webnovel

Chapter 3

Ella's Pov

"Hoy Ella! Kung bubusangot ka lang diyan eh pwede dun ka na sa loob." ang sungit talaga nitong kaibigan kong si Jordan panira ng mood.

"Bakit ano ba problema Ella?" tanong ni Alex.

"Pinapauwi ako ni kuya Oliver dahil birthday nya di ba. Ayokong umuwi kaso nangungulit si kuya Oliver." paliwanag ko.

"Uuwi ka tapos ano? Hindi ka ba naiintindihan ng kapatid mo? Akala ko ba kakampi ka nya." mataray na sabi ni Jordan.

"Oo nga sis, nag aalala ako sayo baka kung ano na naman ang gawin sayo ng pamilya mo. May mga sira pa naman ang ulo ng pamilya mo." sabi ni Alex.

"Bahala na. Next month pa naman yun eh. Mag iisip na lang ako ng dahilan." sabi ko.

"Goodluck Sis! Mag isip ka na ng maganda at effective na dahilan mo hahaha." sabi ni Jordan.

"Ewan ko ba kung paano kita naging kaibigan." naiiling na sabi ko. Tatawa tawa lang si Jordan. Mabuti na lang sanay na ako sa ugali nya. Lakas ng trip ng babaeng yan eh.

"Siya nga pala nagparamdam na ba sayo si Papa Gabriel?" tanong ni Alex.

"Maka Papa ka naman. Oo nga ang tagal naman sabi nya two weeks pero  mag iisang buwan na ah." sabi ni Jordan habang nag aayos kami ng mga cakes na kakadeliver lang dito sa coffeeshop.

"Ano ba naman kayo baka naman hindi seryoso yun at isa pa malamang baka pinaglalaruan lang ako nun." sabi ko.

"Ikaw ang nega mo kay Papa Gabriel. Kung di seryoso yun magpapadala ba ng sulat at bulaklak yun na nagsasabi na mawawala sya ng two weeks. Kung pinaglalaruan ka nya eh hindi na sya mageeffort na magsabi pa." sabi ni Alex.

"Ewan ko. Ayokong isipin pa yan." sabi ko.

"Ella, hindi lahat ng tao katulad ng ex boyfriend mo." sabi ni Jordan.

"Tumigil na kayo pwede ba ayoko nang isipin pa ang mga bagay na yan." sabi ko.

Simula ng ihatid ako ni Gabriel sa apartment, kinabukasan nun ay nagpadala siya ng bulaklak at sulat na nagsasabi na mawawala siya ng dalawang linggo. Pero isang buwan na ay hindi ko pa din siya nakikita. Malamang katulad din siya ng iba diyan na mahilig paglaruan ang damdamin ng mga babae. Sa gwapo nyang yun imposibleng walang magkakandarapa sa kanyang mga babae.

Natapos ang shift namin sa coffeeshop at napagplanuhan namin na kumain sa labas. Tinatamad daw magluto si Alex. Kami kasi ni Jordan hindi pinagpala sa pagluluto sa kusina. Isa isa na kami na lumabas ng coffeeshop. Natigilan ako sa paglalakad ng mabunggo ko ang likod ni Jordan. Hindi kasi ako nakatingin sa harapan. Naghahalungkat kasi ako ng bag dahil hinahanap ko ang wallet ko.

"Ano ba bakit kayo tumigil sa paglalakad?" tanong ko.

"Pakshit girl! Ang pogi!" tulalang sabi ni Jordan.

Tinignan ko kung saan sya nakatingin. Natulala din ako nang makita ko si Gabriel na papalapit sa kinaroroonan namin. Simpleng jeans at tshirt lang naman ang suot nya pero bakit sobrang gwapo nya.

"Hi! I hope your not mad at me. Here! For you sweetie." sabi ni Gabriel sabay abot ng flowers at chocolates.

"Why would I? May ginawa ka bang masama sakin para magalit ako?" tanong ko.

"Natagalan ako sa pagbalik. I said two weeks right? But inabot ako ng 1 month." sabi nya.

"Huwag kang mag alala hindi ako galit." sabi ko. Sino ba naman ako para magalit sa kanya.

"Pauwi na ba kayo?" tanong ni Gabriel.

"Hindi pa. Kakain pa kami ng mga kaibigan ko. Siya nga pala Gabriel, si Jordan at si Alex mga kaibigan ko. Guys si Gabriel." pagpapakilala ko sa kanila. Nagkamayan sila at nagbatian.

"Sabi mo kakain kayo di ba? Sama na lang kayo sakin kumain. Treat ko." pag aaya ni Gabriel.

"Ayun naman pala eh. Hindi na kami magpapakipot pa kasi gutom na rin kami." sabi ni Jordan. Ito talagang babaeng to napakaprangka. Sasabihin kung ano ang nasa isip ng walang pag aalinlangan. Hindi rin nahiya ang babaeng ito.

Inalalayan ako ni Gabriel na makapasok sa kotse nya. Sina Alex at Jordan naman ay sa likuran tapos sumunod si Gabriel. Dinala nya kami sa isang mamahaling restaurant. Inalalayan nya akong lumabas ng kotse at inakbayan nya ako hanggang sa makapasok kami sa restaurant. Naupo kami at binigyan kami ng menu ng waiter.

"What would you like to order?"  tanong ni Gabriel. Tinignan ko ang mga nasa menu. Wtf! ang mamahal ng pagkain. Isang order nagkakahalaga ng 1 libo.

"Sure ka bang dito tayo kakain? Ang mamahal nito?" tanong ko.

"Shut up ka na nga lang girl. Alam mo panira ka ng mood. Minsan lang tayo makakain sa ganitong restaurant. Huwag ka nang umangal pa." sabi ni Jordan. Pasaway talaga to.

"Sige mauna na kaming umorder dahil mukhang nagdadalawang isip pa ang kaibigan namin." sabi ni Alex. Puro steak ang inorder namin. Napilitan na akong kumain kasi si Gabriel ang umorder. Grabe ang mahal ng kinakain namin. Parang hindi ko malunok kasi nakakahinayang dahil sa presyo.

"Matagal na ba kayong magkakaibigan?" tanong ni Gabriel samin.

"Kami ni Jordan ay magpinsan. Tapos nakilala namin si Ella noong grade 5 kami. Magkakasama na kami noon  hanggang ngaun." sabi ni Alex.

"Oo nga at kung di pa kami naawa sa kanya nun baka hindi kami naging magkakaibigan." sabi ni Jordan. Napatingin kami ni Alex kay Jordan. Napaka talaga ng bunganga nitong si Jordan. Pinandilatan namin si Jordan.

"What do you mean?" tanong ni Gabriel.

"Ah wala yun. Siya nga pala bakit ang tagal mong bumalik. Namiss ka tuloy ng kaibigan namin." sabi ni Jordan.

"Jordan!" malapit na sasapakin ko na tong babaeng ito.

"Joke lang! Chill ka lang." sabi ni Jordan.

"Ah kasi medyo natagalan kami sa medical mission namin. Naextend ng naextend dahil hindi nakarating ang ibang mga doktor." paliwanag ni Gabriel.

"Yun naman pala Sis eh. Medical mission pala." pang aasar ni Alex.

"Pwede ba tumigil na kau." pag aawat ko sa kanila.

"Kain na lang tayo bago magalit ang prinsesa." sabi ni Jordan.

Masaya silang nag usap. Ang daming tanong nila Alex kay Gabriel. Magiliw namang sinagot ito ni Gabriel. Pagkatapos naming kumain ay inihatid nya kami sa bahay.

"Sweetie, kailan ang off mo sa trabaho. Pwede ba kitang maaya na magdate?" tanong ni Gabriel.

"Busy kami sa trabaho eh." sabi ko.

"Anong busy? Wala naman tayong ginagawa sa trabaho." sabi ni Jordan.

"Pagbigyan mo na Ella ako nang bahala sa schedule mo sa coffeeshop." sabi naman ni Alex. Ewan ko ba sa mga ito parang binubugaw naman ako.

"Ah sige sabi nila eh." nag aalinlangang sagot ko.

"Sige sunduin kita bukas ng 8am ng umaga." nakangiting sabi nya. Tapos lumingon kina Alex at nagthank you.

Hinalikan ako sa pisnge ni Gabriel bago sumakay ng kotse at saka umalis. Pagkatapos ay pumasok na kami ng bahay.

"Shit! Kinikilig ako. Ang swerte mo girl. Mukhang seryoso sayo si Gabriel." sabi ni Jordan.

"Ewan ko Jordan, natatakot akong magmahal at magtiwala ulit. Parang ang hirap tanggapin na may gusto siya sakin. Hindi ako maganda at matalino at tanggap ko yun. Maraming magaganda at sexy dyan pero bakit ako? Ang hirap paniwalaan." malungkot na sabi ko.

"Halika nga dito." sabi ni Alex. Lumapit ako sa kanya at yumakap.

"Dahil sa sobrang sakit ng naramdaman mo sa pamilya mo at ex boyfriend mo kaya ka nagkakaganyan. Kung hindi namin alam ang istorya mo sa buhay ay baka lumayo din kami sayo. Huwag mong itaboy ang lahat ng magmamahal sayo Ella." sabi ni Alex. Hindi ko na napigilan na umiyak.

"Tahan na Ella. Kahit ano pa man ang mangyari ay lagi lang kaming nandito para sayo. Paano mo malalaman na siya ang tamang lalaki para sayo kung lahat ipagtatabuyan mo." sabi ni Jordan.

"Hindi ko alam. Natatakot akong masaktan ulit dahil baka hindi ko kayanin." sabi ko.

"Tahan na. Hindi ka namin pipilitin pero subukan mo man lang please." sabi ni Alex

Ilang minuto pa din akong nakayakap sa kanila. Napakasaya ko dahil hindi man ako biniyayaan ng masayang pamilya ay mayroon naman akong mga kaibigan na mahal ako.

Umakyat ako sa kwarto ko at nahiga sa kama. Tulala akong nakatingin sa kisame. Maya maya ay tumunog ang cellphone ko. Tinignan ko ang screen pero numero lang ang nakalagay. Sinagot ko ito dahil baka si kuya ang natawag.

"Hello?" sagot ko.

"Hi sweetie! I got your number from your friends. How are you, sweetie?" sabi sa kabilang linya. Kilala ko na agad ang tumawag, kasi si Gabriel lang naman ang tumatawag saking sweetie. Kung wala akong pinagdadaanan siguro kikiligin ako. Pero takot at pag aalinlangan kasi ang nararamdaman ko.

"Okay lang naman. Napagod lang sa trabaho." sabi ko.

"Ganun ba sige hindi na kita iistorbohin para makapagpahinga ka na. Uminom ka ng vitamins mo ha." sabi pa nya.

"Opo nainom po ako. Sige na bye na." pagpapaalam ko.

"Bye sweetie. I missed you!" sabi nya. Pinatay ko na ang tawag. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Inilagay ko ang cellphone ko sa lamesa sa gilid ng kama ko. Pagbibigyan ko ba siya at pagkakatiwalaan katulad ng sabi nila Alex? Paano kung katulad lang din siya ng ex ko? Ang hirap naman.

Ilang oras pa din akong nakatunganga sa kisame. Hindi ako makatulog. Tinignan ko ang orasan ko. Shit! 4am na tapos susunduin ako ni Gabriel ng 8am. Pinilit ko nang matulog. Mabuti na lang at unti unti nang bumigay ang mga mata ko at nakatulog.

Next chapter