webnovel

SAVING THE TYRANT KING

Pagka-mangha ang naging reaksyon ng may-ari ng pagawaan ng mga sandata na ginagamit ng mga sundalo ng Drakaya Kingdom, nang makita ang iniladlad nilang tatlo na mga pangil ng baboy. Nang tanungin nila ang may-ari kanina kung bumibili na ito ng mga pangil ay oo agad ang isinagot ng lalake.

"So, magkano kaya ang aabutin ng presyo ng mga ito?" Naka-ngiting tanong ni Veronica sa gulat paring lalake.

Sa palagay niya ay nasa edad forty pataas na ang lalake. Mukhang batak na batak ang mga muscles nito dahil sa pagha-hammering ng mga espadang ginagawa.

"That is too many!" Isang sundalong bagong dating ang napa-bulalas ng makita ang kanilang binibenta.

Sabay-sabay na napa-lingon silang apat kasama ang pinag-bibentahan nila ng mga pangil, sa sundalong nag-salita. Kung pagbabasehan ang suot nitong uniform, mabilis na masasabi ni Veronica na isa itong sundalo ng palasyo.

"Mr. Kung wala kang pambayad, I can talk to my commander to pay for them. Kailangan ng palasyo ng maraming sandata para sa gagawing pag-salakay sa Black Fog Mountain." Mahabang salaysay ng sundalo.

Napataas ng kilay si Veronica ng marinig ang pangalan ng bundok. Sasalakay ang mga sundalo ng Palasyo sa delikadong bundok sa Terra Crevasse, for what? Sabagay, wala naman siyang paki-alam kung anong gagawin ng mga ito, pero weird, sinabi ng masungit na hari na delikado ang bundok pero ipapadala niya ang mga sundalo doon?

"Anong gagawin ninyo sa Black Fog Mountain?" Hindi na naka-tiis na tanong ni Veronica.

Nilingon naman siya ng lalake at napa-titig pa sa kanya. Maya-maya ay nanlaki ang mga mata nito at itinuro pa siya.

"Ikaw yung babaeng dinala ng kamahalan sa palasyo diba? Pagkaka-alam ko, pumunta ka ng Black Fog Mountain?! Bakit buhay ka pa?!" Bulalas ng lalake.

"Bakit? Gusto mo na ba ako mamatay?" Madilim ang anyo at kunot ang noo na tanong niya sa lalake.

"Ahh.. No, I'm sorry." Napa-kamot sa ulo ang lalake habang namumulang napayuko.

"So anong gagawin nyo sa Black Fog Mountain?" Tanong ulit ni Veronica habang nililingon ang may-ari ng pagawaan ng mga sword. "Bibilhin mo po ba O hindi? Tanong niya dito.

Nang tumango ang may edad na lalake bilang sagot sa tanong niya tungkol sa kanyang binibenta, muli niyang nilingon ang sundalo na ngayon ay sinusulyapan ang mga kasamahan sa 'di kalayuan.

" The king ordered us to check the Mountain. Hindi niya sinabi kung bakit." Sagot sa kanya ng sundalo.

Napa-sulyap si Veronica sa dalawa niyang kasama na kanina pa tahimik. Si Ravi ang nag-salita dahil mukhang walang planong mag-salita si Rowel.

"Palagay ko, tama ang nasa isip mo, Master." Sabi ni Ravi.

Hindi pa siya nag-tatanong pero alam na ni Ravi ang laman ng isip niya. Napa-taas lang siya ng kilay at tsaka napa-iling. Impossible, ang hari mismo ang nag-suggest sa kanila na pumunta sa Black Fog Mountain dahil nga halatang galit ito sa kanila. Kaya imposibleng pasundan sila ng hari.

"No. That's impossible." Sagot niya kay Ravi na napa-shrug lang ng balikat.

"It's 1005 gold in total. Ito yung bayad." Napa-lingon si Veronica sa may edad na lalake ng marinig ang sinabi nito.

Gold pala ang gamit sa lugar. Perfect! Pwede siya mag-ipon ng marami para dalhin pag bumalik na siya sa mundong ibabaw.

"Pwede na ba ako mag-stay sa hotel sa halagang to?" Tanong niya sa lalake na nanlaki pa ang mata.

"Hotel? Bahay pahingahan po ba? Miss, you can even buy a huge house with money. Sobra pa nga yan." Natatawang sagot sa kanya ng lalake.

Napa-taas ang kilay ni Veronica at nilingon si Rowel at Ravi.

"Mayaman na pala tayo. Bakit hindi na lang tayo mang-hunting ng monsters?" Naka-ngiting tanong niya sa dalawa na napa-nganga pa sa kanya.

"Hunting monsters? Ma'am! Kung mag-ha-hunting kayo ng monsters, pwede nyo ako dalhan ng Fire crystal heart ng Acon." Bulalas ng lalake.

"Fire crystal heart ng Acon? What's that?" Kunot ang noong tanong ni Veronica.

Sasagot na sana ang lalake ng bigla na lang may nag-sigawan sa hindi kalayuan. Ang sundalong katabi lang niya kanina ay bigla rin napatakbo. Ini-abot niya kay Ravi ang golds na hawak at tsaka nag-umpisa na rin siyang maki-usyuso.

"Yung pagiging marites mo dinala mo pa talaga dito?!" Bulyaw ni Rowel sa kanya.

"Shut up! Minsan lang tayo maka-kita ng gulo dito sa bayan nila." Sagot ni Veronica na ikinumpas pa ang mga kamay para sundan siya ng dalawa.

"Eh, kung naghanap na lang kaya tayo ng matutuluyan?! Makakaligo pa tayo!" Pagmamaktol ni Rowel na wala din nagawa kundi sumunod sa babaeng nagkanda-haba na ang leeg kaka tingin sa lugar na nagka-kagulo.

Hindi sinagot ni Veronica ang nag-mamaktol na si Rowel. Patuloy siya sa pag-tingin kung ang nangyayari. Ilang sandali pa, nakita na niya ang nag-lulutangan na mga sandata sa ere. Nasa ibaba ang lalakeng naka-suot ng puting hood habang kaharap ang lalakeng mukhang sendikato.

"Sinabi ko na noon pa, hindi kayo welcome sa lugar na ito." Narinig ni Veronica na sinabi ng lalakeng naka-hood.

The voice sounds familiar tho. Parang kaboses ng...

"You're the king of this kingdom. Pero ikaw lang ang may mahika na napadpad dito sa labas ng palasyo. Marami kami." Sagot ng lalake na bigla namang nagsulputan ang mga armadong kalalakihan na galing sa iba't-ibang dereksyon.

Pinalibutan naman ng mga sundalo ng palasyo ang nasabing hari upang protektahan. Ang problema nga lang, mukhang eksperto sa pag-gamit ng sandata ang mga rebelde at bukod pa dun, may kakayahan din ang mga itong gumamit ng mahika.

"Those are Huluwa." Narinig niyang banggit ng isang babae sa tabi niya.

Huluwa, so kaya pala galit ang hari sa kanya dahil isa din siyang Huluwa. Pagkaka-alam pala nito sa Huluwa ay kalaban ng Palasyo. Kaya lang, hindi ba obvious na bago lang siya sa lugar para isama siya sa listahan ng kaaway nito?

"Master, hindi pa ba tayo aalis?" Tanong ni Ravi sa kanya.

"Saglit lang, curious pa ako kung bakit galit na galit sa atin ang masungit na yun." Sagot ni Veronica kay Ravi.

Nang hindi niya ito narinig na sumagot, nag-patuloy siya sa panonood. So, telekinesis ang kapangyarihan ng lalake. Powerful indeed. Kaya nitong pagalawin ang mga bagay sa paligid nito kasama ang mga sandatang gawa sa bakal. Maliban sa sandatang gawa sa material na galing sa mga halimaw?

"Watch out!!" Sigaw ni Veronica ng makitang umulan ng arrows sa lugar na kung saan naka-tayo ang grupo ng hari.

Fuck! Siya na ang tangang nag-p-feeling superhero ng mga oras na iyon. Lahat ng mga mata sa paligid niya ay natuon sa kanya. Lalo na at hindi niya alam kung paano siya napunta sa harapan ng hari na ngayon ay naka-tingin sa kanya na may pagka-gulat ang ekspresyon ng mukha.

"Sorry for meddling but, napansin ko na hindi mo kayang pagalawin ang mga bagay na gawa sa material ng monsters. That's why I rush..."

"Step aside." Malamig na sabi ng lalake sa kanya.

Naningkit ang mga mata ni Veronica sa narinig.

"Excuse me! Ikaw na nga itong tinutulungan, ikaw pa ang galit?!" Hindi makapag-pigil na bulyaw niya sa lalake.

"I don't need help, especially from you." Sagot nito ulit sa kanya na mabilis na siyang nilagpasan.

Gigil na ibinaba ni Veronica ang mga kamay na kumokontrol sa tubig na nasa uluhan nila. Napa-singhap ang mga sundalo ng bumagsak ang maraming tubig sa kanila. Hindi si Veronica nag-salita. Nakita niya ang hari na walang kilos sa harapan niya pero wala siyang paki-alam.

"Are you, trying to get me more mad?" Mariin ang mga salitang binitiwan ng hari sa kanya.

"Kung gusto mong patayin yang mga kalaban mo, subukan mong humingi ng tulong sa ibang tao." Pa irap na sagot niya dito saka walang babalang ikinumpas niya ang mga kamay at binalot ng tubig ang bawat rebelde sa harapan niya. Saka niya iniangat at binagsak sa harapan ng hari.

"There you go, I hate seeing that soldier, to get hurt." Itinuro niya ang sundalong kausap niya kanina. "That's why I helped." Dugtong pa niya tsaka siya tumalikod at Iniwan na ang naka-tiim bagang na hari.

"Let's go!" Tawag niya sa dalawang kasamahan na nag-hihintay pa rin sa kanya.

Paalis na siya ng biglang may humawak sa kanyang mga braso. Nang lingunin niya kung sino, nakita niya ang mukha ng hari na sobrang dilim at halatang nag-titimpi ng galit. Mukhang naramdaman ni Ravi ang tension sa pagitan nilang dalawa ng hari kaya mabilis siya nitong binalot ng tubig.

"Who told you to leave?" Malamig ang boses na tanong ng hari sa kanya.

"Who told you to stop me?" Naka-taas ang kilay na sagot niya dito.

"You're in my kingdom, and you have the guts to answer.."

"Excuse me, you didn't accept us to be part of your kingdom, that's why we are just visiting here." Putol ni Veronica sa sinasabi ng lalake na halatang natigilan.

"You..."

Hindi na narinig pa ni Veronica ang sinabi nito dahil tuluyan na siyang kinuha ni Ravi at isinama sa teleportation. Naiwan ang hari na tuluyan na ngang sumabog sa galit.

"Find her!!!" Malakas na utos nito sa mga tauhan.

Next chapter