webnovel

Kabanata 19

Scent POV

Maraming beses nang may namamagitan sa amin ni Zion.Palihim akong pumupunta sa condo unit n'ya o kaya naman sa secret room sa office. Pinanindigan ko ang label nang aming relasyon-friends with benefits.

Hard ang pakikitungo sa akin ni Zion. Naawa na nga ako sa sarili ko minsan pero ginusto ko din naman 'to kaya wala akong pinagsisihan lalo na at mahal na mahal ko Zion.

Ang tanga ko diba?Ako lang 'yung nagmamahal sa taong hindi naman ako mahal. Almost three months na kaming ganito ni Zion.

Nagawa ko nang magsinungaling kila mommy. Napapansin kasi nila na minsan ang lalim ng iniisip ko.Minsan lagi akong late umuwi sa bahay at minsan hindi na ako natutulog sa bahay.Pero tanging palusot ko, stress lang, may gimmick lang, nag overtime lang.

Linggo.After kong magsimba, nilibang ko naman ang sarili ko. Nagtravel ako mag isa. First time kong gawin ito. Kaso minalas ako dahil nakasagasa ako ng putting aso. Bigla ba naman kasing tumawid, buti na lang napa preno agad ako. Bumaba ako ng kotse at tiningnan ang aso. Buhay pa ito pero umiiyak.

"Shit, anong ginawa mo sa aso ko? "Galit na wika ng lalaki.Gwapo ang lalaki, matangkad at Moreno. Pero mas gwapo padin si Zion.

"Bigla kasi s'yang tumawid buti na lang nakapreno agad ako. Kung gusto mo dalhin na lang natin s'ya sa veterinary clinic. "

"No. Veterinarian ako kaya ako na bahala sa aso ko. Next time be careful, okay? "

Nakahinga ako ng maluwang, mabait naman pala ito. Kinuha nito ang aso at kinarga tapos kinausap ulit ako.

"Sorry talaga, Mr."

"It's okay. Natakot lang si Paps. "Paps ang pangalan ng aso.

"Pero gusto ko pa ring makasiguro na okay si Paps. "Kinuha ko calling card ko at binigay sa kanya. "Paki inform mo ako about kay Paps.Sige alis na ako.Thank you and sorry talaga."

"Okay sige Miss---"

"Miss Scent Sandoval."

"Nice name.I'm Clinton Arnaiz.Don't worry update kita about kay Paps."

Salamat naman at mabait ang may ari ng aso.Mabuti na rin lang at veterinarian doctor ito.

Nagdrive na ako pauwi ng Maynila,hindi na ako tumuloy sa pamamasyal.Dumaan muna ako sa bar at tamang chill lang.

Nag order ako ng margarita sa bartender, 3 shots lang at pagkatapos dumiretso ako sa condo ni Zion.Nagtext kasi s'ya sa akin. Kailangan n'ya na naman ako, hindi na ako magtataka. Malamang may mangyayari na naman sa amin.

Five minutes lang narating ko na condo nya.

Heto na naman ako mukhang call girl.

Nakapasok na ako sa condo n'ya pero wala s'ya doon.Siguro may binili lang dahil naiwang bukas ang aircon.

Napagod ako at naidlip muna ng konti.Pagmulat ko ng mga mata nasa tabi ko na si Zion,naka boxer short lang ito.Half naked. Napalunok ako ng palihim. Heto na naman yung kahinaan ko,ang lalaking ito!

"San ka galing?"Tanong nya sa akin.

"Sa Tagaytay, nagpahangin lang. Ikaw saan ka galing? "Binalik ko ang tanong sa kanya.

"Hinatid ko si Candy. Galing s'ya dito kanina. "

Tumango lamang ako.Hindi man lang nagkrus ang landas namin ni Candy since nang magkita kami sa Shangri-La na may kasama s'yang lalaki.

"Okay. Uuwi na ako sa bahay. "Medyo may pagtatampo sa boses ko.

"Mamaya na lang please. Kailangan ko ng makakausap. "Sumandig s'ya sa balikat ko.Nanibago ako, tila may problema si Zion at kailangan ng makakausap.

"Why? "

"Nakipaghiwalay na sa akin si Candy, "mahinang sabi n'ya.

Nagulat ako sa sinabi n'ya. Hindi ko alam ang isasagot ko pero bakas sa mukha ni Zion ang lungkot.

Dapat matuwa ako dahil yun din naman talaga ang gusto ko na maghiwalay sila kaso sa hitsura ngayon ni Zion parang bata ito na na bully tapos nakakaawa.

"Bakit? Diba magkaka baby na kayo? "

Halata namang nagsasabi ng totoo ang binata.

"Niloko n'ya ako Scent. Matagal n'ya na pala akong niloloko at inamin n'ya mismo sa akin. Matagal na akong may doubt pero wala akong evidence."

"Sa iyo ba ang pinagbubuntis nya?"

"Hindi.Inamin nya sa akin ang lahat.Nagkaroon sya ng affair sa iba habang nagbabakasyon sya nun sa Spain.Yun ang ama ng ipinagbubuntis nya."

"I really don't know what to say. Basta be strong okay? "Hinagod ko ang kanyang likod. "Mabuti naman at umamin s'ya sayo. Kesa naman kasal na kayo saka mo lang malalaman ang totoo."

"I love her. She's my everything ".

Nabwisit ako sa sinabi n'ya. Kaya naman nagreact agad ako. Napalakas boses ko tapos tumikwas pa kilay ko.

"You love her pero anong ginawa n'ya?, Niloko ka n'ya. Hindi mo s'ya deserve. Kung bakit ba naman kasi ang manhid mo. Hindi mo makita yung taong tunay na nagmamahal sayo. "

Gusto ko ng sabihin sa kanya yung tunay na nararamdaman ko. Ayaw ko nang maglihim pa at pakiramdam ko ito na yung perfect timing.

Next chapter