webnovel

Kabanata 20

Scent POV

"Gustong-gusto kita, Zion ",mahinang sabi ko sa kanya habang hinahagod ko pa rin ang likod n'ya.

Tumingin s'ya sa  akin. Hinawakan ko ang mukha n'ya. "Mahal kita, Zion. Sa umpisa pa lang gusto na kita. Kaya hindi ko magawang tumingin sa iba dahil ikaw ang gusto ko. Kahit pa sabihing may girlfriend ka na, pumayag pa rin ako na maging chaperone, driver at barkada. Ginawa ko lahat iyon dahil mahal kita. "Naiyak na talaga ako habang sinasabi ko sa kanya ang true feelings ko.

Tumayo si Zion. Dumistansya s'ya sa akin. Lumipat s'ya sa kabilang sofa.

"Tama nga ang hinala ko na may gusto ka sa akin. Bakit ngayon mo lang sinabi ang totoo?. "Parang walang sigla na tanong nito.

"Dahil may girlfriend ka na at kaibigan ko pa.Ayaw kong maging kontrabida."

"Kaya dinaan mo na lang sa ganitong relasyon,friends with benefits? Ayaw mong maging kontrabida pero anong tawag mo sa ginagawa mo? Kontrabida ka, Scent. Iba na lang ang mahalin mo, huwag na ako. Dahil kahit nakipaghiwalay sa akin si Candy, s'ya pa rin ang mahal ko. Ipaglalaban ko s'ya, babawiin ko s'ya sa Lucas na yun.Katawan ko lang ang pwede mong kunin pero yung puso ko hindi pwede."

"Baliw ka nga, tanga ka pa! "Di ko napigilang sigawan s'ya.Lumapit ako sa kanya. Nasasaktan ako sa sinasabi n'ya. After all, si Candy pa rin ang mahal n'ya. Hindi n'ya talaga ako kayang mahalin. Kaya n'ya lang akong paligayahin. Katawan n'ya lang ang napupunta sa akin pero yung puso n'ya kay Candy pa rin.

Kanina para s'yang na bully pero biglang na divert after kong sabihin ang true feelings ko. Bakit ganun, bakit ako pa rin yung talo? Ang sakit kaya sobra.

"How about you? Tanga ka rin diba?

You seduced me at ikaw ang nag offer sa akin ng ganito. Kinagat ko lang dahil sa tawag ng laman. Parausan lang kita, Scent."

Sinampal ko s'ya ng malakas sa kaliwang pisngi dahil sa sinabi n'ya."Damn you, Zion! I hate you!"

Pulang-pula na ang mukha ko sa sakit na nararamdaman. Hiyang-hiya ako sa sarili ko.Pinagdiinan nya pa talaga ang salitang parausan.

Nag walk out ako.

While driving a car iyak ako ng iyak.

Nagsisisi ako kung bakit sinabi ko kay Zion ang true feelings ko.

I hate him so much lalo na sa sinabi n'ya na parausan lang ako.Alam ko may point naman sya sa sinabi nya pero ang sakit talaga bes!

Hindi ako umuwi sa amin,dumiretso ako sa pent house sa may Taguig na regalo sa akin ni Dad.

Umiyak ako ng umiyak.Mugto mga mata ko at paos ang boses ko.Hindi ko nga nagawang kausapin si mommy sa phone kaya nag message na lang ako sa kanya na nasa pent house ako at busy sa pagawa ng report.

Wala akong maayos na tulog.

Kinaumagahan ay hindi ako pumasok sa office dahil nga i'm not feeling well.

Para nga akong may lagnat.Kumain naman ako kahit konti.

Kinuha ko phone ko at nagbasa ng mga messages.May chat si Zion.

Kailangan ko daw pumasok dahil may urgent meeting.May malaking kliyente from Korea daw kasi ang darating.Kailangan lahat ng head ay nandoon.

I just ignored his message.

Bahala s'ya, alam ko naman na kaya n'ya kahit wala ako. S'ya ang CEO/President at ako Vice President lang n'ya.

Ginugol ko ang oras ko maghapon sa pag sketch ng mga design. Hobby ko talaga ito. Kahit papaano nakakatulong sa akin to pantanggal ng stress.

5pm, nagcheck ulit ako ng phone ko. 20missed call from Zion, 5missed call from mom and dad. Sinadya ko talagang naka silent mode ang cp ko maghapon para hindi ako maistorbo sa hobby ko.

5 messages from Zion

Be professional! Kung galit ka sa akin wag mong idamay ang trabaho.

Spoiled brat! Humanda ka kapag nahanap kita.

Wer r u? Gusto kang mameet ng mga Koreans. Susunduin kita.

Ano na? Work related ito kaya wag mong idamay!

I just ignored his messages also.

Nag shower muna ako, nagbihis and then kumain.Tapos back to my room.

Iba talaga pakiramdam ko ngayon kaya kinuha ko ang thermometer. May sinat nga ako.

Uminom ako ng gamot at natulog na.

Pero nagising ako ng mga past 2am dahil naiihi ako. Nagulat ako dahil patay na ang ilaw sa room ko.Ang natatandaan ko hindi ko pinatay ang ilaw.Babangon na sana ako para buksan ang lampshade sa may side table pero laking gulat ko dahil may katabi na ako sa higaan. Kinabahan ako kaya binuksan ko kaagad ang lamp shade.

Tumambad sa akin ang mukha ni Zion na himbing na himbing ang tulog. Naka boxer short lang ito.

Napalunok na lamang ako.

Anong ginagawa nya dito? Paano s'ya nakapasok?

Galit ako sa kanya kaya papanindigan ko 'yun.Wala nang friends with benefits!Hindi na ako magpapaubaya sa kanya.Utak ko na papairalin ngayon total hindi nya naman ako kayang mahalin.

Pagbalik ko galing comfort room ginising ko s'ya dahil gusto kong malaman kung paano sya nakapasok sa pent house ko at gusto kong umalis s'ya dun.

Next chapter