webnovel

CHAPTER 6: The Reunion

   Sa kaniyang paglalakad sa pagtahak ng daan patungo sa bahay nila Joseph ay may nasalubong siyang babae.

"Si Sabel ba yon?" naitanong niya sa sarili nang makita ito. Mukha kasing masama ang pakirandam ng babae at kakaiba ang kulay ng mukha. Hindi nya nalang pinansin at nagpatuloy  siya sa kaniyang paglalakad.

Ilang sandali pa nga'y narating niya na din ang naturang lugar. Dinaig niya pa ang akyat bahay kung magdahan-dahan ng lakad patungo sa bakuran nila Joseph. Bawat hakbang nakakaramdam siya ng kaba. Animoy parang bumabalik siya sa pagkabata, Unti unting nagpa-flashback sa kaniya ang lahat. 

Sa kaniyang isipan ay nakikita at naririnig pa rin niya ang masasayang tawanan at kwentuhan nilang magkakaibigan lalo na nga nang makita niyang naroroon parin ang kubo na madalas nilang tambayan. Hindi niya mapigilan ang mapangiti at lumapit sa kubo na ito.  Pumunta  sya sa parte ng kubo na madalas nilang upuan ni Moma at doon ay nanatili paring ang inukit noon ni Moma "M&V" hinaplos niya ang lumang ukit ng babae. Iginala niya pa ang kaniyang paningin. Parang wala naman ipinagbago ang lugar kung hindi lang babakas ang matinding kalungkutan na dulot na din marahil ng katahimikan.  

"Sino ka?" Para siyang binuhusan ng malamig na tubig nang biglang may marinig na boses ng babae. Nakatayo ito na halos limang hakbang lamang ang layo sa kaniya. May bitbit ito na bilao. Kahit na bakas sa mukha nito ang katandaan ay walang duda na si Aling Ellen ito.

"A...Ante Len?" Nawala ang kunot sa noo ng ginang nang unti-unting mamukhaan si Vergel. Bago pa man makapili ito ng magiging reaksyon ay tumakbo na ang binata agad dahil sa kasabikan. Para siyang batang yumakap sa ginang.

"Antee…" nanginig ang boses niya dahil sa pinipigilang luha. Gustuhin man ni Ellen tugunin ang yakap na iyon hindi niya magawa.

"Nayy, saan ko po ilalagay yung kahoy—" mayroon palang kasama si Ellen. Humiwalay si Vergel sa ginang nang marinig ang pamilyar na boses. Agad nag-tama ang paningin nilang dalawa. Nag-mistula silang estatwa na nakatitig lang sa isa't-isa. Walang umiimik. Walang gumagalaw. Bago pa man may isa sa kanila na mag umpisa ng kahit na ano'y naramdaman niya nalang ang pag-tapik ni Ellen.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Joseph. Inaasahan na niya na ganun din ang magiging reksyon nito kapag nakita sya.

"Joseph." Sabi ni Ellen na para bang sinasaway ang anak dahil tila lalamunin na ng buhay si Vergel sa galit.

"Umalis ka dito!" Galit itong lumakad at hinila si Vergel palayo sa ina.

"Joseph!" Sumunod si Ellen. Hindi tuloy maiwasan na maka-agaw ng pansin ang sigaw na iyon ng ginang.

"Ano ka ba?" Pumalag si Vergel at tinanggal ang kamay ni Joseph na naka-kusot sa kwelyo niya.

"Joseph, anak, kumalma ka." Nanginginig ang boses ng matanda na pilit hinihila si Joseph palayo kay Vergel.

"Hindi kana dapat bumalik dito!" Singhal nito kay Vergel. 

Ngunit hindi na sila bata, hindi na siya natatakot kay Joseph. Tutal kahit ano namang gawin nito sa kaniya'y hindi niya din mararamdaman.

"Bitawan mo nga ako!" Pag piglas niya nang literal siyang pinagtatabuyan ni Joseph palabas ng bakuran nila.

"Vergel, anak.. pakiusap.. umalis kana.. " si Ellen na ang lumapit kay Vergel. Madami na din kasi ang nakatingin na kapit-bahay.

"Umalis ka na! Hindi ka dapat bumalik dito Vergel! Wala ka talagang utak! Umalis kana!" Patuloy na sumisigaw si Joseph na pilit na hinaharangan ng kaniyang ina.

"Tumigil ka nga Joseph! Aalis ako ngayon, pero hindi mo ako mapipigilan. Malalaman at malalaman ko lahat ng ginawa mo kay Moma!" Sabi niya. Hindi na napigilan ni Ellen ang anak na sugurin si Vergel. Sinuntok siya nito ng malakas sa mukha.

" Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mo!"

"Ngayon ka pa kikilos kung kailan wala na sya?! Layas! Layas! "

" Oo!" Kung nandito lang ako baka buhay pa sya ngayon!"

"Anong sabi mo?!" Yumakap na si Ellen sa bewang ni Joseph.

"Ito ang ang tatandaan mo, wala kang ginawa. Kahit anong gawin mo ngayon wala na. Hindi mo na mababago lahat dahil wala kang ginawa! Wala kang kwentaa! Lumayas ka! Layas!" Nagmistulang baliw si Joseph sa kakasigaw. Pinagbubulungan narin sila ng mga tao.

" Vergel, umalis kana." Naluluhang pakiusap ni Ellen sa binata. Hilut-hilot ang panga niyang umalis  si Vergel sa bakuran nila Joseph. Mabilis niyang pinunasan ang luha niya. Hindi siya naluluha sa suntok na natanggap niya kay Joseph. Naiiyak siya sa mga katagang sinabi nito. Nagmukha siyang inutil.

"Ayan! Ayan ang sinasabi ko sayo!" Galit na nakadungaw si Papay Kaloy sa bintana habang si Vergel naman ay nakaupo lang. Nagmamadaling pumasok si Iskang sa loob ng bahay na may dala na naman na yelo.

"Kailan pa naging ganyan katigas ang ulo mo?" Nilingon niya si Vergel na inaasikaso ni Iskang. Wala namang imik si Malou na pinapanood sila.

"P..pasensya na po Pay."

"Wag kang malikot." Ani Iskang na ginagamot ang bangas ng pamangkin.

"Makinig ka sakin ng mabuti, Vergel." Sinara ni Papay Kaloy ang pintuan. Naupo sya  malayo sa bintana at uminom ng malamig na tubig na hinanda ni Malou para sa kanya.

"Isang beses ko lang ito sasabihin sa iyo."  Tinigil ni Iskang ang ginagawa niya.

" Hindi namatay di Monalisa sa sakit.. pinatay sya." Sabi nito sa mababang boses na sakto para sila lang ang makarinig.

"At si Joseph ang pinaghihinalaan nilang pumatay kay Moma." Sabi ng matanda.

" Kaya hangga't maaari iwasan mo na lang muna na pumunta doon ng mag-isa dahil ipinagkatiwala ka sakin ng papa mo."

" Pero.." tumingin si Papay Kaloy sa wall clock na nakasabit sa dingding.

" Maghintay tayo ng dilim. May ipapakita ako sayo." Sabi nito. Walang kibo naman sila Iskang at Malou.

Gaya nga ng sinabi ng matanda. Pagsapit ng dilim ay kinatok siya nito sa kaniyang kwarto.

"Sumama ka sa akin." Sabi ni Pa'y Kaloy. Walang tanong na sumama naman si Vergel sa matanda. Wala silang naging usapan sa pagbagtas ng daan. Kahit naman hindi niya ito tanungin ay natatandaan niya ang lugar na kanilang pupuntahan. At ito ay ang sementeryo sa kanilang lugar. Hindi man malinaw ang pakay ay patuloy siyang sumunod kay Pa'y Kaloy. 

Hanggang sa isang puntod ay biglang huminto si Pa'y Kaloy.

"Tingnan mo." Kunot ang noong lumapit si Vergel sa tinuturo nitong libingan. Napuno agad siya ng tanong. Hindi niya magawang ibuka ang mga labi sa labis na pagtataka. Tumingin na lamang siya sa matandang lalaki.

"Diyan namin nilibing si Moma." Sagot nito.

Pero ang libingan na tinuro ni Pa'y kaloy ay walang kabaong o bangkay ng tao.

"Dalawang araw, matapos ang libing niya, may nagnakaw ng katawan ni Moma." Sabi ni Pa'y Kaloy.

Mapos makita iyon ay kinilabutan ang binata. Sinong tao ang kukuha ng bangkay at ano ang kailangan niya kay Moma?

"Hindi nila mahanap at wala silang makuhang ebidensya...kahit mayroon silang pinaghihinalaan." Anito.

"S..sino po?" Tumingin si Papay Kaloy sa hindi kalayuan.. Nakita niya si Joseph na nakaupo at may inaalayang bulaklak. Uminit na naman ang ulo niya. Akmang lalapitan niya si Joseph ngunit pinigilan siya ng matanda. Naghintay sila ng halos 10 minutes bago umalis si Joseph sa puntod na iyon. Walang kibo siyang lumakad at tiningnan kung kaninong puntod iyon. 

Nakaramdam ng panghihina ang mga binti niya.

Napaluhod siya at hindi mapigilang umiyak. 

Puntod ito ni Razel. 

He felt that his heart was struck by the truth when he saw that it was not a nightmare. It's true that Razel and Moma are gone. He repeatedly uttered the word "sorry" He was unable to lift his head because of the intense shame he felt. 

Papay Kaloy let him take the time to stay at Razel's grave. 

Ilang sandali lang ay tumayo na si Vergel. Lalakad na sana sila nang sa pag-lingon nila'y parang poste na nakatayo si Anielle na nakatingin sa kanila. Tila nabigla din ito na naroon siya. Nabitawan  niya ang bitbit na bulaklak at kandila. Walang sabi-sabing lumapit ito at yumakap kay Vergel. Para silang mga bata na humagulgol sa pag-iyak. Tumingin na lang sa malayo si Papay Kaloy para hindi maiyak sa makabagbag damdaming pagtatagpo ng magkakaibigan. 

Next chapter