webnovel

Part 2

Thomas A. Tan

Year of 2000, when I first meet her. Sylvia Luis, ang babaeng may taglay na kagandahan. Bagamat tahimik at walang kaibigan. Pero matalino.

Magka-klase kami sa isang subject namin at nagkaroon ng pair ang subject na 'yon. At kami ang nabunot ng prof namin.

People said, you and your same attitude not compatible to each other. Hindi kayo magtatagal sa isang relasyon. Kahit na parehas 'yong ugali niyo. Parehas na gusto ang maraming bagay.

Madalas daw kasing magkasawaan ang ganoong ugali. Then, nagkaroon kami ng relasyon. Parang naing-gayo lang kaming gawin 'yon.

Masaya naman kahit walang kibuan o paminsan-minsan lang kaming nagsasalita. Funny is it?

Sanay na sanay na kami sa companion ng isa't-isa. We are comfortable to each other.

Hindi siya 'yong tipong babae na hihigpitan ka sa lahat ng bagay. Hindi siya 'yong tipong babae na maarte o humihingi ng oras para sa 'yo kung ikaw ay magiging abala sa isang bagay.

Wala ni isang salita tungkol sa pag-ibig ang napag-usapan namin.

Maraming nagsabi na hindi kami tatagal. Maghihiwalay rin kami. Hindi kami ang magkakatuluyan.

Paano raw namin mamahalin ang isa't-isa, gayong parehas ang ugali namin?

To be honest, wala rin akong ideya. Pero sumasabay na rin kami sa agos ng buhay. Wala kaming pakialam sa kung ano man ang sabihin o opinyon ng iba.

Sino ba sila upang husgahan kami? Sino ba sila para pangunahan nila kami? Wala akong pakialam at hindi sila ang priority ko. Mas mahalaga sa akin ang kung ano man ang mayroon sa amin ni Sylvia.

Basta ang alam ko lang ay masaya ako sa tuwing kasama ko siya.

"Gusto ko 'yon," aniya at nginuso pa ang couple shirt na kulay pink.

Isang taon na rin kaming magkasintahan. Walang gusto kita o mahal kita ang lumalabas sa mga bibig namin.

Paano namin sasabihin ang katagang iyon, kung sa una pa lang ay nagsimula kami sa relasyong tila laro lamang?

Ni halik ay hindi namin ginagawa. Holding hands at yakap lang ay ayos na sa amin.

"Babayaran ko ang isang shirt para sa 'yo," nakangiting sabi niya.

Sino ba ang mag-aakala na sa isang babae na tahimik lang at mukhang suplada ay magiging madaldal ngayon?

"Sige. Ako naman ang magbabayad ng sa 'yo," nakangiti ring saad ko.

She's my girlfriend, he's my boyfriend na may hugis na puso ang print ng couple shirt namin.

Kami 'yong tipong magkasintahan na walang kakornihan o wala man lang sugarcoating ang sinasambit namin.

Pero ngayon? Tila naging high school couple kami at sumasabay sa love life nila.

Ayon sa gusto niya ay suotin daw namin ang couple shirts namin at iyon nga ang ginawa naming dalawa.

Masayang nagliwaliw na lang kaming dalawa at magka-holding hands.

***

Isang araw ay may tinanong siya tungkol sa mangyayari sa amin sa hinaharap.

"Pagka-graduate natin..." Pagsisimula niya.

Napatingin ako sa kanya nang binitin pa niya ang sasabihin niya. Nakatambay lang kami sa open field at nanonood sa mga player.

Hapon na kaya hindi na masyadong mainit. Plus, nakaka-relax pa dahil masarap ang simoy ng hangin. Magkatabi lang kaming nakaupo sa damuhan.

"Hmm?"

Tumingin ulit ako sa mga soccer player na nagpa-practice at

Hinintay ko ang sasabihin niya.

"Tayo pa ba?" diretsong sambit niya at mabilis na napatingin ako sa kanya.

"Bakit? Mahal mo na ba ako?" tanong ko at tumaas pa ang sulok ng mga labi ko. Binibiro ko lang naman siya, masyado kasing seryoso ang mukha niya.

"Eh, ikaw ba? Mahal mo na ba ako?" balik na tanong niya sa akin and I caught off guard. I looked away.

Napakamot ako sa batok ko at napanguso. Ang lakas-lakas kasi nang kabog sa dibdib ko at tila may kung anong bagay ang lumilipad sa loob ng tiyan ko.

"Bahala na," sagot ko na lang. Kasi hindi ko naman alam kung ano na ang mangyayari sa amin.

"Ano'ng bahala na lang?" nakataas na kilay na tanong niya sa akin nang nilingon ko siya.

"Bahala na ang tadhana sa atin. Kung gusto pa ba niyang magkasama tayo, eh 'di tayo pa rin. Basta ang mahalaga tayong dalawa lang," nakangiting sabi ko na lang. Sana naunawaan niya ang nais ko.

Totoo na masaya akong nakilala ko siya. Dahil nabigyan ako nito ng inspirasyon sa buhay.

The day of our graduation, I kissed her for the very first time. At ang lakas ng impact no'n sa akin. Bakit kaya hindi ko ginawa 'yon dati pa? Ang sarap pala ng mga labi niya.

Pero ang akala ko ay kami na talaga hanggang dulo. Akala ko walang magbabago sa amin.

Ang akala ko ay siya at ako pa rin hanggang dulo pero lahat ng bagay ay may katapusan pala.

Natapos ang ugnayan namin. Natapos ang relasyon namin at pakiramdam ko sa mga oras na 'yon ay katapusan na ng buhay ko.

Mahal ko na pala siya. Mahal ko na pala si Sylvia Luis. Mahal ko na pala ang babaeng 'yon, nang hindi ko namamalayan.

Kaya pala komportable ako sa kanya. Kaya pala ang bilis-bilis nang tibok ng puso ko. Kaya pala sa tuwing nakikita ko siya ay nakokompleto na ang araw ko.

Pero alam niyo ba ang pinagsisisihan ko talaga?

Ang hindi ko man lang nasabi sa kanyang mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pinagsisihan ko na hindi ko siya pinaglaban.

Sana nagawa ko. Sana kami pa rin. Sana hindi na ako nasaktan. Sana siya na lang ang pinakasalan ko.

Mahal ko siya at iyon ang totoo. Mahal niya rin kaya ako? Nasasaktan din ba siya ngayon? O ako lang ang nasasaktan.

Bakit kasi hindi ko na-realized noong una pa lang ay mahal ko na talaga siya? Bakit ngayon pa kung huli na ang lahat?

"Congratulations!" bati sa amin ng parents ng asawa ko.

Oo, kinasal na ako. Ito ang dahilan kaya natapos ang lahat sa amin ni Sylvia. Ito ang dahilan kung kaya't sisingsisi ako.

"Be a good husband to your wife, hijo," nakangiting saad ni mama at mahigpit na niyakap pa niya ako.

"You're a man at huwag na huwag mong sasaktan ang asawa mo," sabi naman ni papa at tumango lang ako.

May flight kami papuntang Switzerland at doon na kami titira for good.

Sa loob ng eroplano. Sa loob ng sasakyang himpapawid na maraming pasahero ay napaiyak ako.

Lihim na umiyak ako. Maiiwan ko na siya. Maiiwan ko na ang mahal ko. Maiiwan ko na siya at hindi ko alam kung makikita ko pa ba siya.

Sylvia... Mahal na mahal kita. Hindi mo man ito nalaman pero araw-araw kitang mamahalin.

Mahal kita, paalam...