webnovel

CHAPTER 7: What is going on?

Nakatanaw sa malayo si Vergel. Hindi niya alam kung anong tama at dapat na salita ang sasabihin niya ngayon nga'y kaharap na niya si Anielle. Dahil kung may isa man na nadurog ng sobra sa mga nangyari ay walang iba kundi si Anielle.

"Kalat na kalat dun banda sa baba yung ginawa sayo ni Joseph ah." Si Anielle na ang bumasag ng katahimikan na iyon. Kasalukuyan silang naglalakad na pauwi.

"Intindihin mo nalang." Dagdag pa nito. Ngumiti nalang si Vergel.

"Hindi ka ba galit sa kanya?" Alam niyang napaka-istupidong tanong iyon pero siguradong may maayos na tugon doon si Anielle.

"Hindi naman ganun kadali 'iyon. Niloko nila ako eh." Sagot ni Anielle. Hindi nanaman niya alam ang sasabihin. Kaya naman hinayaan niya na lamang na ai Anielle ang magsalita.

" Basta.. noong araw na aalukin ko na sya ng kasal, bigla niyang sinabi na buntis daw sya at si Joseph ang ama...hindi ako makapaniwala.. kasi okay kami.. okay kaming lahat.. hindi ko nakitaan ng kahit anong senyales na may namamagitan sa kanila… pero kahit na naging ganun, sinubukan ko parin suyuin si Moma.. Handa naman akong saluhin yung bata at kalimutan nalang lahat pero hindi eh.. Si Joseph talaga yung pinili niya.." Huminga pa ng malalim si Anielle.

" Sorry. Pero gusto ko malaman, paano namatay si Moma?" Hindi agad sumagot si Anielle.

" Sabi nila suicide daw. Kasi natagpuan na lang syang walang buhay sa batis  tatlong araw matapos mamatay ni Razel. Sagot nito.

"Pero bakit sinasabi nilang may sakit si Moma?" Yun din ang isa sa malaking tanong na bumabagabag sa kaniya.

"Oo. May sakit sya. Nang mawala si Razel, hindi na din nagpakita dito si Moma. Parang umiiwas na sya sa tao. May nakarinig daw na naguusap sila Joseph at Ante Len na may nakakahawang sakit na si Moma. Sa takot nilang baka kumalat yung sakit niya, hinanap na sya ng awtoridad. At ayun nga.." Ngayon lumilinaw na sa kanya ang lahat. Maari ngang tinapos na lamang ni Moma ang kaniyang buhay dahil sa tinataglay na karamdaman.

"Hindi mo man lang ba sya hinanap nung bago sya nawala?"

"Yung totoo?... Hindi eh.. Ayoko syang makita.. Sinubukan niya pa ko kausapin pero tumanggi na kong harapin sya. Hindi ko na kaya eh. Dagdag pa yung balitang biglang pagkawala ni Razel." Sabi nito na sinipa pa ang nakaharang na lata sa kanilang nilalakaran.

" Hindi ko parin maintindihan. Bakit kinuha yung bangkay ni Moma?" Tanong niya na tinawanan ni Anielle.

" Kase hindi ako naniniwalang nagpakamatay si Moma. Pinilit ko na magsagawa pa ng isa pang autopsy. Tapos yung araw na handa nang hukayin si Moma, wala na sya sa libingan niya." Sagot nito.

" Kaya ba si Joseph ang pinagbibintangan ninyo?"

" Sino pa ba dapat? Ikaw? Haha." Pabirong turan nito.

" Kung sino man kumuha kay Moma, baka natakot sya sa magiging resulta ng autopsy kaya iyon ang ginawa niya." Sabi pa ni Anielle. Hindi na nagsalita si Vergel.

" Ano? May tanong ka pa ba?" Maya maya'y turan nito nang mapansin ang pananahimik niya.

" Meron pa."

" Ano yon?"

" Bakit ginawa ni Razel iyon sa sarili nya?" Ayaw niya din maniwala na gagawin ni Razel ang bagay na iyon.

" Hindi ko alam." Maikling sagot nito.

" H..ha?"

" Yun ang totoo. Hindi ko alam. Kasi galing pa kami sa bundok non eh. Kahit itanong mo pa kila Malou, sila ang kasama namin nung araw na iyon. Masaya kami. Sabi ni Razel may surpresa siya sa amin. Ang akala ko nga napauwi ka niya at ikaw ang surpresa nya sa amin." Muli nanaman nakaramdam ng guilt si Vergel.

"Pero biglang hindi iyon natuloy." Napansin niyang tila nag-iba ang awra ng mukha ni Aniele pero agad din naman nag-switch sa pagiging cheerful. Inisip na lang ni Vergel na may naalala lang itong nakakabitter."

" Ikaw?" Hinarap sya ni Anielle.

" May gusto ka parin ba kay Moma?" Tanong nito. Tumingin si Vergel  sa haba ng nilalakaran nila. Madilim na pala at halos mga tindero nalang ng balut ang nakikita nila.

" Huy." Paguulit ni Anielle. Ngumiti si Vergel. Ayaw niyang isipin nito na may pagnanasa sya kay Moma kahit na ang totoo'y si Moma lang talaga ang nag-iisang babae na pinapangarap nya.

" Gusto ko nalang mahanap yung katawan nya at mabigyan sya ng maayos na libing." Iyon nalang ang sinagot nya.

" Pano mo naman gagawin iyon?"

" Hindi ko alam."

" Gagawin ko lahat para makasama nya si Razel sa libingan." Sagot nya. Ngumiti si Anielle at tinapik ang balikat niya.

"Oo nga pala, Vergel, pagkatapos ng Pista ng Gabi, baka gusto mong pumasyal sa bahay? Siguradong matutuwa sila mama pag nakita ka." Sabi ni Anielle.

"Oo nga. Sige. Mabuti pa nga. Medyo hindi naging maganda yung pag-welcome sakin ng mga tao dito eh." Natatawang turan ni Vergel.

"Sige. Sasabihan ko sila mama para makapaghanda." Anito. Matapos ang pakikipag-kwentuhan ay nag-pasya na silang maghiwalay ng landas para umuwi na. Pero hindi niya parin maiwasan tanungin ang sarili. Kung si Joseph nga ang kumuha kay Moma, saan niya ito ilalagay? At siguradong umaalingasaw na ito ngayon. Naawa lamang sya kay Moma lalo kapag naiisip niyang hindi parin ito nakalibing ng maayos.

Ilang araw na ang lumipas. Ang ilan ay abala na sa darating na kapistahan.

Kung wala na syang makukuhang sagot, ang makuha man lang sana ang bangkay ni Moma ang maidulot nyang maganda sa mga kaibigan nya. Kaya naman habang binabagtas niya ang daan ay nakakabuo sya ng plano. Alam niya na delikado ngunit iyon lang ang nakikita niyang paraan.

Samantala, sa sobrang lalim ng kaniyang iniisip ay hindi niya namalayan na may mabubunggo pala sya. Maliit na tao kasi ito kaya hindi nya napansin. Nahulog ang ilan sa mga kahoy na pasan nito nang mabangga nya ang bata.

"Pasensya na." Pinulot niya ang ilan sa mga kahoy na nahulog nito.

"Atoy! Ano ka ba? Kala ko nasa likod lang kita. Napaka bagal mo talaga.". Paos ang boses ng babae.

"Pasensya na po aling Tet." Sya naman talaga ang may kasalanan.

"Oh Vergel ikaw pala yan." Sabi nito na may hila hila ding sako na punung-puno ng kahoy.

"Mukhang ang dami po nyan ah."

"Ay oo. Kabababa lang namin sa bundok eh. Ihahabol ko na igawa ng uling kasi siguradong mabenta ang uling ngayong buwan. Alam mo naman pag Pista ng Gabi." Sabi nito.

" Nice. Oo nga. Sige po. Tulungan ko na kayo."

" Ay nakakahiya naman."

" Okay lang po. Wala naman po akong gagawin." Kinuha nya ang bitbit ng babae na isang sakong kahoy. Nanatili namang tahimik si Atoy na sumusunod lang sa kanila.

"Ito na ba si Atoy? Ang laki na din ah. Ilang taon kana?" Bahagya niya pa nilingon ang bata kahit may pasan syang mga kahoy.

"Dose palang po." Mahinang sagot ng payat na bata.

"Hindi mo na ba ako matandaan?" Natatawang tanong nya. Para kasing nahihiya sa kaniya ang batang lalaki. Nilingon ni Tet ang anak na si Atoy.

"Anak ito si kuya Vergel. Yung sinasabi ko sayong totoong nobyo ng ate Moma mo." Sabi ni Aling Tet.

" Naku, nakikiramay nga pala ako ah." Sabi ng ginang na hinaplos pa ang balikat nya na tanda ng pakikisimpatya.

" Walang-wala po yung nararamdaman ko kumpara sa nararamdaman ni Anielle at Joseph." Lumiko sila sa isang bakaruan na puro sinibat na kahoy ang nakatambak at  makikita ang baru-barong bahay ni Tet.

" Narinig ko nga ang nangyari sa mga taong iyon."

" Dito mo nalang ilapag." Itinuro nito kung saan nya ilalapag ang pasan na sako.

"Hindi ikaw ang syota ni Ate Moma eh. Hindi naman ikaw yung nakikita kong kasama nya sa batis eh." Biglang sinabi ni Atoy habang inis na inilalapag ang mga kahoy sa lagayan. Tumingin si Tet at tinawanan ang anak.

"Ang ibig kong sabihin, si Kuya Vergel mo ang unang naging kasintahan ng ate mo." Sabi nito.

" Eh bakit wala sya nung ginahasa si Ate Moma?"

" Ha?" Tumingin si Vergel sa mag-ina.

" Atoy, ano ka ba? Baka may makarinig sayo, isipin pang gumagawa ka ng kwento." Saway nito sa bata.

" Totoo ba?" Tanong ni Vergel.

" Hay naku. Malikot talaga utak ng batang iyan wag mo nang pinagpapansin.,. Pasensya na ah. Wala akong maiaalok ngayon sayo kahit tubig. Wala pa kong kinikita eh." Sabi nito.

" Uhm.. okay lang po. Wait.." dumukot sya ng pera sa kaniyang bulsa at inabot iyon sa ginang.

" Sa inyo nalang po."

" Naku..hindi ko iyan matatanggap." Pag-tanggi ni Tet sa binata.

" Tanggapin niyo na po.  Wala naman po akong pag-gagamitan." Bago pa man tumanggi si Tet ay mabilis na nagpaalam si Vergel.

" Ikaw na bata ka kung anu-anong sinasabi mo sa kuya Vergel mo."

" Hindi naman ako nagsisinungaling. Nakita ko naman talaga yon sa bundok, 'nay."

" Atoy.."

" Totoo po iyon.  Nilinisan pa nga po ni ate Moma yung katawan nya sa batis eh. Iyak sya ng iyak  kasi nga sabi nya ang dumi-dumi nya na daw… sabi pa nga ni ate Moma wag ko daw syang iwanan kasi—.."

" Tama na iyan. Baka may makarinig sayo." Hindi alam nila Tet na nagtago lang si Vergel kaya naman narinig nya ang lahat.

Hindi na niya kaya pang kontrolin ang galit na nararamdaman nya para kay Joseph lalo na't nalaman niya ang kahalayan na dinanas ni Moma.