng lalaki.

Naglipat ako sa kanya ng tingin.

"I'm Trevor. What's your name?" Naglahad siya ng kamay.

Nag-aalangan akong makipag usap sa kanya rito kaya hindi ko rin agad natanggap iyon. He took my left hand, though, and slightly caress my palm as he held it. Tumikhim ako kaya mabilis niyang binalik muli sa akin ang palad.

"Andre."

He smiled. Hindi ko alam pero mas naging pleasant ang itsura niya noong gawin iyon. Kanina kasi'y mukha siyang suplado at iisiping hindi palakaibigan. Ngumiti rin ako kahit naging pilit.

"Are you Alaric's friend too?" He screamed.

Lumapit pa siya ng kaunti hanggang sa leeg ko para marinig ko iyon saka bumalik sa dating distansiya.

Umiling ako. "No, I'm his brother."

"Oh, then it's nice to meet Alaric's brother. I'm one of his classmates, but we're not really that close."

"I see… it's nice to meet you, Trevor. Um, do you mind waiting a second? I need to bring this to my friend. Ihahatid ko lang tapos pwede tayong mag-usal ulit."

"Sure, sure." Tumatangong sabi niya.

Tumulak ako at lumakad pabalik sa sofa na kinaroroonan ni Eloise. Ramdam kong nakasunod si Trevor sa akin kaya tahimik kong ibinigay lang iyon sa kaibigan.

Nagtataka pa ito sa pagmamadali ko pero hindi na ako nag explain. Hindi rin naman na siya nagtanong kaya naging madali na iypn.

Noong bumaling kay Trevor, ngumiti siya sa akin. I smiled too and then started walking towards him. Sumabay siya sa lakad ko noong makalapit ako sa kanya at sinundan ako kung saan.

"I don't see you that often. Sa ibang school ka ba nag-aaral?" Tanong niya habang mabagal kaming lumalakad.

"Ah, oo. But I actually live in Manila. Doon din ako nag-aaral."

Huminto kami sa couch malapit sa grand staircase kung saan mas kakaunti at 'di hamak na mas tahimik ang mga tao. Naupo ako sa isa sa mga couch doon at isinenyas ang katabi para sa kanya. Umupo siya roon at tumingin sa harap kung saan tanaw pa rin ang sala.

"Hmm, that explains why," he mumbled.

Nag-isip ako saglit ng pwedeng sabihin dahil ayoko namang magmukhang hindi masyadong interesado sa usapan. Lalo mukhang gusto niya akong kausap. Tumikhim ako noong makita na lumipad ang paningin niya sa living area.

"You know what, I'm a bit shocked when you told me that you and Kuya Alaric aren't that close. I mean, you looked like someone who could get along with him." Natatawa kong sabi.

Nilingon niya ako. "What do you mean?"

"Ewan ko. I guess you just looked like someone he could be friends with."

Naningkit pa lalo ang singkit niyang mga mata. Nagtagal tuloy roon ang paningin ko. "Well, I'm definitely not a fuckboy…"

Matagal bago ako naka react dahil talagang nagulat. Nalaglag ang panga ko at nanatiling nakaawang ang mga labi noong maproseso ang sinabi niya. Kabado akong tumawa.

"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin!"

"I know, I'm just kidding." Humalakhak si Trevor.

"Nakukuha mo naman siguro 'yon." I laughed.

"Medyo. Hindi lang siguro talaga kami pareho ng interest."

Tumango ako. Kahit hindi niya na ipaliwanag ay naiintindihan ko iyon. Siguro iyon nga ang dahilan kaya gusto ko ring ipahiwatig na nakukuha iyon para hindi niya na i-explain.

"You have a boyfriend back home?" He asked after a short while.

My lips parted a bit but no words came out. Gusto kong hanapin ang intensyon sa likod ng katanungang iyon sa mukha niya ngunit wala akong makita. Nanatili lang ang mga mata niya sa akin na parang seryoso at nais talagang malaman iyon mula sa akin.

I swallowed when I felt a lump on my throat. Nahirapan akong gawin iyon kaya matagal ding nakasagot. Pakiramdam ko gusto niyang itanong iyon mula pa kanina ngunit hindi ko naisip na itatanong talaga niya iyon!

Trevor chuckled, "I'm just curious… But you don't really have to answer –"

"No! No, I have no boyfriend… or girlfriend in Manila." Pahina nang pahina ang boses ko hanggang sa huling salita, iniisip na hindi na kailangan pang sabihin ang mga iyon.

"I see… Wait, have you ever been in a relationship before or…"

I bit my lower lip. Habang tumatagal ay hindi na ako nagiging kumportable sa usapan.

"Hindi pa."

"Oh, interesting. Well, I'm sure you've at least kissed someone before."

Pilit akong tumawa pero hindi diretsong sinasagot iyon. Nakuha naman siguro niya ang gusto kong mangyari kaya hindi na dinagdagan pa ang naunang sinabi. Sinubukan kong tumayo nang marahan at saka sumulyap sa kanya, medyo pawis ang leeg at ang noo. Tiningala niya ako.

"I'll… I'll be right back."

He nodded. Tipid siyang ngumiti noong magsimula akong lumakad palayo patungo sa hagdan. Nilingon ko siya saglit at nakitang nasa sala ang paningin nito. Nagpatuloy ako bago pa niya mahuli na nakatingin sa kanya.

Pumasok agad ako sa loob ng banyo noong makarating sa sariling silid. Bigla akong nainitan kahit hindi naman masyadong mainit sa ibaba.

I stared at my reflection in the mirror as I tried to catch my breath. Naghilamos ako saglit saka muling sinipat ang sarili sa salamin bago tuluyang makumbinsi na bumalik ulit sa iniwang kausap.

It looked like he patiently waited for me. Ngumiti ulit siya noong mapansin akong palapit. I smiled too. Tahimik akong umupo sa tabi niya at kinuha ang ipinatong na beer sa tabi.

"You okay?"

"Hmm…" I whispered softly.

Inayos ko ang drawstring ng shorts noong maramdamang sumisikip iyon lalo noong makaupo ako sa tabi niya. I felt his eyes on me as I fixed it. Napalunok ako.

Tahimik lang kami roon ng ilan pang minuto, nagmamatyag sa daloy ng party kahit wala naman halos nangyayari roon bukod sa salitang tawanan ng mga grupo.

"I don't have a boyfriend too."

I looked at his way and saw his slanted eyes, also looking at mine. Napatitig ulit ako roon pero mabilis ding nakabawi.

"Pero nagkaroon ka na ng boyfriend dati?" Tanong ko para hindi medyo mailang sa usapan.

Kahit papaano ay nasasanay naman na ako. Hindi nga lang lubusan at bahagya pang nagugulat sa unpredictable na pagpapatakbo niya ng topic. Subalit nagagawa ko pa ring maging bukas sa ibinabahagi niya.

"Oo, dalawang beses lang yata. Hindi masyadong seryoso ang iba." Nakangiti niyang sagot. "It's actually a lot more fun to just hang around, sleep together, and all, than be in a serious relationship."

"What do you mean?"

"I don't know. Siguro nakakapagod lang din minsan kapag masyadong committed sa isa't isa. At least based on my last relationship."

Tumango ako. Wala akong ideya sa sinasabi niya kaya hindi ko rin alam kung dapat bang sumang-ayon o hindi. Sa una, syempre medyo naintriga, pero baka iyon talaga ang pananaw niya base nga sa na experience kaya inintindi ko na lang. Hindi ko rin naman pwedeng husgahan siya dahil iyon pa lang ang bahagi na naririnig ko.

Basta ako, iba ang gusto ko.

Nagpaalam ako kay Trevor makaraan ang ilang oras na pakikipag-usap sa kanya. Hindi ko maitatangging nakatulong iyon kahit papaano para maisantabi ang labis na pag-iisip sa isang bagay lang. Lalo dahil unti-unti akong nilalamon ng isiping iyon bago bumaba rito kanina.

"Sino iyong kasama mo?" Nang uusisang tanong ni Eloise noong daluhan ko siya ulit sa sala.

"Trevor. Kaklase yata ni Kuya."

Matagal bago marahan siyang tumango, naiwan ang mga mata roon sa pinanggalingan ko. Natawa ako noong matanto na hindi halos siya umalis sa kaninang pwesto at narito pa rin sa gilid.

"So, how's Hector?"

Saka lang bumalik ang paningin niya sa akin. Namumula ang mga pisngi niya at mukhang hindi pa kinaya ang kahihiyan.

"Anong mayroon kay Hector?"

I laughed, "Come on, I know you've been keeping an eye on him from here, too far from where they are, so that he won't notice you watching him!"

"Andre, tumigil ka nga!" Nanlalaki ang mga mata niyang sigaw.

"Totoo naman?"

"Maski na! Baka marinig ka!" She grumbled.

Natawa lalo ako sa riin ng pagkakasabi niya. Humalukipkip siya at bahagyang sumandal sa couch, pumikit saglit bago muling magdilat at tumingin sa bintana.

"I don't think he still likes me…"

"Siya ang may gusto sa 'yo kaya bakit ikaw ang susulyap sulyap sa kanya? Hayaan mo siya. Be unapproachable! Mas gusto nila ng ganoon. At kung sakali nga na hindi ka na gusto, e ano naman?"

Huminga siya ng malalim. Sa itura ay mukhang kahit hindi sang-ayon sa lahat ng sinabi ko ay gusto pa rin niya itong pakinggan.

"Wala pa akong alam sa kanila dahil nga kababalik pa lang, pero nasisiguro kong tutuksuhin ulit 'yan nina Ares o Erwan sa mga susunod na araw. Doon natin makukumpirms kung ikaw pa rin sng gusto."

"Paano mo naman nasasabi na epektibo nga kung magmumukha akong unapproachable?"

Tumigil ako sandali para mag-isip.

"Kasi alam ko! At iyon ang napapansin ko madalas sa ilan sa mga kaklase ko noon kapag may kuton silang may crush sa kanila ang kung sino man."

"Nasubukan mo na?"

"H-hindi… Pero epektibo 'yan!"

"Paano kung ayaw niya sa nonchalant?"

"Paano kung gusto niya?"

Natahimik ulit kami bago sabay na matawa. Patuloy ko siyang binuro habang lumalalim ang gabi. Nakakatuwa na makita siyang ganoon imbes na lugmok sa insecurities. Kaya siguro sinubukan ko ring gawin ito.

Habang tumatagal sa usapan ay nanunumbalik muli si Nate sa isipan ko. Ganoon din ang nangyari kay Trevor kanina kaya nagpaalam ako at iniwan siya. Ngayon na nararansan muli iyon kasama naman si Eloise, hindi ko na talaga alam ang gagawin.

I swallowed hard after I finally made a decision. Matagal bago ko nakumbinsi ang sariling hilahin ako patayo roon, maghintay sa labas ng silid niya noong patapos na ang party, at lubusang isipin kung paano siya sisimulang kausapin.

Kaya noong naroon na ako, nakaupo at nakasandal sa wall katabi ng nakasaradong pinto, nakatitig sa kaharap na wall habang nakasadlak sa malamig na hallway ay wala akong maisip kundi ang maaaring isagot niya.

Will he tell the truth?

Bakit naman siya magsisinungaling kung sakali? Not that he wanted to protect me from hurting. No. Kasi alam naman siguro niya na nasaktan na ako noong makita pa lang silang naghahalikan. Kaya wala ng punto kung magsisinungaling pa siya para lang hindi ako masaktan.

Or maybe he just doesn't care at all.

At iyong interes niya na ipinakita noong bago matapos ang bakasyon last year at bago ako umalis hanggang sa noong nakakapag-usap kami through video calls ay maaaring naglaho at unti-unti ngang nawala. Siguro nagsawa siyang kausap at kasama ako.

"What are you doing here?" Nate's voice echoed.

Napatayo ako mula sa sahig ng hallway noong lingunin siya. Gulat at medyo nahirapang hagilapin ang mga salita na kanina ko pa pinag-iisipang sabihin.

I cleared my throat before I spoke, almost indistinctly, "I-I was waiting for you."

Marahan niyang itinuloy ang nabiting lakad palapit sa akin, kung saan ang pinto ng kwarto niya. Noong magkaharap at sobrang lapit na sa isa't isa ay hindi halos ako makahinga.

It was his rugged scent that made me quite dizzy. Naaamoy ko pa ang alak sa paghinga niya kahit hindi gaanong ibuka ang mga labi, tila kabisado ng katawan ang mga bagay na naaamoy mula sa kanya.

Bigla akong nanghina ngunit hindi ko iyon ipinahalata. Tumikhim ako.

"I was hoping we could talk…"

His chiseled jaw clenched. Halata ang pagpipigil doon na magsalita na mas ikinabahala ko. Is he pissed?

Bakit siya maiirita o maaasar kung siya mismo ang nahuling may kalokohang ginagawa? Sa aming dalawa, ako dapat ang maasar sa kanya!

"Get inside." Utos niya.

Pinihit niya ang doorknob at marahang binuksan iyon, sapat upang makapasok ako. Lito akong tumango saka maingat na tumuloy sa loob. Rinig kong sumunod siya kaagad at sinarado pa ang pinto noong tuluyang mapasok.

"H-hindi naman siguro tayo magtatagal mag-usap kaya hindi na rin kailangang pumasok pa rito."

"Someone could see us."

Naikuyom ko ang kamao sa lamig ng pagkakasabi niya roon. Tama rin naman at nakukuha ko ang punto niya na baka makita kami ni Kuya na nag-uusap, pero aware din naman ito na medyo close kami ah.

O baka dahilan lang niya ito para ma-solo ako sa teritoryo niya at hindi makapalag sa anumang sasabihin niya? This asshole!

Lumunok ulit ako dahil nanunuyo na naman ang lalamunan. Ilang beses bang mangyayari iyon bago ko masabi ang sadya?

Nakakainis!

Hindi naman ako ganito ka self-sabotage pero bakit nagkakaganito ngayong nasa harap na siya?

"What is it that you want us to talk about?" He asked.

"I… I wanna ask you about what I saw earlier."

Nanatili siyang titig sa mga mata ko, hindi nagbabago ang ekspresyon sa kabila ng narinig mula sa akin. Malamig iyon at kahit subukan kong labanan ay napaiwas pa rin kalaunan ng paningin.

"Hmm, what about that?"

"I thought I… I thought we… A-Are you hanging out?"

"Yes. Almost a week now." Nate replied.

Suminghap ako. Hindi ko na kayang magtagal pa rito. Parang hindi ako makakahinga at mawawalan pa ng malay anumang oras na papatak na narito ako. I need to get out.

"Cool…"

"Saan ka pupunta?"

Natigil ako sa planong lumabas. Pumihit muli ako sa gawi niya para hagilapin ang ibig niyang sabihin sa tanong.

"Um, that's… That's all I really wanna know." I slightly nodded my head to emphasize that.

Tumango rin siya. "Okay. Good night, Andre."

"Good night."

Mabilis akong lumabas kahit nagmukhang desperadong makaalis doon. Wala na akong pakialam kung bahagya pang napadabog ang pagsara ko ng pinto dahil mas nangingibabaw ang hindi maipaliwanag na pakiramdam sa dibdib ko.

Sumisikip din sa bandang iyon at parang pinipigilan akong makahinga nang maayos. Kaya habang malalaki ang hakbang pabalik sa kwarto, sinisikap ko ring habulin ang sariling paghinga. Hinihingal ako noong makapasok sa room.

Noong maisara ang pinto ay saka ko lang din napansin ang pangingilid ng luha sa mga mata. Pinalis ko agad iyon bago pa tumulo. Tinakbo ko ang distansiya ng kama mula sa pinto at pabagsak na humiga roon, laying there sideways.

Sa posisyon ay nag-unahan pa laling bumagsak ang mga luha ko galing eyelids pabagsak sa sentido hanggang sa masubsob sa tainga.

I can't explain what I'm feeling.

Hindi pa ako nasasaktan ng ganito pero nasisiguro kong labis iyon at hindi lang basta kirot. His words cut bone-deep like a dagger, burrowing under my skin down to my bones.

Malayo iyon sa inaasahan kong sagot niya. Malayo sa inaasahan kong mangyayari noong akyatin ang kwarto niya at hintayin siyang makabalik. Malayo sa lahat ng naisip ko. It was… not what I imagined at all.

Maybe he just wanted to have fun, then?

It's quite fun after all. Ngunit paano kung gusto kong magpatuloy iyon at hindi na matapos? Kahit pakiramdam niya, hindi na ako masayang kasama?

Nagising ako na medyo magaan na ang pakiramdam kumpara last night. Iniwasan kong isipin iyon sa abot ng makakaya at kahit papaano, nagtagumpay naman ako. Panandalian nga lang iyon dahil noong bumaba ako pagkatapos maligo ay hindi ko rin naiwasang hindi siya ulit makita.

Maingay sina Kuya, iyong ka-fling niya ngayon na si Francine, at si Nate sa hapag. Scholmates yata kasi sila kaya medyo close. Nakatulong ang pagiging abala nila sa usapan para hindi agad ako mapansin at ang pananahimik ko.

Tahimik akong kumain.

"Then it's no longer my fault!" Francine laughed.

Hindi ko nasundan ang paksa kaya wala rin akong alam sa napag-uusapan nila. Isa pa, masyado akong focused sa kagustuhang makatapos agad para makatayo roon at maiwasan si Nate.

"Sabagay, pero sana kinausap mo. Mukhang nalungkot din siya noong hindi makita ang pangalan kahapon." si Nate.

Lumunok ako noong manikip muli ang lalamunan. I sipped on my grape juice before I stood up, hindi na gustong ipagpatuloy pa ang kinakain. Busog na rin naman na ako.

"Excuse me…" Mahina kong sabi sabay lakad paalis.

"Andre, sumama ka mamaya sa Tim's, ha!" Narinig ko pa si Kuya pero hindi na ako lumingon.

Dumiretso ako sa patio kahit tirik ang araw roon at paniguradong pagpapawisan lang ako. I don't care at all. Ganoon naman talaga kapag bakasyon kaya natural lang iyon.

Noong makaupo sa mesa ay nag text ako kay Eloise upang tanungin kung makakabisita siya sa bahay ngayong umaga. Kung hindi ay ako na lang ang pupunta sa kanila. Wala naman sigurong problema roon dahil kahit papaano, ayos naman kami ni Tita Kristen o ni Brie kung sakali.

Gusto ko lang talagang maabala para hindi muna maisip ulit si Nate. Kaso sobrang hirap talaga noon.

Narinig kong magbabasketball sila ngayong umaga o baka hapon, hindi ako sigurado, pero ganoon nga ang plano. Pagkatapos, pupunta yata sa isang sikat na restobar downtown pagsapit ng gabi at doon na maghahapunan.

Ayokong sumama ngunit wala naman akong choice. Paniguradong pipilitin din ako ni Kuya. Isa pa, kahit gustong umiwas, hindi ko rin maipaliwanag kung bakit nais kong makita sila ni Remi, kung sasama nga ito kay Erwan.

Gusto kong bantayan sila. Gusto kong sirain ang magiging moment nila kung sakali.

Eloise:

Pupunta ako riyan mamaya.

Bumuntong hininga ako noong mabasa ang reply ng kaibigan. I was hoping we could hang out at their house and just have our usual chat, kahit bihira naming gawin iyon sa bahay nila. Mas mainam kasi iyon para mas makalayo rin dito. Pero ayos na rin siguro na ganito.

Isinuot ko ang shades bago ubusin ang nasa kalahati na lang na grape juice. Isinama ko iyon noong umalis sa hapag kanina.

"Tatlong game lang ulit para mabilis matapos."

Nilingon ko sina Kuya Alaric at Nate kasama sina Francine at ang kararating lang na sina Erwan, Ares, at Hector. Kaaalpas lang nila sa poolside at palapit pa lang sa patio ngunit dinig ko na ang malakas na usapan.

"Takot ka lang siguro na malampaso kapag best of five!" Tumawa si Hector habang nakaakbay kay Ares. Mukhang hindi nagbabago ang pang-aasar nito kay Erwan.

"Syempre nakakapagod! Try mo tumakbo na ganyan katirik ang araw, ewan ko na lang kung ayos ka pa after ng ilang games." Hirit ni Erwan.

Bago pa sila nakarating sa patio ay nakapag-iwas na ako ng paningin. Bahagyang inaasahan na rito talaga ang punta nila pagkatapos ng agahan ay nakaisip agad ako ng dahilan para muling pumasok sa loob.

Dala ang babasaging baso na pinaglagyan ng grape juice, tumayo ako at marahang inayos ang shades noong bumaba ito pagyuko ko. I smiled at them when they looked at my way.

Ilang bati at high five ay nakapuslit ako pabalik sa bahay. Nakahinga ako nang maluwag noong hindi maabutan si Nate doon. Akala ko nasa loob pa siya dahil siya lang yata ang wala roon kanina sa grupo.

Baka nasa kuwarto iyon at naliligo?

Hindi ako sigurado dahil panakaw halos ang sulyap ko sa kanya sa hapag kanina pero pakiramdam ko hindi pa siya noon nakakaligo mula sa pagkatabo at dumiretso lang mag breakfast.

Kumbinsido ako roon kaya hindi na masyadong inabala ang sarili na mag overthink. Kung masalubong ay hindi ko rin naman siya papansinin.

Maliban siguro kung siya ang mangungunang bumati at subukang kausapin ako. Pero hindi ko rin iyon patatagalin at sisikaping matapos bago pa magsimula. Kaya ko iyon lalo kung gugustuhin.

Nasa sala ako noong matanaw si Remi na papasok sa nakasiwang na front door. Mabilis akong umatras dahil inasahan agad na si Nate ang kasunod niya at hindi nga ako nagkamali!

Remi tried to reach for his hand after he close the front door. Nahirapan nga lang siyang isara iyon ng isang kamay kaya binawi rin ang palad kay Remi. Tumuloy sila sa tanggapan hanggang sa staircase pagkatapos, mukhang nagbibiruan pa ngunit hindi ko rinig mula rito.

Malabong makita nila ako kung hindi gagalaw pero kumilos ako. Wala sa intensyon ko ang magtago roon. Lalong lalo na magtago sa kanila!

I immediately looked away when our eyes met. Naroon pa rin ang parehong lamig sa mga mata niya, isang bagay na hindi ko kayang tagalan kahit gustuhin ko man.

Remi cleared her throat. Napansin siguro niya na natigil saglit si Nate noong makita ako at gustong kuhanin ngayon ang atensyon nitong bahagyang napirmi sa akin.

"Nasa patio sila." Wala sa sarili kong sabi kahit hindi naman kailangang gawin pa iyon.

Tinanguan ko sila pareho bago nagmartsa paakyat sa kwarto at magkulong doon ng ilang minuto. Hindi na para iwasan sila kundi para kumbinsihin ang sariling huwag gumawa ng pagsisisihan kalaunan.

Next chapter