webnovel

Kabanata 21

Scent POV

"Hoy Zion gumising ka! "Inuga-uga ko s'ya, gumalaw s'ya pero tulog pa rin. "Bumangon ka dyan kung ayaw mong sipain kita! "Pananakot ko, pero iwan kong tatalab sa kanya.

"Ano ba natutulog ako, bukas na lang. Halika nga dito, "bigla n'ya akong hinatak. Bumagsak ako sa tabi n'ya. Niyakap nya ako pero pumalag ako. Ayaw ko nang maging parausan! Galit ako sa kanya! Ano s'ya sinusuwerte? Hindi ko papalampasin ang mga nasabi n'ya sa akin nung nakaraang gabi.

"Bitiwan mo ako. Paano ka nakapasok dito? "Tinalakan ko talaga s'ya ng todo-todo.

"Ano ba Scent ang ingay -ingay mo, "bumangon s'ya at bigla n'ya akong hinalikan sa labi. Yes good kisser s'ya pero hindi pwedeng sa ganitong paraan ay magkakaayos kami.I have my pride also after all.Pinigilan ko ang sarili ko kahit na parang gusto ng malandi kong katawan.Wala ng mangyayari pa sa amin.Tama na ang kalandian ko. Hiyang-hiya na ako sa sarili ko. Bumuntong-hininga ako at naglakas loob na itulak s'ya.

"Why?Hindi mo ba nagustuhan?"Sarcastic n'yang tanong.

Nakatitig pa rin s'ya sa akin. Wala pa naman akong bra, ang nipis pa naman ng damit ko kaya kinuha ko ang kumot at itinakip sa katawan ko.

"Ngayon ka pa ba aayaw kung kailan single na ako? Huwag kang mag astang birhen dahil may kalandian ka rin sa katawan. Huwag kang mag alala,hindi ko na babalikan si Candy. Nakapag isip-isip na ako kagabi bago ako pumunta dito. "Nakatingin pa rin s'ya sa akin.

Naluha na lang ako sa mga sinabi n'yang may laman naman talaga pero parang sobra naman yata.

Hindi pa rin ako maniniwala sa kanya na wala na sila ni Candy. Ang bilis naman magbago ng isip n'ya.Malamang gino good time n'ya lang ako para pumayag ako ngayon na may mangyari sa amin.No! Mukha n'ya. Manigas na junior nya!

Lumapit s'ya sa akin at habang lumalapit s'ya umuurong naman ako hanggang sa ma corner n'ya ako.

Hinawakan n'ya ako sa braso, hindi ako pumalag.Papalag lang ako kapag may ginawa s'yang mali sa akin. Pagkatapos ay nilagay n'ya ang kaliwang kamay sa noo ko.

"Shit Scent ang init mo, may lagnat ka ba?"

Hindi ako sumagot.Pakiramdam ko nga talaga nahihilo ako at nasusuka.

"Uminom ka na ng gamot? "

Tumango lamang ako at ipinikit ang mga mata ko.

May thermometer ka dito? "Itinuro ko lamang ang direksyon kung saan ito nakalagay. Nakuha naman agad nito at nilagay sa kili-kili ko.

Nagulat ito at nagmamadaling nagbihis ng damit at pang ibaba. "Ang taas ng lagnat mo 39 °c! Dadalhin kita sa hospital. "

"No.Kailangan ko lang ng pahinga, "mahinang sabi ko.

"No. Iba na yan. "Kinuha n'ya ang bra ko sa may side table. "Magsuot ka ng bra. "

Sinunod ko naman s'ya at pagkatapos ay binuhat n'ya ako. "Saan mo ako dadalhin? "

"Sa hospital malamang.Baka kung anu na yang sakit mo. "

"Hindi. Pagod lang ako."Pero umiikot na talaga paningin ko. Hindi ko na alam ang sunod na nagyari. Basta kinabukasan nagising na lang ako sa isang malaking kwarto na kulay puti ang pintura.May nakalagay ng swero sa akin.Malamang nasa hospital ako.

"Anak,kumusta na pakiramdam mo? Sobra ang pag alala namin saiyo."

Lumapit sa akin si mommy, mangiyak-ngiyak ito.

"Mom, anong nangyari? "Mahinang tanong ko. "

"Anak,mabuti na lang at nadala ka kaagad dito sa hospital. Ang taas ng lagnat mo, dahil siguro sa sobrang stressed mo sa work. Kinausap ko si Zion na kung pwede bigyan ka ng mahabang leave para makapag pahinga. Pumayag naman s'ya."

"Nasaan si Zion, mom? "

"Pumunta lang saglit sa office pero babalik daw s'ya. Naku anak mabuti na lang at pinatingnan ka namin kay Zion sa penthouse. Hindi mo kasi sinasagot ung tawag namin ng dad ko. Sobra kaming nag alala. "

"Kayo nagbigay ng duplicate key kay Zion? "

"Yes,anak. "

Aba talagang parents ko pa ang nagbigay pahintulot na pumunta sa penthouse ko.

Blessing and disguised pala ang pagpunta ni Zion sa penthouse ko. Anyway ayaw ko ng magtanong pa kay mommy regarding kay Zion. Tama lang yun na nag magandang loob s'ya sa akin. Kung tutuusin nga kulang na kulang pa ito sa mga masasakit na salita na binitiwan n'ya sa akin.

"Kailan po ako lalabas dito, mom? "

"Kapag naubos na ang laman ng dextrose pwede na tayong umuwi. "

Salamat naman kung ganoon. First time ko kaya na ma ospital.Ayaw ko pa naman ng ganitong scenario kasi pakiramdam ko malapit na akong kunin ni Lord.

Bumukas ang pinto at si Zion ang pumasok. May dala itong basket of fruits and fresh flowers. "Good afternoon, tita. "Pagkatapos n'yang I greet si mommy ako naman ang nilapitan n'ya.

"Fresh flowers for you, Scent. Kasing bango ng pangalan mo.Nagdala na rin ako ng fruits.Gusto mo ipagbalat kita?"

Bakit ka ganito sakin Zion? Dahil ba nandito sila mommy kaya ganyan ka sa akin? O baka dahil hihingi ka ng sorry sa akin? Puwes hindi ko pa maibibigay yun dahil hanggang ngayon nangingibabaw ang galit ko sayo kaysa sa nararamdaman ko.

"Thank you pero sana hindi ka na nag abala pa."Pagsusuplada n'ya.

"Hay naku ang maldita mo, Scent. Ofcourse concerned ako sayo. Ayaw kong may mangyaring masama sayo. "

Wow ang plastik mo palibhasa andyan si mommy. Hindi pa rin ako maniniwala sa mga flowering words mo.

"Sige umalis ka na, "mahinang sabi ko sa kanya.

"Hindi pwede. Babantayan kita. "Pagkatapos ay lumapit ito kay mommy. Hindi ko masyadong naintindihan ang pinag uusapan ng dalawa hanggang sa magpaalam si mommy.

"Scent, uuwi muna ako saglit sa bahay. Si Zion muna ang magbabantay sayo. "

"Pero mom----"

"Scent,don't worry. Magpakabait ka kay Zion, okay ?"

Di na ako sumagot dahil si mommy pa rin ang masusunod. Ipinikit ko na lamang ang mga mata ko. Ayaw kong makita si Zion, ayaw kong sabayan ang mga titig n'yang kay lagkit.

Next chapter