webnovel

Kabanata 9

Kabanata 9

Bet

Lumabas ako ng bedroom noong matanggap ang text ni Eloise. Naglakad lang yata siya papunta rito kaya inabot pa ng halos isang oras bago maka reply na malapit na sa bahay. Hindi ko alam kung bakit nakuha niyang pagtiisan iyon kahit puwede namang magpahatid na lang sa driver nila.

Inayos ko ang medyo nagusot na light blue chinese collar shirt na maiksi ang sleeves at binagayan lang ng midnight blue linen-blend seersucker shorts habang lumalakad pababa. Medyo nagusot kasi iyon noong humiga ako saglit sa kama kanina.

Dinala ko ang earbuds dahil magkukunwari ulit akong abala kahit ang totoo ay magmamatiyag lang sa mga kilos ni Nate buong umaga.

For some reason, gusto kong subaybayan sila ni Remi kahit masaktan pa ako sa una. Mas mainam din na gawin ito dahil paniguradong madalas ko silang makikita na ganito simula ngayon.

Maagang masasanay, mas madaling makakapag adjust.

Nasa front yard na sila noong makababa ako dahil wala na akong naabutan sa patio maliban sa mga gamit ng girls. Naroon na rin yata sina Kuya Craig at Lilly. Hindi ako agad nakasunod doon dahil sinamahan ko muna si Eloise sa kusina habang kumakain.

"Bakit kasi hindi ka nag breakfast bago umalis?" I asked.

Pinigilan kong tumawa kahit kaonti na lang at sasabog na iyon. Si Eloise, na mukhang pagod at gutom sa countertop, ay patuloy lang sa pagkain. Pinagmasdan ko siya habang hinihintay sumagot.

"I don't wanna eat alone!"

"Pwede naman kasing ako na lang ang pumunta. Kaya kong takbuhin ang sa inyo gamit ang bisikleta," suggest ko.

Gusto kong buksan iyon para sa susunod, possible na'ng sa bahay na lang nila kami. Binaba niya ang kubyertos at tinaasan ako ng isang kilay.

"Hindi natin mapapanood ang laro nila. Bukod sa wala rin tayong magagawa sa bahay kung sakali. Dito, kahit hindi interesado ay maraming puwedeng pagkaabalahan."

"Like what?"

"Mag swim! O kaya, panoorin ang game nila Alaric. Pwede rin tayong makipag-usap kina Remi dahil narito rin naman sila madalas. Hindi natin magagawa iyan sa bahay!"

Huminga siya sa haba ng gustong sabihin.

"Isa pa, nabanggit mo rin na gagala sila mamaya at kakain sa labas!"

Nagkibit balikat lang ako dahil nakukuha rin ang punto niya kahit papaano. Nagpatuloy siya sa pagkain. Noong matapos ay dumiretso kami sa front yard para manood ng game dahil mukhang kanina pa iyon nagsimula.

Nasa lawn nakaupo sina Remi, Lilly, at iyong kapatid niyang si Yosef kaya roon kami dumiretso ni Eloise at umupo sa nakalatag na picnic blanket. Malayo iyon sa homemade basketball ring na mahigit sampung metro mula rito ang distansiya kaya angkop talaga para matanaw nang maayos ang laro.

Bukod pa sa hindi gaanong mainit dahil bahagyang natatakpan ng mga mayayabong na puno ng Neem.

"Hi, Eloise! Andre!" Si Remi noong tumabi kami sa kanila.

"Hi, Remielle. Kumain pa ako sa loob," nakangiting sabi ni Eloise.

Kumaway rin siya kay Lilly at sa Alaric nito habang tipid na ngiti at kaonting bati lang ang ginawa ko. Tumingin ako sa mga naglalarong kaibigan noong umingay ang mga ito sa sigawan.

They were laughing while they play, shirtless and covered in sweats that glow underneath the scorching sun as they move and guard each other. Si Hector, na kakampi sina Ares at Nate, ang natatanging nakasuot ng black sneakers habang naglalaro, the rest were barefoot. Sa itsura ay mukhang dikit ang laban kaya tensed din ang ilan.

Nagtaas ng dalawang kamay si Kuya Alaric na parang sumesenyas kay Craig dahil mukhang libre itong tumira. Nakita naman siguro iyon ni Craig ngunit mukhang nagdadalawang isip pang ipasa sa kanya ang bola.

"Who's leading?" Eloise asked.

Napunta sa kanya ang paningin ko ng ilang saglit bago muling bumalik sa harapan.

"Seryoso yata ang laban," dagdag niya noong matagalang sumagot ang kung sinuman sa tatlong kasama namin.

Si Remi ang naunang makapagsalita, "Sila Nate. Pero hindi gaanong malaki ang lamang, nasa apat lang siguro."

"Kaya pala mukhang competitive na si Alaric."

Kusang sumunod ang mga mata ko kay Nate habang nakikinig sa usapan nila. He looked imposing, as if driven to maintain his team's lead. Hindi ko pa siya nakitang maglaro noon kaya mahirap para sa aking sabihin kung ganito ba siya kaseryoso kapag humahawak ng bola o talagang mainit siya at may gustong patunayan sa pagkakataong ito.

Kung paniniwalaan ang huling dahilan ang paniniwalaan ko, iisipin ko ring baka gusto niyang ma-impress si Remi.

"Lahat naman halos sila, ganyan ang itsura," natatawang sagot ni Remi. Muntik umikot ang mga mata ko noong sulyapan ko siya ngunit napigilan ko iyon kahit papaano.

Dati hindi naman ako masyadong naiinis sa kanya. Noon ay nakikita ko pa nga si Eloise kapag kikilos o magsasalita siya. Pero ngayon, naiirita na ako. Napakaarte na kung magsalita.

Ayokong mapansin niya iyon dahil for sure, madali niyang maiisip na maaaring may connection iyon sa nakita ko kahapon.  Kaya sinusubukan kong itago. Kaso minsan mahirap iyong ikubli.

Lalo kung ganito siya kaarte.

"Kung sabagay…"

"Nate looked so ruthless, though."

Ngumuso si Eloise at medyo naningkit ang mga mata. Natawa ako sa itsura niya kaya nag-iwas ako ng paningin sa kanila at nilipat na lang sa mismong harap. Napansin yata nila iyon kaya bahagya ring natigilan.

"Parang hindi naman." Si Eloise ulit noong makabawi.

"Oo, kaya! Mas mukha siyang suplado at seryoso."

"Ganyan naman siya palagi. Si Erwan at… Alaric, actually, ang nag-iiba ang expression, they almost looked like cutthroats."

Ang totoo ay hindi naman sila ganoon kaseryosong naglalaro ngayong maayos ko silang napagmamasdan. Probably a bit serious when it comes to offensive plays, but it's not that surprising to see them that way at all. Palagi naman yatang ganyan kapag maglalaro ang magkakaibigan. O baka katulad ko, hindi lang din sanay sila Eloise na makita ang mga ito sa ganitong itsura.

Pero si Nate… Napapansin ko ngang determinado siyang manalo. At parang may gustong patunayan sa larong ito.

"Magpustahan na lang kayo kung sino ang mananalo." Si Lilly habang nakagisi.

Natawa ako roon kaya muling natuon sa kanila ang atensyon. Tumahimik saglit ang dalawa at pinanood na lang ang mga naglalaro.

Umiling ako.

I shifted my sitting position from Indian style sit to squat. Sumulyap ako saglit sa harapan bago muling lumingon sa grupo at bumaling kay Eloise.

"I'll go get us a drink." I whispered.

Tumango siya at tumingin sa akin. "Huwag grape juice, hindi ko gusto. Kahit ano basta 'wag iyon."

Sumimangot ako pero tumango rin kalaunan. Tatayo na sana ako noong mapansing kumilos din si Yosef sa gilid ko at mukhang susunod sa akin.

He smiled when he noticed that I was looking.

"Samahan na kita."

Nagtagal ang mga mata ko sa kanya, tinitimbang ang biglaang pang-aalok lalo hindi naman kami close mula noon. Unti-unting napawi ang ngiti sa mga labi niya noong ma realize siguro na nagtatagal sa normal ang titig ko.

"Para maisabay ko rin si ate Lilly at si… si Remi ng maiinom." Halatado ang pagdadalawang isip niyang sabihin pa iyon.

Naisip ko na baka naiinip na rin siya sa laro dahil siguro hindi rin maintindihan iyon kaya pumayag na lang ako. Tahimik kaming pumasok sa loob. Ramdam kong wala sa kagustuhan niya ang magsalita o magsimula ng maliit na usapan kaya hindi na rin ako nagsalita.

Dumiretso kami sa kusina para kumuha sa ref ng blended juice. Mango na lang ang pinili ko dahil iyon lang naman ang naroon bukod sa grape juice na hindi pwedeng mawala.

"Ikaw na ang magdala ng mga baso." Utos ko.

"Teka… isasama ba kita sa bilang?"

Lito akong tumango. "Oo, Yosef."

"Uh, okay. Akala ko hindi, kasi hindi ito ang paborito mo." Mahina niyang sabi.

My lips parted from slight surprise. Hindi ko alam na napapansin niya iyon lalo ilang beses lang naman siyang isinama rito ni Lilly. At madalas noong bata pa siya.

I chuckled when I recovered, "Yep, it's not. Pero ayos lang din naman na maiba minsan."

Tumango siya, mukhang hindi alam kung paano magrerespond. Ngumiti ako saka nagpatuloy sa paglakad. Sumunod kaagad siya sa akin palabas, nananatili sa likod ko.

Saktong katatapos pa lang yata ng isang game nila Kuya Alaric kaya pabalik ang mga ito sa lawn. Tumikhim ako noong magkatinginan kami ni Nate habang palapit ako sa kanila. Nag-iwas siya ng paningin sabay kuha ng towel sa gilid ni Remi.

"Ang malas sa shooting!" Hector snarled.

Nilapag ni Yosef sa picnic blanket ang mga baso kaya roon ko na rin sana ilalagay ang pitcher kung hindi lang ako lapitan ni Ares. He gestured his empty glass so I unwillingly filled it up with mango juice.

Hindi pa tapos sa pagsalin ay nakaabang na ang mga kamay ng iba pang mga kaibigan ni Kuya, hawak ang kani-kanilang mga baso. Suminghap ako noong sa mabilis na paggala ng paningin ay nakitang isa roon si Nate.

Nahuli ko siyang nakatitig sa akin at noong magtama ang mga paningin ay ni hindi man lang nag-iwas ng mga mata.

"Ikaw na ang magsalin ng sa 'yo." Sabi ko noong ilapit pa lalo ni Hector ang baso niya.

He raised an eyebrow. "Ikaw na!"

"Ang kapal…"

Nagpatuloy ako hanggang maubos sila at huling pagsalinan si Nate. Tahimik siya at nakatingin lang sa baso. Nanginig ako noong muntik iyong umapaw. Buti napigilan ko agad.

He shook his head and then stepped back. Na distract ako roon na hindi ko namalayang nasusundan ko siya ng tingin. Pinangalahatian niya ang baso ng mango juice at muling sumulyap sa akin noong maramdaman siguro ang titig ko.

I looked away.

Nag focus ako sa paghinga nang mapansing medyo bumibigat iyon. I let out a long sigh. Noong kumalma ay tiningnan ko ulit siya.

Nakita kong nasa akin pa rin ang paningin niya kaya nag-iwas ulit ako, kabadong nagsalin ng mango juice sa sariling baso at inubos iyon. Lumandas ang takas na inumin sa chin ko kaya pinahid ko iyon gamit ang likod ng palad ko.

I looked at him again and this time, he's no longer staring at me. Nakahinga ako nang maluwag.

Why was he looking at me like that?

"Pahinga muna tapos last game na." Si Kuya Alaric habang pinupunasan ang medyo basang buhok.

Lumapit sa akin si Yosef para kuhanin ang pitcher ng mango juice na nasa left side ko. Tumango ako noong isenyas niya pa iyon na parang hindi ko alam ang sadya niya.

"Thanks…" He whispered.

Napunta tuloy sa kanya ang atensyon ko. Hinintay kong mapuno niya ang baso at muling makabalik sa puwesto bago ibalik ang paningin kay Nate.

"Ayusin n'yo, nagpupustahan sina Remielle at Eloise dito. Nakabakas din ako." Biro ni Lillian na ikinapula ng pisngi ni Eloise.

Halatado lalo iyon dahil medyo mestiza siya.

My eyes narrowed. Naghinala tuloy ako bigla kung may gusto pa ito kay Kuya. Pero sabi niya noong last year, matagal na iyon at wala na siyang gusto kay Kuya Alaric. So baka nahiya lang talaga na binanggit pa ang pangalan niya.

"Baka sa kalaban ka bumakas, Lilly. Madehado lalo kami nyan." Erwan chuckled. "Ang ayos pa naman ng play ni Craig kanina."

Nagtawanan sila. Nakasimangot namang umayos ng upo si Craig mula sa bahagyang pagsandal nito kay Lilly.

"Kung sa amin nga ang pusta ni Lilly, ibig bang sabihin magpapatalo ka, Craig sa huling game?" Hirit ni Ares. Lumakas ulit ang tawanan.

"Shut the fuck up, Neuvero." Craig grunted.

"Baka ibigay ang last game nyan kung sakali!"

"Kila Craig ang pusta namin ni Eloise, 'no! Bakit ko ibibigay sa inyo kung halatado namang si Nate lang halos ang bumubuhat sa laro?" Si Lilly naman na marahang hinila ang braso ni Craig.

"Iyon naman pala…"

"Humanda ka, Ares, ikaw ang babantayan nyan mamaya. Baka hindi ka lalo makatira!"

Tumayo sina Hector matapos ilagay sa gilid ang mga baso nila, naghahanda sa susunod na laro. Hindi natapos ang matinding asaran hanggang sa makalayo sila sa amin at hindi na marinig ang mga banat sa isa't isa.

"Baka mag cheer ka pa nyan, Remielle?" Natatawang sabi ni Lillian noong umayos muli siya sa pagkakaupo.

Nilingon ko si Remi para tingnan ang pinagkakaabalahan nito ngayon. Nakatayo lang naman siya at nakapatong sa noo ang left hand, tinatakpan ang sikat ng araw upang masipat nang maayos ang magkakaibigan na ngayon ay nasa tapat na ulit ng basketball ring.

Halata sa kilos nito ang excitement na makitang magpatuloy ang laro. Tumikhim ako.

For sure hindi niya din naman naiintindihan ang nangyayari kaya hindi 'yan magchi-cheer. Kung sakali, baka huli palagi ang sigaw o palakpak niya dahil paniguradong gagawin lang ang mga iyon pagkatapos maka shoot ng team ni Nate.

Hindi niya mababasa ang takbo ng laro. Kung paano magtimbangan ang dalawang koponan bago bumuo ng desisyon kung ititira ba o maghahanap pa ng mas siguradong puwesto bago bitawan para hindi masayang ang bola. O kahit ang mabilisang desisyon na hindi kailangan masyadong pag-isipan dahil pressured sa guarding ng kabilang team.

She won't surely get it the way I do.

Nagpatuloy ang game. Sila Nate ang may hawak ng bola noong magsimula ulit kaya nakadepensa ngayon sina Kuya Alaric.

"Syempre hindi, nakakahiya kaya!" Si Remi.

Umupo siya ulit sa tabi ni Lillian, focused sa pag-unawa sa mga nangayayari. Ngumisi ako dahil halatado nga na nahihirapan siyang basahin ang kilos nila.

"Kapag sila Nate ang nanalo, ililibre ka namin ni Eloise mamaya sa Tim's. Pero kapag sila Craig, ikaw ang manlilibre."

"Uy, wala akong pera. Kayo na lang ang magpustahan." Singit ni Eloise.

Tiningnan ko sila.

Nasa harap pa rin ang buong atensyon nila kaya hindi ako napansing nakatitig. Nag-inat ako ng mga paa at ginawang suporta ang dalawang kamay na nakatukod sa likod habang nakaupo upang magawa iyon.

"Okay lang 'yan, edi ako muna ang sasagot. Ikaw sa susunod."

"Paano kung wala pa rin akong pera sa susunod?"

"Basta! Namomroblema ka, hindi pa nga sure kung sino ang mananalo. Paano kung sila Craig ang manalo?" Asik ni Lillian.

Lumingon si Remi sa kanila. "Lugi kung ako lang ang pupusta tapos dalawa kayo!"

"Anong lugi roon?"

"Edi isama mo si Andre!"

Nagtaas ako ng isang kilay noong tumingin sila sa akin. Nagkibit ng balikat si Lillian na parang sinasabing wala rin siyang choice kundi sabihin iyon. My lips protruded to make a pout.

"Bakit ako pupusta?"

"Para nga pumantay raw! Lugi si Remi kung siya lang ang mag-isa tapos dalawa kami sa kabilang team!"

Nagpalipat lipat ang paningin ko sa kanila, sinasadyang pagmukhaing lito at hindi kumbinsido sa sinasabi nilang mga dahilan. Bukod sa ayoko ring pumusta.

"Anong pake ko?" I asked.

Nalaglag ang mga panga nila. Hindi yata inaasahan ang sagot ko. Hindi ko rin inaasahang magtutunog iyon na ganoon. Pero hindi ko rin babawiin dahil nasabi ko naman na.

"Ang spoilsport mo masyado, Andre, alam mo ba 'yon?" Iritadong tanong ni Lilly.

Natawa ako sabay iling.

"Oh, sige, pero kapag kami ang nanalo, unli dapat ang libre niyo mamaya?"

"Anong klaseng kondisyon 'yan? Ang unfair!" Sigaw ni Eloise.

"Gusto niyo akong isali e, dapat kahit papaano, may advantage sa akin."

"Walang ganyan, sasali ka kahit ayaw mo." Mariing sinabi ni Lilly. Tinaasan ko ulit siya ng isang kilay pero hindi na nagsalita pa.

Noong ibalik ang paningin kina Kuya Alaric ay nagkataong nadapa ito. Napamura sina Eloise at Remi noong makita rin yata iyon. Naningkit lang ang mga mata ko habang iniisip kung paano nangyari iyon. Mabilis ding tumayo si Kuya at hindi iyon ininda noong muling magpatuloy.

"Nasugatan yata," si Eloise sa gilid.

Mukhang dahil 'yon sa kakahabol niya sa bola at kagustuhang maagaw kay Hector bago pa nito tuluyang maitira. Nakabalik naman ulit sa ayos ang laro kaya tinutukan ko na para hindi mahuli sa panonood.

Craig has the ball possession as of this moment. Nagdadalawang isip itong itira dahil bantay sarado ni Ares kaya sinusubukang timbangin kung mailulusot ni Kuya Alaric o Erwan iyon kung sakaling sa kanila nga ipasa. Libre si Erwan kaya baka rito niya iyon ipasa.

Ngunit sa halip na gawin iyon ay pinilit niyang i-shoot ang bola. Nagmintis ang tira niya kaya nakuha muli nila Nate ang possession at tumakbo ito agad para maprotektahan.

Sa puntong iyon ay lamang ang team nila Nate ng dalawa at limang puntos pa bago marating ang twenty points, na siyang pinagkasunduang goal para tapusin ang laban. Kapag nakapuntos sila ng lima pa, sila na ang panalo.

"Mukhang talo…" Si Eloise habang pinapanood na sumablay ng paulit ulit ang mga tira nila Kuya Alaric. Bumuntong hininga siya. "Malas yata ang mango juice."

"Ihanda niyo na ang libre," Remi smirked.

"Umaasa ka agad, wala pa man din."

"Mahilig umasa eh…"

"Kayo pa ang malalakas pumusta ha!"

Humalakhak sina Lilly at Eloise kaya natawa rin ako. Sinubukan kong mag focus na lang sa laro kahit medyo nagpipigil sa pagtawa para hindi nila iyon mahalata.

Nagkataong napatingin sa gawi namin si Nate kaya napawi ang ngiti ko. Mabilis din naman akong nakabawi lalo noong maisip na baka si Remi ang tiningnan nito at inakala ko lang na ako.

"Pagod na sila…" Eloise sighed.

Halata nga na pagod na silang lahat. Pinipilit na lang matapos. I was lowkey cheering for Kuya Alaric's team kaso dahil nakapusta nga kami ni Remi kina Nate, at ayoko ring manlibre, medyo natutuwa na rin sa maaaring kahantungan nito.

Parang kahit sinong manalo ay hindi ako matatalo. Bukod syempre kung ako nga ang manlilibre. Pero hindi naman maituturing na talo iyon. At saka masaya lang din ako kung sakaling makagawa ng milagro sina Kuya sa estado ng game nila ngayon.

Pero siyempre, malabo iyon. Naunang naka twenty five points sila Nate at tuluyang natalo ang team nila Kuya. Nag high five ang magkakaibigan bago pagod na lumapit sa amin.

"Okay lang 'yan boys!"

"Sablay palagi, minalas talaga sa last game."

"Talo na nga, wala pang mga girlfriend. Pero ayos lang sabi nila Alaric at Erwan!" Biro ni Hector.

"Yabang mo, wala ka rin namang girlfriend!"

"Ngayon ka lang nanalo kaya syempre ipagyayabang mo 'yan."

Kinuha ulit nila ang mga towel at pinunasan ang pawis sa katawan habang tuloy sa tuksuhan. Tumayo ako mula sa matagal na pagkakaupo roon. Nangalay ang mga paa ko kahit kumportable naman ang position.

"Paano ang pusta ngayon nila Lilly nyan?"

"Talo pala kayo pareho, pre!"

Humalakhak sina Ares at Hector sa pang-aasar. Tahimik lang na nakikitawa si Nate kahit ang totoo ay siya ang mas may karapatang magyabang lalo siya at si Ares lang ang gumagawa ng puntos kanina.

"Sila pa 'ka mo ang naglinaw ng pustahan. Iyan at ililibre tuloy kami ni Andre mamaya!" Remi teased which slightly made my eyes widen.

Hinanap ko agad ang reaksyon ni Nate kahit noong lingunin ay wala akong nakita roon. Sumulyap nga lang siya sa akin at nagkatinginan kami bago ako makapag-iwas ng mga mata.

Putangina nito, bakit sinabi niya 'yon?!

"Akalain mo, sa kalaban talaga pumupusta ang kapatid mo? Masakit nga 'yon, bro!" Tumawa si Hector.

"Hindi, alam lang talaga ni Andre kung sino ang dehado at llamado sa mga ganitong laban, hindi ba pre? Kaya minsan ayain din natin iyan sa laro, pakiramdam ko ayaw lang nyan padiskubre eh." Si Ares naman na sa hinaba ng sinabi, puro pangungutiya lang naman ang nilalaman.

Tumingin ulit ako kay Nate at nakitang nakatitig pa rin siya sa akin. I don't know, though, if I was mistaken when I saw a slight, barely visible smirk on his lips. Lalo mabilis iyong naglaho noong subukan kong pansinin.

Nagtagal tuloy roon ang mga mata ko.

Pumanhik kami sa loob para roon na rin sila makapagpahinga habang naghihintay ng pananghalian. Tama lang dahil noong makapasok ako sa kusina para isauli ang pitcher at ilang baso ay nakita kong nakaluto na si Tita Julieta ng ulam.

"Magandang tanghali po," salubong ko rito.

"Magandang tanghali, hijo. Diyan mo na lang sa lababo ilagay ang mga 'yan, ako na ang mag aayos."

Tumango ako saka pumihit pabalik sa sala. "Sige po, salamat…"

Kaso bago makaliko sa corner ng kitchen ay nasalubong ko si Nate. Nagkatinginan kami noong mag-angat ako ng paningin dahil hindi siya umiiwas ng daan kahit nasisiguro kong alam niya na roon ako dadaan. Sa pagkakataong iyon ay nakumpirma kong nakangisi nga siya at malamang, nakangisi rin kanina!

"Uh, excuse me…" I said.

Hindi siya kumilos pero nanatili pa ring nakangisi. Nagtaas ako ng isang kilay.

"Nate, nakaharang ka."

"Sa kabila ka dumaan."

Balak kong isiksik ang sarili at bahagya siyang itulak para makaraan ngunit kusa na siyang gumilid siguro noong mapansing masyado akong seryoso para makipagbiruan kaya hindi ko na nagawa. Bumuntong hininga ako.

"Nga pala, nice decision placing your bet on us, Andre…" He whispered when I walked past him.

Nilingon ko siya.

Lumapad pa lalo ang ngisi sa mga labi niya noong makita ang reaction ko. Nagtagal naman ang paningin ko sa lips niya noong medyo umawang 'yon at parang mapaniryang kumilos habang bumubulong siya.

"It's fair to say that you're a bit strategic back there."

He shifted his weight. Bahagya siyang lumapit para siguro maibulong pa lalo ang susunod na sasabihin.

"Kaso mukhang hindi ka masaya na kami ang nanalo." His smirk slowly turned into scowl.

"Hindi naman talaga…" Naghahamon na rin ang tono ko.

Medyo nagulat ako kasi nagawa kong sabihin iyon sa halos kaparehong intensidad kahit kinakabahan. Ganoon man ay sinikap kong huwag magpahalata.

"But thanks for the teamwork, at least hindi ko na kailangang manlibre o gumastos. Ako pa ang ililibre mamaya. I say, good game, Guallar." Ngumisi ako para magmukhang mas nakakaasar iyon bago siya talikuran.

Akala niya siguro sa kanila ako pumusta dahil gusto ko silang manalo. Nagkakamali siya kung ganoon. Wala nga akong pakialam kung manalo o matalo sila sa laban kanina.

At mas lalong wala akong pakialam sa kanya.

Next chapter