Scent POV
Nakauwi na din ako sa bahay at lubusang nagpapagaling. Araw-araw akong binibisita ni Zion after his work. Laging may pasalubong at may dalang bulaklak.
Pero hindi ko s'ya kinakausap kapag kami na lang dalawa. Kinakausap ko lang s'ya kapag andyan sila mommy.
Tulad ngayon kaming dalawa lang sa garden.
"Scent,gusto mong mamasyal?May alam akong bagong pasyalan."
Hindi ko s'ya sinagot. Nagfocus ako sa pagpindot ng cellphone.
"Scent,kausapin mo naman ako.Sorry na sa mga nasabi ko.Alam mo namang bad mood ako nun dahil sa nalaman ko. Tama ka,ang tanga ko kung babalikan ko pa si Candy.Sorry sa mga nabitawan kong salita sa'yo noon. "
"Alam mo Zion mapapagod ka lang sa paghingi ng paulit-ulit na sorry. Nasabi mo na,nasaktan na ako.Tama ka nga parausan mo lang ako noon. Pero hanggang doon na lang yun, Zion. Alam ko naman na hindi mo ako kayang mahalin. Yes, ang tanga ko diba?
Pero hanggang doon na lang yung pagpapakatanga ko.Don't worry sapat na rin siguro yang mga ginagawa mo para mapatawad kita.
Tama ka, maghanap na lang ako ng ibang mamahalin.Narealized ko na rin na hindi ko pwedeng ipagsiksikan ang sarili ko sayo. Panahon na rin siguro para hanapin ko ulit ang sarili ko. Yung dating ako bago pa kita nakilala. "
"Bakit hindi natin i-try? "
"Ang alin? "Tumikwas kilay ko.
"Bakit hindi natin itry na maging tayo?Baka naman mag work.Susubukan kong mahalin ka."
Tumawa ako ng malakas,tawang nang aasar. "No, Zion.Find another girl na kaya mong bilugin.Ano ako rebound girl? Sinasabi mo yan dahil alam mong may gusto ako sayo.Kabe-break n'yo lang ni Candy tapos ganyan ka na kung makaasta. Alalahanin mo kaibigan ko din si Candy. Huwag ganon,Zion."
"Paano kung sabihin ko sa 'yo na gusto na kita?"
"Syempre hindi ako maniniwala.Gusto mo lang ako sa kama yun lang.Alam ko naman na ang tingin mo sa akin ay isang mababaw na tao lamang."
"Of course not, Scent."
"Anong of course not? Gusto mo pa yata ulit bigkasin ko sayo ng paulit-ulit? "
Tumahimik ang binata. Naupo ito sa carpet tapos bigla ulit nagsalita.
"Sana noon ko pa nalaman na niloloko na ako ni Candy. Sana may nagsabi man lang sa akin na malapit na kaibigan. Pero kahit ni isa wala. Ipinagpasalamat ko na lamang na may konsensya pa rin si Candy at sinabi n'ya sa akin ang lahat. "
Nagpaparinig ba s'ya? Parang may kumurot tuloy sa puso ko.
"Candy told me na kaya ayaw n'yang magkrus ang landas n'yo dahil nahihiya s'ya sayo. Nakita mo s'ya sa Shangri-La na may kasamang lalaki. Bakit hindi mo sinabi sa akin? "
"Dahil hindi ako sigurado kung jowa n'ya yun. Saka ayaw kong manghimasok sa problema n'yo. "
"Ayaw mong manghimasok pero ginulo mo utak ko Scent. "
"Huh. Di nga? "
"Alam mo bang simula nang may mangyari sa atin hanggang sa naulit ng naulit sobrang gulo na ng utak ko. Nanlamig ako kay Candy at nahalata n'ya iyon. Hanggang sa pumunta s'ya sa condo ko nung gabi na yun. Iyak s'ya ng iyak. Akala ko alam n'ya na yung tungkol sa atin pero iba pala ang dahilan kung bakit s'ya iyak ng iyak.Ipinagtapat n'ya lahat sa akin ang mga panloloko n'ya.Hindi na kayang dalhin ng konsensya n'ya.Pinalayas s'ya sa bahay nila dahil nahuli s'ya ni Tito Jhun na may kasamang lalaki sa bahay nila. Isang malaking kahihiyan sa pamilya nila at sa pamilya ko ang nangyari. Kaya nagdecide s'yang sumama kay Lucas pabalik ng Spain at doon na sila maninirahan.Ang hirap lang kasi dahil ang tagal ng relasyon namin ni Candy tapos hahantong lang sa ganito.Hindi ko na nga alam kung paano ko haharapin ang ganitong sitwasyon lalo na at kaliwat kanan ang nagtatanong kung kami pa ba ni Candy, kung naghiwalay na kami, kung totoo bang may iba si Candy or kung totoo bang niloko n'ya ako. "
Kahit papaano lumambot ang puso ko. Naramdaman ko yung sakit na pinagdadaanan ni Zion. Pero hindi ko s'ya nilapitan. Binigyan ko na lamang s'ya ng advice.
"Magpakatotoo ka lang. Hayaan mo sila.Life must go on! Sige papasok na ako sa room ko. "Paalam ko sa kanya. "Next time na lang tayo mag usap. "