webnovel

Chapter 4

Ella's Pov

"Hoy Sleeping beauty, gumising ka na!" nagising ako sa lakas ng boses nitong si Jordan.

"Problema mo ba?" tanong ko.

"Hala siya, nakalimutan mo na ba? May date kaya kayo ni Gabriel. Isang oras na siyang naghihintay at isang oras na din kitang ginigising." napabalikwas ako ng bangon. Oo nga pala susunduin ako ni Gabriel. Tinignan ko ang orasan at 9am na nga.

Dali dali akong pumunta ng banyo at naligo. Tapos paglabas ko nakahanda na ang aking mga susuotin dahil hinanda na ito ni Jordan. Simpleng light blue sleeveless dress sya na hanggang  tuhod. Tapos tinernuhan ng white doll shoes.

"Thanks Jordan!" sigaw ko.

"No problem! Love you!" sigaw naman nya bago umalis ng kwarto ko.

Nagsuklay lang ako tapos naglagay ng light foundation at lipstick. Pagkatapos ay bumaba na ako. Pagkababa ko naabutan ko sa sala na nag uusap sina Alex, Jordan at Gabriel.

"Eto na pala ang prinsesa natin." sabi ni Alex. Tumingin sila sakin. Napatingin ako kay Gabriel na titig na titig sa akin.

"Hi! Sorry medyo tinanghali ako ng gising." pagpapaumanhin ko.

"That's okay sweetie. I had a good chat with your friends." sabi ni Gabriel. Pinandilatan ko sila Alex at Jordan.

"Dont worry Sis, hindi ka namin nilaglag haha." sabi ni Alex.

"Tara na?" tanong ni Gabriel.

Lumabas kami ng bahay at sumakay sa kotse nya. Well he's always a gentleman. Aalalayan ka makasakay sa kotse at lalagyan ng seatbelt.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"Kain muna tayo pagkatapos manunuod tayo ng movies." sabi ni Gabriel. Tumango lang ako.

Kumain kami sa isang mamahaling restaurant. Napangiwi na naman ako kasi ang mamahal na naman ng presyo ng mga pagkain. Unang umorder si Gabriel kaya sabi ko sa waiter ay kapareho na lang ng inorder ni Gabriel ang oorderin ko. Hindi naman nagtagal at naibigay naman sa amin ang order namin. Habang nakain kami ay nagsalita si Gabriel.

"Sweetie, pwede ba akong magtanong ng tungkol sayo? Gusto kasi kitang makilala. Ang alam ko lang sayo ay ang pangalan mo na Isabella Garcia." sabi nya.

"Okay lang naman sakin na magtanong ka. Kaso pwede bang huwag ka na lang magtanong tungkol sa pamilya ko." sabi ko.

"Bakit naman?" tanong nya.

"Basta, huwag ka nang makulit." naiiritang sabi ko.

"Sige na nga." pagsang ayon nya. Salamat naman at hindi na siya nagkulit.

Marami kaming napagkwentuhan at marami din akong nalaman tungkol sa kanya. Pagkatapos naming kumain ay nanuod kami ng sine. Pinagbigyan nya ako sa gusto ko na horror movie. Mas trip ko kasi yun kaysa sa mga love story. Natapos namin ang movie at lumabas ng sinehan. Grabe hindi man lang natakot si Gabriel.

"Nakakatawa ka naman pala. Gusto mo ng horror movie pero sobrang takot ka naman." nakangiting sabi nya.

"Gusto ko kasing manuod ng ganun movie. Nde ako makapanuod mag isa ng ganung movie eh." sabi ko.

"Maaga pa saan mo gustong mamasyal?" tanong ni Gabriel.

"Kahit saan. Wala naman akong maisip." sabi ko.

"Gusto mo bang magshopping?" tanong nya.

"Ano ka ba naman, ang gastos mong tao. Hindi purket marami kang pera ay wawaldasin mo lang basta basta." sabi ko.

"Tara doon tayo sa may park na yun. Maglakad lakad na lang muna tayo. Ganyan ka ba talaga makipagdate?" tanong ko habang naglalakad kami sa park.

"Hindi ko kasi alam ang gusto nyong mga babae. Ngaun lang ako nakipagdate." sabi nya.

"Weh di nga? Sa gwapo mong yan wala ka pang naging girlfriend?" tanong ko.

"Meron naman kaso hindi ko naman yun niligawan. Masyado kasi yung liberated. Sinabi nya boyfriend nya na ako kaya sinakyan ko na lang. Ipinagkasundo kami ng lolo ko. Kaso hindi lang pala ako ang naging boyfriend ng mga oras na iyon. Tatlo pala kaming pinagsasabay sabay. Kaya ayun hiniwalayan ko sya." paliwanag ni Gabriel.

"Bakit ang dali mong sabihin sakin ang mga yan?" tanong ko. Habang papaupo kami sa isang bench.

"Gusto kong maging honest sayo. Gusto kong paunti unti mo akong pagkatiwalaan. Seryoso ako sayo nang sabihin kong akin ka na." sabi pa ni Gabriel.

"Sorry ha. Hindi ko pa kasi kayang magtiwala sa kahit kanino." sabi ko.

"Hindi kita pipilitin kung hindi ka pa handa. Pero sana hayaan mo akong ipakitang seryoso ako sayo." sabi ni Gabriel.

Tumingala ako sa langit. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Gusto ko siyang ipagtabuyan pero naalala ko ang sinabi ng mga kaibigan ko. Siguro sa ngayon ay papabayaan ko na lang muna siya sa gusto nya.

Marami kaming napag usapan. Madalas siya ang nagkukwento sa akin. Nagkukwento siya ng mga gusto nya, mga hobbies nya at ang tungkol sa pamilya nya. Masaya namang kasama si Gabriel. Sa sobrang dami ng napag usapan namin ay hindi namin namamalayan na gumagabi na.

"Naku gabi na pala pwede na ba tayong umuwi? Maaga pa kasi ang shift ko sa coffeeshop eh." sabi ko. Tumango si Gabriel at naglakad kami papunta sa kanyang kotse.

Madali naman kaming nakauwi ng bahay. Hindi naman kasi kalayuan ang pinuntahan namin ni Gabriel kaya mabilis lang ang biyahe. Bumaba si Gabriel at pinagbuksan ako ng pinto ng kotse.

"Salamat, nag enjoy ako sa date natin." sabi ko.

"Kung gusto mo araw araw pa tayong magdate eh." sagot nya.

"Baliw ka talaga. Para kang walang trabaho. Sige na papasok na ako. Mag ingat ka sa pag uwi mo." sabi ko. Bigla naman nya ako hinalikan. Naging mapusok ang halik nya. Napapikit ako sa sarap na nararamdaman ko. Tila ba sabik na sabik sya na mahalikan ako. Ako na ang unang tumigil. Hinahabol ko ang aking hininga parang ayaw pa nga nya tumigil sa paghalik.

"Sige na at baka gabihin ka pa." sabi ko.

"Goodnight sweetie!" humalik muna sya sa pisnge ko bago sumakay ng kotse.

Pagkatapos nyang makaalis ay pumasok ako sa bahay. Pagbukas ko pa lang ng pinto ay nakita ko si Mama at ang dalawa kong kapatid na babae. Tapos nakaupo naman sina Alex at Jordan sa couch.

"Mama ano pong ginagawa nyo dito?" tanong ko. Mag mamano sana ako ng bigla akong sampalin ni Mama.

"Ang kapal ng mukha mo! Kaya ka pala umalis ng bahay ay para maglandi lang. Kelan ka ba titino? Wala ka nang binigay samin ng papa mo kundi kahihiyan." sabi ni mama.

"Mama, hindi naman po....." hindi ako pinatapos pang magsalita ni mama.

"Mangangatwiran ka pa talaga. Mag empake ka na. Darating ang lolo at lola mo. Hinahanap ka sa amin. Kung di lang dahil sa mga matatandang yun ay hindi kita pag aaksayahan na hanapin. Laking abala sakin ito." sabi ni mama.

"Mama may trabaho po ako." sabi ko.

"Wala akong pakialam. Gusto mo pa bang kaladkarin ka namin?" sabi pa ni mama.

Hindi na ako nagsalita pa. Nakita kong nakangisi sina ate Karen at ate Monica. Umakyat ako sa kwarto nang umiiyak. Nag empake agad ako dahil madadamay na naman sina Alex at Jordan. Walang tigil ang pag ahos ng luha ko. Ang saklap ano? Kahit kailan ay hindi ko naranasan ang mahalin ng pamilya ko bukod kay kuya Oliver ang nag iisang tagapagtanggol ko. Alam kong mahal ako ng lolo at lola ko pero namamalagi na sila sa Amerika. Gusto ko sanang pumunta dun kaso pinagbantaan ako ni papa.

"Ang tagal mo naman naiinip na kami. Nagdadrama ka pa dyan. Bilisan mo nga." nagulat ako ng magsalita si ate Monica at pinagbabatukan ako. Sa totoo lang parang walang pinag aralan ang mga ito. Kung makapanakit sa akin grabe.

"Dalian mo paghindi ka pa sumunod agad at sasabunutan talaga kita." sabi ni ate Monica.

Binilisan ko ang pag eempake at bumaba. Nasa sasakyan na sina mama at ang mga kapatid ko.

"Alex paghindi ako nakabalik ng isang linggo ay gagawa na ako ng resignation. Sorry ha at nadamay pa kayo ni Jordan." sabi ko habang naiyak.

"Halika nga dito. Kung kaya lang namin ang lumaban sa pamilya mo ay itatago ka namin kasi madadamay ang pamilya namin." sabi ni Jordan.

"Alam ko yun at pasalamat ako dahil may mga kaibigan akong tulad nyo. Alis na ako at baka magwala pa ang mama ko." sabi ko.

"Mag iingat ka dun Ella. Tandaan mo nandito lang kami. Mahal ka namin." sabi ni Alex.

Lumabas ako at sumakay sa van na dala nila mama. Ayoko mang sumama ay hindi maaari. Lalo pa at pinagbabantaan ni papa na idadamay ang mga magulang ng mga kaibigan ko. Matagal na akong nagtitiis sa mga ginagawa ng pamilya ko. Napapikit ako sa pagod dahil sa pag iyak ko. Unti unti nang bumigat ang mga mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na ako.

Next chapter