webnovel

Kabanata 23

Zion POV

Isang buwan na ang nakakalipas at okay na rin ako.Naka recover na ako sa lahat ng mga nangyari.

Okay na rin kami ni Scent pero bihira lang kaming magkita at kung mag usap man kami ay minuto lamang.Nagkikita lang kami kapag may okasyon gaya ng Family Gathering, may binyag o kasal.

May mga oras na gustong -gusto ko s'yang makita pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil parang ang awkward namang tingnan.

Minsan ini stalk ko s'ya sa social media. Chine check ko kung may boyfriend na s'ya. Hindi ko alam ang dahilan pero pinapanalangin ko na huwag s'yang magkaroon ng boyfriend.

Madaling mahalin ang katulad ni Scent, yun nga lang hindi ko s'ya napansin noon dahil si Candy talaga ang gusto ko at mahal ko.

Minsan nga naisip ko kung si Scent ang naging girlfriend ko tiyak hindi ako lolokohin dahil gustong -gusto n'ya ako. Sabi nga nila, mas masarap mahalin ang taong may gusto sayo kaysa sa taong ikaw lang ang may gusto.

Pero sa nakikita ko ngayon, parang naka move on na si Scent. Wala na yata s'yang nararamdaman sa akin kahit konti man lang.

Natigil ako sa pag iisip ng kumatok ang secretary ko.

"Yes, come in".

"Boss, may naghahanap po kay Mam Scent sa lobby. "

"Sino daw? "Itinutok ko ang tingin sa CCTV. Isang lalaki at tingin ko lamang lang ako ng isang paligo. Manliligaw ba ito ni Scent?

"Clinton Arnaiz daw po. Pero sabi n'ya on the way na daw si Mam Scent. "

"Sa tingin mo Ms. Dela Paz bagay sila ni Scent? "

"Ho, Boss? "

Malamang nabigla ito sa tanong ko.

"Never mind. Sige bababa ako. "

I want to know kung sino si Clinton Arnaiz sa buhay ni Scent.Muli ay tumingin ako sa CCTV at sakto nakita kong hinalikan ni Clinton si Scent sa pisngi at binigyan pa ng bulaklak. Nagmamadali akong sumakay ng elevator. Gusto ko silang makita ng malapitan. Hindi ko alam pero may naramdaman akong kakaiba at hindi ko yun mapaliwanag sa ngayon.

Nadatnan ko sila sa lobby, masayang nag uusap at nagulat pa ako may dalang aso ung Clinton.

Sumingit ako bigla sa usapan nila. Lumapit ako sa tabi ni Scent. "Hello, hi Scent may bisita ka pala. Who is he? "Nakapamulsang wika ko. Nagulat sila sa akin at expected ko na yun.

"Oh hi Zion.Sakto at nandito ka.I want you to meet Dr.Clinton Arnaiz and his pet Paps."

"Hello,Dr.Clinton" masayang bati ko na may halong kaplastikan. "Nililigawan mo ba si Scent?" sabay akbay ko kay Scent at siniko nya naman ako.

"No.Well getting to know each other right now" prangkang wika ni Clinton.Nag eye to eye kami pero natalo niya ako kaya nilingon ko na lang ang cute niyang aso.

"Clint, pasensya ka na kay Zion.Excited lang kasi s'ya na magkaboyfriend ako.You know NBSB ako diba?".

'NBSB pero NBBNV! NBBNV short for NO BOYFRIEND BUT NOT VIRGIN! 'Gusto ko sanang sabihin kaso ayaw ko ngang ipahiya si Scent. Ang bad ko naman kapag ganun!

''Where did you meet? Kailan pa? "Continuous na pagtatanong ko.

"Zion, pwede mamaya ka na lang mag usisa. May pupuntahan pa kami ni Clint. "

"Where? "

"Mag la lunch lang kami p're. "

"Hindi n'yo ako isasama? "

Tinawanan ako ng dalawa at pati aso tinahulan pa ako. Huh, pati ako Ay nagulat sa sinabi ko. Bahala na nga kayo!

"Wag na Zion. Kung gusto mo take out na lang kita? "

"Wag na din at busog pa ako. Anyway dito pa talaga kayo nagkita. "

"Of course. Ito yung address na nakalagay sa calling card n'ya. "Ipinakita pa sa akin ni Clinton ang proof.

"Okay. Enjoy your lunch. "

Hindi ako makapag concentrate sa pinag aaralan kong file ng new client dahil ang nasa isip ko ngayon ay sina Scent at Zion. Tatayo, uupo at maglalakad lakad ako sa office. Para akong siraulo. Pero Okay lang gwapo naman ako.

"Magla lunch lang ba talaga sila?"

Dinampot ko ang cellphone ko pinindot ko ang numero ni Scent kaso unattended ito. Kaya nag decide ako na lumabas ng office at tinawag ko ang secretary ko. Nagulat pa nga ito dahil niyaya ko itong mag lunch.

Nasa loob na kami ng sasakyan ng magsalita ang secretary ko.

"Boss, thank you po ah." Kinikilig ang secretary ko. Halata ko naman na crush n'ya ako.

"May ipapagawa ako sayo bago tayo mag lunch."

"Ano po yun boss? Anything you say, boss. "

"Pumasok ka sa restaurant na hihintuan natin at kapag nakita mo si Mam Scent mo balikan mo ako tapos kakain na tayo. "

"Sige boss."Mabilis pa sa alas kwatro na kumilos ito.

Sa wakas nahanap din namin sa pangatlong restaurant na hinintuan namin si Scent at Clinton.

"Okay lang ba aakbayan kita habang papasok tayo sa restaurant? "

"Boss okay na okay. Kahit pa po ikiss nyo ako. Ay joke lang boss, hehehe. "

"Okay sige pero mamaya na. "

Nang makita kong nakatingin sa direksyon namin sina Scent at Clinton ay bigla kung inakbayan ang secretary ko.

Kunwari hindi ko sila nakita. Dire-diretso lang ang lakad namin ni Miss dela Paz hanggang sa marating namin ang table na para sa amin.

Panay sulyap ko kay Scent pero masyado talaga s'yang busy na makipag kwentuhan kay Clinton. Ni hindi man lang nito magawang sumulyap sa amin.

Ano kaya kong lapitan ko sila?Ano kaya kung sabihin ko kay Clinton na may namagitan na sa amin ni Scent?

Pero para naman akong gago nun. Pero bakit nga ba ako ganito? Nahihiwagaan n din ako sa nararamdaman ko.

Nagseselos na ba ako?

Ito na ba ang senyales na mahal ko na si Scent?

"Boss, type mo ba si Mam Scent? "

"Huwag kang maingay. Hindi ko s'ya type. Order ka na ng gusto mo. "

Tumingin ako sa menu at sumulyap ulit sa kinaroroonan nila Scent. Kitang-kita ng dalawa kong mata na sinubuan ito ni Clinton ng cake.

"Aba may pasubo-subo pang nalalaman" humaba pa nguso ko.

"Boss, may sinasabi kayo? "

"Ah wala naman. Ang sabi ko lang kung masarap ung shrimp paella nila."

"Ah okay boss. Parang hindi kasi kayo mapakali, panay sulyap nyo kay Mam Scent. "

"Binabantayan ko lang s'ya, baka kasi makidnap."Asar na sagot ko.

"Pero bagay sila boss. "

"Hindi, "di ko pag sang ayon. Natahimik naman ang secretary ko, nahalata siguro nito na naaasar ako.

Papalabas na ng restaurant sila Scent at Clinton kaya nagmadali akong nagbilin kay Miss dela Paz.

"Pa take out mo nalang at dalhin mo sa office ang food.Dun nyo nlng kainin. Ito pambayad. "

"Ay boss sige. Ang gulo mo, boss ko! "

Sinundan ko sila ng palihim hanggang sa parking lot. Dinig ko pa usapan nila.

"See you next time,Scent."

"Me too,Clint.Mag iingat ka sa pag drive."

Wow,hindi s'ya ihahatid ng binata.Nagmamadali akong lumapit kay Scent ng makaalis na si Clinton. Mukhang hindi ito nasurprise ng makita ako.

"Nililigawan mo ba si Miss dela Paz? "Ito pa ang unang nagtanong sa akin. Ibig sabihin lang baka sumusulyap din ito ng palihim sa akin kanina.

"Hindi ah. Ikaw nililigawan ka ba ni Clinton? "

"Well, getting to know each other muna.Tara hatid mo ako sa bahay. "

Sumigla ako dahil sa sinabi n'ya tapos humawak pa s'ya sa braso ko.

"So how about us? "Bigla kong naitanong.

"Anong about us? Syempre friends tayo. "Ngumiti pa si Scent, napakaganda ng ngiti.

"Oo nga sabi ko friends tayo."

Next chapter