Scent POV
Medyo tipsy na ako sa dami ng alak na nainom ko. Pero I can manage pa naman kaya shot pa rin ang lola n'yo.
"Scent, I love it! "Sigaw ni Brenda habang sumasayaw sa dance floor .Bigay na bigay ito. Tipsy na rin s'ya tulad ko. Napagod na ako gumiling kaya niyaya ko na s'ya bumalik sa VIP room.
"Scent, ano ng update? Aalis na lamang ako ng Pilipinas wala ka pa ring jowa! "Pang aalaska sa akin ni Luna.
"Hahahaha, I love being single and easy to mingle."
"Ang labo mo. Oi Brenda, baka naman may lovelife na itong si Scent at sayo lang sinabi? Ibuking mo naman sa amin! ".Si Nicole, ang kaibigan kong boyish pero seductive kong manamit.
"May gusto s'ya pero di -----"
Hayan na muntikan ng madulas si Brenda kaya agad ko s'yang sinaway. Tinakpan ko ng mga kamay ko ang bibig n'ya.
"May gusto s'ya kanino? "Ukray ulit ni Luna.
"Huwag kayong maniwala kay Brenda. Nang gogoodtime lang yan, "saway ko.
"Yeah gino-good time ko lang kayo. Pero ang totoo wala talaga. Tomboy yata yan eh. "
Natawa ako sa sinabi ni Brenda. Mabuti na lamang at nasaway ko.
"Hindi naman ako tomboy. Kailangan ko lang talagang maghintay ng Mr. Right. "
"Mr. Right? Hay naku huwag kang maghanap ng ganon, baka abutin ka pa ng 40 years old".Si Luna.
Laugh out loud ang tropa!
Ang saya ko, ang saya namin. Pero mas lalo yata akong masaya kung si Zion ang Mr. Right for me kaso waley eh.Hindi yata talaga s'ya ang nakatadhana para sa akin.
Hindi na nga s'ya bumalik dito at umuwi na sila ni Candy. Ang mga bwisit na yun, siguro ang saya nila ngayon. Siguro mahimbing na silang natutulog at magkayakap ng mahigpit.
Kainis naman bakit ko pa s'ya iniisip.
Iinom na nga lang ako.
"Cheers, guys! "
"Cheers! "
Biglang bumukas ang pinto at sabay-sabay kaming napalingon.
Si Zion ang bagong dating.May dala itong tequila .
"I'm back! "Sabay ngumiti pa s'ya. Hay ang tamis ng ngiti n'ya, pogi n'ya talaga. Parang gusto ko s'yang salubungin, yakapin at halikan pero di ko magawa dahil hindi ko naman s'ya jowa.
Akala ko pa naman mahimbing na ang tulog n'ya. Akala ko lang pala yun!
"Zion, your back. Teka lang, para kanino ang tequila na yan? "Pag uusisa kaagad ni Luna. Syempre ito yata ang pinakamakulit na kaibigan ko.
"For the beautiful lady from your left. "Lumapit s'ya sa akin at tumabi. "For you, Scent. "
"For me?!" Kinilig ako sa sinabi n'ya pero mas lalo akong kikiligin kung bulaklak ang dala n'ya tapos single s'ya. Pero bakit tequila? Ganon ba ako sa paningin n'ya? Heavy drinker?!
"Yes para sayo. "
Tumikhim bigla si Brenda. Naku lagot baka magdaldal ito. Kaya bago pa ito magdaldal nagsalita na ako.
"Dapat lahat kami meron, ikaw ah may favoritism ka. "
"Of course lahat kayo meron. Pero margarita sa kanila. Diba, guys? "
"Yes! "
"Mabuti naman kung ganun. "Tulad nga ng sinabi nito,pumasok ang isang waiter at dala-dala ang margarita at another tequila.
"Luna, akala ko ba pupunta dito sila Nico at Cabin? Ang daya naman mag isa lang akong lalaki dito. "
"Ayaw mo nun 4n1?haha. 4 girls 1 boy, "saad ni Nicole.
"Wait ka lang, 12midnyt palang. On the way na sila. Hindi sila pwedeng mawala sa jamming na ito. Remember kailangang complete ang tropa. At i-welcome natin si Brenda! "
Luna, Nicole, Nico, Cabin, Zion, Candy and me plus newly in Brendalyn!
Nabuo friendship namin because of our parents.Tulad nga ng nasabi ko before, kailangang friends ang mga anak at magulang.
"Scent, "biglang bumulong sa akin si Zion. Naramdaman ko ang malamig na hininga n'ya sa may punong tainga ko. Shit ung pakiramdam ko parang napapaso ako.
"What is it? "Tipsy na talaga ako lalo na ng uminom ako ng tequila. Bigla akong napasandig sa balikat n'ya.
"Can we talk later? "
"For what reason? "Shit oh, namumungay na mata ko. Pakiramdam ko kami lang dalawa ni Zion sa VIP room na yun.
"Later na okay. Shot pa oh! "
Ganun na nga ginawa ko, shot pa din. Dumating na sila Nico at Cabin. Nakainom na rin ang mga ito kaya konting oras na lang din ang inilagi nila sa bar.
Hanggang sa nagpaalam na si Luna at Nicole. Kami na lang tatlo ang naiwan sa VIP room. Si Brenda, nakapikit na ito sa sulok ng sofa samantalang ako nakasandik na pala ako sa dibdib ni Zion. My gad, hilong-hilo na talaga ako, pakiramdam ko wala na ako sa sarili ko. Nasa espiritu na ako ng alak! Bahala na bukas.Basta alam ko, safe ako kapag si Zion kasama ko.