webnovel

Curiosity (Short Pinoy BL)

Author: sajuficnlit
LGBT+
Completed · 13.3K Views
  • 1 Chs
    Content
  • ratings
  • N/A
    SUPPORT
Synopsis

Ito ay isang maikling kwentong aking ginawa noong ako ay isa pa lamang high school student. Naisipan ko lamang itong i-publish online. This is a short story I wrote back in high school, I just thought of publishing it online. This short story is about a guy named Kevin and his encounter with a guy named Rick in the city. This was written way back 2014.

Tags
4 tags
Chapter 1Curiosity - A One-Shot Short Pinoy BL Story

♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦

Kevin's POV

Isang mahabang linya ang tumambad sa akin sa kadalasan kong dinaraanan papauwi galing paaralan. Hindi ko lang alam, pero namalayan kong nakipila rin pala ako at nasa bandang gitna na ng pila. Dahil hindi ko naman alam kung para saan ang pilang iyon nagtanung-tanong ako sa aking harapa't likod tungkol dito, ang sabi nila rasyon daw iyon ng pagkain para sa mga mahihirap. Ah, okay, panahon nga pala ng pangangampanya para sa eleksyong magaganap tatlong buwan mula ngayon, mga pulitiko talaga.

Sa ilang minuto kong pagtambay sa halos hindi na gumagalaw na linya, umalingawngaw ang sigawan ng mga nasa harap, lahat tuloy kaming mga nasa likuran ay napahagilap kung saan ito nagmula. Naningkit ang mga mata ko, malabo kasi eh, pero hindi ko matiis na huwag kunin ang antiparang makapagbibigay ng 3D effect na nakatabi sa loob ng aking sakbit-sakbit na bag.

Nakita ko ang balak tumakbo bilang president na nakatayo sa isang isinet-up na stage noong isang linggo, naka jumper na itim ang matabang nangangalbong pulitiko. Natawa ako sa itsura n'ya, para kasing dambuhalang sanggol na kaluluwal pa lamang matapos ng taung-taong pamamalagi sa sinapupunan ng ina. Kinuha ko ang earphones ko mula sa bulsa ng aking pantalong pamasok at isinalpak sa aking mga tainga, masyadong marami na akong narinig na kasinungalingan sa araw na ito, ayaw ko nang madagdagan pa ng mga magsasalitang political party ngayon.

Nang matapos na nila ang kanilang mga talumpati't pagsasaad ng plataporma, tinanggal ko na ang mga earphones ko at biglang may humablot nito mula sa aking pagkakahawak, ngunit bago pa ito tuluyang makuha mula sa akin ay nasapak na ito ng mga tanod na nagbabantay sa linya at dinakip, belat nalang sa kan'ya. Kung manakaw man ang earphones ko na 'to, sa bargain ko lang nabili 'to, wala akong pake kung sabihin nilang baka delikado, dalawang taon ko nang ginagamit 'to at hindi naman ako nawalan ng pandinig.

"Ba't kaya nandito 'yan?" bulong ng isang babae.

"Oo nga, parang hindi talaga s'ya bagay para pumila dito, baka hindi n'ya alam kung nasaan s'ya at kung para saan 'yung pila na 'to." sagot ng kausap nito.

Nahalata ko na mula sa pagpila ko hanggang sa kasalukuyan ay nagbubulungan ang mga tao sa pila, ako kaya ang pinag-uusapan nila? Hindi ko maikakaila, artistahin ako. Walang hiya kong itinanong sa mga nagbubulungan kung ako ba ng pinag-uusapan nila?

"Excuse me, miss. Ako ba ang pinag-uusapan n'yo? Okay lang naman na pagbulung-bulungan n'yo ako, gusto ko rin namang malaman kung anong sinasabi n'yo tungkol sa akin." ani ko sa kanilang mga nagbubulung-bulungan.

Minata ako ng dalawa at umarteng naduduwal.

Nagtanong ako, "Ah, anong problema?"

"Sorry, sorry, napaka-feeling mo lang kasi." natatawang sagot ng isa sa kanila.

"Eh, kung hindi ako, sino naman ang pwedeng pag-usapang guwapo't artistahin sa pilang ito? Ako lang naman, 'di ba?" taas kilay kong itinanong, sila'y humalakhak lamang na parang nagbibiro ako.

"Oo, merong higit pa sa iyo, isang daang porsyentong sagad! Si Snowy!" itinuro ng babae ang isang lalaking hindi kalayuan mula sa kinatatayuan namin.

Lumingon bigla ang itinuturo ng babae pero hindi naman kami napansin.

"Kaya kong tapatan 'yan no! Bigyan n'yo lang ako ng gluta, iinumin ko na para mas epektib!" sabi ko ng mayroong tonong pagmamayabang.

"Sige, go! Sumulat ka kay Vickie Morales, na 'yang wish mo ay magkatotoo!" sumabat ang lalaking nasa aking likuran.

Napatingin kami sa mga lalaking lumakad sa tabi ng pila, mukhang mga siga, lima silang mga may tattoo sa braso, sandali lang, bahaghari ba 'yong naka-tattoo sa buong braso nila? Naagaw nila ang pansin ng lahat, tumigil sila sa gilid ng lalaking binansagang Snowy ng dalawang nakausap ko. Biglang hinablot ng lalaki na mukhang lider ng mga siga ang collar ng polo ni Snowy, hala bubugbugin yata nila ang kawawang Snowy!

Tumakbo ako papunta sa mga siga at kay Snowy, hindi ko alam kung bakit, pero nang humampas ako sa mga braso ng mga sigang humarang, natumba ako. Nanginginig man sa takot at sakit, sinigawan ko an glider ng mga siga. "Hoy! Anong gagawin n'yo sa kan'ya! 'Wag naman kayo gumawa ng gulo dito, sa mismong kampanya pa ng Life's Good Be Totally Quiet Party List o LGBTQ Party List! Mahiya naman kayo!"

"Huwag kang sasali sa eksenang ito, wala kaming gagawing masama basta makikipag-cooperate 'etong lalaking ito sa amin!" brusko ang tono n'ya nang sambitin ang katagang iyon, ngunit nagtaka at napaisip na ako nang sabihin n'ya ang sumunod.

"Sorry, I was just shy and I don't wanna frighten you, can we be friends. Or if you want, we can be more than friends." pa-cute n'yang ipinaliwanag ang pagkakahawak n'ya sa damit ni Snowy.

Napabulong ako sa sarili ko at nabungisngis, "Ay...confirmed...".

Hindi sumasagot sa sinabi ng siga si Snowy, baka hindi n'ya naintindihan dahil sa sobra-sobrang pilantik kung magsalita ng Ingles si Matong Siga, este Beking Siga.

"I won't put you down back down, because you belong to me! So it is a yes or yes type of question, there's no no-ing, only yes-ing! Get it?" todo sa pilantik ang boses ni Beking Siga na parang hindi dumaan sa pagkabinata kundi sa pagkadalaga, nakaririndi na nga eh.

Tumayo ako at nagpagpag ng damit. Paano ko ba matutulungan si Snowy? Kawawa naman s'ya kung mabahiran na s'ya ng budhi ng mga sigang 'to. Ah! Alam ko na! Sinabihan ko sila na nar'yan na ang mga tanod, at gumana ito! Ibinaba ni Beking Siga si Snowy na s'ya namang hinablot ko sa kamay at tumakbo kami papalayo.

Rinig ko ang inis at galit ni Beking Siga habang kami ay tumatakbo, poot at hinagpis ba? "Hoy! Ibalik mo s'ya dito! Bwisit, boyfriend material na, naging bato pa! Kayo, mga sisters, ibalik n'yo sakin ang anghel mula langit! Transform!" utos n'ya sa kan'yang mga kasama. Hindi ko sigurado kung alagad o kabaro, maganda nang ligtas.

Lumingon kami ni Snowy ng saglit at nakita naming tumatakbo narin sila para habulin kami, pero silang lima ay nakasuot ng kulay rosas at napakahigpit na spandex at mga tiara na naglalakihan. "Hala, and'yan na ang mga maghahasik ng lagim, takbo!" malinaw nga ang pagkakasigaw ko, naintindihan kaya ni Snowy? Para makasiguro na, in-English ko nalang. "Oh my, there na ang those who will spread scare, uhm ano nga pala katumbas ng takbo sa English."

"Hey, whatever you're saying, I cannot understand, but it isn't the time for it, they're coming really fast, so I think we should run!" sabi sa akin ng naghahabol ng hiningang Snowy. Oo nga, Snowy. Sabi ko nga takbo, 'di ba, kaso hindi mo naman naiintidihan diba?

"Run? Run! 'Yun nga ang English ng takbo!" iniulit ko nalang ang salita sa Ingles para maintindihan n'ya.

Siguro medyo may kalayuan narin kami mula dun sa lugar na pinanggalingan naming at sa mga dambuhalang nagdyi-gym na Hello Kitty. Hay, kakapagod tumakbo, parang masmabilis pa sa bullet train ng Japan ang tibok ng puso ko dahil sa ginawa naming.

"Salamat sa pagligtas sakin." paputol-putol at pilit n'yang tinapos ang pangungusap kahit na naghahabol din s'ya ng buhay tulad ko. Aba, sandali lang, matatas? Tuwid ang dila ni Snowy? Hindi ko matatanggap 'yan! Pinahirapan n'ya ako kanina sa pagta-translate ng takbo sa English.

Umupo ako sa sahig at sumunodrin s'ya. Kumuha ako ngdalawang bote ng tubig mula sa aking bag at inalok s'ya ng isa. "Nakakapagsalita ka pala ng Filipino, Snowy. Bakit pinahirapan mo pa ako kanina, grabe ka!" tanong ko sa kan'ya.

Sinagot n'ya ako ng nakangisi. "Eh, walang panahon para intindihin ko pa ang English mo. At isa pa, hindi Snowy ang pangalan ko, Rick."

"Ako si Kevin." pinakamaikling pagpapakilala na ginawa sa buong buhay ko. Sunod kong itinanong ay kung bakit s'ya nakapila kanina sa linya ng rasyon, kung naghihirap na ba s'ya.

"Hindi ako mahirap, gusto ko lang talaga ng makakita ng kakaiba, mga bagay na hindi ko araw-araw na nakikita. Salamat talaga ng marami, patawad kung nadamay ka pa." pinakikinggan ko lamang ang kan'yang sinasabi, iniisip kung 'yon na ba ang huling pagkikita namin ni Snowy, Rick nga pala ang pangalan n'ya.

"Ano, best friends na tayo?" nakangiting itinanong nito sa akin.

"Siyempre naman, bakit hindi? Matapos mo akong pahirapan at matapos kong makita ang mga gahiganteng Hello Kitty." kunwari kong pagtanggi. Tumayo na ako sa pagkakaupo at naglakad papalayo.

Umakbay si Rick sa akin at nangungulit. "Sige na, kahit hindi na best friends, kahit friends nalang. Ano, sounds good?"

"Oo na! Oo na nga, 'di mo ba kuha 'yun?" natatawa kong isinigaw sa kan'ya.

"Yes! 'Di ba ang magkakaibigan, nagdaramayan din?" tanong n'ya sakin, umoo naman ako.

Sabi n'ya sa akin, "Punta tayo kahit saan, damayan mo ako sa pagiging curious."

~ THE END / WAKAS ~

♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦ ♦

You May Also Like