"Ahhhhhhhh.....!" Ang matinis na sigaw ni Veronica ang maririnig sa malawak na kabundukang kinaroroonan nila ng mga oras na iyon.
"Stop shouting!" Bulyaw sa kanya ni Rowel habang hinihila siya palayo sa nangyayaring pag-lalaban ni Ravi at ng ilang rock goblins na naka-tambay pala sa lugar na pinag-teleport-an nila.
"Oh sige! I-try mong huminahon sa panahon ngayon na hindi mo alam kung makakalabas ka pa ng buhay dito!" Bulyaw din niya kay Rowel.
Matagal siyang tinitigan ng kaibigan at tsaka ito tumingin sa kaliwang bahagi ni Veronica kung saan may dumating na naman na isa pang monster na iba na ang itsura. It has one eye on its forehead habang ang ulo nito ay parang ulo ng anteater.
"A.. Ahhhhhh!" Napa-nganga si Nika ng si Rowel naman ang sumigaw at mabilis na tumayo at tumakbo palapit kay Ravi.
"I told you! You can't calm down and relax here!" Sigaw niya kay Rowel na may pang-aasar.
Hindi siya pinansin ni Rowel kaya napa-iling na lang si Veronica. Ilang segundo din siyang tahimik at nag-iisip kung ano ang gagawin. Sa sitwasyon nila ngayon na kaliwa't-kanan ang mga monsters na bigla na lang sumusulpot, kung gusto niyang maka-balik sa orihinal niyang mundo. Kailangan niyang makipag-sapalaran upang kahit papano ay may pag-asa pa siyang maka-balik.
"Grrrrr...!" Napa-flinch siya ng marinig ang ingay sa may likuran niya.
Dahan-dahan siyang napa-lingon sa kanyang likuran ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita.
"Putcha! Nag-iisip pa lang ako kung paano ko kayo lalabanan, tapos nandito kana agad?! Ano to, tukso?!" Gigil na bulyaw niya sa monster na lalo pang naging alerto.
Sa kanyang pag-hakbang paatras ay mabilis namang sumugod sa kanya ang halimaw at mabilis siyang tinalon. Literal na napa-mura si Veronica ng makita ang pag-salakay ng hayop na monster sa kanya. Sinubukan niyang umiwas kaya tumalon siya pa-kanan kung saan may maliit pala at mababaw na hukay.
"Aray!" She whimper.
Napa-pikit siya ng mariin ng maramdaman ang pag-guhit ng hapdi sa kanyang binti. Nasugatan siya sa kanyang bag-bagsak.
"Fuck!" Usal niya ng makita ang monster sa bunganga ng hukay na mukhang handa nanamangsumalakay sa kanya.
Hindi nga siya nag-kamali. Nang makita niyang tumalon ang halimaw ay pikit-matang iniunat niya ang mga kamay, isang kilos na otomatik na ginagawa ng katawan upang protektahan ang sarili. Kanina pa siya naka-pikit at hinihintay ang pag-bagsak ng halimaw sa kanya subalit wala pa rin siyang naramdaman.
"As expected to my master, you still have that power within you." Ang boses ni Ravi ang nag-pamulat ng kanyang mga mata.
Sa pag-mulat niya ay nakita niya ang halimaw na naka-lutang sa ere kalahating metro ang taas sa kanya. Ang mas nakaka-mangha pa, nababalot ito sa tubig na may kuryenteng umaatake dito. Sa takot, gulat at pag-tataka, mabilis niyang binawi ang mga kamay at muli din niyang iniunat ng makitang babagsak ang nasabing halimaw.
"W-what... is happening right now?" Naguguluhang tanong niya kay Ravi.
Napa-ngiti lang ang gwapong electric eel at saka nito kinuha ang halimaw gamit ang sarili nitong kapangyarihan. Kasunod ay ini-angat nito si Veronica mula sa mababaw na butas.
"You have bruises.." Naka-simangot na sambit ni Ravi.
Gamit ang healing ability ng dragon ay pinahilom niya kaagad ang sugat ni Veronica bago niya ito pina-upo sa ibabaw ng bato na katamtaman ang laki. Nang igala ni Veronica ang paningin sa paligid, napa-nganga siya ng makitang mga patay na goblins, animal monsters ang nakapalibot sa lugar na pinag-pwestuhan nila. Kasalukuyang nangunguha ng katamtamang laki ng hita ng hayop na mukhang baboy si Rowel.
"Pwedeng kainin ang mga yan?" Tanong niya kay Ravi habang tinuturo ang ginagawa ni Rowel.
"Yeah.. Ang sabi ni Rowel, they are pigs. Kaibahan lang, it has a bit of superpower." Paliwanag ni Ravi.
"Power like what?" Nilingon niya ang gwapong dragon.
"Well, depende sa klase ng halimaw. Goblins has no powers, pero mabibilis silang kumilos like assassin. Those pigs, nakikita mo ba yung pangil nila na mahaba?" Tumango si Nika. "They can make it even more longer. Hmmm... Mahirap putulin ang pangil nila kaya kadalasan, ginagamit yan ng mga tao upang gawing sword."
Sumeryoso ang ekspresyon ni Veronica. So, this world is like those worlds in fantasy novels na nababasa niya. Tempting yet exciting, yan ang pwede niyang itawag sa sitwasyon niya ngayon.
"You said I still have superpower, anung ibig mong sabihin?" Ngayon ay naka-titig na siya sa mga mata Ravi.
Napa-ngiti naman sa kanya ang lalake at hinawakan ang kamay niya bago nag-salita.
"Well, nung makita kita sa may tabing-dagat, napansin ko ang natutulog na kapangyarihan na namamahay sa loob ng katawan mo. Your blood has electricity in it, siguro hindi ka manlang maka-buhay ng halaman master." Pag-uumpisa ni Ravi.
Napa-kurap si Veronica, paano nalaman ng lalake na hindi talaga siya maka-buhay ng halaman kahit isa! Ginagalitan nga siya ng mama niya noon kapag hinahawakan niya ang mga tanim nitong halaman, namamatay kasi.
"The water power is just a bonus power ng mapadpad ka dito sa Terra Crevasse. Lahat ng tao na nanggaling sa mundong ibabaw ay nagkakaroon ng kapangyarihan sa oras na tumapak ang paa nila sa lupa ng Terra Crevasse." Patuloy na paliwanag ni Ravi.
Namilog ang mga mata ni Veronica ng makita si Rowel na bigla na lang nagpalabas ng apoy sa kanyang kamay.
"Oh! He just discovered his superpower nang muntik na siyang atakihin ng goblins kanina." Paliwanag ni Ravi ng makita ang kanyang ekspresyon.
"Isa lang ba ang kapangyarihang meron siya?" Tanong niya kay Ravi.
"Yes." Tumango ito bago tumingin ng deritso sa kanyang mga mata. "Ikaw lang ang nag-iisang may dalawang kapangyarihan sa buong lupain ng Terra Crevasse, Master." Puno ng paghangang sambit ni Ravi sa kanya.
Napalunok naman si Veronica ng sariling laway. Then, ang ibig sabihin ba siya ang pinaka-makapangyarihan sa buong mundo ng Terra Crevasse? So, may pag-asa din siyang mahanap ang pintuan pabalik sa orihinal niyang mundo? Nanayo ang mga balahibo sa buo niyang katawan ng maisip ang malaking posibilidad na iyon. She has hope, she has chance and most especially, she still can go back home.
"Luto na!!" Sabay silang napa-lingon ni Ravi kay Rowel.
Unang tumayo si Ravi bago inalalayan si Veronica na tumayo. Kailangan nilang kumain para hindi silang mang-hina. Lumapit sila sa masayang si Rowel at umupo malapit sa bonfire na inihawan ni Rowel ng hita ng karne.
"Nika! I have power!" Salubong sa kanya ni Rowel.
Nginitian niya ito at pabirong ginulo ang buhok. Mabilis naman itong umiwas sa kanya kaya napa-tawa sila ni Ravi.
"Then, may pag-asa pa tayong mabuhay ng matagal sa lugar na ito." Natatawang sabi niya habang tinatanggap ang luto na karne na inaabot sa kanya ni Ravi.
"Yup! Pero, saan tayo matutulog?" Tanong ni Rowel.
Natigilan naman si Ravi at Veronica nang marinig ang tanong ni Rowel. Yeah, maaring kumakain sila ngayon, pero saan sila matutulog? At isa pa, kailangan niyang maligo at mag-linis ng katawan.
"Ravi, sabi mo kanina ginagamit ng mga tao ang pangil ng baboy to make a sword, right?" Tanong niya sa lalake na tumango lang bilang sagot.
"Then, let's get some and sell it to them. May alam ka ba na bumibili ng mga iyon?" Tanong niya ulit.
"Pagkakatanda ko, may bumibili ng ganyan sa bayan ng Drakaya. Let's get some then." Sagot ni Ravi.
Pagkatapos nga nilang kumain, sa halip na sila ang salakayin ng halimaw, silang tatlo na ang sumalakay sa pugad ng pig monsters. Gamit ang pinaghalong kapangyarihan ng tubig at kuryente, mabilis nilang nakumpleto ang pagkolekta ng mga pangil.
"Then, I think that's enough." Pinapagpag ni Rowel ang mga kamay na narumihan sa pagkuha ng mga pangil.
"Yeah.. Sobrang dami na nito Ravi. Mahirap na buhatin." Pag-sang ayon ni Nika.
"It's easy to carry, Master." Napa-salampak ng upo sina Rowel at Nika ng bigla na lang mag-transform si Ravi bilang malaking Dragon. Kung sukat at haba din lang ang pag-uusapan, he's really big and long, or baka nga hindi pa ito ang tunay na laki ng dragon.
"Is that your original size?" Tanong ni Nika habang tumatayo. Si Rowel naman ay sinusubukan nang umakyat sa likod ni Ravi.
"No, hindi ko pwedeng ipakita sayo ang orihinal na laki ko dahil baka, magulat ang buong Terra Crevasse." Sagot ni Ravi.
Natigilan naman si Nika. Kung gayon, Ravi is more way bigger than the whole Terra Crevasse? Oh right! Siya nga pala ang kinikilalang Dios ng buong mundong ilalim. Hindi siya sumagot at mas piniling umakyat na lang sa likod ni Ravi.
"Master, you can float in the air, tuturuan kitang gamitin ang kapangyarihan mo pag-dating natin sa bayan ng Drakaya."