webnovel

Kabanata 12

ZION POV

Ano na naman kaya ang drama ni Scent ngayon? Hindi n'ya man lang ako magawang batiin ng hi, hello, smile ,kurot at tapik na dati ay ginagawa n'ya sa akin. May saltik talaga s'ya, pero iba yung saltik nya ngayon mas malala.

Pwede din naman siguro na umiiwas na s'ya lalo na at ikakasal na kami ni Candy or baka naman may boyfriend na s'ya at bawal nang makipag close sa mga lalaki lalo na sa akin.Pero kung may boyfriend man s'ya dapat malaman ko dahil friends kami.

Kailangang makausap ko s'ya na kaming dalawa lang dahil alam ko naman na kaya ganito kami dahil sa pagpa frank ko sa kanya.

"Hello, babe.Ang layo na naman ng iniisip mo."Hinalikan ako ni Candy sa lips at tinugon ko naman iyon. Hindi ko napansin na kanina pa pala s'ya nasa tabi ko.

"Hindi naman,babe. Let's go inside naghihintay na sila Luna. "

"Sino pa nandoon, babe? "Humawak s'ya sa braso ko.

"Si Scent nandoon. "

"Si Scent? "Di ko alam ang dahilan pero nagulat s'ya ng marinig ang pangalan ni Scent.

"Oo, babe. Nandito na s'ya sa Manila bumalik s'ya noong Sunday ."

Bigla kaming huminto sa gitna ng hagdan paakyat sa VIP room.

"Is there something wrong, babe? "

"Babe, medyo nahilo ako.Siguro next time na lang. Hatid mo muna ako sa bahay. Dapat nagrerest na kasi ako babe. Next time hindi na ako sasama sa mga bar. Alam mo na magkakababy na tayo. "

"Tama babe. Dapat nagrerest ka na sa mga oras na ito. I told you yesterday na huwag na tayong pumunta dito. "

"Makulit kasi si Luna, hindi ko mahindian. "

"Okay. Let's go, babe. Hatid na kita. "

Wala kaming kibuan sa loob ng sasakyan ni Candy. Nakakapanibago lang kasi ang katahimikan kaya ako na ang unang nagbukas ng usapan.

"Babe, okay ka lang ba? Nahihilo ka pa ba? "

"Yeah of course, babe. Napagod lang talaga ako. May sasabihin pala ako babe. "Humarap s'ya sa akin. Hinawakan ang kanang kamay ko.

"Yes, babe. Tell me. "

"Babe, pwede bang i cancel muna natin ang wedding? Pwede bang pagkapanganak ko na? "

Naipreno ko ang sasakyan.Muntikan nang mahagip ang likuran ng kotse na nasa unahan namin. Mabuti na lamang at hindi mainit ang ulo ng driver.

"Babe, careful."

"Tama ba ang narinig ko? Gusto mong icancel ang kasal natin? Babe, next month na yun. Halos nakaready na lahat saka maliit pa tiyan mo. "Uminit talaga bigla ulo ko.

"Babe, please understand. Pwede pa naman siguro bawiin yung payment. "

"Wala akong pakialam sa usapang pera."

"Babe,I'm sorry. "Umiyak na si Candy kaya naman kumalma ako. Masama sa buntis ang umiyak kaya inalo ko s'ya.

"I'm sorry too, babe. Nabigla lang kasi ako, sige aayusin ko, ako na bahala. Stop crying, babe. "

"Thank you, babe. Ang bait bait mo talaga. "

"Basta babe please take care of yourself and our baby in your womb. I love you, both. "

Naihatid ko na si Candy sa bahay nila.

Tuliro pa rin ang isip ko sa sinabi ni Candy. Hindi ko expected yun at naniniwala ako na hindi lang yun ang reason kung bakit gusto n'yang icancel ang kasal.Ramdam ko na may mas malalim pa s'yang dahilan.

Lately napansin ko lang ang pagbabago sa ugali ni Candy pero hindi ako nag usisa dahil alam ko part lang yun ng pagbubuntis n'ya.

Mahal ko si Candy kaya uunawain ko na lamang muna s'ya.

Hindi ako dumiretso ng uwi sa bahay instead ay nag U-turn ako papunta sa Bar. May dapat pa pala akong ayusin between me and Scent.

Next chapter